Note; Pasensiya na po kung natagalan ang update ko. Thank you sa mga nagbabasa. God bless!
Pinatalas ni Aedam ang sarili. Hindi niya maunawan kung bakit hindi siya mapalagay. Parang may nakaambang panganib. Pasakay na sila ng sasakyan, sa bahay ng ama muna sila tutuloy. Habang papauwi ay lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Sinilip niya si Avi na nasa hulihan ng sasakyan, si Meadow nama'y nasa tabi niya. Malalim ang iniisip at nakatanaw sa labas ng bintana. Walang traffic nang oras na binabaybay nila ang daan. Bago nila marating ang subdivision ay may tulay muna silang mararaanan. Malapit na sila. Makakahinga na siya nang maluwag. Ngunit laking pagkakamali niya ang akala, dahil nang nasa tulay na sila'y may sumulpot na isang itim na van. Bumaba ang lalaki, armado ito. Kapwa takot ang bumalatay sa mukha nila ni Meadow. Kung kelang wala ang kaniyang mga kaibigan, kulang nag-iisa siya, saka pa dumating ang kalaban. May sinasabi ang taong nasa labas, mukhang pinapababa sila. Napilitan siyang lumabas nang magpaputok ito. Walang gasinong kabahayan malapit sa tulay, ka
ILANG buwan na ang lumipas, hindi pa rin makalimutan ni Aedam ang nangyari kay Meadoy, lalo na ang kaniyang anak. Palagi itong nakatitig sa kawalan, kung minsan ay nahuhuli niyang umiiyak. Hindi na rin ito gasinong nagsasalita. Na-trauma ito sa nangyari. Pinilit niyang pagaanin ang kalooban nito. Araw-araw niyang pinapadalaw si Drake at ang iba niyang kaibigan para lang muli itong sumaya. Hindi siya sanay na makitang malungkot ang bata. Tuwing wala siyang pasok ay ipinapakonsulta niya ito sa isang psychi"trist at unti-unting nakarecover ang bata. Isinasama pa rin niya ito sa office para malibang at tulad ng nakasayanan, may dalang Jollibee ito. Si Tyron ay apple. Si Kent ay ice cream. Pizza naman ang kay Jack. Si Zeus, mga bagong doll at iba pang laruan. Tulad nng araw na 'yon, nasa office na naman niya ang mga kaibigan, inaaliw ang kaniyang anak. "Wow! Ang dami naman po!" bulalas ng bata. May ningning na sumilay sa mata nito, na sobra niyang ikinasaya. Mukhang naka-recover na na
"DADDY!"Sinulyapan ni Aedam ang anak. Patakbo itong lumalapit sa kaniya. Nakabuka ang dalawang braso. Dahil doon ay nagsi-arkuhan ang kilay niya. Ilang beses na niyang pinagsasabihan ang anak na huwag tumakbo kung 'di naman kailangan, pero ayaw siyang pakinggan. Naglalakad siya sa lobby area ng CromX nang salubungin siya nito."Dad, I got a perfect score," pagmamalaki nito. Binuklat ang case at dinampot ang papel. Mabilis siyang pumantay rito. Lumaki ang ngiti niya matapos masilayan ang perfect score ng anak. Pansamantala ay nakalimutan niya ang ginawa nito. "Wow! Ang galing naman ng anak ko," puri niya. Niyakap at hinagkan niya ito sa pisngi. "Let's celebrate! Saan mo gustong pumunta? Gusto mong mag-mall tayo?""Punta na lang po tayo kay mommy." Nakita niya ang lungkot sa mata nito at ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi ay unti-unting nawala. Two years na mula nang mawala si Meadow, pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Alam niyang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin
PATULOY na lumuluha si Avi at sa bawat hikbing naririnig ni Aedam ay parang sinasakal siya. Nahihirapan siyang huminga. Sa murang isipan ng anak ay nasaksihan nito ang malagim n nangyari na kumitil sa buhay ng ina. Paano niya papawiin 'yon sa isipan ng anak? He took a deep breath. Tiningala ang kalangitan. Kahit siya'y hindi rin mapigil ang panunubig ng mata. Two years na ang lumipas pero sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang lahat ng nangyari. Sobrang sakit pa rin. Hindi niya matanggap na maagang nawala si Meadow nang dahil sa kaniya. Hindi matanggap na maikling panahon lang ang inilaan ng tadhana para sa kanila. Hindu man lang niya nagawang humingi ng sorry sa mga nagawang pagkakamali noon. Hindi man lang nito nakitang muli ang kaniyang ama. Ilang minuto lang ang itinigal nila sa tulay, nagyaya na rin agad ang kaniyang anak. Sa bahay pa rin ng ama sila tumutuloy, ayaw silang paalisin nito. Hindi rin naman niya gustong iwan mag-isa ang kaniyang ama. Tiyak na maiinip ito kapag lumay
