ILANG buwan na ang lumipas, hindi pa rin makalimutan ni Aedam ang nangyari kay Meadoy, lalo na ang kaniyang anak. Palagi itong nakatitig sa kawalan, kung minsan ay nahuhuli niyang umiiyak. Hindi na rin ito gasinong nagsasalita. Na-trauma ito sa nangyari. Pinilit niyang pagaanin ang kalooban nito. Araw-araw niyang pinapadalaw si Drake at ang iba niyang kaibigan para lang muli itong sumaya. Hindi siya sanay na makitang malungkot ang bata. Tuwing wala siyang pasok ay ipinapakonsulta niya ito sa isang psychi"trist at unti-unting nakarecover ang bata. Isinasama pa rin niya ito sa office para malibang at tulad ng nakasayanan, may dalang Jollibee ito. Si Tyron ay apple. Si Kent ay ice cream. Pizza naman ang kay Jack. Si Zeus, mga bagong doll at iba pang laruan. Tulad nng araw na 'yon, nasa office na naman niya ang mga kaibigan, inaaliw ang kaniyang anak. "Wow! Ang dami naman po!" bulalas ng bata. May ningning na sumilay sa mata nito, na sobra niyang ikinasaya. Mukhang naka-recover na na
"DADDY!"Sinulyapan ni Aedam ang anak. Patakbo itong lumalapit sa kaniya. Nakabuka ang dalawang braso. Dahil doon ay nagsi-arkuhan ang kilay niya. Ilang beses na niyang pinagsasabihan ang anak na huwag tumakbo kung 'di naman kailangan, pero ayaw siyang pakinggan. Naglalakad siya sa lobby area ng CromX nang salubungin siya nito."Dad, I got a perfect score," pagmamalaki nito. Binuklat ang case at dinampot ang papel. Mabilis siyang pumantay rito. Lumaki ang ngiti niya matapos masilayan ang perfect score ng anak. Pansamantala ay nakalimutan niya ang ginawa nito. "Wow! Ang galing naman ng anak ko," puri niya. Niyakap at hinagkan niya ito sa pisngi. "Let's celebrate! Saan mo gustong pumunta? Gusto mong mag-mall tayo?""Punta na lang po tayo kay mommy." Nakita niya ang lungkot sa mata nito at ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi ay unti-unting nawala. Two years na mula nang mawala si Meadow, pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Alam niyang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin
PATULOY na lumuluha si Avi at sa bawat hikbing naririnig ni Aedam ay parang sinasakal siya. Nahihirapan siyang huminga. Sa murang isipan ng anak ay nasaksihan nito ang malagim n nangyari na kumitil sa buhay ng ina. Paano niya papawiin 'yon sa isipan ng anak? He took a deep breath. Tiningala ang kalangitan. Kahit siya'y hindi rin mapigil ang panunubig ng mata. Two years na ang lumipas pero sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang lahat ng nangyari. Sobrang sakit pa rin. Hindi niya matanggap na maagang nawala si Meadow nang dahil sa kaniya. Hindi matanggap na maikling panahon lang ang inilaan ng tadhana para sa kanila. Hindu man lang niya nagawang humingi ng sorry sa mga nagawang pagkakamali noon. Hindi man lang nito nakitang muli ang kaniyang ama. Ilang minuto lang ang itinigal nila sa tulay, nagyaya na rin agad ang kaniyang anak. Sa bahay pa rin ng ama sila tumutuloy, ayaw silang paalisin nito. Hindi rin naman niya gustong iwan mag-isa ang kaniyang ama. Tiyak na maiinip ito kapag lumay
MALAKI ang ngiting nakapaskil sa labi ni Aedam habang nakamasid sa anak. Hilig nito ang sumayaw. Bago matulog ay hindi nito nakaliligtaang humarap sa full length mirror na ipinalagay niya sa kaniyang silid. Kumikembot-kembot ang katawan nito at kung minsan ay sinasamahan pa ng kanta. Hindi niya ito pinagbabawalan sa kung anong gustong gawin, importante sa kaniya ay masaya ang anak sa ginagawa. Lahat ng makabubuti sa bata ang ibinibigay niya. Dapat na ba niyang palakpakan ang sarili sa pagiging isang huwarang ama?Huminto na ito. Mukhang tapos na ang pakikipagkompetinsiya sa salamin. Tinungo na ng anak ang center table, na kung saa'y nandoon ang milk na iinumin nito. Nang matapos ay nagtungo na sa gilid ng kama. Nakasanayan na rin nito ang mag-pray bago matulog, minsan ay sinasabayan pa niya.Sa silid pa rin niya ito natutulog. Ayaw niyang ipalipat ang anak sa ibang room. Dati, hindi siya sanay na katabi ito, ngayon, hindi na siya sanay na hindi katabi ang anak. Natutuwa siya sa tuwin
