Sa gabing iyon, hindi makatulog si Cherry. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatitig sa kisame habang paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi ni Marites. "Sino ang pipiliin mong ipaglaban?" Ang tanong na iyon ay umalingawngaw sa kanyang isipan, parang sirang plakang ayaw tumigil. Pinilit niyang pigilin ang emosyon, pero tila pinipiga ang kanyang puso sa bigat ng lahat. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Ang dami niyang tanong sa sarili, pero wala siyang makuhang sagot.Napabuntong-hininga siya, bumangon, at naupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumingin sa inbox ng mga mensahe ni David. Halos puro, "Sorry, busy ako," "Mamaya na tayo mag-usap," "Good night, mahal." Hindi niya maiwasang ma-frustrate. Kahit gusto niyang unawain ang sitwasyon ni David, naroon pa rin ang kirot ng kawalan ng koneksyon nila. Parang unti-unti siyang nawawala sa buhay ng taong mahal niya. Ang dating masigla at puno ng pagmamahalan nilang relasyon ay tila napalitan ng malami
“David,” sabi niya, mas kalmado na ngayon. “Hindi ko sinasabing hindi kita mahal. Pero mahal ko rin ang sarili ko. At kung patuloy akong magpapakulong sa ganitong sitwasyon, unti-unti kong mawawala ang respeto ko sa sarili ko. Kailangan ko ng oras para alamin kung ano ang nararapat para sa akin.”“Cherry, huwag naman,” sagot ni David, at sa wakas, narinig niya ang pangingiyak nito. “Ayusin natin ‘to. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon.”“David, ilang pagkakataon na ang binigay ko sa’yo,” sagot ni Cherry, at sa wakas, naramdaman niya ang bigat na unti-unting nawawala. “Pero sa bawat pagkakataon, parang mas lalo lang akong nawawala sa buhay mo. Hindi ko na kayang maghintay pa.”“Cherry, mahal kita,” sagot ni David, halos pabulong. “Huwag mo akong iwan.”“Mahal din kita, David,” sagot ni Cherry, at sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang katotohanan sa mga salitang iyon. “Pero minsan, hindi sapat ang pagmamahal. Kailangan din ng respeto, ng oras, at ng pagkakaintindihan. At kung wala ang
Sa bawat hakbang ni Jal palabas ng main office, dama niya ang magkahalong emosyon. Muli niyang maririnig ang dagundong ng makina ng barko, ang hagikgikan ng kanyang mga kasamahan, at ang tahimik na kalmadong dala ng karagatan. Ngunit higit sa lahat, ang tanong na matagal na niyang gustong sagutin: Kumusta na kaya si Cherry?Bago pa man siya tuluyang makaalis, hinarap ni Jal ang huling papel na kailangang pirmahan. Nagpaalam siya sa kanyang supervisor, na may ngiti sa labi ngunit may bakas ng lungkot sa tinig."Jal, mukhang mas maligaya ka tuwing nasa barko," anang supervisor. "Ang barko na yata ang totoong tahanan mo."Tumango si Jal, pilit na ngumingiti. "Oo nga, Sir. Parang nasa tamang lugar ako kapag nandoon. At siguro, kailangan kong bumalik para malaman kung saan talaga ako dapat."Habang nililinis ang kanyang mesa, nakita niya ang isang lumang larawan—isang grupo ng mga crew sa deck ng barko, masaya at walang iniintinding problema. Naroon si Cherry, nakangiti habang nakasandal s
"Nabusy lang ako lately, Cherry. Work ang dapat lagi natin inuuna," mariing sabi ni Capt. Jal, pilit na pinapanatiling malamig ang tono ng kanyang boses habang iniwas ang tingin kay Cherry.Napakurap si Cherry, halatang nagulat sa bigat ng sinabi nito. Ramdam niya ang pader na pilit binubuo ni Jal sa pagitan nila. Pero sa kabila ng malamig na sagot nito, hindi niya mapigilang itanong ang bumabagabag sa kanya."Jal, bakit parang iniiwasan mo ako? May ginawa ba akong mali?" tanong niya, halos pabulong ngunit puno ng emosyon. Ang mga mata niya ay naghahanap ng kasagutan sa mukha ni Jal, pero hindi siya makakita ng kahit anong bakas ng kanyang dating kaibigang laging nandiyan para sa kanya.Saglit na tumahimik si Jal, iniwas ang tingin sa nagtatakang mga mata ni Cherry. Hinigpitan niya ang hawak sa tasa ng kape sa harap niya, parang ito lang ang makakapigil sa kanyang emosyon."Wala kang ginawang mali, Cherry," sagot niya sa wakas, ngunit ang boses niya’y parang nanunukso ng sariling damd
Pagbalik ni Cherry sa kanilang quarters, halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Nakasimangot siya, at kahit pilit niyang itinatago ang lungkot sa kanyang mga mata, hindi iyon nakaligtas kay Marites, na abala noon sa pag-aayos ng kanyang mga gamit."Oh, ano na naman ang nangyari? Para kang sinakluban ng langit at lupa," biro ni Marites, ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang boses.Napabuntong-hininga si Cherry at umupo sa gilid ng kama, tinanggal ang kanyang sapatos na parang napakabigat ng bawat galaw. "Wala, Marites. Huwag mo na akong tanungin," mahinang sabi niya, na pilit iniiwas ang tingin."Ha? Wala? Huwag mo nga akong gawing tanga, Cherry. Alam kong may nangyari," sagot ni Marites, nilapag ang hawak niyang bag at umupo sa tabi ng kaibigan. "Nagkita kayo ni Captain Jal, hindi ba? Tama ba ang hula ko?"Hindi sumagot si Cherry, ngunit ang saglit niyang pagkatigil at ang pamamasa ng kanyang mga mata ay sapat nang sagot para kay Marites."Ayan na nga ba," sabi ni Marites, huminga
Araw-araw nagkikita sina Cherry at Captain Jal sa Blue Ocean Cruise, ngunit ang dating samahang malapit at puno ng tawanan ay tila ba nalimutan na ng panahon. Ngayon, ang turing nila sa isa’t isa ay estrikto at propesyonal—parang kapitan at passenger crew, boss at empleyado. Wala na ang dating mga pagbibiruan, at ang bawat salitang namumutawi sa kanilang labi ay pormal at walang emosyon."Good morning, Captain Jal," bati ni Cherry isang umaga, habang inaabot ang logbook na kailangang lagdaan nito. Diretso ang tingin niya, walang bakas ng emosyon sa kanyang boses."Good morning," sagot ni Jal, kaswal na kinuha ang logbook at walang imik na nilagdaan ito. Hindi man lang siya tumingin kay Cherry, na para bang ang pagitan nila ay isang malalim na bangin.Napansin ni Marites ang pagbabago sa kilos ni Cherry. Mula nang bumalik si Jal sa barko, parating seryoso at tahimik na si Cherry, na labis na ikinabahala ng kanyang kaibigan."Cherry, ano bang nangyayari sa’yo? Kanina ka pa parang estatw
Sa labas ng bintana, ang bughaw na dagat ay walang tigil sa pag-alon, sumasabay sa tibok ng puso ni Cherry na hindi niya mawari kung bumibilis dahil sa kaba o sa sakit na pilit niyang itinatago. Sa loob ng kanyang silid, naroon siya, nakatayo sa tabi ng bintana, habang si Marites ay tahimik na nakamasid sa kanya."Cherry..." mahinang sabi ni Marites, puno ng pag-aalala. "Alam kong mahirap, pero hindi mo kailangang tiisin mag-isa ang bigat ng nararamdaman mo."Dahan-dahang napapikit si Cherry, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mga mata. "Marites, bakit ganito?" mahina niyang bulong. "Bakit kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang kalimutan? Bakit kahit anong pilit kong bumalik kay David, may bahagi pa rin sa puso kong hinahanap si Jal?"Lumapit si Marites at hinawakan ang kanyang kamay. "Kasi, Cherry, ang puso hindi mo basta-basta mapipilit. Kahit gaano mo gustong sundin ang isip mo, ang puso mo pa rin ang masusunod."Napalunok si Cherry at muling tumingin
Pagbalik nila ni Marites sa Blue Ocean Cruise, si Cherry ay may halong kalituhan at pagod. Hindi na niya inisip pa si Jal, kahit na sa mga sandaling iyon, may piraso pa rin sa kanyang puso na hindi kayang paalisin ang mga alaala ng kanilang mga sandali. Sa bawat pag-alon ng dagat, parang naririnig niya ang mga tawag ng nakaraan, ngunit pinili niyang magsimula ng bagong kabanata.Habang naglalakad sila papasok sa loob ng barko, tahimik si Cherry. Napansin ni Marites ang pagbabago sa kanyang kaibigan—wala na ang tensyon na nararamdaman niya noong mga nakaraang araw. "Anong nangyari?" tanong ni Marites habang nilingon si Cherry.Napatingin si Cherry kay Marites at ngumiti ng bahagya. "Wala. Parang… okay na siguro. Siguro kailangan ko lang din talagang tanggapin na kailangan ko na siyang kalimutan."Nakangiting tinapik ni Marites ang balikat ni Cherry. "Masaya akong naririnig kong nagsisimula ka nang mag-move on. Hindi mo na kailangan pang maghanap ng mga sagot sa mga tanong mo, Cherry. T
Nasa deck sila ng barko, ang mahinang hangin ay dumadampi sa kanilang mga mukha. Hawak ni Jal ang maliit na kutitap na si Miguel na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Kakaibang pakiramdam ang sumik sa kanyang puso nang makita niyang magkasama silang tatlo ni Prescilla—isang piraso ng kanilang buhay na nabuo sa gitna ng magulong mga sandali."Ito na siya, Mama," sabi ni Jal, ng malumanay. "Si Miguel."Hindi nakatiis si Madam Luisa, ang lola ni Jal, kaya tinawagan niya ang cellphone ni Jal. Hindi sila magkasama, ngunit gusto niyang maramdaman ang kagalakan ng bagong buhay na dumarating sa kanilang pamilya. Kakaiba ang pagmamahal ng isang lola sa apo, at ngayon, gustong makita ni Madam Luisa ang kanyang apo kahit na sa pamamagitan ng tawag."Jal! Apo ko, nasaan na siya?" ang maligaya at sabik na boses ni Madam Luisa sa kabilang linya.Jal: "Mama, nariyan lang kami sa cabin. Halos natutulog na si Miguel. Magpapahinga na kami.""Ang cute-cute ng apo ko sa tuhod! Kamukha ng lolo m
Sa kabilang bahagi ng barko sa Vietnam, nakatayo si Capt. Jal sa deck, hawak ang isang maliit na stuffed toy. Huwag na lang, sabi niya sa sarili. "Miguel…" bulong niya habang pinagmamasdan ang dilim ng gabi at ang mga alon sa dagat."Miguel Pereno…" Hindi pa rin niya matanggap. Isang bahagi ng puso niya ay tumatangging tanggapin ang lahat ng nangyari. Parang ba siya ay hindi makaalis sa isang impiyerno ng paghihirap na siya rin naman ang nagdala.Naisip niya si Cherry. Hindi niya kayang iwasan ang mga larawan ng kanilang mga alaalang magkasama, ang mga pangako nila sa isa’t isa. Nandiyan pa ang mga gabing magkasama sila sa barko, at ang kanyang mga salitang binanggit sa kanya noong huling gabi nila: "Mahal kita, pero kailangan ko nang lumaban para sa sarili ko.""Mahal ko pa rin siya…" tahimik niyang aaminin. "Pero hindi ko siya kayang balikan ngayon. Hindi ko kayang isugal ang pamilya ko."Habang abala si Prescilla sa pagpapadede kay Miguel, tahimik na nanatili sa tabi ng kama ang mg
