NANG mag-isa si Aedam sa office, naging mabagal ang takbo ng oras para sa kaniya. Kahit inaabala ang isipan sa trabaho ay hindi pa rin niyang maiwasang isipin ang tungkol sa bata.Sumapit ang ika-lima nang hapon. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang tawag. Kung tatawag pa ba si Meadow."Oh, God! I hate this!" angil niya. Naihilamos ang dalawang palad sa mukha.At six o'clock in the afternoon, his cellphone still didn't ring. Hanggang sa sumapit ang ika-pito nang gabi. Laglag ang balikat na tumayo siya. Inayos na niya ang mga gamit, nagbabalak na lumabas na ng office. "Daddy..." Nagkagulatan pa sila ng buksan niya ang pinto. Bumungad sa kaniyang paningin ang namumungay na mata ni Avi, mukhang kagigising lamang. Lumuhod siya at ipinantay ang katawan sa bata. Ang maliit nitong braso ay pumulupot sa kaniyang leeg."I've missed you, daddy.""Miss mo na ako agad?""Opo, daddy." Hinagkan siya nito sa pisngi. "Uhm, dad, is Tito Drake--" hindi nito itinulo
NANG sumunod na araw ay dumating ang mga kaibigan niya sa opisina. Binibisita si Avi. Tulad nang mga naunang araw, giliw na giliw na naman si Drake sa bata. Hindi na lang niya binigyang-pansin iyon. Naisip niyang binibiro lang siya ng kaibigan. Isa pa'y napakabata pa ng anak niya, ang kaibigan naman ay kaedaran niya. Naging maingay ang buong opisina niya dahil sa tatlo. Maya't maya pa ay pumasok si Tyron, may pinapipirmahan ito sa kaniya. Katatapos lang niyang pirmahan ang isa-submit na request paper ba dala ng kaibigan, para iyon sa new edition ng CromX, nang gambalain siya ng tawag sa private number niya. Unknown number na naman ang nakalagay. Nagsimulang dagain ang dibdib niya. Hindi kaya si Brenda ito? "H-hello!" "Hello po, Sir," sabi ng nasa kabilang linya. Mukhang nagmamadali. Nakahinga siya ng maluwag. Kilala na niya ang boses na iyon. Ewan ba niya, parang tumiim na sa isipan niya ang boses nito. "Si Meadow po ito." "What is it, Meadow?" Ramdam niyang may problem
ALIGAGA si Aedam habang nag-aabang sa pagdating ni Meadow. Nasa tapat siya ng CromX, kasama si Tyron, Kent at si Jack, na kararating lang. Bawat minutong lumilipas ay parang nauupos siyang kandila. Triple ang tibok ng puso niya. "C'mon, Meadow, dumating ka!" sumamo ng isipan niya. "I think she's here," hayag ni Jack na nakatutok ang mata sa 'di kalayuan. Matalas talaga ang mata't pakiramdam ng kaibigan niya. Sinundan niya ng tingin ang mata nito."Oh, God!" Kita niyang lakad-takbo ang babae. Hindi man niya nakikita ang mukha dahil sa nakatakip na sumbrero, alam niyang ito si Meadow. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, sinalubong na niya ang babae. "Aedam!" Mukhang balak siyang pigilan ni Tyron, pero wala na itong nagawa. Malalaki ang hakbang niya patungo sa naglalakad ding babae. Habang papalapit ito'y mababakas sa mukha ang sobrang pagod at takot na ikinahabag niya. "Meadow..." "Sir..." Nang makalapit ay tarantang yumakap ito sa kaniya. Pansin niya ang bahid ng dugo s
NAGISING si Meadow na tagaktak ang pawis kahit malamig ang buong silid. Dumaan sa panaginip niya ang nangyari sa kanila ng pinsang si Brenda. Hindi niya lubos-maisip na hahantong sa pananakit ang lahat, na kaya siya nitong patayin. Si Aedam, ang ama ng kaniyang anak. May malaking dahilan ang pinsan niya kung bakit galit na galit ito sa binata. Hindi rin aksidente ang pagkakapasok niya bilang secretary nito. Ang lahat ay pakana ngA pinsan niya, para raw magkaroon ito ng mata. Pero palagi siyang pinapahiya at pinarurusahan sa trabaho ng binata. Aksidente ring nabuntis siya nito. Itinago niya sa pinsan ang pagbubuntis niya, umuwi siya sa probinsiya at doon iniluwal ang bata. Pero nalaman pa rin ni Brenda. Alam niyang magagalit sa kaniya ang pinsan, kaya't hindi niya inaming si Aedam ang ama ni Avi. Si Rex na kaibigan niya ang ipinakilalang ama nito. Hindi madali ang naging buhay nilang mag-ina. Nakikitira lang siya sa tiyahin, hindi man masama ang ugali pero kapos sa pera. Kung minsan a