SA mga araw na lumilipas, nasanay na si Aedam na maagang gumigising. Siya ang naghahanda ng uniform na susuotin ng anak, at tsini-check din niya ang pagkaing aalmusalin nito. Maging ang assignment na ginagawa nila sa office ay pinapasadahan niyang muli. Sinisiguradong nasa maayos ang lahat, tulad nang umagang 'yon, paulit-ulit na tinitingnan ang gamit ng anak at nang masiguradong nasa tama ay saka pa lang siya napanatag ang isipan. Sumunod ang unifom, kinuha nito 'yon sa walk-in-closet, inilapag sa pahabang sofa, ingat na ingat na huwag magusot, saka'y maingat na lumabas ng silid. Bago niya isinara ang pinto ay sinulyapan muna niya ang nahihimbing pang anak. Nagtuloy siya sa kitchen. Naabutan niyang nagluluto si Eliza. Ham and hotdog ang kaniyang nakita, nakaayos na rin ang baunan nito. Lihim siyang napangiti dahil sa ugali ng nag-aalaga sa anak niya. Mabuti itong kasambahay. Lahat ay nasa maayos lalo na pagdating sa kaniyang anak. Tinungo niya ang fridge, kinuha ang fresh milk at
LULAN na sila ng sasakyan patungong school. Nawala na sa utak niya ang sinabi ng anak. Ngayon ay masiglang kumakanta na naman ito, sumasabay sa tugtog ng sasakyan. Matapos niyang ihatid si Avi sa school, dumaan siya kay Jack. Ibinilin niya rin ang anak dito. Nagpadag siya security para rito. Sure naman siyang hindi pababayaan ng kaniyang mga kaibigan ang bata, pero sadyang hindi matatahimik ang utak niya. Iba pa rin 'yong nasa tabi siya ng anak. Sa pagdating niya sa office ay nandoon na si Tyron. Sinabi nito ang dapat niyang gawin. Ngayon ay nagdadalawang-isip siya. "P're, may suggestion ako." "What is it?" "What if, ikaw na lang ang pumunta sa probinsiya?" Tyron eyebrows met. "Am I the CEO of this company?" Tumabingi ang labi niya't napakamot. "Eh, kasi, I'm just thinking about Avi. Hindi iyon sanay na wala ako," reklamo niya. "We will take care of your daughter. Don't worry, and besides, Tito Damin is also there." Lumaylay ang kaniyang balikat. Wala na talaga siyang
"DADDY, aalis ka po?" Dumoble ang pangamba ni Aedam. Kanina pa niya pinag-iisipan kung anong paalam ang sasabihin niya sa anak. At ngayon ay nakita nito ang mga gamit niya. Nilingon niya ito. Kita niya ang pagtataka sa mukha ng anak. Alam niyang iiyak si Avi kapag umalis siya. Ipinantay niya ang katawan dito. "Baby, ilang araw lang na mawawala si Daddy. May aasikasuhin lang ako." Masuyong haplos ang kaniyang iginawad sa pisngi ng anak. Rumihistro sa bagong gising nitong mukha ang lungkot. At tulad nang dati, nakabahad ang natuyong laway sa gilid ng labi. Sabog-sabog din ang buhok. "Anak, may work si Daddy. Don't worry, I call you every hour." "Every hour?" Natigilan siya't napaisip. Hindi nga pala puwede, lalo na kung nasa school ito. Niyakap na lang niya ito. "Tatawagan na lang kita kapag free ako, anak. For now, kailangan kong pumunta sa malayo kasi may work si Daddy. Big girl ka na, 'di ba?" Umangat ang katawan niya, tinitigan ang mukha at saka ngumiti. "Smile ka
