Gulat na gulat ako sa nalaman ko mula sa kanila. This is so insane! How come she has a boyfriend? Well, sino ba namang hindi magkakagusto kay mama, eh maganda naman siya at saka mukhang bata pa pero wala naman siyang kinukwento sakin about sa nagugustuhan niyang lalaki or nakilala niyang lalaki. Tinago ba sakin ito ni mama? Why? Dahil magagalit ako?
"I'm sorry nak kung ngayon ko lang ito sinabi sayo. Malaki ka naman na para maintindihan ang sitwasyon ko kaya inisip ko na mag-asawa muli para may katuwang akong magpalaki sayo at may maituring kang ama. Gusto ko lang naman na mabigyan ka ng buong pamilya." Nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha. Mukha siyang pinagalitan ng ina dahil nakagawa siya ng mali. Ngunit baliktad ang sitwasyon namin, ako ang anak at siya ang ina."Hindi naman po ako tutol sa inyo lalo na kung saan ka po masaya ma. But make sure lang po na hindi ka niya lolokohin." Hindi naman talaga ako tutol if dumating ang araw na magmamahal ulit siya. Ilang beses ko na rin kasi itong naiisip kung sakaling may magtangkang pumasok sa buhay ni mama na isang lalaking mamahalin niya at mamahalin siya ng lubos. Karapatan niya ang sumaya at hindi ko yun ipagkakait sa kanya. Ang gusto ko lang hindi mangyari ulit ang panloloko sa kanya. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni mama sa sinabi ko."I will never hurt your mother and I will always love her more than myself. I'll make sure of that." Napabaling ang tingin ko sa future stepdad ko raw. Nakangiti siya sakin at napangiti na lang ako pabalik. Sana nga totoo ang sinasabi nitong lalaki na nasa harapan ko.Galing talaga pumili ni mama, gwapo lalo na ‘pag ngumiti. But one thing I want to ask na kanina pa gumugulo sa isipan ko."So, tito. May pamilya ka na po ba? Anak o asawa?" Mas lalo siyang ngumiti sa tanong ko na para bang expected na niyang itatanong ko iyon. Sa edad niya at kagwapuhan idagdag mo pa na mayaman imposible namang wala siyang anak or naging asawa."Meron." Sabi na nga ba eh, wait WHAT?! Gagawin pa atang kabit mama ko malaking NO WAY. May asawa na pala ang lalaking to eh bat pinatulan pa ni mama, jusko! "I have a wife and a son, but my wife was died 2 years ago."Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko pa naman may asawa pa siya hanggang ngayon. Talagang hindi ako papayag na maging sila kung ganun no. Kitang-kita ko ang lungkot na namutawi sa kaniyang mga mata nang sabihin niyang namatay na ang asawa niya. "I'm sorry po at pinaalala ko pa po sa inyo.""It's okay, past is past. I already accept that fact and now hindi ko ineexpect na magmamahal ako ulit." Sabay tingin niya kay mama at hinawakan pa ang kamay ng mama ko habang nakangiti sila sa isa't isa. Owkay, sakit niyo sa mata."Ehem!" Agad silang napabitaw sa isa't isa nang tumikhim ako. Sige ano ako dito, invisible? Kitang kita ko naman na mahal niya si mama so approve ako. I will give my blessings to them. Nalaman ko rin ang tungkol sa anak niyang lalaki. Nag-iisa lang ito at mas matanda lang daw ito sakin ng tatlong taon. So, magkakaroon na ako ng kuya? Siguro gwapo rin at mabait ang isang yun, halata na rin kasi sa tatay eh.-------MAGNUS’S POV.“I told you yesterday that I needed it today. Why haven't you finished it yet?” I massaged my temple. Di ko alam kung bakit di pa rin niya natapos eh ang dali-dali lang naman pinapagawa ko. Ayoko sa lahat ang babagal-bagal sa trabaho.I am here at my office, and I am talking to this ballsh*t girl who’s one of my employees here at Adler’s Company. Di ako basta-basta kumukuha ng employees na tatanga-tanga. May pinapagawa akong files sa kanya na kailangan ko ngayon and yet she didn’t do her job.