Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Storm habang nakatingin sa orasan. Halos hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses na ba niyang sinipat ang oras. It’s a twelve midnight na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Maya-maya ay naisipan niyang lumabas ng kwarto upang tumungo sa mini bar. Sakto namang natapat siya sa kwarto ni Misaki ay kusang huminto ang kanyang mga paa sa paghakbang. Wala sa sariling pinihit ang seradura ng pintuan at bahagya itong iniawang. “Otou-sama, even though you are old you are still the only handsome person in my eyes.” Narinig niyang wika ng kanyang asawa, mula sa siwang ng pintuan ay nakikita niya ang mag-ama na kasalukuyang nasa balkonahe. “Ikaw kang bata ka, hindi ka pa rin nagbabago, until now ang hilig mo pa ring bulahin ang ulo ko.” Natatawa na sabi ni Mr. Harachi habang yakap ang anak at masuyong hinahaplos ang buhok nito. “I am so proud of you, my Mio, dahil lumaki kang mabuting tao, sa kabila ng mga ka
Misaki’s Point of view “Hm, seems you look so happy?” Sarkastikong tanong ni Patricia na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Kahit na masungit siya sa akin ay nanatili pa ring maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Ika nga kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay. “Ikaw pala, Patricia, bakit hindi mo ako samahan dito? Don’t worry, makikiusap ako kay Mr. Lee na huwag ka munang magtrabaho para makasama ko ngayong araw.” Malumanay kong pahayag, napansin ko na saglit siyang natigilan at maya-maya ay lumitaw sa kanyang bibig ang isang matamis na ngiti. Nakahinga ako ng maluwag nang paunlakan niya ang aking paanyaya. Nakadama ako ng awa para kay Patricia dahil ngayon ay suot nito ang isang uniporme ng katulong habang hawak ang isang basahan. “Sure ka na okay lang?” Tila naninigurado niyang tanong sa akin kaya isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Kalaunan ay umupo na rin si Patricia sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. “Pasensya ka na kung hindi naging ma
Storm Point of view Pagbukas ko ng pintuan ng kotse ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ng aking asawa. Wala sa sarili na napangiti ako, dahil masarap sa pakiramdam na may sasalubong sayo pagdating mo ng bahay galing trabaho. Nang makalapit sa pintuan ng mansion ay naglalambing na yumakap sa akin si Misaki buong pananabik na h******n ko ang mga labi nito. Mabilis namang tumalikod ang lahat ng tauhan ko upang maging pribado ang lahat sa amin ng aking asawa. Yumakap ang mga braso niya sa aking baywang kaya mahigpit ko siyang niyakap bago h******n sa ulo. Simula ng makausap niya ang kanyang ama ay nagbago ang pakikitungo sa akin si Misaki. Lagi na itong natutulog sa aking tabi at ramdam ko na sinisikap niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang may bahay ko. May time lang talaga na isip bata ito kaya pakiramdam ko ay para akong may kasamang bata. “How’s your day? I’m sure you're tired, but don’t worry later I will give you a massage.” Malambing niyang saad habang kinakalas a
Nang mga sandaling ito ay para akong wala sa aking katinuan. Ang tanging naririnig ko lang ay pawang tunog ng mga ambulansya at bombero, at tunog ng isang linya na bumibingi sa aking pandinig. Halos panawan na ako ng ulirat at hindi na ako makahinga, pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay ng aking mga nakikita. Habang nakaluhod sa kalsada ay walang humpay ang pagmamakaawa ko; “tulong! Ang daddy ko! Parang awa n’yo na! Iligtas ninyo ang daddy ko!” Pagsusumamo ko sa kanilang lahat, na halos mamaos na ako, ngunit wala ni isa man ang kumilos mula sa kanilang kinatatayuan. Nang mag-angat ako ng aking tingin ay sumalubong sa akin ang mga mata nilang hilam na sa luha. Tanging awa at labis na pagkahabag ang nakikita ko mula roon, tila nais nilang sabihin sa akin; “tama na, Misaki, tapos na… wala na ang daddy mo…” Ahhhh! Ahhhh…. D-Dad! Hindi, ang daddy ko!” Halos isigaw ko ang sakit na siyang pumapatay sa akin ng mga sandaling ito. Patuloy ako sa pagtangis habang walang humpay ang paghamp
