Kinabukasan, nagpunta si Cherry sa deck ng cruise ship, kung saan malaya niyang natatanaw ang dagat. Ang malawak na asul na karagatan ay tila salamin ng kanyang pakiramdam—kalmado sa labas, pero malalim at puno ng alon sa ilalim.Hindi nagtagal, lumapit si Marites at naupo sa tabi niya. “Kumusta na, Cherry?” tanong nito, na halatang nag-aalala.“Natapos na,” mahinang sagot ni Cherry, pilit pinipigilan ang bagong pag-agos ng kanyang luha. “Hindi man niya diretsong sinabi, pero alam kong tapos na.”Hinawakan ni Marites ang kamay niya. “Cherry, minsan, ang pagtapos ay hindi katapusan ng lahat. Minsan, ito ang simula ng mas magandang bagay.”“Pero ang sakit, Marites,” sabi ni Cherry, tuluyang bumigay ang kanyang damdamin. “Akala ko kaya ko. Pero hindi ko pala kayang mawala siya.”“Normal lang yan,” sagot ni Marites, yakap siya nang mahigpit. “Pero tandaan mo, Cherry, ang mahalaga ngayon ay ikaw. Dapat mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba.”"Sa palagay mo ba, Marites, wala siyang iba
Sa gabing iyon, hindi makatulog si Cherry. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatitig sa kisame habang paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi ni Marites. "Sino ang pipiliin mong ipaglaban?" Ang tanong na iyon ay umalingawngaw sa kanyang isipan, parang sirang plakang ayaw tumigil. Pinilit niyang pigilin ang emosyon, pero tila pinipiga ang kanyang puso sa bigat ng lahat. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Ang dami niyang tanong sa sarili, pero wala siyang makuhang sagot.Napabuntong-hininga siya, bumangon, at naupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumingin sa inbox ng mga mensahe ni David. Halos puro, "Sorry, busy ako," "Mamaya na tayo mag-usap," "Good night, mahal." Hindi niya maiwasang ma-frustrate. Kahit gusto niyang unawain ang sitwasyon ni David, naroon pa rin ang kirot ng kawalan ng koneksyon nila. Parang unti-unti siyang nawawala sa buhay ng taong mahal niya. Ang dating masigla at puno ng pagmamahalan nilang relasyon ay tila napalitan ng malami
“David,” sabi niya, mas kalmado na ngayon. “Hindi ko sinasabing hindi kita mahal. Pero mahal ko rin ang sarili ko. At kung patuloy akong magpapakulong sa ganitong sitwasyon, unti-unti kong mawawala ang respeto ko sa sarili ko. Kailangan ko ng oras para alamin kung ano ang nararapat para sa akin.”“Cherry, huwag naman,” sagot ni David, at sa wakas, narinig niya ang pangingiyak nito. “Ayusin natin ‘to. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon.”“David, ilang pagkakataon na ang binigay ko sa’yo,” sagot ni Cherry, at sa wakas, naramdaman niya ang bigat na unti-unting nawawala. “Pero sa bawat pagkakataon, parang mas lalo lang akong nawawala sa buhay mo. Hindi ko na kayang maghintay pa.”“Cherry, mahal kita,” sagot ni David, halos pabulong. “Huwag mo akong iwan.”“Mahal din kita, David,” sagot ni Cherry, at sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang katotohanan sa mga salitang iyon. “Pero minsan, hindi sapat ang pagmamahal. Kailangan din ng respeto, ng oras, at ng pagkakaintindihan. At kung wala ang
Sa bawat hakbang ni Jal palabas ng main office, dama niya ang magkahalong emosyon. Muli niyang maririnig ang dagundong ng makina ng barko, ang hagikgikan ng kanyang mga kasamahan, at ang tahimik na kalmadong dala ng karagatan. Ngunit higit sa lahat, ang tanong na matagal na niyang gustong sagutin: Kumusta na kaya si Cherry?Bago pa man siya tuluyang makaalis, hinarap ni Jal ang huling papel na kailangang pirmahan. Nagpaalam siya sa kanyang supervisor, na may ngiti sa labi ngunit may bakas ng lungkot sa tinig."Jal, mukhang mas maligaya ka tuwing nasa barko," anang supervisor. "Ang barko na yata ang totoong tahanan mo."Tumango si Jal, pilit na ngumingiti. "Oo nga, Sir. Parang nasa tamang lugar ako kapag nandoon. At siguro, kailangan kong bumalik para malaman kung saan talaga ako dapat."Habang nililinis ang kanyang mesa, nakita niya ang isang lumang larawan—isang grupo ng mga crew sa deck ng barko, masaya at walang iniintinding problema. Naroon si Cherry, nakangiti habang nakasandal s