“I-I’m s-sorry sir, d-di na po m-mauulit.” Nakayukong sabi niya. Nakikita kong nanginginig siya dahil sa takot. Ayoko rin sa lahat kapag kinakausap ko sa baba nakatingin. She has no manners. Seriously? Paano siya nakapasok at nahired ang katulad niya dito? “Look at me when I’m talking to you.” I calmly said.Agad siyang napaayos ng tayo at tumingin sakin. “I will give you a chance to finish it until tomorrow or else your fired.” Nagulat siya sa sinabi ko. Anong akala niya manghihinayang ang company sa kanya. “Y-yes sir.”“Hey dude”Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang ugok kong kaibigan. “You can leave.” I coldly said to my employee. Nang makalabas na siya ay saka naman umupo ang dalawa sa couch na nandito sa office. Akala mo sarili nila itong office ko.“What are you two doing here?”“Binibisita lang namin ang kaibigan namin, masama ba?” He is James Lorgan, a bubbly and womanizer person. Beside him is Xander Hayes, a serious one like me pero may tupak din katulad ni James. These two are my buddies and transaction partners. I don’t know how they became my friends.If you don’t know me, I am Magnus Adler, the CEO of Adler’s Company. Adler’s Company is the top 1 company here in the Philippines.“Mukhang mainitin ata ulo mo ngayon.” Xander said. Kilalang-kilala talaga nila ako the way I act. “Let’s go to the bar, we need to refresh.” James smiled. Alam ko tumatakbo sa utak ng isang yan, hunting chicks na naman gagawin nito sa bar. Wala ‘tong pinapalagpas when it comes to s*x.“Let’s go” I coldly said, and I stood up from my swivel chair. Lumabas na kami sa office at pumunta sa parking lot kung nasaan ang mga sasakyan namin. Agad na kaming sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan at pinaharurot ito.When we got to the bar, we immediately entered, and the noise greeted us. Amoy na amoy ko ang alak sa loob ng bar. We went to the bartender to order. "Tequila for the three of us." This time I want a stronger one. Pagkabigay niya samin ang alak ay agad naming nilagok iyon.Ramdam ko ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko. I like it ang ayoko lang dito nakakaramdam ako ng init. Nakailang baso pa lang kami nang magsalita si James. "Ang daming chicks, witwew!"Napailing na lang ako kahit kailan talaga babaero ang isang ‘to. "Kaya nga eh. Kanina pa nga nila tayo pinagtitinginan dude" Ginatungan pa ni Xander. Sila lang mahilig sa mga babae, me? I am not interested in any woman. Kahit na lapit sila ng lapit sakin."Tara, iwan muna natin si Magnus mukhang di naman kasi sasama ang isang yan. Masyadong masungit sa mga babae." Natatawang sabi ni James and then they went to the dance floor."Another one" I said to the bartender then someone approached me. "Hi handsome! You're alone?" I ignored her, as I said a while ago, I am not interested in any woman. I just don't like them lalo na pag easy to get. Madali lang sa kanila ang manloko ng lalaki.My mom is the only one woman I love and interested with but sadly she died 2 years ago. I hate the person who kill my mom. Nalaman kong hindi aksidente ang nangyari sa kanya at iyon ang aalamin ko. I'll make him pay for what he did to my mom."Hey!" Bigla akong natauhan nang magsalita ang babaeng nakaupo sa tabi ko kaya naiirita na ako sa kanya. “Leave.”"Sungit! Gwapo ka sana kaso ang sungit mo, hmp!" She took her bag and walked away. I focused on my drinks but suddenly my dad's texted me. I check and read it.'Umuwi ka dito sa Laguna bukas. I want you to meet someone.' -Dad.Someone? Ipipilit na naman ba niya sakin na mag-asawa na ako. Maraming babae pero easy to get lang sila and worst baka pera lang habol nila sayo. These days, he is always busy kung saan-saan siya pumupunta at napansin ko rin na naghire siya ng detective. Is it for mom? Or is there someone he is looking for?