Kasalukuyang nagaganap ang pag-uusap sa pagitan ni Storm at ng kanyang kliyente ng lumapit ang isa sa kanyang mga tauhan. Natigilan si Storm ng marinig ang ibinulong nito. Nagdilim ang ekspresyon ng kanyang mukha at kapansin-pansin ang pagbangon ng galit mula sa kanyang mga mata. “Is there any problem, Mr. Hilton?” Magalang na tanong ng Ginang na nasa kanyang harapan ng mapansin nito ang pagbabago ng awra ng kanyang kausap. Isang matipid na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Storm bago sumagot. “Nothing, by the way, it’s my pleasure to work with you, I look forward to a good partnership that will be formed between the two of us for the betterment of our businesses.” Pagtatapos ni Storm sa kanilang pagpupulong bago siya tumayo at naglahad ng kamay sa harap ng kanyang kliyenten. May pag-aatubili na tumayo ang Ginang at malugod na tinanggap ang nakalahad na palad ni Storm. “Thank you so much, Mr. Hilton, I’m really impressed how you handled of your businesses, kaya nasa iyo ang one hun
“Dad...” walang tigil ang pagpatak ng luha ko habang yakap ko ang aking mga tuhod. Nandito ako ngayon sa hardin at malungkot na nakatanaw sa malawak na kalangitan. Dalawang araw ang mabilis na lumipas simula ng pumanaw ang aking ama. Wala na akong ginawa, kundi ang magmukmok at umiyak dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang masaklap na sinapit nito. Ang mas lalong ikinasa-sama ng loob ko, ang makita sa araw-araw ang mukha ng taong pumatay sa aking ama. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng kapal nang mukha ang lalaking iyon. Dahil pagkatapos ng mga nangyari ay nagagawa pa rin niyang kumilos ng normal. Kaya naman lalong nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. “Nakikiramay ako sa nangyari sa iyong Ama.” Si Patricia na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan na wari mo ay walang narinig. Maya-maya ay naramdaman ko na humakbang siya palapit sa akin at tahimik na ibinaba ang isang pirasong papel sa aking harapan. “You know, I feel yo
“Ugggh…” nasasaktan na daǐng ni Mr. Agonzillo ng sapilitan siyang paluhurin ng lalaki sa harap ng nakatalikod na si Storm. Isang matalim na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng bibig ni Storm. Sa kabila ng pagiging kalmante nito ay ibayong kaba pa rin ang nararamdaman ni Mr. Agonzillo. Dahil batid ng lahat na lubhang mapanganib ang pananahimik nito. “Ano ang kailangan mo sa akin Hilton? Kinuha muna ang isa sa kumpanya ko, pati ang anak kong si Patricia ay hindi mo na ibinalik sa akin! Kaya ano pa ang gusto mo!?” Galit na tanong ni Mr. Agonzillo, ang mukha niya ay kababakasan ng matinding pagkasuklam para sa taong kaharap. “Mr. Agonzillo, nice to meet you again, I am not expecting na magkikita tayong muli. You know? You got my attention, pinahanga mo ako. Hindi ko sukat akalain na naisahan mo ako ng hindi ko namamalayan.” Mapanganib na pahayag ni Storm, mahinahon man ang paraan ng pananalita nito ngunit ang mga mata niya ay nagliliyab sa galit. “What are you talking about? Do you thin
“Daddy...” malungkot kong sambit habang sinisipat ang mga ilang bahagi ng nasunog naming bahay. Marahil ay ito na ang huling pagkakataon na masilayan ko pa ito o baka matagalan bago ako muling makabalik dito. Dahil ayon kay Mr. Lee, mamayang gabi ay may flight kami patungong Pilipinas. Iiwan namin ang bansang Japan upang ipakilala daw ako sa pamilya ng aking asawa. Marahil kung hindi nangyari ang trahedyang ito ay baka ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Sa ngayon ay iba ang nararamdaman ko dahil labis akong nasusuklam sa aking asawa. At wala na akong interest na makilala pa ang kanyang pamilya. Saglit akong natigilan ng magawi ang aking tingin sa isang bahagi ng tiles. At mula sa aking balintataw ay lumitaw ang isang alaala ng aking ama. “Mio, tandaan mo, sa oras na dumating ang panahon na wala ako sa tabi mo at nalagay ka sa alanganin. Gamitin mo ang itinago kong pera sa ilalim ng tiles. Makakatulong sa iyo ‘un upang makaalis sa sitwasyong ito.” Ito ang huling tinuran ng aki