Pinatalas ni Aedam ang sarili. Hindi niya maunawan kung bakit hindi siya mapalagay. Parang may nakaambang panganib. Pasakay na sila ng sasakyan, sa bahay ng ama muna sila tutuloy. Habang papauwi ay lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Sinilip niya si Avi na nasa hulihan ng sasakyan, si Meadow nama'y nasa tabi niya. Malalim ang iniisip at nakatanaw sa labas ng bintana. Walang traffic nang oras na binabaybay nila ang daan. Bago nila marating ang subdivision ay may tulay muna silang mararaanan. Malapit na sila. Makakahinga na siya nang maluwag. Ngunit laking pagkakamali niya ang akala, dahil nang nasa tulay na sila'y may sumulpot na isang itim na van. Bumaba ang lalaki, armado ito. Kapwa takot ang bumalatay sa mukha nila ni Meadow. Kung kelang wala ang kaniyang mga kaibigan, kulang nag-iisa siya, saka pa dumating ang kalaban. May sinasabi ang taong nasa labas, mukhang pinapababa sila. Napilitan siyang lumabas nang magpaputok ito. Walang gasinong kabahayan malapit sa tulay, ka
ILANG buwan na ang lumipas, hindi pa rin makalimutan ni Aedam ang nangyari kay Meadoy, lalo na ang kaniyang anak. Palagi itong nakatitig sa kawalan, kung minsan ay nahuhuli niyang umiiyak. Hindi na rin ito gasinong nagsasalita. Na-trauma ito sa nangyari. Pinilit niyang pagaanin ang kalooban nito. Araw-araw niyang pinapadalaw si Drake at ang iba niyang kaibigan para lang muli itong sumaya. Hindi siya sanay na makitang malungkot ang bata. Tuwing wala siyang pasok ay ipinapakonsulta niya ito sa isang psychi"trist at unti-unting nakarecover ang bata. Isinasama pa rin niya ito sa office para malibang at tulad ng nakasayanan, may dalang Jollibee ito. Si Tyron ay apple. Si Kent ay ice cream. Pizza naman ang kay Jack. Si Zeus, mga bagong doll at iba pang laruan. Tulad nng araw na 'yon, nasa office na naman niya ang mga kaibigan, inaaliw ang kaniyang anak. "Wow! Ang dami naman po!" bulalas ng bata. May ningning na sumilay sa mata nito, na sobra niyang ikinasaya. Mukhang naka-recover na na
"DADDY!"Sinulyapan ni Aedam ang anak. Patakbo itong lumalapit sa kaniya. Nakabuka ang dalawang braso. Dahil doon ay nagsi-arkuhan ang kilay niya. Ilang beses na niyang pinagsasabihan ang anak na huwag tumakbo kung 'di naman kailangan, pero ayaw siyang pakinggan. Naglalakad siya sa lobby area ng CromX nang salubungin siya nito."Dad, I got a perfect score," pagmamalaki nito. Binuklat ang case at dinampot ang papel. Mabilis siyang pumantay rito. Lumaki ang ngiti niya matapos masilayan ang perfect score ng anak. Pansamantala ay nakalimutan niya ang ginawa nito. "Wow! Ang galing naman ng anak ko," puri niya. Niyakap at hinagkan niya ito sa pisngi. "Let's celebrate! Saan mo gustong pumunta? Gusto mong mag-mall tayo?""Punta na lang po tayo kay mommy." Nakita niya ang lungkot sa mata nito at ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi ay unti-unting nawala. Two years na mula nang mawala si Meadow, pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Alam niyang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin
PATULOY na lumuluha si Avi at sa bawat hikbing naririnig ni Aedam ay parang sinasakal siya. Nahihirapan siyang huminga. Sa murang isipan ng anak ay nasaksihan nito ang malagim n nangyari na kumitil sa buhay ng ina. Paano niya papawiin 'yon sa isipan ng anak? He took a deep breath. Tiningala ang kalangitan. Kahit siya'y hindi rin mapigil ang panunubig ng mata. Two years na ang lumipas pero sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang lahat ng nangyari. Sobrang sakit pa rin. Hindi niya matanggap na maagang nawala si Meadow nang dahil sa kaniya. Hindi matanggap na maikling panahon lang ang inilaan ng tadhana para sa kanila. Hindu man lang niya nagawang humingi ng sorry sa mga nagawang pagkakamali noon. Hindi man lang nito nakitang muli ang kaniyang ama. Ilang minuto lang ang itinigal nila sa tulay, nagyaya na rin agad ang kaniyang anak. Sa bahay pa rin ng ama sila tumutuloy, ayaw silang paalisin nito. Hindi rin naman niya gustong iwan mag-isa ang kaniyang ama. Tiyak na maiinip ito kapag lumay