‘Tomorrow? I don’t think I can go there immediately, dad. Baka malalate akong umuwi dyan. May aasikasuhin pa akong files sa kompanya.’ -sent.Ininom ko ang laman ng baso ko at inisip kung sino yung tinutukoy ni dad. Someone huh?SOPHIA’S POV. Nakaimpaki na lahat ng gamit namin ni mama dahil kagabi pa namin inayos ang mga ito. Sabado ngayon at ngayong araw din kami lilipat sa bahay ni tito Donny. Hindi ako sigurado kung hindi niya lolokohin si mama. Wala akong tiwala sa mga lalaki pero para kay mama ay susuportahan ko siya kung saan siya masaya kagaya ng pagsuporta niya sakin. “Sophia, tara na lumabas ka na dyan. Nasa labas na si tito Donny mo.” “Mauna na po kayo, susunod na po ako.” Narinig ko ang paghakbang ni mama paalis at saka ako tumingin ulit sa salamin. Inayos ko muna ang suot kong itim na damit na pinares ko sa fitted jeans. Inayos ko rin ang buhok ko at pinusod ito. Naglagay lang ako ng polbo sa mukha at lip gloss sa labi. Hindi naman ako pala-ayos saka, di rin ako mahilig sa mga make-ups like foundations or ka-ek-ekan sa mukha. Mas prefer ko kasi ang natural na beauty. Pagkatapos ko mag-ayos ay kinuha ko na ang backpack ko kung nasaan ang mga gamit ko. Kaunti lang naman mga damit ko, nilalabhan
"What did you say dad? She's my stepsister? How come?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy ako nanliit sa sarili ko dahil sa suot ko compared sa suot niyang pang business attire.Paraan pa lang ng pagtingin niya nakakatakot na para siyang nangangain ng tao. Mukha yatang ‘di kami magkakasundo ng Magnus na to. Halata naman sa itsura niya na ayaw niya sakin or baka ‘di niya lang ineexpect na magkakaroon siya ng bagong pamilya.Ang gwapo pa rin niya kahit na nakakunot ang noo niya. Well, bumagay naman sa kanya ang ugali niya sa itsura niya. Tindig pa lang niya ay alam mong sobrang taas niya na hindi mo kayang abutin."Because me and your father will get married soon." Biglang sabat ni mama habang papunta siya sa kinaroroonan namin. Bumaling naman si Magnus kay mama saka binalik ulit sa daddy niya "What?! Dad, are you insane?!"Grabe ah, ano bang ugali nitong lalaking to at pati sariling ama pinagtataasan ng boses?"Magnus, lower your voice. I'm still your father." Ma-awtor
Kinabukasan ay hindi ko na nakita si Magnus pagkatapos noong sagutan namin kahapon. Simula noon, hindi ko na siya nakita pa. Ang sabi ni tito samin na si Magnus ang nag-aasikaso ng company nila at nasa Manila ito. Kaya't wala siya dito sa mansyon. Madalang lang daw umuwi dito si Magnus. Mas mabuti na 'yung wala siya dito, ayokong makita ang pagmumukha ng mokong na 'yun. Nakakaasar siya akala mo kasi kung sino porket mayaman siya, akala niya madadala na niya lahat sa pera. "Uyy! Bell, ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako kay Nanna. Iniharap niya sakin ang upuang nasa harap ko saka siya umupo. Hindi ko pala alam na kanina pa pala ako natulala at hindi ko napansin ang pagdating ng babaitang ito kung 'di lang ito nagsalita ay hindi ko siya mapapansin. Lunes kasi ngayon at nasa room kami. Hinihintay lang namin ang susunod na magtuturo samin. "Ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala eh." Umiling lang ako lang sa sinabi niya. "Wala." "Balita ko magpapakasal daw ulit nanay mo? Dahil ba