MALAKI ang ngiting nakapaskil sa labi ni Aedam habang nakamasid sa anak. Hilig nito ang sumayaw. Bago matulog ay hindi nito nakaliligtaang humarap sa full length mirror na ipinalagay niya sa kaniyang silid. Kumikembot-kembot ang katawan nito at kung minsan ay sinasamahan pa ng kanta. Hindi niya ito pinagbabawalan sa kung anong gustong gawin, importante sa kaniya ay masaya ang anak sa ginagawa. Lahat ng makabubuti sa bata ang ibinibigay niya. Dapat na ba niyang palakpakan ang sarili sa pagiging isang huwarang ama?Huminto na ito. Mukhang tapos na ang pakikipagkompetinsiya sa salamin. Tinungo na ng anak ang center table, na kung saa'y nandoon ang milk na iinumin nito. Nang matapos ay nagtungo na sa gilid ng kama. Nakasanayan na rin nito ang mag-pray bago matulog, minsan ay sinasabayan pa niya.Sa silid pa rin niya ito natutulog. Ayaw niyang ipalipat ang anak sa ibang room. Dati, hindi siya sanay na katabi ito, ngayon, hindi na siya sanay na hindi katabi ang anak. Natutuwa siya sa tuwin
SA mga araw na lumilipas, nasanay na si Aedam na maagang gumigising. Siya ang naghahanda ng uniform na susuotin ng anak, at tsini-check din niya ang pagkaing aalmusalin nito. Maging ang assignment na ginagawa nila sa office ay pinapasadahan niyang muli. Sinisiguradong nasa maayos ang lahat, tulad nang umagang 'yon, paulit-ulit na tinitingnan ang gamit ng anak at nang masiguradong nasa tama ay saka pa lang siya napanatag ang isipan. Sumunod ang unifom, kinuha nito 'yon sa walk-in-closet, inilapag sa pahabang sofa, ingat na ingat na huwag magusot, saka'y maingat na lumabas ng silid. Bago niya isinara ang pinto ay sinulyapan muna niya ang nahihimbing pang anak. Nagtuloy siya sa kitchen. Naabutan niyang nagluluto si Eliza. Ham and hotdog ang kaniyang nakita, nakaayos na rin ang baunan nito. Lihim siyang napangiti dahil sa ugali ng nag-aalaga sa anak niya. Mabuti itong kasambahay. Lahat ay nasa maayos lalo na pagdating sa kaniyang anak. Tinungo niya ang fridge, kinuha ang fresh milk at
LULAN na sila ng sasakyan patungong school. Nawala na sa utak niya ang sinabi ng anak. Ngayon ay masiglang kumakanta na naman ito, sumasabay sa tugtog ng sasakyan. Matapos niyang ihatid si Avi sa school, dumaan siya kay Jack. Ibinilin niya rin ang anak dito. Nagpadag siya security para rito. Sure naman siyang hindi pababayaan ng kaniyang mga kaibigan ang bata, pero sadyang hindi matatahimik ang utak niya. Iba pa rin 'yong nasa tabi siya ng anak. Sa pagdating niya sa office ay nandoon na si Tyron. Sinabi nito ang dapat niyang gawin. Ngayon ay nagdadalawang-isip siya. "P're, may suggestion ako." "What is it?" "What if, ikaw na lang ang pumunta sa probinsiya?" Tyron eyebrows met. "Am I the CEO of this company?" Tumabingi ang labi niya't napakamot. "Eh, kasi, I'm just thinking about Avi. Hindi iyon sanay na wala ako," reklamo niya. "We will take care of your daughter. Don't worry, and besides, Tito Damin is also there." Lumaylay ang kaniyang balikat. Wala na talaga siyang
"DADDY, aalis ka po?" Dumoble ang pangamba ni Aedam. Kanina pa niya pinag-iisipan kung anong paalam ang sasabihin niya sa anak. At ngayon ay nakita nito ang mga gamit niya. Nilingon niya ito. Kita niya ang pagtataka sa mukha ng anak. Alam niyang iiyak si Avi kapag umalis siya. Ipinantay niya ang katawan dito. "Baby, ilang araw lang na mawawala si Daddy. May aasikasuhin lang ako." Masuyong haplos ang kaniyang iginawad sa pisngi ng anak. Rumihistro sa bagong gising nitong mukha ang lungkot. At tulad nang dati, nakabahad ang natuyong laway sa gilid ng labi. Sabog-sabog din ang buhok. "Anak, may work si Daddy. Don't worry, I call you every hour." "Every hour?" Natigilan siya't napaisip. Hindi nga pala puwede, lalo na kung nasa school ito. Niyakap na lang niya ito. "Tatawagan na lang kita kapag free ako, anak. For now, kailangan kong pumunta sa malayo kasi may work si Daddy. Big girl ka na, 'di ba?" Umangat ang katawan niya, tinitigan ang mukha at saka ngumiti. "Smile ka