Kasalukuyang nagaganap ang pag-uusap sa pagitan ni Storm at ng kanyang kliyente ng lumapit ang isa sa kanyang mga tauhan. Natigilan si Storm ng marinig ang ibinulong nito. Nagdilim ang ekspresyon ng kanyang mukha at kapansin-pansin ang pagbangon ng galit mula sa kanyang mga mata. “Is there any problem, Mr. Hilton?” Magalang na tanong ng Ginang na nasa kanyang harapan ng mapansin nito ang pagbabago ng awra ng kanyang kausap. Isang matipid na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Storm bago sumagot. “Nothing, by the way, it’s my pleasure to work with you, I look forward to a good partnership that will be formed between the two of us for the betterment of our businesses.” Pagtatapos ni Storm sa kanilang pagpupulong bago siya tumayo at naglahad ng kamay sa harap ng kanyang kliyenten. May pag-aatubili na tumayo ang Ginang at malugod na tinanggap ang nakalahad na palad ni Storm. “Thank you so much, Mr. Hilton, I’m really impressed how you handled of your businesses, kaya nasa iyo ang one hun
“Dad...” walang tigil ang pagpatak ng luha ko habang yakap ko ang aking mga tuhod. Nandito ako ngayon sa hardin at malungkot na nakatanaw sa malawak na kalangitan. Dalawang araw ang mabilis na lumipas simula ng pumanaw ang aking ama. Wala na akong ginawa, kundi ang magmukmok at umiyak dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang masaklap na sinapit nito. Ang mas lalong ikinasa-sama ng loob ko, ang makita sa araw-araw ang mukha ng taong pumatay sa aking ama. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng kapal nang mukha ang lalaking iyon. Dahil pagkatapos ng mga nangyari ay nagagawa pa rin niyang kumilos ng normal. Kaya naman lalong nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. “Nakikiramay ako sa nangyari sa iyong Ama.” Si Patricia na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan na wari mo ay walang narinig. Maya-maya ay naramdaman ko na humakbang siya palapit sa akin at tahimik na ibinaba ang isang pirasong papel sa aking harapan. “You know, I feel yo
“Ugggh…” nasasaktan na daǐng ni Mr. Agonzillo ng sapilitan siyang paluhurin ng lalaki sa harap ng nakatalikod na si Storm. Isang matalim na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng bibig ni Storm. Sa kabila ng pagiging kalmante nito ay ibayong kaba pa rin ang nararamdaman ni Mr. Agonzillo. Dahil batid ng lahat na lubhang mapanganib ang pananahimik nito. “Ano ang kailangan mo sa akin Hilton? Kinuha muna ang isa sa kumpanya ko, pati ang anak kong si Patricia ay hindi mo na ibinalik sa akin! Kaya ano pa ang gusto mo!?” Galit na tanong ni Mr. Agonzillo, ang mukha niya ay kababakasan ng matinding pagkasuklam para sa taong kaharap. “Mr. Agonzillo, nice to meet you again, I am not expecting na magkikita tayong muli. You know? You got my attention, pinahanga mo ako. Hindi ko sukat akalain na naisahan mo ako ng hindi ko namamalayan.” Mapanganib na pahayag ni Storm, mahinahon man ang paraan ng pananalita nito ngunit ang mga mata niya ay nagliliyab sa galit. “What are you talking about? Do you thin
“Daddy...” malungkot kong sambit habang sinisipat ang mga ilang bahagi ng nasunog naming bahay. Marahil ay ito na ang huling pagkakataon na masilayan ko pa ito o baka matagalan bago ako muling makabalik dito. Dahil ayon kay Mr. Lee, mamayang gabi ay may flight kami patungong Pilipinas. Iiwan namin ang bansang Japan upang ipakilala daw ako sa pamilya ng aking asawa. Marahil kung hindi nangyari ang trahedyang ito ay baka ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Sa ngayon ay iba ang nararamdaman ko dahil labis akong nasusuklam sa aking asawa. At wala na akong interest na makilala pa ang kanyang pamilya. Saglit akong natigilan ng magawi ang aking tingin sa isang bahagi ng tiles. At mula sa aking balintataw ay lumitaw ang isang alaala ng aking ama. “Mio, tandaan mo, sa oras na dumating ang panahon na wala ako sa tabi mo at nalagay ka sa alanganin. Gamitin mo ang itinago kong pera sa ilalim ng tiles. Makakatulong sa iyo ‘un upang makaalis sa sitwasyong ito.” Ito ang huling tinuran ng aki