Hindi ito ang unang beses na nagkita kami na ganun ang awra niya. Galit na galit siyang pumunta sa kinaroroonan namin. Ang matangos na ilong niya na umuusok na sa galit at ang magaganda niyang mga mata. Ang suot niyang business suit na mas lalong bumagay sa awra at itsura niya. Anong ginagawa niya dito? Akala ko nasa Manila siya para asikasuhin ang business nila? Bakit siya andito ngayon? Kailan pa siya umuwi? Wait! Bakit ba ako nagtatanong? Eh wala naman akong pakialam sa aroganteng lalaking 'to. "Hi babe!" Lumapit sa kanya ang babaeng kaagaw ko kanina sa dress na ngayon ay nakapulupot na ang mga kamay sa braso ni Magnus na akala mo'y linta. Teka ano sabi niya, babe? So girlfriend niya 'yang clown na 'yan. Pigil ang pagtawa ko. Pfft! Bagay sila, isang aroganteng lalaki at isang clown na babaeng feelingera. "Thank you babe for being here. That girl, she don't want to give me that dress." Nakapout pa na sabi ni Blair the clown kay Magnus. Tumingin sakin si Magnus nang ituro ako ni
WARNING SPG Nagising ako dahil sa pagkauhaw. Tinignan ko ang oras at hating gabi na. Hindi ako makakatulog nito dahil sa tuwing nagigising ako sa gabi ay hindi na ako nakakatulog pa. Minsan lang naman mangyari 'to sakin, sa tuwing napapanaginipan ko si papa. Hindi ko alam bakit nanggugulo pa siya hanggang sa panaginip ko. Bumababa na ako at pumunta sa kusina. Pagkarating ko dun ay wala ng katao-tao, madilim na rin dito. Hindi na ako nag-abala pang iswitch ang ilaw nitong kusina dahil aalis din naman ako pagkatapos. Saka maliwanag rin dahil sa maliwanag ang buwan na nakakapasok sa bintana nitong kusina kaya may nakikita ako kahit papaano. Kumuha ako ng baso saka kinuha ang pitsil ng tubig sa ref. Uminom na ako nang maisalin ko ito sa baso. Nakailang baso ako bago makuntento sa pagkauhaw. Pagkatapos ko ay ibinalik ko na sa dati ang mga kinuha ko at hinugasan ang baso. Palabas na ako ng kusina nang may nakabanggaan akong tao kaya na out balance ako. Pumikit ako dahil alam ko na ang k
SOPHIA'S POV. Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na tumatama sakin mula sa bintana sa kwarto ko. Nakalimutan ko atang isara kagabi. Hinawi ko ito para mas lumiwanag dito sa loob. Kitang-kita ko mula dito ang papasikat na araw. Wait, papasikat na araw? Agad kong tinignan ang oras at.. "Hala! 6:37 na! Malalate na ako!" Tanga-tanga mo talaga Sophia! Late ka na nagising. Nasanay na kasi ako na ginigising ako ni mama para pumasok. Hayst! Wala dito si mama so I need to be independent. Nagmamadali akong pumunta sa cr para maglinis ng katawan. Hindi na ako maliligo dahil baka malate pa ako ng sobra. Pagkatapos ko magawa ang routine ko ay lumabas na ako. Kaasar naman oh! Ang haba ng hagdan, no choice bibilisan ko na lang. Bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumuha ng babaunin ko. Nadatnan ko doon si Magnus na katatapos lang kumain habang si Manang Sally ay naglalagay ng isang plato sa tapat ni Magnus. "Oh Sophia, halika ka na dito iha kumain ka muna bago pumasok sa school mo." Um
Natapos ang klase namin at ngayon kasama ko si Nanna na naglalakad patungong parking lot nitong school. Kailangan na naming umuwi agad dahil naghihintay sakin si Magnus sa labas. Nagtext nga sakin kanina na andito na siya. Hindi ko alam kung paano niya nakuha cellphone number ko e. Akala ko nga kung sino na nagtext kanina kasi ang nagpop-up sa cp ko ay unknown number, kung hindi lang siya siguro nagpakilala baka binlock ko na yung number niya. Nang nagtext siya sakin ay agad kong sinave ang number niya at nilagay ang name na 'Mayabang kong stepbrother.' Hahaha di ba ang ganda. Hindi naman niya malalaman 'to saka dito na lang ako makakaganti sa pagsusungit niya sakin. "Ang sarap talaga ng libre no. Sana ilibre pa tayo." Hagikgik nitong kasama ko. Tignan mo 'to hindi na nahiya. Ang kapal ng mukha, nilibre na nga aabusuhin pa. Ako yung nahihiya sa mga pinaggagawa niya. "Mahiya ka naman sa tao no. Mayaman ka naman pero nagpapalibre ka." Napairap ito sakin, susungitan pa ako. "I ne
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nagpipigil siya ng galit. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga bago nagsimulang magdrive. Tahimik ang biyahe namin pauwi at sa bintana lang ako nakatingin habang pinagmamasdan ang mga nadaanan naming mga bahay. "I'm sorry." Mahinahon niyang sabi kaya napalingon ako dito. Second time niyang magsorry. "It's okay, sorry din." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumingin ulit ako sa bintana ngunit nagtaka ako. Hindi ito ang daan pauwi sa mansyon. "Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Lumingon siya sakin saglit bago magsalita. "Where do you want to eat?" Sige tanong ang isagot mo sa tanong ko. Speaking of his question, kung saan ko daw gusto kumain? Bakit? Meron naman sa bahay ah. "Wala sila Manang sa bahay." Mukhang nagets niya ang tanong na tumatakbo sa isip ko. "Kaya ko naman magluto para satin. Mag-aaksaya kalang ng pera." Panenermon ko sa kanya. Ganto ba silang mga mayayaman kapag wala ang mga maids hindi nila kayang magluto ng
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
THIRD PERSON's POV.Nagising si Magnus sa malalakas na katok sa labas ng pinto. Inis na bumangon siya pero agad din napahiga at napahawak sa ulo niya nang maramdaman ang kirot mula dito.Hindi niya alam kung gaano siya kalasing kagabi nang makauwi siya sa condo niya. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi."Hey, Magnus!" Sigaw ni James sa labas ng pinto at patuloy pa rin sa pagkatok. "Can you open the door?" Tanong pa nito."Don't fucking shout!" Sigaw rin ni Magnus dahil sa inis at galit. May hangover pa siya tapos kung magdabog at magsigaw si James parang wala itong hangover kagaya niya.Pinilit ni Magnus bumangon at inis na binuksan ang pinto saka niya sinamaan ng tingin ang dalawang kaibigan na nasa labas ng pinto."Why are you here?" Paos na boses na tanong ni Magnus. Halata sa hitsura at boses niya na kagigising niya lang."Hey bro, good evening." Nakangiting bati ni James sa kanya ngunit hindi siya natinag tinignan niya lang ito ng masama.Hindi niya rin namalayan na isang buo
SCARLETTE's POV.23 days. Almost, one month of december na hindi ko pa rin nakikita si Magnus at nakakausap simula sa pangalawang araw ng disyembre.Ito na ba ang parusa namin? Parusa ng maling ginawa namin? Simula nang magsecond day ng december, pinagbawalan na kami ni Magnus na magkita. Maaga din kaming pinagchristmas break after one week ng december.Mabuti na rin 'yon dahil hindi ako masyado makapagfocus sa pag-aaral ko dahil sa problema ng pamilya namin, problema namin ni Magnus.Galit pa din si Mama sakin hanggang ngayon kahit na nagsorry na ako at sabihin niyang hindi na siya galit. Tahimik pa rin siya at halos hindi ako kausapin ni Mama.Pinatira na rin ni Tito Donny si Magnus sa condo nito sa Manila at ako naman ipinatanggal ni Tito Donny as personal assisstant ni Magnus sa kompanya kaya wala akong magawa kundi nandito lang sa bahay o kaya niyayaya ako ni Mama minsan na lumabas kapag nandito siya. Madalas kasi
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nagdaang araw sa Italian restaurant. Kung saan kami nagfamily dinner date.Hindi rin mawala-wala sa isip ko kung paano nagalit si Mama sakin. Ngayon ko lang ulit naranasan na nagalit siya sakin.I am so obedient to her since my father left us. Lahat ng gusto ni Mama sinusunod ko lalo na kung alam kung para sa ikabubuti ko. Hindi rin ako nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya dahil ako na lang ang meron sa kanya.Kaya hindi ko makalimutan ang malalamig na tingin at walang emosyong mukha ni Mama. Nasasaktan ako dahil sa unang pagkakataon ulit, nakagawa na naman ako ng mali.Ramdam ko sa bawat salita nila ni Tito Donny at Mama na tutol sila samin ni Magnus kaya pilit nila kaming pinaghihiwalay ng landas. Oo. Sa mga nagdaang araw hindi kami nakakapagkita ni Magnus dahil inutusan siya ni Tito na magfocus lang sa kompanya o kaya ay marami itong ipapagawa dito. Minsan naman kung
KATAHIMIKAN. Tanging tunog lang ng mga plato at kobyertos ang maririnig samin. Nawalan rin kasi ako ng ganang ngumiti at magsalita dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko rin kay Magnus ang delikado nitong awra sa sinabi ni Tito Donny kanina."How are you kids?" Pambabasag ni Tito sa katahimikan. Nakangiti itong nakatingin samin ni Magnus. Katabi ko ngayon si Magnus habang kaharap ang mga magulang namin."Don't call us kid, we're not kid anymore." Malamig na sabi ni Magnus sa kanyang ama.Natawa naman si Tito sa sinabi ni Magnus."Ayos lang kami Tito." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sasagot ng matino si Magnus."Is he treated you so well?" Tumango naman ako sa kanya. "Yes po Tito.""Good to hear that." Nakangiti nito saad bago magpatuloy kumain.Napatingin ako kay Mama nang maramdaman kong kanina niya pa akong tinitignan."May gusto ba kayong sabihin, Mama?" Tanong ko di
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay bisperas na ng pasko. Unang araw na ngayon ng disyembre at kanina lang ay tumawag sakin si Mama pero hindi sinabi sakin kung kailan sila uuwi, basta ang sabi lang e ngayong disyembre sila uuwi ni Tito Donny.Miss ko na si Mama. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nila sa Paris. Kung nakita ba nila 'yong eiffel tower.Humiga na ako sa kama at naisipang matulog. "Isabella" kumatok si Magnus sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko 'to kahit na tinatamad ako."Bakit?" Bungad ko sa kanya. Sumingit naman siya at nagpumilit na pumasok. May dala-dala itong isang paper bag."Oh" Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot sakin ang dala niya."Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko dito. Walang ganang tumingin lang siya sakin."You wear it." Maikling saad nito.Binuklat ko ang paper bag at nakita ang isang dress. A white dress. Simple but elegant.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit niya ako binibigyan ng dress?"May okasyon ba?" Nagtatakang ta
SCARLETTE's POV.HINDI ko alam kung ilang beses na akong napapalunok. Ramdam na ramdam ko ang matipunong katawan ni Magnus na nasa likuran ko. Kahit nakadamit ako at malamig ang tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya."Nervous?" Narinig ko siyang nakangisi at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko dahil sa pagbulong niya.Alam ko pulang pula na ang mukha ako sa ginagawa niya. Ilang beses niya kinakagat kagat ang earlobe ko na para bang inaakit ako nito."When I saw this falls yesterday, you are the one who came in to my mind." Malalim ang boses nitong saad. "Beautiful, isn't it?" Tumango naman ako."Beautiful as you but for me you are more beautiful. You're like a moon who keep shining and giving me light in the middle of the darkness." Dagdag pa nito.Bumilis naman ang tibok ng puso sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sakin hanggang