HINAYAAN ni Aedam na mag-usap ang dalawang babae. Sandali siyang pumasok sa banyo at sa paglabas niya'y umiiyak na si Daphne habang nakayakap sa ginang. Hindi niya maintindihan ang sarili. Sa tuwing makikita itong umiiyak ay para bang may kumukurot sa puso niya. Gusto niyang pahirin ang luhang dumadalusdos sa pisngi, pawiin ang paghihirap ng kalooban nito. Gusto niyang ikulong na lang ito sa kaniyang bisig. Iilang araw pa lang niyang nakakasalamuha pero malaki ang epekto nito sa kaniya. Dati, nahuhumaling lang siya sa babaing nagpapakita ng motibo sa kaniya, pero ngayo'y iba ang nararamdaman niya. Alam niyang mali ang umuusbong na damdamin, pero hindi niya masisisi ang sarili. Hawig na hawig ito ni Meadow... ang babaing nang mawala ay saka pa lang niya nagkaroon ng pitak sa puso niya. "Meadow..." Mariin siyang pumikit. Wala na si Meadow. Hindi ito ang babaing ina ng anak niya. Pero, bakit iba ang sinisigaw ng puso niya? Sa pagmulat ng kaniyang mata'y ang maamong mukha ni Daphne
MATIYAGANG pinagmamasdan ni Aedam si Daphne. Kanina pa ito iyak nang iyak habang nakamasid sa asawang walang malay. Naiinis siya rito. Gusto niyang sigawan, pero wala siya sa puwesto para gawin 'yon. Naiinis siya dahil sa halip na maawa ito sa sarili... ang asawa pa ang unang inintindi ng babae. He let out a deep breath and tried to calm the irritation in his chest. Lumapit siya rito at pilit na pinapatayo. Ngunit, tumanggi ito. Muling nabuhay ang inis sa kaniyang dibdib at dahil doo'y hindi na niya napigil pa. "Kailangang gamutin ang braso mo!" Sapilitan niya itong itinayo. "P-paano ang a-asawa ko?" "Bullshit! For once, Daphne, think about yourself!" Hindi na siya nakapagtimpi pa. "Does he think of you as his wife? Isipin mo naman ang sarili mo!Asawa ba ang turing niya sa iyo? Kasi ang tingin ko'y hindi. Ang asawa, hindi sinasaktan. Kung hindi ako pumasok, baka'y napatay ka na ni Rodolfo!" may diing pahayag niya. Napakagat ito sa labi, habang tuloy-tuloy sa pagbulusok ang
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki. Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki.Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
NAKATANGGAP ng tawag si Aedam mula kay Tyron. Payag ang mga board members. Kaagad niyang ipinaalam kay Ramon ang magandang balita. Natuwa naman ang huli. Habang nag-uusap sa sala ay dumaan ang mag-asawang Daphne at Rodolfo. Base sa nakikita niya'y mukhang nagkaayos na ang dalawa. Kapwa masigla. Bigla siyang nakaramdam ng kirot at may part sa pagkatao niya ang naiinis. Iniiwas na lang niya ang paningin. Binalingan niya ang kausap na ipinapaliwanag ang tungkol sa kanilang aayusin para mailipat ang pangalan. "Pupulungin ko lang ang akong mga kapatid, ipaalam ko sa kanila ang magandang balita." Nang tumango siya ay tumayo na rin ito. Naiwan siyang malayo ang iniisip. Kapag natapos na pag-aayos niya sa titulo, walang hindi na babalik na siya sa Manila. Paano si Daphne? Well, kahit naman umalis na siya, may paraan pa rin para malaman ang totoo. Hinihintay na lang niya ang resulta ng pag-iimbestiga ni Jack. At kapag lumabas na walang asawa si Rodolfo, hindi na siya mangingiming manghim