"Nabusy lang ako lately, Cherry. Work ang dapat lagi natin inuuna," mariing sabi ni Capt. Jal, pilit na pinapanatiling malamig ang tono ng kanyang boses habang iniwas ang tingin kay Cherry.Napakurap si Cherry, halatang nagulat sa bigat ng sinabi nito. Ramdam niya ang pader na pilit binubuo ni Jal sa pagitan nila. Pero sa kabila ng malamig na sagot nito, hindi niya mapigilang itanong ang bumabagabag sa kanya."Jal, bakit parang iniiwasan mo ako? May ginawa ba akong mali?" tanong niya, halos pabulong ngunit puno ng emosyon. Ang mga mata niya ay naghahanap ng kasagutan sa mukha ni Jal, pero hindi siya makakita ng kahit anong bakas ng kanyang dating kaibigang laging nandiyan para sa kanya.Saglit na tumahimik si Jal, iniwas ang tingin sa nagtatakang mga mata ni Cherry. Hinigpitan niya ang hawak sa tasa ng kape sa harap niya, parang ito lang ang makakapigil sa kanyang emosyon."Wala kang ginawang mali, Cherry," sagot niya sa wakas, ngunit ang boses niya’y parang nanunukso ng sariling damd
Pagbalik ni Cherry sa kanilang quarters, halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Nakasimangot siya, at kahit pilit niyang itinatago ang lungkot sa kanyang mga mata, hindi iyon nakaligtas kay Marites, na abala noon sa pag-aayos ng kanyang mga gamit."Oh, ano na naman ang nangyari? Para kang sinakluban ng langit at lupa," biro ni Marites, ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang boses.Napabuntong-hininga si Cherry at umupo sa gilid ng kama, tinanggal ang kanyang sapatos na parang napakabigat ng bawat galaw. "Wala, Marites. Huwag mo na akong tanungin," mahinang sabi niya, na pilit iniiwas ang tingin."Ha? Wala? Huwag mo nga akong gawing tanga, Cherry. Alam kong may nangyari," sagot ni Marites, nilapag ang hawak niyang bag at umupo sa tabi ng kaibigan. "Nagkita kayo ni Captain Jal, hindi ba? Tama ba ang hula ko?"Hindi sumagot si Cherry, ngunit ang saglit niyang pagkatigil at ang pamamasa ng kanyang mga mata ay sapat nang sagot para kay Marites."Ayan na nga ba," sabi ni Marites, huminga
Araw-araw nagkikita sina Cherry at Captain Jal sa Blue Ocean Cruise, ngunit ang dating samahang malapit at puno ng tawanan ay tila ba nalimutan na ng panahon. Ngayon, ang turing nila sa isa’t isa ay estrikto at propesyonal—parang kapitan at passenger crew, boss at empleyado. Wala na ang dating mga pagbibiruan, at ang bawat salitang namumutawi sa kanilang labi ay pormal at walang emosyon."Good morning, Captain Jal," bati ni Cherry isang umaga, habang inaabot ang logbook na kailangang lagdaan nito. Diretso ang tingin niya, walang bakas ng emosyon sa kanyang boses."Good morning," sagot ni Jal, kaswal na kinuha ang logbook at walang imik na nilagdaan ito. Hindi man lang siya tumingin kay Cherry, na para bang ang pagitan nila ay isang malalim na bangin.Napansin ni Marites ang pagbabago sa kilos ni Cherry. Mula nang bumalik si Jal sa barko, parating seryoso at tahimik na si Cherry, na labis na ikinabahala ng kanyang kaibigan."Cherry, ano bang nangyayari sa’yo? Kanina ka pa parang estatw