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang
NAKATULOG na si Avi habang hawak ang kamay ni Meadow. Ang mga kaibigan ni Aedam ay nagsiuwi na, pero nangakong babalik kinabukasan. Nagpapasalamat siya dahil hindi iniwan ni Drake ang kaniyang anak. Ang anak nadamay sa sigalot na napasukan niya. Dalawang taon niyang hindi ito nakapiling. Alam niyang nagdusa rin ito tulad niya, mas matinding paghihirap pa ang pinagdaanan nito. Ramdam niyang na-trauma ito sa nasaksihang pagbaril sa kaniya. May sinabi pa ang ama nitong pinatingnan ito sa psychiatrist. Nangingiting hinahaplos-haplos niya ang buhok, maging ang pisngi nito. "Ang laki mo na, 'nak." Ngayong bumalik na ang kaniyang alaala, sisiguraduhin niyang mapupunan ang mga oras na nagkawalay silang mag-ina. Ibibigay niya ang lahat dito. Ang tagal niyang tila nagngapa sa ditna ng karimlan, pinsan at ang lugar kung saan nag-ugat ang lahat, doon pala manunumbalik ang kaniyang nawalang memorya. Ang bahay na 'yon, tahanan dati ni Brenda at ng magulang nito. Maraming beses siyang isinama ng
MATAPOS dalahin sa presinto si Brenda ay binalikan ni Aedam at Meadow si Avi, kasama rin nila si Zeus. May sariling sasakyan ang huli kaya, silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan. At habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang magtanong."How are you feeling?" Ibinaling ni Meadow sa kaniya ang paningin at saka'y payak na ngumiti. "I'm fine."Alam niyang hindi. Base sa naging diskusyon nito at ni Brenda ay bumalik na ang alaala nito. He tried to reach her hand. Nakaawang ang bibig nang tumingin ito sa kaniya, halatang naguguluhan."I'm sorry.""Para saan?"Sinulyapan niya ito. "Coz, I know, I am the reason why you suffered." Hagyang gumaralgal ang kaniyang tinig. Para siyang babaing anumang oras ay pipiyok at luluha na. Pansamantalang ihinimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I know you're confused and don't want to talk about what happened," inapuhap niya ang isa pang palad nito. "Pero hihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Si
"HINDI ako ang ama ng ipinagbuntis mo, Brenda!" baritonong tinig ni Aedam matapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Brenda. Ngumisi ito. "Alam ko namang itatanggi mo siya at wala na rin akong pakialam kung ayaw mo sa kaniya, dahil wala na siya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nagalit ang parents ko sa akin!" "Ate Brenda, please, tama na! Pakiusap, itigil mo na ito." "Shut up!" asik nito. "Pinagkatiwalaan kita, Mariz. Kundi dahil kay Mommy, wala ka ngayon sa posisyon mo. Itinuring kitang kapatid, tapos ito pa ba ang igaganti mo?" "Huwag mong isumbat ang mga naitulong mo sa kaniya," aniya na magkasalubong ang kilay. "Hindi tulong ang tawag diyan." "Shut up, Aedam! Huwag kang magsalita na akala mo'y napakabuti mo, dahil hindi. Masama kang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko." "Tsk. Why are you blaming me? It's your fault, because you became obsessed!" Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo, dahil naging obsessed ka!" gi