NINE in the morning, his things are ready. Avi was on her lap. Yakap-yakap niya na para bang magkakawalay sila nang mahabang panahon. Dumating na ang hinihintay niya... si Tyron. Kasama nito si Drake at Zeus. And as usual, his friends brought a food for his daughter. Mukhang panuhol ng mga ito kapag umalis na siya. "Good morning, dude. Good morning, Avi," may ngiting bati ni Drake. "Anong maganda sa umaga kung ikaw rin lang ang makikita ko?" Daig pa niya ang babaing naglilihi nang makita ang kaibigan. Nagsusungit na naman. Hindi ito nagsalita, bagkus ay nginisihan lang siya, saka'y kinuha si Avi. "Baby, mayroon bang dalaw ang daddy mo ngayon?" pabulong na sabi ni Drake ang sinabi, idinikit pa ang bibig sa tainga ng anak, ngunit dinig din naman niya.Sinamaan na lang niya ito ng tingin. Ibinigay sa kaniya ni Tyron ang details tungkol sa lupa. Hidalgo ang nagmamay-ari. Yumao na ang ama kaya ibinibenta ng panganay na anak, at tanging ang nakababatang anak ang namumukod-tanging hind
HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iyon mangyayari. Kasalukuyan niyang sinusuri ang kaniyang wedding gown, simple lang ito. Kahit anong udyok ng kaniyang isipan na suotin iyon ay hindi niya ginawa. Naniniwala siya sa pamahiin. Yari sa mamahaling tela ang isusuot niya, nagtalo pa sila ni Aedam kung bakit iyon ang pinili nito. Okay na sa kaniya 'yong simple lang.Ilang beses niyang pinasadahan ng malalantik na daliri ang tela. Mas malambot pa sa kamay niya. Nang walang anu-ano'y may matinis na boses siyang narinig."Mommy..." Nilingon niya ito. Tumatakbo palapit sa kaniya, ngunit unti-unti ring bumagal nang makita ang gown na naka-display. Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng anak."Wow, mommy, ang ganda po!" buong paghangang
HINDI mapuknat-puknat ang nakaukit na ngiti sa labi ni Meadow at pinakatitigan n'ya rin ang suot na engagement ring. Kagabi lang ay nag-propose si Aedam at ngayon ay bumili ito ng singsing. "Ang ganda po, mommy!" buong paghangang sambit ni Avi. Ang mata nito'y nangingislap na nakatutok sa suot niyang singsing."Nagustuhan mo ba, anak?""Opo." Nakangiti itong tumitig sa kanya. "I love you so much, mommy.""I love you more, anak."Yumakap ito sa kaniya. Mas tuwang-tuwa pa ang anak niya sa nalalapit nilang kasal ni Aedam. At humihirit pa ito, gusto na raw ng kapatid. Sa loob ng dalawang buwang paghahanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ay naging abala si Meadow. Sa kaniya ibinigay ni Aedam ang pangangasiwa sa kanilang kasal. Siya ang naglilista ng pangalan na kanilang magiging bisita. Siya rin ang humanap ng mag-ca-cater. Ilang araw bago sumapit ang kanilang kasal ay may tao siyang binisita, isinama niya si Avi at kahit ayaw ni Aedam ay napilitan na rin ito. Nakaupo silang m
HINDI pa rin maka-move on si Aedam sa nawalang singsing. Imagine, nagkakahalaga ito ng twenty thousand pesos at sa isang iglap ay naglaho na parang bula. Pero, balewala naman ang pera, sisiw lang 'yon sa kaniya, ang iniisip lang niya ay walang kapares ang singsing na 'yon. Maganda at simple, kaya nagustuhan niya. Tiyak na magugustuhan rin iyon ni Meadow. Kung bakit naman kasi napakakalat niya at malilimutin pa! "Anong ginagawa mo rito?"Nasa terrace siya ng mansiyon at minamasdan ang tahimik na paligid. Nilingon niya ang nagsalita. Saka'y ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ibinuka niya ang dalawang braso habang hinihintay ang paghinto nito sa kaniyang tapat. Naunawaan iyon ni Meadow, agad itong sumilid sa matiponong braso niya."Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong nito. "Hindi ka pa ba inaantok?""May iniisip lang ako." Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at inamoy-amoy na parang bulaklak."What are you thinking, hmm?" Gumanti ito ng yakap, ang mukha ay nakasubsob sa kaniyang dibdib.