Sa labas ng bintana, ang bughaw na dagat ay walang tigil sa pag-alon, sumasabay sa tibok ng puso ni Cherry na hindi niya mawari kung bumibilis dahil sa kaba o sa sakit na pilit niyang itinatago. Sa loob ng kanyang silid, naroon siya, nakatayo sa tabi ng bintana, habang si Marites ay tahimik na nakamasid sa kanya."Cherry..." mahinang sabi ni Marites, puno ng pag-aalala. "Alam kong mahirap, pero hindi mo kailangang tiisin mag-isa ang bigat ng nararamdaman mo."Dahan-dahang napapikit si Cherry, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mga mata. "Marites, bakit ganito?" mahina niyang bulong. "Bakit kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang kalimutan? Bakit kahit anong pilit kong bumalik kay David, may bahagi pa rin sa puso kong hinahanap si Jal?"Lumapit si Marites at hinawakan ang kanyang kamay. "Kasi, Cherry, ang puso hindi mo basta-basta mapipilit. Kahit gaano mo gustong sundin ang isip mo, ang puso mo pa rin ang masusunod."Napalunok si Cherry at muling tumingin
Tatlong araw ang lumipas.Tahimik na nag-iimpake si Cherry, ang puso niya’y punong-puno ng kaba."Anak, sigurado ka bang gusto mong umalis?" tanong ni Gemma, ang kanyang ina, na may halong pag-aalala. "Wala namang masama kung harapin mo si Jal, Cherry.""Mama, hindi ko kayang ipagsapalaran ang kapakanan ng mga anak ko.""Pero hindi mo man lang ba siya bibigyan ng pagkakataon?"Napalunok si Cherry. "Paano kung bawiin niya ang mga bata sa akin?""Pero anak—"Naputol ang usapan nila nang biglang may kumatok sa pinto.TOK! TOK! TOK!Napahinto si Cherry, mabilis na tumingin sa kanyang ina. May hindi magandang pakiramdam na bumalot sa kanyang dibdib."Cherry… may bisita ka," mahinang sabi ni Ralph, ang kanyang ama, habang bumukas ang pinto.At bumungad si Jal.Napakagat-labi si Cherry, agad na umatras. Bakit siya nandito?Napansin ni Jal ang maleta sa tabi ng sofa. Kumunot ang noo niya, ang kanyang mga mata ay nagdilim. "Tinatakasan mo na naman ako, Cherry?"Mariing napapikit si Cherry. "Um
Mariing itinikom ni Cherry ang mga labi. Ayaw niyang ipakita kay Jal kung paano siya naaapektuhan ng presensya nito, kung paano nito nagagawang guluhin ang isip at puso niya kahit pa ilang ulit na niyang sinabing tapos na ang lahat sa kanila."Oo, Jal. Ganun lang kadali. Dahil tapos na tayo. Wala na tayong dapat pag-usapan.""Tapos na tayo?" Umiling si Jal. "Hindi, Cherry. Hindi pa tayo tapos. At hindi kita tatantanan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang totoo.""Sinabi ko na ang totoo!" sigaw ni Cherry, ngunit kahit siya ay hindi kumbinsido sa sariling salita."Hindi!" Mabilis na lapit ni Jal, marahas niyang hinawakan ang braso ni Cherry, dahilan para mapaatras ito. "Hindi mo ako maloloko, Cherry! Hindi si David ang ama ng mga anak mo, kundi ako!"Napapitlag si Cherry. Hindi niya inasahan ang pagsabog ng galit ni Jal."Bitiwan mo ako, Jal!" Pilit niyang inalis ang pagkakahawak nito, ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak ni Jal sa kanya."Bakit mo ako niloloko, Cherry? Sabihin mo
Tahimik na nakahiga si Cherry sa kanyang kama, ngunit hindi mapakali ang kanyang isipan. Sa kabila ng pagod at hirap ng kanyang pagbubuntis, hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang sinabi niya sa kanyang mga magulang."Hindi niya ako matutunton… Wala siyang alam kung nasaan ako… Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman kailanman."Ngunit bakit siya kinakabahan? Bakit may isang bahagi sa kanya na nagsasabing hindi ito ganon kadali?Napahawak siya sa kanyang tiyan, pilit nilalabanan ang takot na unti-unting gumagapang sa kanyang dibdib."Mga anak, huwag kayong mag-alala. Hindi ko hahayaang maagaw kayo sa akin."Ngunit hindi niya alam na sa mga oras ding iyon… may isang taong hindi tumitigil sa paghahanap sa kanya.Blue Ocean Cruise, JapanHawak ni Jal ang isang dokumento habang matalim ang kanyang tingin dito. Nakaupo siya sa harap ng kanyang mesa, pilit pinoproseso ang impormasyong nasa kanyang harapan."Saan mo nakuha ito?
Maagang nagising si Gemma Jones, inunat ang likod at bumuntong-hininga bago tinungo ang kusina. Sa tahimik na umaga, isang tunog ang bumalot sa buong bahay—ang tunog ng malakas na pagsusuka mula sa banyo.Mabilis na napatingin siya sa kanyang asawang si Ralph, na kasalukuyang nagkakape sa lamesa. Pareho nilang narinig iyon. Hindi ito ang unang beses. Ilang araw na nilang naririnig si Cherry tuwing umaga, sumusuka na parang may dinaramdam."Ralph, may sakit kaya si Cherry?" nag-aalalang tanong ni Gemma habang dahan-dahang nilapag ang kutsara sa kanyang tasa.Napakunot-noo si Ralph, nagbabasa ng dyaryo. "Hindi ko alam. Pero kung may sakit siya, dapat sinabi na niya sa atin."Bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas si Cherry, halatang namumutla, pawisan, at mukhang pagod. Halos hindi niya magawang itago ang kanyang panghihina."Anak, ayos ka lang ba?" Lapit agad ni Gemma, hawak sa braso ng kanyang anak. "Kanina ka pa namin naririnig na sumusuka. Baka naman may dinaramdam ka? Sabihin mo sa
Mariing napatingin si Jal kay Prescilla, ang kanyang panga ay humigpit, at ang kanyang mga kamao ay bahagyang sumara."Ano'ng pinagsasabi mo, Prescilla?" malamig niyang tanong, pilit na pinapakalma ang sarili.Ngumisi si Prescilla, inilagay ang kamay sa kanyang bewang. "Jal, hindi mo ba napapansin? Bigla na lang siyang nawala, bigla siyang nag-resign, at walang sinumang makapagsabi kung bakit. Hindi ba iyon kahina-hinala?"Hindi sumagot si Jal. Ngunit sa loob niya, may kung anong gumugulo sa isip niya."At kung tutuusin…" lumapit pa lalo si Prescilla, bahagyang idinantay ang kanyang kamay sa dibdib ni Jal pero agad itong inalis ng binata. "Dapat noon pa lang, ako na ang pinili mo. Hindi ko gagawin sa'yo ‘yang ginawa ni Cherry. Hindi ako tatakbo palayo sa’yo.""Huwag mo akong ipagkumpara sa kanya, Prescilla." malamig na sagot ni Jal. "At lalong huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin."Napatigil si Prescilla, napalitan ng inis ang kanyang mukha. "Kahit anong gawin mo, Jal, hindi mo na
Pagkalapag ni Cherry sa Pilipinas, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ligtas na siya. Malayo na siya kay Jal. At higit sa lahat, kasama na niya ulit ang kanyang pamilya.Dala ang kanyang mga gamit, sumakay siya ng taxi papunta sa kanilang bahay sa Tagaytay. Habang nasa biyahe, hinaplos niya ang kanyang tiyan, pumikit sandali, at nagbulong, "Mga anak, malaya na tayo."Nang makarating siya sa kanilang bahay, pinakiramdaman muna niya ang paligid bago marahang kumatok sa pinto. Ilang saglit lang, bumukas iyon, at bumungad ang kanyang ina—Gemma Jones, isang matapang ngunit mapagmahal na babae.Nanlaki ang mga mata nito. "Cherry?!"Hindi na nakapagsalita si Cherry. Sa halip, agad siyang niyakap ng kanyang ina, mahigpit, parang ayaw na siyang pakawalan."Anak… Diyos ko, anak! Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko nasa barko ka pa!"Narinig ni Cherry ang pagmamadaling mga yapak sa loob. Ilang saglit lang, lumabas na rin ang kanyang ama—Ralph Jones, isang dating sundalo, may ed
Napabuntong-hininga siya. "Damn it, Cherry… ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?""Jal."Napalingon siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Si Captain Prescilla Gana, ang isa sa mga senior officers sa cruise ship. Maganda at matikas ito, laging kontrolado ang sarili, pero sa mga mata nito ngayon, may nakatagong pait."Ano'ng ginagawa mo rito mag-isa?" tanong nito habang lumalapit."Wala. Iniisip lang ang isang bagay," matamlay niyang sagot.Tumikhim si Prescilla. "O isang tao?"Hindi siya sumagot.Ngumiti ito nang mapait. "Huwag mo nang itanggi. Lahat ng tao dito, nakikita kung paano mo hinahabol si Cherry."Nanigas ang panga ni Jal. "Anong pakialam nila?""Simple lang, Jal." Dumiretso ang tingin nito sa kanya. "Gusto ka nilang gisingin sa katotohanan.""At ano'ng katotohanan?"Humakbang si Prescilla palapit. "Na hindi ka na mahal ni Cherry."Parang sinuntok ang dibdib ni Jal sa narinig.Parang lumubog ang mundo ni Jal sa narinig niyang sinabi ni Prescilla. Hindi siya makapagsal
Sa wakas, ibinalik ng officer ang kanyang passport. "Alright. Safe flight, Miss."Napabuntong-hininga siya ng malalim nang makalagpas sa immigration. Isa na lang… check-in na lang…Pero bago pa siya makalayo, isang pamilyar na boses ang narinig niya sa likuran."Cherry!"Parang yelo ang dumaloy sa kanyang katawan. Hindi… hindi puwede!Dahan-dahan siyang lumingon, at nakita niya si Jal, hingal at mukhang desperado, nakatayo ilang metro lang ang layo mula sa kanya."Cherry, huwag mo akong takbuhan!" sigaw nito, hindi alintana ang mga taong nakatingin na ngayon sa kanila.Hindi na siya nag-isip pa. Mabilis siyang tumalikod at naglakad nang mas mabilis patungo sa departure area. "Huwag mo siyang pakinggan. Huwag mong hayaang habulin ka ng nakaraan," pilit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit narinig niya ang tunog ng mabilis na pagtakbo—alam niyang hindi siya bibitawan ni Jal."Cherry, please! Sandali lang!"Damn it! Alam niyang wala na siyang takas.At bago pa siya makalayo, naramdaman niya
Nakatayo si Cherry sa harap ng kanyang maliit na locker, inaayos ang huling gamit na dadalhin niya. Hindi niya akalain na ganito kabilis matatapos ang kanyang trabaho sa barko—ang trabahong minahal niya, ang trabahong bumuhay sa kanya. Pero ngayon, wala na siyang ibang pagpipilian.Muli niyang hinaplos ang kanyang tiyan. "Kakayanin natin ‘to, mga anak."Nang sa wakas ay handa na siyang lumabas, isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto."Cherry, ito na ang final clearance mo." Inabot ni Ms. Andrea Vasquez ang dokumento. "Everything is approved. You're officially free to leave the Diamond Cruise Ship."Mabilis niya itong tinanggap at tumango. "Maraming salamat po, ma’am. Hindi ko po ito makakalimutan."Malungkot siyang tinitigan ng kanyang manager. "Hindi mo ba talaga kayang ipaalam ito sa ibang crew? They’ll be devastated when they find out na umalis ka na."Muling umiling si Cherry. "Ma’am, gusto ko pong tahimik na umalis. Mas ma