PIKIT ang mata at nakakagat sa labi si Aedam. Umiindayog sa ibabaw niya ang babaing mestisang nakilala sa bar. He didn't know her name. Inakit lang siya nito. Binigyan ng motibo. Sino ba naman siya para tumanggi? Isa lang siyang marupok na nilalang. Madaling mahalina sa magaganda and sex is his life. "Ohh... shit! More, baby. Make it faster!" utos niya rito. Sinunod siya ng babae. Para itong kabayo sa liksi. Hinihingal man pero nakat*rik ang mata. Nasa kasarapan na sila, malapit nang lumabas ang katas nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi sana niya iyon papansin pero walang tigil iyon sa katutunog. Inapuhap niya iyon sa circle na table malapit sa puwesto nila. Sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Shit, baby!" mura niya sa malanding paraan nang magbago ng puwesto ang babaing nasa ibabaw niya. Nakaharap na ito sa kaniya. Idinuldol nito ang dibdib sa bibig niya at alam na niya kung bakit. Nang dahil sa ginawang iyon ay nakalimutan niya ang nasa ka
MAKAHULUGAN ang titig kay Aedam ng kaibigan. Maayos na natapos ang meeting niya. Ngayon ay magkaharap sila at kapwa naguguluhan. Nagtatanong ang mata nito sa kaniya, at maging siya. But still, hindi niya maalala.Clueless.Speechless.Nganga. As in, wala siyang idea kung paano at kailan nangyari. Gumagamit siya ng protection kaya paano siya magkakaroon ng anak? "Daddy, I want chicken po."Sabay na gumawi ang tingin nila sa batang kumakain. Magalang ito. Cute. Tiyak na magandang ang ina ng batang ito."Please po, daddy."Sumenyas sa kaniya si Tyron. Salubong ang kilay na sinunod niya ito. Gamit ang fork at spoon ay pinaghimay niya ito ng fried chicken. Inilagay iyon sa pinggan ng bata."Thank you po, daddy. You're the best po. I love you po."May tila malamig na kamay ang humaplos sa puso niya matapos nitong ngumiti at marinig ang salitang binitiwan nito. Yung tipo na, feeling proud daddy siya, pero hindi talaga niya matandaan at wala siyang maalala sa mga nakaniig na hindi gumamit ng
"MARRIE?"Umiling si Aedam. Iniisa-isa ni Tyron ang mga babaing nakadaupang-kama niya. Pero, panay iling siya. Ang iba sa binabanggit nito'y hindi na niya matandaan. Imposibleng sa kaniya ang batang 'yan!"Dhalia."Iling ang isinagot niya."Fiona.""No!""Grace.""Who's Grace?""Yung mestisang maarte."Umiling siyang muli. Naalala niya ang babaing sinasabi ng kaibigan at hindi niya napigilang mapahagalpak ng tawa. Ayaw na ayaw ng babae ng pagkaing chicken adobo, panay ang ang 'eeww' at 'yuck' nito sa pagkain, wari bang mamamatay kapag kumain n'on. Maarte ring magsalita at ayaw na ayaw niya sa ganoong uri ng babae napilitan lang talaga siya."Riz."Nagsalubong ang kilay niya. "Yung babaing pa-hard to get, bibigay din naman pala.""No," tanggi niya. "Hindi rin siya. Kailan lang kami nagkakilala ni Riz, at gumamit ako ng c*ndom nang mag-s*x kami." "Paano kung nabutas?"Matalim na tingin ang itinugon niya rito."Okay. I think, kay Laila iyan," tukoy nito sa isang babae na nabunggo niya
NAPUNO ng halakhak ang office ni Aedam dahil kay Avi at ama niya. Ngayon lang niya narinig ang ganoong tawa mula sa ama simula nang mawala ang kaniyang ina. Iba nga siguro kapag may apo na ito. Nagkaroon muli ito ng ibayong sigla, tulad nang nabubuhay pa ang mommy niya. But what if, hindi niya anak si Avi? What if, bawiin ito ng tunay na magulang? Tiyak na masasaktan ang kaniyang ama.Naitanong niya sa sarili, ito na ba ang panahon para magseryoso siya? But he hates commitment. And ayaw niya ng obligasyon sa pamilya. Masaya siya sa pagiging single. "They're having fun," pukaw ni Tyron. Hindi niya binigyang-pansin ang sinasabi nito. "How many Zamoras did you find?" Iba ang lumabas sa bibig niya."One.""One?" Salubong ang kilay na pinaikot ang upuan upang harapin ang kabigan. "Pinagloloko mo ba ako?""Yes, one. One thousand in a different places"Lalong nadagdagan ang pagkakakulot ng kilay niya. "Are you f*cking serious?""Aha! Not to mention in other countries."Bahagyang umawang an
"SH*T!" Ilang mura na ang lumabas sa bibig ni Aedam. Hindi pa rin niya matagpuan si Avi. Paroo't parito na siya sa loob ng security office. Hindi na halos maipinta ang hitsura."Sorry po, sir. Pero, hindi po gumana ang CCTV sa lobby area kanina.""What? Are you f*cking serious?" Paanong nangyari na hindi gumana? Sila na isa sa matayog ang kompanya, sira ang CCTV?"Y-yes po, sir.""Why?" "Hindi po namin alam." Mabilis ding nagyuko ang kausap niya."Lahat ng CCTV, hindi gumana?" Umuusok na ang ilong niya sa galit."H-hindi naman ho, Sir. Kaso hindi kayo nahagip. Siguro po'y nagkaroon ng depekto ang ilang CCTV sa lobby.""Damn it!" mura niya. "Fix it as soon as possible!""Right away, Sir."Lumabas na siya ng security office. Ang dibdib niya'y napupuno na ng galit. Kapabayaan niya kung bakit nawawala si Avi. Bumalik siya sa lobby para i-check kung bumalik ba roon ang bata. May pagmamadali sa kilos niya. Tinanong niya ang in-charge sa information, ngunit bigo pa rin siya. "Oh, God! Saan
PINAGKAGULUHAN ng magkakaibigan si Avi, na halos ikangitngit ng kalooban ni Aedam. Inis na inis siya sa ginagawa ng mga ito sa kaniyang anak. Paulit-ulit na pinipisil ang pisngi nito. May pa-halik pang kasama. "Enough!" "Wait lang naman, dude. Huwag mong ipagdamot ang anak mo sa amin!" angil ni Drake."Nakakagigil ang anak mo, p're." Tumayo si Zeus. "Can we go to mall? Gusto ko siyang bilihan ng mga gamit." "Oo nga!" Sinang-ayunan ito ni Jack."Me, too. Dress ang sa akin--""No!" pigil niya kay Kent. "We're not going to anywhere. Uuwi na kami, naghihintay sa amin ang lolo niya. At ikaw, Jack," baling niya rito. "May pinapaayos pa ako sa iyo, hindi ba?""Dude, maintindihan naman siguro ni Tito Damian kung hihiramin muna namin ang apo niya." "I said no!" giit niya. "Pagpahingahin niyo muna ang bata."Laglag ang balikat ng apat. Muling hinarap ni Drake ang anak niya. "Tomorrow na lang, baby. Isasama ka namin sa mall, okay lang ba iyon. You want toys? Barbie... or what?" Ngumiti ito.
"SIR, please take care of my daughter. Gusto niya'y may sandalan kapag natutulog. Yakapin mo siya habang mulat pa ang mata. Painumin mo rin ng milk," bilin ng nasa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita. Hindi maiproseso ng utak kung ano ba ang dapat sabihin sa kausap. "Mommy, ikaw po ba yung nakita ko kanina?" "Yes, baby." "Then, why are you hiding, mommy?" Ilang segundong tumahimik ang nasa kabilang linya. Kakaibang pitik ang sumisipa sa kaniyang puso. Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman. Kahit ilang beses na niyang pinapakinggan ang boses ay hindi talaga niya mahalukay sa kailaliman ng isip kung sino ito. "Mommy, you don't love daddy anymore?" Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan niya. Love? Siya? Mahal siya nito? Shit! Sino ba ang kausap nila? "Baby, I have to go. Tinatawag na ako ng tita ninang mo. I love you, baby. Take care of yourself. Huwag kang magpalasaway, ha!" Huli na nang rumihistro sa isipan niya ang sinabi nito. Ni hindi man lang si
TULAD ng sinabi ni Aedam sa mga kaibigan, isinama niya si Avi sa office, isa pa'y wala rin ditong magbabantay kapag iniwan niya. Ang daddy niya'y may aasikasuhin sa Cebu, pupuntahan nito ang ipapatayo nilang branch doon. Siya sana ang pupunta pero ayaw niyang iwan ang bata. "Baby, stay ka lang muna rito, ha! May gagawin lang si Daddy." Iniupo niya ito sa couch. "Okay po, daddy.""Do you want to watch a cartoon movie?"Umiling ito. "No po. Play na lang po muna ako.""Okay. Kung nagugutom ka, magsabi ka lang." Nakapag-almusal na sila bago umalis. Nagbaon din siya ng milk, in case na humingi ito.Tumango ang bata. Nagtungo na siya sa harap ng mesa. Ilang sandali pa ay naging busy na siya. Maya't maya ang pasok ng secretary niya. May isinubmit itong report. Manaka-naka'y sinusulyapan niya ang anak, busy pa rin ito sa mga laruang bigay ng mga kaibigan niya. Malapit nang sumapit ang tanghalian nang gambalain siya ng ni Drake. May dala itong pizza at ang paborito ni Avi, fried chicken fr
ALIGAGA si Aedam habang nag-aabang sa pagdating ni Meadow. Nasa tapat siya ng CromX, kasama si Tyron, Kent at si Jack, na kararating lang. Bawat minutong lumilipas ay parang nauupos siyang kandila. Triple ang tibok ng puso niya. "C'mon, Meadow, dumating ka!" sumamo ng isipan niya. "I think she's here," hayag ni Jack na nakatutok ang mata sa 'di kalayuan. Matalas talaga ang mata't pakiramdam ng kaibigan niya. Sinundan niya ng tingin ang mata nito."Oh, God!" Kita niyang lakad-takbo ang babae. Hindi man niya nakikita ang mukha dahil sa nakatakip na sumbrero, alam niyang ito si Meadow. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, sinalubong na niya ang babae. "Aedam!" Mukhang balak siyang pigilan ni Tyron, pero wala na itong nagawa. Malalaki ang hakbang niya patungo sa naglalakad ding babae. Habang papalapit ito'y mababakas sa mukha ang sobrang pagod at takot na ikinahabag niya. "Meadow..." "Sir..." Nang makalapit ay tarantang yumakap ito sa kaniya. Pansin niya ang bahid ng dugo s
NANG sumunod na araw ay dumating ang mga kaibigan niya sa opisina. Binibisita si Avi. Tulad nang mga naunang araw, giliw na giliw na naman si Drake sa bata. Hindi na lang niya binigyang-pansin iyon. Naisip niyang binibiro lang siya ng kaibigan. Isa pa'y napakabata pa ng anak niya, ang kaibigan naman ay kaedaran niya. Naging maingay ang buong opisina niya dahil sa tatlo. Maya't maya pa ay pumasok si Tyron, may pinapipirmahan ito sa kaniya. Katatapos lang niyang pirmahan ang isa-submit na request paper ba dala ng kaibigan, para iyon sa new edition ng CromX, nang gambalain siya ng tawag sa private number niya. Unknown number na naman ang nakalagay. Nagsimulang dagain ang dibdib niya. Hindi kaya si Brenda ito? "H-hello!" "Hello po, Sir," sabi ng nasa kabilang linya. Mukhang nagmamadali. Nakahinga siya ng maluwag. Kilala na niya ang boses na iyon. Ewan ba niya, parang tumiim na sa isipan niya ang boses nito. "Si Meadow po ito." "What is it, Meadow?" Ramdam niyang may problem
NANG mag-isa si Aedam sa office, naging mabagal ang takbo ng oras para sa kaniya. Kahit inaabala ang isipan sa trabaho ay hindi pa rin niyang maiwasang isipin ang tungkol sa bata.Sumapit ang ika-lima nang hapon. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang tawag. Kung tatawag pa ba si Meadow."Oh, God! I hate this!" angil niya. Naihilamos ang dalawang palad sa mukha.At six o'clock in the afternoon, his cellphone still didn't ring. Hanggang sa sumapit ang ika-pito nang gabi. Laglag ang balikat na tumayo siya. Inayos na niya ang mga gamit, nagbabalak na lumabas na ng office. "Daddy..." Nagkagulatan pa sila ng buksan niya ang pinto. Bumungad sa kaniyang paningin ang namumungay na mata ni Avi, mukhang kagigising lamang. Lumuhod siya at ipinantay ang katawan sa bata. Ang maliit nitong braso ay pumulupot sa kaniyang leeg."I've missed you, daddy.""Miss mo na ako agad?""Opo, daddy." Hinagkan siya nito sa pisngi. "Uhm, dad, is Tito Drake--" hindi nito itinulo
PAROO'T PARITO si Aedam sa loob ng office. Kung may buhay lang ang mga gamit, tiyak na nahilo na ang mga iyon sa kaniya. Hihinto lang siya sa tuwing sumasagap ng hangin. He massage his temple. "Argh! What I'm gonna do?"Nahinto siya sa pagparoo't parito nang bumukas ang pinto. Pumasok ang ama niya, bihis na bihis."Where is Avi?""Kinuha ni Meadow." Tinungo niya ang mesa at ibinagsak ang katawan sa upuan."Kinuha?" gulat nitong tanong. "As in... binawi?"Kita niya ang pagbalatay ng takot sa mukha nito. "No! Sinundo, may pupuntahan sila na birthday party, ninang yata ni Avi. Ibabalik din niya ang 'yong apo." Hinihilot ang noong umuupo siya."Nagkita na kayo ng ina ni Avi?" Para itong tsismoso na sumasagap ng balita. Umupo pa ito sa bangkong nasa harapan ng mesa niya. "Dad, kasasabi ko lang na sinundo ni Meadow si Avi, hindi ba? Malamang na nagkita kami!"Napaisip naman ito. "Oo nga pala! Sorry. By the way, anong sabi niya sa iyo?""Wala naman, dad. Hindi kami gasinong nakapag-usap.
"OH, god! Ito na ba si Meadow? Ang dati kong secretary? katanungang lumabas sa isipan ni Aedam."Mommy..." Tumakbo si Avi patungo rito. "Ano pong ginagawa mo rito? Susunduin mo na po ba ako.""Birthday ng tita ninang mo 'di ba? At kailangang nandoon tayo sa party. Tiyak na magtatampo iyon sa atin kapag hindi tayo nakadalo."Bahagyang yumuko si Meadow. Kita niyang bumuka ang laylayan ng suot nito, parang gusto niyang puntahan at hilahin paibaba. Bakit ganoon ka-iksi ang suot nito? Hindi ba nito alam na kunting pagkakamali ay puwede na itong masilipan? Binuhat nito si Avi. "How's my baby? Hindi ka ba nagpasaway? Baka nama'y kinukulit mo ang 'yong daddy," saad nito.Ngumuso ang kaniyang anak. "Behave po ako, mommy. Tanungin mo pa si daddy." Sinalubong niya ang titig nito. Pinong ngumiti ang babae."Holy cow! Ang cute ng ngiti nito."Para siyang teenager na nginitian ng crush. Pakiramdam niya'y mahuhulog na ang kaniyang puso. "Baby heart, umayos ka! Tandaan mong nakadikit ka lamang ng k
LULAN na sila ng sasakyan patungong office. Abala ang anak niya sa pakikinig ng music, sinasabayan pa nito ang tugtog. Bumibirit din sa tuwing tumataas ang tono ng kanta. Hindi niya napigilang mapahalakhak sa ginawa ng kaniyang anak. Ibayong ligaya ang kaniyang nararamdaman. "Daddy, why are you laughing at me?" Pinigil niya ang pagdaan ng ngiti sa labi. "Coz, you are so cute, baby." Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Mana lang po ako sa iyo, daddy." Natawa siya sa sinabi nito. Maya't maya pa ay sabay silang napatingin sa cellphone niya. Unknown number. Sumikdo ang kakaibang pitik sa puso niya. Ang ina ba ni Avi ang tumatawag? "Daddy, your phone!" Ilang ulit siyang kinalabit ng bata, nakatulala na pala siya sa phone. In-off muna niya ang stereo ng sasakyan, at binalingan ang phone na patuloy sa pag-ring. May panginginig ang kamay na pinindot niya ang answer button. "G-good morning po, Sir," bati ng nasa kabilang linya. Ang nanay ni Avi. Shit! Anong sasabihin niya?
TULALA si Aedam matapos balikan kung paanong nag-krus ang landas nila ng ina ni Avi. Nasa loob na sila ng room niya. Nakatulog na rin ang bata matapos niyang palitan ito ng damit. Malupit siya sa ina nito, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kaniya. Na-trauma na sa masasakit na salita mula sa kaniya. Kaya pala alam nito ang number niya, hindi lang basta naka-s*x niya ang babae. Inapuhap niya ang papel na may picture nito. Tinitigan iyon. "Kumusta ka na kaya ngayon?" Ang bawat masasakit na salitang binitiwan niya rito'y daig pang kutsilyong humihiwa sa puso niya. Ngayon niya napag-isip-isip, bakit malaki ang galit niya kay Meadow? One week lang niya itong naging secretary pero parang taon ang ipinaranas niya rito. Sinulyapan niya ang anak na natutulog. Dinama niya ang tapat ng kaniyang dibdid nang gumuhit ang pamilyar na kirot doon. Ngayo'y hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Siguro, nakokonsensiya lang siya, lalo na ngayong nagkaroon sila ng anak. Dinala siya ng paa
Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary pero parang taon na para sa kaniya. Abot-langit ang galit niya rito. Nang araw na 'yon ay makikiipag-meeting siya sa CCB Plaza. Kasama niya ito sa sasakyan, ito ang nasa tabi ng driver. Hindi ito nagsasalita, marahil ay takot sa kaniya. Dumating na sila sa lugar at habang nakikipag-usap siya sa ka-meeting ay aksidenteng natapig nito ang juice. Sumambulat iyon sa suot niya. "Shit!" Kumulo ang dugo niya sa galit. "Oh my God! Sorry po, Sir!" Hindi niya tinanggap ang sorry nito. Kahit maraming tao ang nakapaligid at kaharap ang bigating tao ay pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda. "Bobo ka talaga! Hindi ba matatapos ang araw na wala kang nagagawang pagkakamali? Hindi ko alam kung paan
"G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga