Home / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 71

Share

I'm Crazy For You Chapter 71

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-01-29 11:55:50

Sa labas ng bintana, ang bughaw na dagat ay walang tigil sa pag-alon, sumasabay sa tibok ng puso ni Cherry na hindi niya mawari kung bumibilis dahil sa kaba o sa sakit na pilit niyang itinatago. Sa loob ng kanyang silid, naroon siya, nakatayo sa tabi ng bintana, habang si Marites ay tahimik na nakamasid sa kanya.

"Cherry..." mahinang sabi ni Marites, puno ng pag-aalala. "Alam kong mahirap, pero hindi mo kailangang tiisin mag-isa ang bigat ng nararamdaman mo."

Dahan-dahang napapikit si Cherry, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mga mata. "Marites, bakit ganito?" mahina niyang bulong. "Bakit kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang kalimutan? Bakit kahit anong pilit kong bumalik kay David, may bahagi pa rin sa puso kong hinahanap si Jal?"

Lumapit si Marites at hinawakan ang kanyang kamay. "Kasi, Cherry, ang puso hindi mo basta-basta mapipilit. Kahit gaano mo gustong sundin ang isip mo, ang puso mo pa rin ang masusunod."

Napalunok si Cherry at muling tumingin
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 72

    Pagbalik nila ni Marites sa Blue Ocean Cruise, si Cherry ay may halong kalituhan at pagod. Hindi na niya inisip pa si Jal, kahit na sa mga sandaling iyon, may piraso pa rin sa kanyang puso na hindi kayang paalisin ang mga alaala ng kanilang mga sandali. Sa bawat pag-alon ng dagat, parang naririnig niya ang mga tawag ng nakaraan, ngunit pinili niyang magsimula ng bagong kabanata.Habang naglalakad sila papasok sa loob ng barko, tahimik si Cherry. Napansin ni Marites ang pagbabago sa kanyang kaibigan—wala na ang tensyon na nararamdaman niya noong mga nakaraang araw. "Anong nangyari?" tanong ni Marites habang nilingon si Cherry.Napatingin si Cherry kay Marites at ngumiti ng bahagya. "Wala. Parang… okay na siguro. Siguro kailangan ko lang din talagang tanggapin na kailangan ko na siyang kalimutan."Nakangiting tinapik ni Marites ang balikat ni Cherry. "Masaya akong naririnig kong nagsisimula ka nang mag-move on. Hindi mo na kailangan pang maghanap ng mga sagot sa mga tanong mo, Cherry. T

    Last Updated : 2025-01-31
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 73

    Lumipas ang mga araw na parang isang mahaba at walang katapusang biyahe sa karagatan. Patuloy pa rin sa paglalayag ang Blue Ocean Cruise Ship, at tulad ng alon na walang humpay sa paggalaw, pilit na rin pinapatag ni Cherry ang damdamin niya. Hindi na sila nagkikita ni Capt. Jal—at iyon naman ang gusto niya, hindi ba?Ngunit bakit, sa tuwing dumaraan siya sa control deck, pakiramdam niya ay parang hinahanap-hanap ng mga mata niya ang isang anino na hindi naman dapat niya makita? Bakit sa tuwing may dumadaang crew na may suot na captain's uniform, napapalingon siya, umaasang siya iyon... pero agad ding ipinapaalala sa sarili na tapos na iyon.“Cherry, hindi pa tapos ‘yung VIP rooms, hindi ba?” tanong ni Marites, sabay tapik sa kanyang balikat.Napakurap si Cherry. “Ha? Ah, oo! Pupuntahan ko na.”"Huy, kanina ka pa parang tulala ha!" biro ni Marites, nakataas ang kilay. "Sabihin mo nga sa akin, iniisip mo ba si Capt. Jal?"Mabilis na umiling si Cherry. "Hindi ah!""Hmmm." Tumawa si Marit

    Last Updated : 2025-02-01
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 74