BAKAS ang sugat sa mukha dulot ng pananakit ng asawa kay Daphne. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin at malayang nakatunghay sa sarili. Paulit-ulit na hinaplos niya ang parteng may kulay ube. Hindi sapat ang inilagay na yelo para mawala ang pasa sa kaniyang pisngi. Ilang araw na naman ang bubunuin niya para mawala 'yon. Dati, sa tuwing nagkakapasa ay puwede siyang lumabas ng silid, pero ngayon ay mukhang magkukulong muna siya dahil sa bisita. May pagdududa siya sa asawa, kung mahal ba talaga siya nito? At dahil doon, nagsisimula na namang mangilid ang luha niya. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Dinampot ang concealer na in-order niya para sa mga pasang natatamo. Binuksan ang maliit na bote. "Kakaunti ka na pala!" naisatinig niya. Ibig sabihin, madalas niya iyong gamitin. Madalas siyang nakatatanggap ng pananakit sa asawa. Hindi niya mabilang sa daliri't paa kung ilang beses na siyang sinaktan nito, at matapos manakit ay sinasabing mahal na mahal siya nito. Pero kung ma
NAGKULONG sa sariling silid si Daphne. Doo'y muling naglandas ang walang katapusang pagluha niya. Oo. Sinasaktan siya ng kaniyang asawa. Kapag may hindi ito nagustuhan, ang kapalit ay latay sa kaniyang katawan. Mahirap, masakit, pero tiniis niya. Mahal niya ang kanilang anak, pero si Rodolfo, ewan ba niya pero wala siyang maramdaman. Dinampot niya ang picture frame na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. Pinakatitigan ang larawang nandoon. Kapwa nakangiti. Kuha raw iyon nang second anniversary nila bilang mag-asawa. Hindi niya maalala kung paanong naging asawa ito. Nagkamalay na lang siya na blanko ang isipan. Walang maalala kahit pa ang sariling pangalan. Nagising siyang si Rodolfo ang katabi, malaki ang ngiti. Sinasabing asawa raw siya nito, at may anak silang naghihintay sa kaniya. Ipinaalam din nito kung bakit siya nawalan ng memorya. Kuwento nito, nagtrabaho siya bilang isang kasambahay, at pinagmalupitan ng amo. Tumakas siya sa kamay ng malupit na amo. Papaalis na sana
HINDI mapakali si Aedam. Matapos niyang makausap si Jelly ay umakyat na siya sa silid. Daig pa niya ang turumpo na paikot-ikot sa puwesto. Ang puso niya'y parang luluwa na sa sobrang lakas ng pintig. Tuliro rin ang kaniyang isipan. "Walang maalala sa Daphne?" Huminto siya at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Si Meadow nga kaya ito? Kaya ba hindi namin natagpuan ang katawan ay napulot ito ng iba?" Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. May posibilidad talagang ito ang ina ni Avi. Awang ang bibig nang umupo siya sa gilid ng kama, ngunit agad ding tumayo. Kinuha ang cellphone, at kinontak si Jack. Pang-ilang ulit na niya itong tinatawagan ngunit hindi sumasagot. "Shit ka, Jack! Ano ba ang pinaggagawa mo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Nag-uumapaw na ang inis sa kaniyang dibdib, gayunpaman, pilit niyang pinikalma ang sarili. Wala rin namang mangyayari kung paiiralin niya ang galit. "Marami pa akong panahon. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasasagot ang gumug
MAY bahagi ng puso ni Aeda ang umapela na may asawa na si Meadow. Ang isiping may ibang pamilya na ito ay parang hindi niya kakayanin. Nanghihina ang tuhod niya. Parang may sumasakal sa kaniyang puso. Pero kung si Meadow nga ito, imposibleng anak nito si Jun-jun, dahil two years pa lang itong nawalay sa kanila. "Fvk!" Sumakit bigla ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Lalo siyang naguluhan. Nang oras ng tanghalian ay sila lamang tao ang nasa hapag-kainan, wala ang mag-anak ni Rodolfo. Bagama't tatlo lang sila ay puno pa rin ng pagkain ang mesa, tinolang manok, at pakbet na gulay, may panghimagas at prutas din. Kahit walang gasinong laman ang tiyan ay hindi siya makakain. Hindi mawala sa isipan niya ang nasaksihan sa pagitan ng batang Hidalgo at Daphne. May kutob siyang kakaiba ang nangyayari sa mag-asawa. May takot siyang naaninag sa mata ng babae. Nang matapos kumain ay nagpaalam siya sa mag-asawa, kailangan niyang mapadala kay Tyron ang details ng lupa. Inilabas niya sa bag ang