HINDI makapaniwala si Brenda sa nalaman. May dahilan pala ang pagpupumilit ng kaniyang amang ipakasal siya. Ayon sa kaniyang ina, may pagkakautang ang ama niya kay Mr. Santillan. Pumayag si Darwin sa gusto nitong huwag nang bayaran pero ang kapalit ay pagpapakasal sa anak nito. At dahil hindi siya pumayag, ngayo'y nalalagay ang negosyo nila sa alanganin, bukod pa roon ay kinasuhan ang ama niya ng taong pinagkautangan nito. "Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin, Mom?" "Your daddy doesn't want to tell you the real reason, 'nak. Another reason, ayaw niyang malaman ng ibang mga kaibigan niya na lubog na tayo sa utang. Na mawawala na sa atin ang negosyong matagal nang ipinundar ng daddy mo?" Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano na? Mawawala ang negosyo nila, ang tanging pinagkukunan nila ng salapi. Ano nang mangyayari sa kaniya? Maghihirap ba sila? Tiyak na pagtatawanan din siya ng mga kaibigan niya kapag nalamang naghihirap na sila. "No! It can't be!" hiyaw ng is
NINE in the morning na nang makabalik si Brenda sa mansiyon. May naabutan siyang kausap ng ama. Tinawag siya nito at kahit ayaw niyang makipag-usap ay napilitan na ring siyang humarap sa mga ito. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa sofa, ang isa pala roon ay ang ipinapakasal sa kaniya. Ang isa nama'y ang magulang nito. "Anak, we have decided that in two months you will get married."Nanlalaki ang matang tumitig siya sa ama. Gusto sana niyang magprostesta, tumanggi, pero wala siyang magawa. Naging sunod-sunuran na naman siya sa kagustuhan ng ama. Subalit, hindi siya susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang karapatan. Nang dahil sa kinakaharap na suliranin ay panandaliang nakalimutan niya ang nangyari. Sinuri niya ang sinasabing kaniyang mapapangasawa, mula dulo ng buhok hanggang sa dulo ng suot na sapatos. Titig pa lang ay halos masuka na siya, bukod sa kakaibang estilo ng pananamit ay ubod pa ng laki ang katawan nito. Kapag umibabaw ito sa kaniya'y tiyak na hindi siya m
ISANG mahabang diskusyon ang namamagitan kay Brenda at Darwin, ama ng dalaga. May gusto itong ipagawa sa kaniya, bagay na hindi niya sinasang-ayunan. "Bakit ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto?" "Coz I know what is best for you, Brenda! At iyon ay ang pakasalan siya." "Best?" Ngumisi si Brenda. "Are you sure of that, Dad? Sa akin nga ba o para sa iyo?" Muli siyang napangisi. "Alam ko naman ang tunay mong dahilan, dad, kaya huwag mo akong gawing kasangkapan sa kayabangan mo!" Lumagapak ang palad ng ginoo sa pisngi niya. Pakiramdam niya'y tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na natamo. Napatayo ang ina niyang kanina pa lumuluha sa sulok. Ngunit, alam niyang wala rin itong magagawa, kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lamang kita! Whether you like it or not, you're going to marry him, as soon as possible!" hiyaw ng kaniyang ama, pagkatapos ay tinalikuran siya. Iniwan siyang tila naka-hang sa hangin. Awang
GULONG-GULO ang isipan ni Meadow. Kasalukuyang binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada, pero hindi niya alam kung saan sila patungo. Ang mga binitiwang salita ni Aedam ang nagpapagulo sa kaniya. Pakakasalan siya nito? Sinabi ni Rex na ito raw ang fiance niya. At ang lalaking kasama niya ay sinasabing ama ng anak niya, na nagsabing pakakasalan siya. Bakit? Malamang na mahal siya nito. Nais niyang pukpukin ang sarili dahil sa lumalabas sa isipan. "Pero, may anak kami. Sapat na sigurong basehan iyon para maniwala ako sa pangako niya," bulong niya. "What did you say?"Bigla siyang natauhan. Nakadama ng hiya matapos mapagtantong narinig nito ang sinabi niya. Nagkunwari na lang siyang walang sinasabi. "H-huh?" "May narinig ako pero hindi malinaw, ano iyon?" "Hah! Ahm, w-wala 'yon." Bagama't nakatuon ang atensiyon nito sa tinatahak na kalsada'y manaka-nakang sumusulyap ito sa kaniya. "Sabi ko, sana'y bumalik na ang alaala ko. Ang hirap na para kang nangangapa sa gitna ng kadilim