    Pinilit ni Cherry na ngumiti kay Marites at iwasan ang tanong. “Oo naman. Tapos na. Matagal nang tapos,” sagot niya, pero kahit siya mismo, hindi naniniwala sa sinasabi niya.Tumango-tango si Marites habang nakahalukipkip. “Ah, ganun? Eh bakit ang lungkot-lungkot ng mukha mo?”Napairap si Cherry. “Hindi ako malungkot.”“Ahhh, hindi malungkot? Eh bakit para kang ewan diyan kanina, tulala, muntik pang mabasag ang baso?” inis na tukso ng kaibigan.Cherry sighed. “Marites, please lang. Ayokong pag-usapan si Capt. Jal. Ang importante, may David na ako. Siya ang mahalaga sa akin.”“Talaga ba?”Hindi agad nakasagot si Cherry.Dahil kahit anong pilit niyang sabihin na tapos na sila ni Jal… bakit parang ang puso niya, may ibang sinasabi?Pagbalik nila sa Blue Ocean Cruise Ship, agad na nag-ring ang phone ni Cherry. Si David.David: “Hey, love. Kumusta ka na?”Dama ni Cherry ang lambing sa boses ng fiancé niya, pero sa kabila noon, parang may kung anong bumabagabag sa kanya.Cherry: “Mabuti nam

    Last Updated : 2025-02-02
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 75

    Habang papalayo si Cherry ay napansin ito ni Marites. Nakakunot ang noo niya habang minamasdan ang kaibigan. Kitang-kita sa mukha ni Cherry ang bigat ng dinadala."Hoy, Cherry!" Lumapit si Marites at siniko ito nang bahagya. "Anong nangyari? Bakit parang gusto mong bumagsak ang langit sa balikat mo?"Pilit na ngumiti si Cherry. "Wala, Marites. Sinabihan lang ako ni Capt. Jal tungkol sa trabaho. May nagreklamo raw."Napaatras si Marites. "Ano?! Sinermunan ka ni Capt. Jal? Diyos ko, Cherry, anong ginawa mo?"Mahina ang boses ni Cherry nang sumagot siya. "Wala naman akong ginawang mali. Ginagawa ko ang trabaho ko pero sabi niya parang wala raw ako sa sarili."Nagtataray na hinampas ni Marites ang hangin. "Well, to be fair, minsan nga natutulala ka! Pero ano bang sinabi niya? May halong emosyon ba? May sinabing personal? Baka naman concern lang siya sa’yo?"Mapait na natawa si Cherry. "Concern? Hindi naman niya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, Marites. Malamig siya, parang wala

    Last Updated : 2025-02-03
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 76

    Makalipas ang ilang linggo, nanatiling malamig ang ugnayan nina Cherry at Capt. Jal. Hindi na tulad ng dati na kahit may distansya, ramdam pa rin niya ang presensya nito. Ngayon, parang may isang mataas na pader sa pagitan nila at tila wala nang balak si Capt. Jal na sirain iyon. Hindi naman iyon inaantala ni Cherry.Pero habang lumilipas ang mga araw, may iba pang bagay na unti-unting nagbabago.Si David.Nang huli silang mag-usap, sinabi ni David na magdiriwang siya ng kanyang kaarawan kasama ang mga kasamahan niya sa trabaho. Hindi naman iyon naging problema kay Cherry. Pero simula noon, hindi na ito tumawag. Wala ni isang mensahe.Sa una, inisip niyang baka abala lang ito. Pero lumipas ang isang linggo. Dalawa. Hanggang sa isang buwan na ang nakakalipas at wala pa ring paramdam si David.Nabahala na si Cherry.Habang hawak ang cellphone, kinakabahan siyang nag-type ng mensahe."David, nasaan ka na? Anong nangyayari?"Sinundan niya ito ng sunod-sunod pang text.— David, bakit di ka

    Last Updated : 2025-02-05
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 77

    Dahil sa gabing iyon, tinanggap ni Cherry ang isang katotohanan—tapos na ang kanila ni David. Kailangan na niyang magpatuloy. Hindi na niya kayang maghintay pa, at mas lalong hindi na niya kayang magpigil ng sakit.Habang nakatayo siya sa viewing deck, ang mga mata niya ay malabo sa mga luha. Ang mga ilaw mula sa malalayong isla ay parang mga alitaptap na unti-unting namamatay sa dilim ng gabi. At tulad ng mga ilaw na iyon, ramdam niyang dahan-dahang nauubos ang lahat ng nararamdaman niyang pag-asa."Cherry?" tumawag ang pamilyar na boses ni Marites. Lumapit ito sa kanya at inilagay ang kamay sa kanyang balikat."Ok ka lang?" tanong ni Marites, malalim ang tono ng kanyang boses. Alam niyang hindi madali kay Cherry ang lahat ng nangyayari.Cherry hindi sumagot agad. Tumayo siya roon, ang kanyang katawan parang bigat na bigat, ang puso niya parang may isang mabigat na bato na nakabaon. Nang maramdaman ang presensya ni Marites, napansin niyang gumagaan ng bahagya ang pakiramdam niya. Per

    Last Updated : 2025-02-06
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 78

    Ang mga salita ni Marites ay parang hangin na dahan-dahang humaplos sa puso ni Cherry. Isang init ang naramdaman niya mula sa yakap ng kaibigan, isang init na nagpawi sa ilang bahagi ng kanyang takot at panghihina. Hindi na siya nag-iisa. Ang mga galit at pagkabigo na kanyang kinikimkim ay unti-unting nawawala, dahil sa suporta at pag-unawa ni Marites."Marites…" Mahina ang tinig ni Cherry habang inilalabas niya ang mga huling patak ng luha. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka.""Magiging okay ka, Cherry. Kaya mo 'to. At hindi ako aalis," sagot ni Marites, mas malumanay ang boses. "Lahat tayo may mga pagsubok, at minsan, kailangan natin ng oras para maghilom. Pero matututo ka, at magiging mas malakas ka."Nagkatinginan sila, at ang mga mata ni Cherry ay punong-puno ng pasasalamat. Sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman niya, naramdaman niyang may pag-asa pa. May pagkakataon pang makakabangon, at hindi na siya kailangang mag-isa."Sigurado ka ba na maghihilom pa ako?

    Last Updated : 2025-02-06
  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 79

    Ngumiti si Cherry, kahit may mga luha pa ring dumadaloy mula sa kanyang mata. "Pangako, Marites, susubukan kong magpatuloy. Hindi ko alam kung paano, pero susubukan ko.""Yan ang unang hakbang, Cherry. Andito lang ako para samahan ka. Hindi kita iiwan," sagot ni Marites, yakap pa rin ang kaibigan. "Mahalaga ka, Cherry. At hindi mo kailangang mag-isa sa pagharap sa lahat ng ito."Habang niyayakap ni Marites si Cherry, naramdaman nila ang kahulugan ng bawat salita. Ang mga sugat na dulot ng pag-ibig ay hindi agad gumagaling, ngunit ang paghilom ay nagsisimula sa maliit na hakbang ng pagpapatawad at pagtanggap sa sarili.Muling tumingin si Cherry sa dagat, ang malamlam na mga alon ay patuloy na dumarating at umaalis, parang ang buhay din—punong-puno ng mga alon ng pagsubok at pagsisisi, ngunit palaging may pagkakataon na magsimula muli."Salamat, Marites. Alam kong hindi magiging madali, pero sa mga salitang sinabi mo, parang may liwanag na muli akong nakikita. Hindi ko pa alam ang buong

    Last Updated : 2025-02-06

Latest chapter

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 148

    Tatlong araw ang lumipas.Tahimik na nag-iimpake si Cherry, ang puso niya’y punong-puno ng kaba."Anak, sigurado ka bang gusto mong umalis?" tanong ni Gemma, ang kanyang ina, na may halong pag-aalala. "Wala namang masama kung harapin mo si Jal, Cherry.""Mama, hindi ko kayang ipagsapalaran ang kapakanan ng mga anak ko.""Pero hindi mo man lang ba siya bibigyan ng pagkakataon?"Napalunok si Cherry. "Paano kung bawiin niya ang mga bata sa akin?""Pero anak—"Naputol ang usapan nila nang biglang may kumatok sa pinto.TOK! TOK! TOK!Napahinto si Cherry, mabilis na tumingin sa kanyang ina. May hindi magandang pakiramdam na bumalot sa kanyang dibdib."Cherry… may bisita ka," mahinang sabi ni Ralph, ang kanyang ama, habang bumukas ang pinto.At bumungad si Jal.Napakagat-labi si Cherry, agad na umatras. Bakit siya nandito?Napansin ni Jal ang maleta sa tabi ng sofa. Kumunot ang noo niya, ang kanyang mga mata ay nagdilim. "Tinatakasan mo na naman ako, Cherry?"Mariing napapikit si Cherry. "Um

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 147

    Mariing itinikom ni Cherry ang mga labi. Ayaw niyang ipakita kay Jal kung paano siya naaapektuhan ng presensya nito, kung paano nito nagagawang guluhin ang isip at puso niya kahit pa ilang ulit na niyang sinabing tapos na ang lahat sa kanila."Oo, Jal. Ganun lang kadali. Dahil tapos na tayo. Wala na tayong dapat pag-usapan.""Tapos na tayo?" Umiling si Jal. "Hindi, Cherry. Hindi pa tayo tapos. At hindi kita tatantanan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang totoo.""Sinabi ko na ang totoo!" sigaw ni Cherry, ngunit kahit siya ay hindi kumbinsido sa sariling salita."Hindi!" Mabilis na lapit ni Jal, marahas niyang hinawakan ang braso ni Cherry, dahilan para mapaatras ito. "Hindi mo ako maloloko, Cherry! Hindi si David ang ama ng mga anak mo, kundi ako!"Napapitlag si Cherry. Hindi niya inasahan ang pagsabog ng galit ni Jal."Bitiwan mo ako, Jal!" Pilit niyang inalis ang pagkakahawak nito, ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak ni Jal sa kanya."Bakit mo ako niloloko, Cherry? Sabihin mo

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 146

    Tahimik na nakahiga si Cherry sa kanyang kama, ngunit hindi mapakali ang kanyang isipan. Sa kabila ng pagod at hirap ng kanyang pagbubuntis, hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang sinabi niya sa kanyang mga magulang."Hindi niya ako matutunton… Wala siyang alam kung nasaan ako… Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman kailanman."Ngunit bakit siya kinakabahan? Bakit may isang bahagi sa kanya na nagsasabing hindi ito ganon kadali?Napahawak siya sa kanyang tiyan, pilit nilalabanan ang takot na unti-unting gumagapang sa kanyang dibdib."Mga anak, huwag kayong mag-alala. Hindi ko hahayaang maagaw kayo sa akin."Ngunit hindi niya alam na sa mga oras ding iyon… may isang taong hindi tumitigil sa paghahanap sa kanya.Blue Ocean Cruise, JapanHawak ni Jal ang isang dokumento habang matalim ang kanyang tingin dito. Nakaupo siya sa harap ng kanyang mesa, pilit pinoproseso ang impormasyong nasa kanyang harapan."Saan mo nakuha ito?

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 145

    Maagang nagising si Gemma Jones, inunat ang likod at bumuntong-hininga bago tinungo ang kusina. Sa tahimik na umaga, isang tunog ang bumalot sa buong bahay—ang tunog ng malakas na pagsusuka mula sa banyo.Mabilis na napatingin siya sa kanyang asawang si Ralph, na kasalukuyang nagkakape sa lamesa. Pareho nilang narinig iyon. Hindi ito ang unang beses. Ilang araw na nilang naririnig si Cherry tuwing umaga, sumusuka na parang may dinaramdam."Ralph, may sakit kaya si Cherry?" nag-aalalang tanong ni Gemma habang dahan-dahang nilapag ang kutsara sa kanyang tasa.Napakunot-noo si Ralph, nagbabasa ng dyaryo. "Hindi ko alam. Pero kung may sakit siya, dapat sinabi na niya sa atin."Bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas si Cherry, halatang namumutla, pawisan, at mukhang pagod. Halos hindi niya magawang itago ang kanyang panghihina."Anak, ayos ka lang ba?" Lapit agad ni Gemma, hawak sa braso ng kanyang anak. "Kanina ka pa namin naririnig na sumusuka. Baka naman may dinaramdam ka? Sabihin mo sa

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 144

    Mariing napatingin si Jal kay Prescilla, ang kanyang panga ay humigpit, at ang kanyang mga kamao ay bahagyang sumara."Ano'ng pinagsasabi mo, Prescilla?" malamig niyang tanong, pilit na pinapakalma ang sarili.Ngumisi si Prescilla, inilagay ang kamay sa kanyang bewang. "Jal, hindi mo ba napapansin? Bigla na lang siyang nawala, bigla siyang nag-resign, at walang sinumang makapagsabi kung bakit. Hindi ba iyon kahina-hinala?"Hindi sumagot si Jal. Ngunit sa loob niya, may kung anong gumugulo sa isip niya."At kung tutuusin…" lumapit pa lalo si Prescilla, bahagyang idinantay ang kanyang kamay sa dibdib ni Jal pero agad itong inalis ng binata. "Dapat noon pa lang, ako na ang pinili mo. Hindi ko gagawin sa'yo ‘yang ginawa ni Cherry. Hindi ako tatakbo palayo sa’yo.""Huwag mo akong ipagkumpara sa kanya, Prescilla." malamig na sagot ni Jal. "At lalong huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin."Napatigil si Prescilla, napalitan ng inis ang kanyang mukha. "Kahit anong gawin mo, Jal, hindi mo na

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 143

    Pagkalapag ni Cherry sa Pilipinas, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ligtas na siya. Malayo na siya kay Jal. At higit sa lahat, kasama na niya ulit ang kanyang pamilya.Dala ang kanyang mga gamit, sumakay siya ng taxi papunta sa kanilang bahay sa Tagaytay. Habang nasa biyahe, hinaplos niya ang kanyang tiyan, pumikit sandali, at nagbulong, "Mga anak, malaya na tayo."Nang makarating siya sa kanilang bahay, pinakiramdaman muna niya ang paligid bago marahang kumatok sa pinto. Ilang saglit lang, bumukas iyon, at bumungad ang kanyang ina—Gemma Jones, isang matapang ngunit mapagmahal na babae.Nanlaki ang mga mata nito. "Cherry?!"Hindi na nakapagsalita si Cherry. Sa halip, agad siyang niyakap ng kanyang ina, mahigpit, parang ayaw na siyang pakawalan."Anak… Diyos ko, anak! Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko nasa barko ka pa!"Narinig ni Cherry ang pagmamadaling mga yapak sa loob. Ilang saglit lang, lumabas na rin ang kanyang ama—Ralph Jones, isang dating sundalo, may ed

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 142

    Napabuntong-hininga siya. "Damn it, Cherry… ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?""Jal."Napalingon siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Si Captain Prescilla Gana, ang isa sa mga senior officers sa cruise ship. Maganda at matikas ito, laging kontrolado ang sarili, pero sa mga mata nito ngayon, may nakatagong pait."Ano'ng ginagawa mo rito mag-isa?" tanong nito habang lumalapit."Wala. Iniisip lang ang isang bagay," matamlay niyang sagot.Tumikhim si Prescilla. "O isang tao?"Hindi siya sumagot.Ngumiti ito nang mapait. "Huwag mo nang itanggi. Lahat ng tao dito, nakikita kung paano mo hinahabol si Cherry."Nanigas ang panga ni Jal. "Anong pakialam nila?""Simple lang, Jal." Dumiretso ang tingin nito sa kanya. "Gusto ka nilang gisingin sa katotohanan.""At ano'ng katotohanan?"Humakbang si Prescilla palapit. "Na hindi ka na mahal ni Cherry."Parang sinuntok ang dibdib ni Jal sa narinig.Parang lumubog ang mundo ni Jal sa narinig niyang sinabi ni Prescilla. Hindi siya makapagsal

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 141

    Sa wakas, ibinalik ng officer ang kanyang passport. "Alright. Safe flight, Miss."Napabuntong-hininga siya ng malalim nang makalagpas sa immigration. Isa na lang… check-in na lang…Pero bago pa siya makalayo, isang pamilyar na boses ang narinig niya sa likuran."Cherry!"Parang yelo ang dumaloy sa kanyang katawan. Hindi… hindi puwede!Dahan-dahan siyang lumingon, at nakita niya si Jal, hingal at mukhang desperado, nakatayo ilang metro lang ang layo mula sa kanya."Cherry, huwag mo akong takbuhan!" sigaw nito, hindi alintana ang mga taong nakatingin na ngayon sa kanila.Hindi na siya nag-isip pa. Mabilis siyang tumalikod at naglakad nang mas mabilis patungo sa departure area. "Huwag mo siyang pakinggan. Huwag mong hayaang habulin ka ng nakaraan," pilit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit narinig niya ang tunog ng mabilis na pagtakbo—alam niyang hindi siya bibitawan ni Jal."Cherry, please! Sandali lang!"Damn it! Alam niyang wala na siyang takas.At bago pa siya makalayo, naramdaman niya

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 140

    Nakatayo si Cherry sa harap ng kanyang maliit na locker, inaayos ang huling gamit na dadalhin niya. Hindi niya akalain na ganito kabilis matatapos ang kanyang trabaho sa barko—ang trabahong minahal niya, ang trabahong bumuhay sa kanya. Pero ngayon, wala na siyang ibang pagpipilian.Muli niyang hinaplos ang kanyang tiyan. "Kakayanin natin ‘to, mga anak."Nang sa wakas ay handa na siyang lumabas, isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto."Cherry, ito na ang final clearance mo." Inabot ni Ms. Andrea Vasquez ang dokumento. "Everything is approved. You're officially free to leave the Diamond Cruise Ship."Mabilis niya itong tinanggap at tumango. "Maraming salamat po, ma’am. Hindi ko po ito makakalimutan."Malungkot siyang tinitigan ng kanyang manager. "Hindi mo ba talaga kayang ipaalam ito sa ibang crew? They’ll be devastated when they find out na umalis ka na."Muling umiling si Cherry. "Ma’am, gusto ko pong tahimik na umalis. Mas ma

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status