Tumingin siya sa kalangitan. Pilit niyang inuunawa ang sitwasyon. “Paano ko sasabihin ‘to kay Cherry?”“Dapat ba? O baka mas makakabuti kung hindi?”Alam niyang nagdesisyon na si Cherry na tuluyan nang mag-move on. Alam niyang pinili na nitong limutin si Jal, para sa kapakanan ng kanyang tatlong anak.Pero… karapatan din ba niyang itago ang totoo?Habang nagmumuni-muni si Marites, sa kabilang bahagi ng barko, sa isang pribadong suite, tahimik na binabantayan ni Capt. Jal Pereno ang bagong silang niyang anak.Mahimbing ang tulog ng sanggol. Napakaliit. Napakalambot ng pisngi.Napapangiti siya sa tuwing hinahaplos ang noo nito.“Ang gwapo mo, Miguel,” bulong niya. “Mukha kang mommy mo. Pero sana kahit kaunti, makuha mo rin ang tapang niya.”Tumabi si Prescilla, pagod at maputla. “Jal, salamat ha… hindi ko kinaya ‘to kung wala ka.”Ngumiti si Jal. Pinisil niya ang kamay ng asawa.“Tungkulin ko ‘to bilang asawa mo.”Pero kahit anong pilit niyang ibaling sa kasalukuyan ang kanyang isip, ma
Alas-diyes ng gabi. Tahimik ang buong bahay. Ang ilaw sa sulok ng silid ay nakatuon lamang sa maliit na work area ni Cherry—isang mesa, headset, laptop, at isang tasa ng kape na umaaso pa sa init. Sa kabilang silid, natutulog ang kanyang tatlong anak. Nakahanda na rin ang kasambahay na kung sakaling umiyak ang mga bata, ay maagap na gagalaw. Lahat ay pinaghandaan niya. Dapat lang. Sapagkat ito ang una niyang shift matapos ang anim na buwang maternity leave.Kinakabahan man, pinilit ni Cherry ang sarili na maging kalmado.“Okay… kaya mo ’to. Para kina Mikee, Mikaela, at Mike,” bulong niya sa sarili habang binubuksan ang mga tabs sa system.Dumating ang unang call.Beep.“Thank you for calling NorthGate Communications. This is Cherry, how may I assist you today?”Isang lalaking galit ang agad na sumagot.“About time! I’ve been waiting for fifteen minutes! What kind of service is this?! Do you even know what you’re doing?”Bahagyang nayanig si Cherry, pero agad niyang kinontrol ang kanya
Ang ilaw ng screen ang tanging liwanag sa silid. Sa tabi nito, nakapatong ang isang tasa ng kape — malamig na, pero hindi niya inaalis sa tabi niya. Sa Skype, naka-log in na siya, hinihintay ang tawag ng kanyang manager.Tila ba ang bawat tibok ng puso niya ay lumalakas. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang huminga nang malalim para lang maibsan ang kaba.Nag-ring na ang Skype. Tumindig ang balikat ni Cherry. Mahigpit ang hawak niya sa mouse habang pinipindot ang "Answer."Lumabas ang mukha ni Ms. Torres — ang kanyang team manager na kilalang prangka, diretso kung magsalita, at walang paliguy-ligoy.“Cherry! Good evening. I’m glad you made it on time. How are you?”Matatag ang boses ni Cherry kahit kinakabahan.“Good evening po, Ms. Torres. Ayos naman po. Medyo naninibago ulit sa setup, pero ready na po ako.”“I see. Well, before we talk about schedules and your work-from-home return, let me just say — it’s been six months. I hope everything went well with your delivery?”Na
Habang binabasa ang detalyeng nakasaad sa email—mula sa employer niyang naka-base sa Japan—naramdaman niyang may pangingilid ng luha sa kanyang mata. Nag-aalok ang kompanya ng muling kontrata. Isang bagong simula. Isang bagong paglalakbay… palayo sa kanyang mga anak.“Para sa kinabukasan nila,” bulong niyang muli habang pinipilit na lunukin ang emosyon.Habang hawak ang cellphone, dumaan sa kanyang isip si Marites, ang matalik niyang kaibigan na kasamahan dati sa Blue Ocean Cruise Ship. Ito lamang ang tanging taong patuloy na nagpapadala ng mensahe at tumatawag upang kamustahin siya. Sa bawat tawag ni Marites, tila ba nabibigyan siya ng panibagong lakas.Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ito.“Hello, Mare! Kumusta ka na?” bati ni Marites mula sa kabilang linya, puno ng saya at enerhiya ang tinig.“Okay lang, Mare. Gising na ang mga bata, mag-aalmusal na kami,” sagot ni Cherry habang pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha.“Minsan lang tayo magkausap kaya nagpapasalam
"Bilang ina, hindi ko kayang pabayaan ang mga anak ko," bulong niya sa sarili.Pinindot niya ang email at binasa ang nilalaman. Ang mga responsibilidad bilang ina ay hindi natatapos sa pagbibigay buhay, ngunit sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga anak na magkaroon ng magandang kinabukasan.Habang binabasa ang mga detalyeng nakasaad sa email, naramdaman niyang may kakaibang pangingilid sa kanyang mata. Matapos ang lahat ng pinagdaanan—ang pandemya, ang kalungkutan, ang mga sakripisyo—wala siyang ibang hangarin kundi ang magtagumpay at matulungan ang kanyang pamilya.Dumating sa kanyang isipan si Marites, ang matalik niyang kaibigan sa Blue Ocean Cruise Ship, na patuloy na tumatawag at nagpapadala ng mga mensahe para alamin kung kumusta na siya. Sa bawat tawag ni Marites, tila ba binibigyan siya ng lakas. Kahit na malayo, alam niyang may taong naniniwala sa kanya.Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan si Marites.“Hello, Mare! Kumusta ka na?” bati ni Marites mula sa kabila
“Sure ka na ba, Cherry, na ipagpatuloy mo pa rin ang paglilihim mo na si Jal ang ama?” tanong ni Marites, nag-aalalang tono ng boses nito.Tumahimik si Cherry, isang matinding tanong na nagbigay daan sa isang matinding kalituhan sa kanyang isipan. “Oo, Marites… ayoko na ng komplikadong buhay. Pinili na ni Jal si Prescilla, nagpakasal na sila, at may anak na sila. Iyon na ang buhay na pinili nila. Hindi ko na kayang guluhin pa iyon.”“Pero ang mga anak mo, Cherry, hindi mo ba nais na malaman nila ang katotohanan?” tinanong ni Marites, at naramdaman ni Cherry ang pagsisisi sa tono ng kanyang kaibigan. “Si Jal ang ama ng mga anak mo. Hindi ba’t kailangan nilang malaman?”Mahabang sandali ng katahimikan ang sumunod sa pagtanong na iyon. Si Cherry ay hindi makapagsalita agad. Alam niyang may katotohanan ang sinabi ni Marites, ngunit iba ang sitwasyon niya ngayon. Hindi siya handang harapin si Jal. Hindi pa siya handa. Lalo na at batid niyang kung malalaman ni Jal ang tungkol sa kanyang mga
Mainit ang sikat ng araw sa probinsya habang mahinang ihip ng hangin ang nagpapagalaw sa mga kurtina ng maliit ngunit malinis na bahay nina Cherry. Anim na buwan na ang nakalipas mula nang isilang niya ang kanyang tatlong anghel—si Mikaela, Mikee, at Mike. Sa kabila ng pandemya, pagsubok, at mga panahong halos mawalan siya ng pag-asa, ngayon ay tila unti-unti nang binibigyang kulay ng mga sanggol ang kanyang mundo.Nakaupo si Cherry sa sofa habang nagpapadede kay Mikee. Sa sahig, natutulog ang kambal na si Mikaela at Mike, nakabalot sa maliliit na kumot na may makukulay na disenyo. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang iyak ni Mikee at ang tunog ng bentilador.“Ma,” mahinang tawag ni Cherry habang hawak-hawak ang anak. “Salamat sa lahat. Kung hindi dahil sa inyo ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”Lumabas mula sa kusina si Gemma, may dalang mainit na gatas at tinapay. “Anak, 'wag mong isipin 'yan. Anak ka namin. Kahit kailan, hindi ka namin pababayaan. Kahit pa tatlo p