SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
“Sophia, gumising kana. Malalate ka na.” Naramdaman kong may yumuyogyog sakin. Araw-araw si mama lagi ang alarm ko. May alarm naman ako ang kaso ang advance niya manggising sakin. Anong oras na kasi ako natapos sa pagrereview kagabi para sa exam mamaya. Hindi ko na lang pinansin si Mama at tinuloy muna ang pagtulog. “Nak, anong oras na oh. Wag kang tatamad-tamad, Isabella.” Ngayon naman second name ko binanggit. Ano ba trip ni mama at dalawang pangalan ang binigay niya sakin? “5 more minutes” inaantok na sabi ko. Makakatulog na sana ako ulit hanggang sa…. “SOPHIA ISABELLA SANCHEZ!” “SUNOG!” Gulat akong napabangon dahil sa sigaw ni mama. Nakakaumay naman ‘tong si mama binuo pa talaga ang name ko. “Ma naman, ang aga aga pa eh.” Reklamo ko at inis na napakamot sa ulo ko. “Wag mo kong maarte-arte dyan. Mas mabuti na ‘yung maaga ka kaysa sa late. Oh siya, bumangon ka na at kumain ka na dun sa kusina habang mainit pa ang mga niluto ko.” Naglakad na siya at lumabas sa room ko. Napangiti
Gulat na gulat ako sa nalaman ko mula sa kanila. This is so insane! How come she has a boyfriend? Well, sino ba namang hindi magkakagusto kay mama, eh maganda naman siya at saka mukhang bata pa pero wala naman siyang kinukwento sakin about sa nagugustuhan niyang lalaki or nakilala niyang lalaki. Tinago ba sakin ito ni mama? Why? Dahil magagalit ako?"I'm sorry nak kung ngayon ko lang ito sinabi sayo. Malaki ka naman na para maintindihan ang sitwasyon ko kaya inisip ko na mag-asawa muli para may katuwang akong magpalaki sayo at may maituring kang ama. Gusto ko lang naman na mabigyan ka ng buong pamilya." Nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha. Mukha siyang pinagalitan ng ina dahil nakagawa siya ng mali. Ngunit baliktad ang sitwasyon namin, ako ang anak at siya ang ina. "Hindi naman po ako tutol sa inyo lalo na kung saan ka po masaya ma. But make sure lang po na hindi ka niya lolokohin." Hindi naman talaga ako tutol if dumating ang araw na magmamahal ulit siya. Ilang beses ko na r
SOPHIA’S POV. Nakaimpaki na lahat ng gamit namin ni mama dahil kagabi pa namin inayos ang mga ito. Sabado ngayon at ngayong araw din kami lilipat sa bahay ni tito Donny. Hindi ako sigurado kung hindi niya lolokohin si mama. Wala akong tiwala sa mga lalaki pero para kay mama ay susuportahan ko siya kung saan siya masaya kagaya ng pagsuporta niya sakin. “Sophia, tara na lumabas ka na dyan. Nasa labas na si tito Donny mo.” “Mauna na po kayo, susunod na po ako.” Narinig ko ang paghakbang ni mama paalis at saka ako tumingin ulit sa salamin. Inayos ko muna ang suot kong itim na damit na pinares ko sa fitted jeans. Inayos ko rin ang buhok ko at pinusod ito. Naglagay lang ako ng polbo sa mukha at lip gloss sa labi. Hindi naman ako pala-ayos saka, di rin ako mahilig sa mga make-ups like foundations or ka-ek-ekan sa mukha. Mas prefer ko kasi ang natural na beauty. Pagkatapos ko mag-ayos ay kinuha ko na ang backpack ko kung nasaan ang mga gamit ko. Kaunti lang naman mga damit ko, nilalabhan
"What did you say dad? She's my stepsister? How come?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy ako nanliit sa sarili ko dahil sa suot ko compared sa suot niyang pang business attire.Paraan pa lang ng pagtingin niya nakakatakot na para siyang nangangain ng tao. Mukha yatang ‘di kami magkakasundo ng Magnus na to. Halata naman sa itsura niya na ayaw niya sakin or baka ‘di niya lang ineexpect na magkakaroon siya ng bagong pamilya.Ang gwapo pa rin niya kahit na nakakunot ang noo niya. Well, bumagay naman sa kanya ang ugali niya sa itsura niya. Tindig pa lang niya ay alam mong sobrang taas niya na hindi mo kayang abutin."Because me and your father will get married soon." Biglang sabat ni mama habang papunta siya sa kinaroroonan namin. Bumaling naman si Magnus kay mama saka binalik ulit sa daddy niya "What?! Dad, are you insane?!"Grabe ah, ano bang ugali nitong lalaking to at pati sariling ama pinagtataasan ng boses?"Magnus, lower your voice. I'm still your father." Ma-awtor
Kinabukasan ay hindi ko na nakita si Magnus pagkatapos noong sagutan namin kahapon. Simula noon, hindi ko na siya nakita pa. Ang sabi ni tito samin na si Magnus ang nag-aasikaso ng company nila at nasa Manila ito. Kaya't wala siya dito sa mansyon. Madalang lang daw umuwi dito si Magnus. Mas mabuti na 'yung wala siya dito, ayokong makita ang pagmumukha ng mokong na 'yun. Nakakaasar siya akala mo kasi kung sino porket mayaman siya, akala niya madadala na niya lahat sa pera. "Uyy! Bell, ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako kay Nanna. Iniharap niya sakin ang upuang nasa harap ko saka siya umupo. Hindi ko pala alam na kanina pa pala ako natulala at hindi ko napansin ang pagdating ng babaitang ito kung 'di lang ito nagsalita ay hindi ko siya mapapansin. Lunes kasi ngayon at nasa room kami. Hinihintay lang namin ang susunod na magtuturo samin. "Ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala eh." Umiling lang ako lang sa sinabi niya. "Wala." "Balita ko magpapakasal daw ulit nanay mo? Dahil ba