“Huwag mong sagarin ang pasensya ko Mio, dahil hindi mo alam kung paano akong magalit.” Nagbabanta niyang sabi habang isinasarado ang zipper ng kanyang pantalon. Nanginginig ang aking mga kamay habang mariin na nakakuyom ang mga ito. Nagpupuyos ang kalooban ko dahil para akong bata na sinisermunan nito. “Fix yourself, we’re leaving.” Matigas niyang utos sa akin bago sinipa ang teddy bear papunta sa ilalim ng kama. Tuluyan ko ng hinubad ang aking mga damit kaya hubo’t hubad na dumaan ako sa kanyang harapan habang ito ay nakasunod lang ang tingin sa akin. Hindi ko na kailangan pang mahiya sa kanya gayong halos araw-araw na niyang nakikita ang aking katawan. Habang nasa ilalim ng dutsa ay tahimik akong umiiyak, nakakaramdam na ako ng awa sa aking sarili dahil kung tutuusin ay napakabata ko pa para danasin ang mga ganitong bagay. Halimaw si Mr. Storm dahil ginawa niya akong alipin sa kanyang makamundong pagnanasa. Nang matapos ay muli akong lumabas ng banyo at tumungo sa closet. Kaagad
“Kon'nichiwa.” Ani ng cute na boses ni Misaki bago ngumiti sa lalaki na nanatiling nakatulala sa kanyang mukha. “S**t! M-Multong Japanese!?” Bulalas ng binata na hindi makapaniwala na totoo palang may multo. “I’m sorry, if I scared you, I’m not a ghost, I'm a real person.” Anya ng malambing na tinig ni Misaki bago matamis na ngumiti sa binata. Saka palang ito nakahinga ng maluwag ng mapagtanto na hindi talaga siya multo. “Whoah! You scared me, how long have you been there?” Kinakabahan na tanong ng binata. Nang mapansin niya na namula ang mukha ni Misaki ay mukhang alam na niya ang sagot. “Hm… since when are both of you in a climax?” Patanong na sagot ni Misaki, ang ngiti niya ay naging ngiwi. “My goodness, Xav! Ano na naman ito? Sa harap pa talaga ng bata!?” Panenermon ng binata sa kanyang sarili. “Excuse me, hindi na ako bata!” Kontra naman ni Misaki sa tinuran ni Xav. “Whoah! You know how to speak Tagalog, huh?” Di makapaniwala na tanong nito sa kanya kaya naman matamis na
“Where’s my wife?” Matigas na tanong ni Storm sa kanyang tauhan habang nakaupo sa hood ng sasakyan, hawak ang dumudugo nitong noo. Kung hindi lang masama ang tama niya mula sa pagkakabangga ay gusto niya na siya mismo maghahanap sa kanyang si Mio. “Sir, itinakas ni Sir, Xavien si Ms. Mio.” Hinihingal na sagot ng kanyang tauhan habang ang ilan sa kanila ay nanatiling tahimik lamang at naghihintay ng utos mula sa kanilang boss. “WHAT!?” Hindi makapaniwala na naibulalas ni Storm dahil sa kanyang narinig. Nag-igtingan ang kanyang mga bagâng at tumigas ang expression ng kanyang mukha. Galit na binuksan niya ang pinto ng kotse at akmang sasakay na sana ng pigilan siya ng kanyang tauhan. “Sir, kailangan n’yo munang madala sa hospital para magamot ang sugat mo.” Nag-aalala na saad ng lalaki ng makita ang nagkalat na dugo mula sa mamahaling polo na suot nito. “I don’t care!” Bulyaw niya dito at umupo na ito sa driver seat, walang nagawa ang kanyang mga tauhan kundi ang sumakay sa kani-ka
“T-Teka! Mali ka ng iniisip! Binigyan ko lang siya ng pera para may magamit pambayad sa hotel. Nang may pansamantala siyang matutuluyan. ‘Yun lang wala ng iba!” Di magkandatutong paliwanag ni Xavien habang nakalupasay ito sa sahig. Mukhang nahulaan niya kung ano ang tumatakbo sa utak ng kanyang kuya Storm. Natigil ang akmang paglapit ni Storm sa kanyang kapatid ng marinig ang paliwanag nito. Ngunit nanatili paring matalim ang tingin na ipinupukol niya kay Xavien. “Save your ass if once na hindi ko makita si Mio.” Mapanganib na banta ni Storm kay Xavien bago walang lingon-likod na lumabas ng Mansion. Kaagad namang sumunod ang mga tauhan nito sa kanyang likuran. Naiwan ang kanyang pamilya na nakatulala sa kawalan dahil sa kanilang mga narinig. Labis na namangha ang lahat dahil sa mga natuklasan nila tungkol sa itinatago ni Storm. Nang makalabas na si Storm ng mansion, mabilis na lumapit ang lahat kay Xavien na nanatili pa ring nakaupo sa sahig. Halata sa mukha nito na maging siya ay hi