MANAKA-NAKANG pagsulyap ang ginagawa ni Aedam sa katabi. Tahimik lang itong nakamasid sa binabagtas nilang daan. Simula nang lumabas sila sa provincial jail ay wala na itong kibo. Aminin man niya o hindi, may kirot siyang naramdaman nang magtanong siya tungkol sa nararamdaman nito para kay Rodolfo. Dalawang taong nakasama ni Meadow ang lalaking 'yon at natatakot siyang isipin na may nararamdaman ito. He sighed. He tried to remove what was bothering his mind. Ngayong bumalik na ang alaala ni Meadow, he has nothing to worry about that. Isa pa'y hindi tunay itong asawa ni Rodolfo. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang iaalok niyang kasal dito. Sana lang ay pumayag ito. He reached her palm and brought it to his lips. Salubong ang kilay nang tingnan niya si Meadow. Nginitian niya ito. "I love you, my Meadow. You're mine and I'm only yours." Hindi ito tumugon, bagkus ay umawang lang ang bibig. Hanggang sa marating ang lugar na pagtatayuan ng CromX ay hindi na niya binitiwan p
NANGINGINIG at hindi halos maihakbang ni Meadow ang mga paa papasok sa provincial jail. Ang araw na iyon ang itinakda para magkausap sila ni Rodolfo, ang lalaking nagsabing asawa niya, ang lalaking nagpahirap sa kaniya. Kapag sinasaktan siya nito'y halos mawalan na siya ng hininga. "Are you okay?" Nilingon niya ang nagsalita. "A-Aedam..." Nakaantabay lang ito sa likuran niya. "Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Mahihirapan ka lang. Marami pa namang pagkakataon, e." Hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad. Napilitan siyang ngumiti. "Okay lang. Nandito na rin naman tayo, e. Kinakabahan lang talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kung sisigawan ko ba siya, o sasampalin?" Napahinga ito ng malalim. Ang titig nito'y parang sinusuri siya hanggang sa kailaliman ng kaniyang katawan. "Can I ask you something, baby?" Maang na tumitig siya rito. Bakit biglang may nagrambulan sa kaniyang dibdib? "Y-yes? A-ano 'yon?" nauutal niyang tugon. "Minah
"HEY, what's up, dude!"Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa. "Busy?""Uhm, oo. Kaya kung aabalahin niyo ako, makakaalis na kayo," biro niya. Ilang araw na simula nang lumabas si Avi sa hospital, ilang araw na rin siyang tutok sa trabaho, isa pa ay nalalapit na ang pagpapatayo ng branch ng CromX sa Lucena. Tulad ng ipinangako niya kay Meadow, sasamahan niya papunta roon, kaya ngayon ay hindi na siya umaalis sa kaniyang office."Ang harsh mo talaga," tinig ni Kent, na sinabayan ng pasalampak na upo sa bangkong nasa unahan ng kaniyang mesa.Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa tinatapos na gawain. "Tsk. Zeus, bakit pa pala tayo nagpunta rito? Busy at hindi puwedeng abalahin pala ang tao rito."Napaangat ang kilay niya, sinun
NAKATUNGHAY si Meadow sa harapan ng magarang mansiyon. Ang kanilang anak na kanina pa hindi maubos-ubos ang sinasabi ay hinihila na ang kamay niya papasok. Si Aedam ang nagbitbit ng mga gamit nito at ang mga kaibigan nito'y nauna nang dumating."Mommy, lets go na po. Ipakikila kita kay Yaya Eliza ko and Manang Laura, Ate Danica." Nasa mukha ni Avi ang sobrang kaligayahan. Siya man ay kasiyahan ang nararamdaman. Dalawang taong nawalay sa mahal na anak, pinagsamantalahan ang nawalang memorya niya. Nakaranas ng kalupitan sa hindi kilalang tao and finally, nakabalik na siya. Nakabalik na sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.Hinayaan niya ang anak na hilahin siya. Habang naglalakad papasok ay panay tawag ito. Hindi n'ya tuloy napagmasdan ang paligid. Humantong sila sa kitchen. Malawak ang lugar at kung ihahambing ay para nang isang bahay ng ordinaryong tao. May dalawang mataas na fridge. Maraming cabinet at sa tingin niya'y doon nakalagay ang mga pinggan. "Ate Eliza, she's my
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang