SOPHIA’S POV.
Nakaimpaki na lahat ng gamit namin ni mama dahil kagabi pa namin inayos ang mga ito. Sabado ngayon at ngayong araw din kami lilipat sa bahay ni tito Donny. Hindi ako sigurado kung hindi niya lolokohin si mama. Wala akong tiwala sa mga lalaki pero para kay mama ay susuportahan ko siya kung saan siya masaya kagaya ng pagsuporta niya sakin.“Sophia, tara na lumabas ka na dyan. Nasa labas na si tito Donny mo.”“Mauna na po kayo, susunod na po ako.” Narinig ko ang paghakbang ni mama paalis at saka ako tumingin ulit sa salamin. Inayos ko muna ang suot kong itim na damit na pinares ko sa fitted jeans. Inayos ko rin ang buhok ko at pinusod ito.Naglagay lang ako ng polbo sa mukha at lip gloss sa labi. Hindi naman ako pala-ayos saka, di rin ako mahilig sa mga make-ups like foundations or ka-ek-ekan sa mukha. Mas prefer ko kasi ang natural na beauty.Pagkatapos ko mag-ayos ay kinuha ko na ang backpack ko kung nasaan ang mga gamit ko. Kaunti lang naman mga damit ko, nilalabhan ko agad para di ako nauubusan ng damit lalo ang uniform ko. Sayang pera kapag bibili pa ako ng mga damit, eh ayos na sakin gantong kadaming damit.Lumabas na ako at nadatnan kong kinukuha ng driver ni tito Donny ang mga gamit namin ni mama para ilagay sa kotse. Ang kotseng nakita ko kahapon. Gaano ba siya kayaman?“Wala ka na bang naiwan?” Umiling ako sa tanong ni mama sakin. “Wala na po.”“Manong Troy, pakikuha ang bag ni Sophia. Palagay na lang sa backseat.” Utos ni Tito kay Manong driver kaya binigay ko kay Manong ang bag ko na dala-dala ko.Lumabas na kami at sinarado ni mama ang pinto ng bahay. Pinagbuksan kami ni Manong Troy sa may backseat at sa passenger seat naman si Tito Donny.Umalis na kami at ilang minuto lang daw ang itatagal bago kami makarating sa bahay nila. Malapit lang daw kasi bahay nila samin. Mas mabuti yun para di ako masyadong makalayo sa school ko.Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na ang kotse na sinasakyan namin. Mukhang andito na kami. Tumingin ako sa bintana at nabigla ako sa laki at ganda ng bahay nila. Hindi na to bahay eh, mansyon na to.Mukhang nakajackpot si mama, chariz. Hindi naman kami mukhang pera no.Bumaba na kami sa kotse at mapapanganga ka talaga sa ganda ng mansyon. Marami ring kotse ang nakahilira dito sa may binabaan namin at may mga nakakalat na bodyguards sa labas ng bahay.“Welcome home!” Masayang bati samin ni tito saka kami pinapasok. Pagpasok namin ay nakahilira ang mga maids at sabay-sabay ang pagbati nila samin kaya nginitian ko sila.Nilibot ko ng tingin ang kinaroroonan namin, sa tingin ko nasa sala kami. Sala palang sobrang laki na paano pa kaya sa mga kwarto. Kompleto lahat ng gamit dito, may couch may salaming table at ang bintana sobrang taas mahahalata kasi sa kurtina na mataas ang pinakabitan.Siguro kasya ang pang-barangay dito baka sobra pa sa barangay.Pero ang pinaka-umagaw sa atensyon ko ay ang staircase nila. Yung style niya is pang palasyo talaga kung saan bababa ang prinsesa na sobrang haba ng gown. Palasyong-palasyo ang datingan.Hindi na to bahay o mansyon, isa na tong palasyo dahil mukhang lahat ng gamit dito ay parang gawa sa ginto dahil halatang ang mamahal ng mga gamit, grabe.Sobrang linis at sobrang kintab ng sahig kahit ang mga dingding na para bang nakakahiyang hawakan ng isang katulad kong mahirap lamang. Para silang kumikinang sa paningin ko sa sobrang linis at kahit alikabok nahihiyang dumapo.Para akong nananaginip. Prinsesa na ba ako? Gaano ba sila kayaman? Kung dito pa lang pang palasyo na pano pa kaya sa iba nilang bahay – I mean mansyon.“Manang Sally, please accompany them to their respective rooms.”“Sige po sir.” Lumapit samin ang nangangalang Sally, isa sa mga maids dito pero siya lang ang pinakamatandang nakikita ko compared sa mga ibang maids na kasama niya. Siguro nasa 60’s na ang edad niya.Siya ata ang mayor doma dito. Mukha naman siyang mabait di kagaya ng ibang mayor doma na masusungit akala mo sila ang boss. Saan ko nalaman ‘yan? Napapanood ko lang sa mga drama sa tv.“Halika po kayo ma’am. Sunod po kayo sakin.” Iginaya na kami nito sa second-floor ng mansyon. Syempre aakyat kami sa hagdan na binaggit ko kanina habang ang dalawang bodyguards ay nakasunod samin, dala-dala ang mga gamit namin ni mama.Mukhang mapapagod kami sa hagdan na to, ang haba tapos paikot pa.Pagkarating namin sa second floor ay bumungad samin ang tatlong pinto ng kwarto. Isa sa gitna at magkatapat naman ang nasa gilid nito.Ngunit sa may kaliwang pinto at gitnang pinto sa gitna ng dalawang pinto ay may hagdan papuntang third floor. Pero di naman gaanong kahaba katulad ng naunang hagdan.Malawak naman dito kaya nasisiguro kong malawak din ang bawat kwarto dito.Huminto kami sa dalawang pintong magkatapat. “Dito ang kwarto ni sir Magnus, ang nag-iisang anak ni sir Donny.” Tinuro ni Manang Sally ang nasa kaliwang pinto.Halata nga kasi design pa lang ng pinto ay panglalaki talaga katulad ng nasa gitnang pinto. Pero ang kanan naman na pinto ay pang babae ang design nito.“Dito po kayo ma’am-” Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sumagot na sa kanya si mama.“Emma na lang po Manang” Ngumiti ang matanda at itinuro kay mama ang gitnang pinto kung saan ang magiging kwarto nilang dalawa ni tito Donny.Ibinigay ni Manang ang susi kay mama at pumasok na siya. Sumunod naman ang isang bodyguard na dala-dala ang gamit ni mama.Bumaling naman sakin si Manang. “Sa iyo naman ang kwartong natitira Ineng.”“Sophia po.”“Manang Sally.” Ngumiti siya sakin kaya napangiti na rin ako pabalik. Inabot niya sakin ang susi ng kwarto ko. Pagkabukas ko ng kwarto ay napanganga ako sa sobrang ganda at sobrang lawak.Kulay violet at pink ito na may halong black na kulay sa ibang details. Sobrang ganda talaga para siyang high tech kung titignan sa kabuuan ng kwarto.Mas malaki pa ata ‘to sa bahay namin. Nasa gitna ang Queen size bed at gilid nito ang mini cabinet kung saan nakapatong ang lampshade at alarm clock. Kabila naman nito ang study table at may bintana na natatabunan ng pink na kurtina.“Andito lahat ng kakailanganin mo, kung may kakailangan ka pwedi mo kaming tawagin sa pamamagitan nito.” Itinuro niya sakin ang isang maliit na touch screen na nakadikit sa gilid ng kama sa may uluhan katabi ng lampshade.Ang galing. High tech na ang mga gamit dito, grabe.Nagpaalam na siya sakin na aalis na dahil tutulong pa daw siya sa paghahanda ng makakain sa kusina kaya nagpasalamat na ako sa kanya.Nilibot ko ang tingin ko at may dalawang pinto akong nakita malapit sa may study table. Binuksan ko ang unang pinto at ito pala ay closet room.Wow! Sobrang dami ng damit, dress, heels, sandals at sapatos. Para akong nagbebenta sa mall sa sobrang dami at gaganda. Sana pala di na ako nagdala ng damit. May nakita akong isang pintuan sa loob nito at ito ay ang cr. Kumpleto rin and nasa loob may bathtub, may lababo kasama ang malaking salamit sa harap, shower, toilet at dressing area.Lumabas na ako sa closet room at tinignan ang isa pang pinto. Napanganga ako ng sobra nang malaman kung anong laman nito, mga computers! Para siyang gaming room. Kumpleto lahat ng gamit, OMG! Ang gaganda lalo na at kulay pink at black ang nakikita kung kulay dito sa loob pati ang gaming chair. Kung sa gamers panigurado ito ang dream room nila.Nang makuntento ako sa view ng kwarto ko ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko at inilagay ito sa closet saka nahiga sa kama. Humikab ako at nakatulog.Nagising akong kinakatok ni Manang Sally ang pinto dahil kakain na daw. Bumaba na ako at nakita si tito at mama na nakaupo na. Naupo ako sa tabi ni tito at katapat ko naman si mama.Ang daming pagkain, mauubos pa kaya namin ‘to? Wala namang piyesta or birthday para sa gantong kasarap at kadaming ihanda.“Nasan pala ang anak mo?” biglang tanong ni mama kaya napatingin ako sa kanila. Oo nga pala, di ba may anak siya? Sabi pa ni tito mas matanda ito sakin ng tatlong taon. Nasaan yun?“Nasa company, may inaayos daw na files at baka late na daw siya makauwi.” Napatango naman si Mama at nagsimula na kaming kumain.Pagkatapos kong kumain ay sasamahan ko sana ang mga maids sa paghuhugas ng pinggan pero sabi nila, sila na daw gagawa dahil trabaho nila yun kaya wala akong nagawa at pumunta na lang sa garden. Sa gitna nito ay may fountain at maraming bulaklak. Nakita ko ang isang bench na andun at umupo ako doon.Binuksan ko ang cellphone ko at naghanap ng kanta. Iidlip muna ako dahil bitin ang tulog ko kanina.“Who the hell are you?” Bigla akong nagising sa lalaking nagsalita. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago siya tignan. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito habang nakatitig sakin. Gwapo siya ang kaso lang mukhang masungit. Bumagay sa kanya ang itim na buhok nito at brownish na mga mata. May matangos na ilong at mahahabang pilik-mata. Pero sino siya?“Sino ka?” Ngunit wrong move ata na nagtanong pa ako. Nakakatakot siya parang nangangain ng tao, geez. “Don’t answer my question in a question.” Ma-awtoridad na kanyang sinabi.“I am Sophia Isabe-”“Are you one of the maids? You’re not allowed here.” Tignan mo to, nagsasalita pa ang tao tapos magtatanong ulit. At ano daw sabi? Maids? Siguro ito yung anak ni tito Donny. Tsk! Magkaiba ang ugali nilang dalawa.“Hindi po-” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumabat si tito na nandito na pala ng hindi namin namamalayan.“She's your stepsister.”“WHAT?!”"What did you say dad? She's my stepsister? How come?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy ako nanliit sa sarili ko dahil sa suot ko compared sa suot niyang pang business attire.Paraan pa lang ng pagtingin niya nakakatakot na para siyang nangangain ng tao. Mukha yatang ‘di kami magkakasundo ng Magnus na to. Halata naman sa itsura niya na ayaw niya sakin or baka ‘di niya lang ineexpect na magkakaroon siya ng bagong pamilya.Ang gwapo pa rin niya kahit na nakakunot ang noo niya. Well, bumagay naman sa kanya ang ugali niya sa itsura niya. Tindig pa lang niya ay alam mong sobrang taas niya na hindi mo kayang abutin."Because me and your father will get married soon." Biglang sabat ni mama habang papunta siya sa kinaroroonan namin. Bumaling naman si Magnus kay mama saka binalik ulit sa daddy niya "What?! Dad, are you insane?!"Grabe ah, ano bang ugali nitong lalaking to at pati sariling ama pinagtataasan ng boses?"Magnus, lower your voice. I'm still your father." Ma-awtor
Kinabukasan ay hindi ko na nakita si Magnus pagkatapos noong sagutan namin kahapon. Simula noon, hindi ko na siya nakita pa. Ang sabi ni tito samin na si Magnus ang nag-aasikaso ng company nila at nasa Manila ito. Kaya't wala siya dito sa mansyon. Madalang lang daw umuwi dito si Magnus. Mas mabuti na 'yung wala siya dito, ayokong makita ang pagmumukha ng mokong na 'yun. Nakakaasar siya akala mo kasi kung sino porket mayaman siya, akala niya madadala na niya lahat sa pera. "Uyy! Bell, ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako kay Nanna. Iniharap niya sakin ang upuang nasa harap ko saka siya umupo. Hindi ko pala alam na kanina pa pala ako natulala at hindi ko napansin ang pagdating ng babaitang ito kung 'di lang ito nagsalita ay hindi ko siya mapapansin. Lunes kasi ngayon at nasa room kami. Hinihintay lang namin ang susunod na magtuturo samin. "Ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala eh." Umiling lang ako lang sa sinabi niya. "Wala." "Balita ko magpapakasal daw ulit nanay mo? Dahil ba
Hindi ito ang unang beses na nagkita kami na ganun ang awra niya. Galit na galit siyang pumunta sa kinaroroonan namin. Ang matangos na ilong niya na umuusok na sa galit at ang magaganda niyang mga mata. Ang suot niyang business suit na mas lalong bumagay sa awra at itsura niya. Anong ginagawa niya dito? Akala ko nasa Manila siya para asikasuhin ang business nila? Bakit siya andito ngayon? Kailan pa siya umuwi? Wait! Bakit ba ako nagtatanong? Eh wala naman akong pakialam sa aroganteng lalaking 'to. "Hi babe!" Lumapit sa kanya ang babaeng kaagaw ko kanina sa dress na ngayon ay nakapulupot na ang mga kamay sa braso ni Magnus na akala mo'y linta. Teka ano sabi niya, babe? So girlfriend niya 'yang clown na 'yan. Pigil ang pagtawa ko. Pfft! Bagay sila, isang aroganteng lalaki at isang clown na babaeng feelingera. "Thank you babe for being here. That girl, she don't want to give me that dress." Nakapout pa na sabi ni Blair the clown kay Magnus. Tumingin sakin si Magnus nang ituro ako ni
WARNING SPG Nagising ako dahil sa pagkauhaw. Tinignan ko ang oras at hating gabi na. Hindi ako makakatulog nito dahil sa tuwing nagigising ako sa gabi ay hindi na ako nakakatulog pa. Minsan lang naman mangyari 'to sakin, sa tuwing napapanaginipan ko si papa. Hindi ko alam bakit nanggugulo pa siya hanggang sa panaginip ko. Bumababa na ako at pumunta sa kusina. Pagkarating ko dun ay wala ng katao-tao, madilim na rin dito. Hindi na ako nag-abala pang iswitch ang ilaw nitong kusina dahil aalis din naman ako pagkatapos. Saka maliwanag rin dahil sa maliwanag ang buwan na nakakapasok sa bintana nitong kusina kaya may nakikita ako kahit papaano. Kumuha ako ng baso saka kinuha ang pitsil ng tubig sa ref. Uminom na ako nang maisalin ko ito sa baso. Nakailang baso ako bago makuntento sa pagkauhaw. Pagkatapos ko ay ibinalik ko na sa dati ang mga kinuha ko at hinugasan ang baso. Palabas na ako ng kusina nang may nakabanggaan akong tao kaya na out balance ako. Pumikit ako dahil alam ko na ang k
SOPHIA'S POV. Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na tumatama sakin mula sa bintana sa kwarto ko. Nakalimutan ko atang isara kagabi. Hinawi ko ito para mas lumiwanag dito sa loob. Kitang-kita ko mula dito ang papasikat na araw. Wait, papasikat na araw? Agad kong tinignan ang oras at.. "Hala! 6:37 na! Malalate na ako!" Tanga-tanga mo talaga Sophia! Late ka na nagising. Nasanay na kasi ako na ginigising ako ni mama para pumasok. Hayst! Wala dito si mama so I need to be independent. Nagmamadali akong pumunta sa cr para maglinis ng katawan. Hindi na ako maliligo dahil baka malate pa ako ng sobra. Pagkatapos ko magawa ang routine ko ay lumabas na ako. Kaasar naman oh! Ang haba ng hagdan, no choice bibilisan ko na lang. Bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumuha ng babaunin ko. Nadatnan ko doon si Magnus na katatapos lang kumain habang si Manang Sally ay naglalagay ng isang plato sa tapat ni Magnus. "Oh Sophia, halika ka na dito iha kumain ka muna bago pumasok sa school mo." Um
Natapos ang klase namin at ngayon kasama ko si Nanna na naglalakad patungong parking lot nitong school. Kailangan na naming umuwi agad dahil naghihintay sakin si Magnus sa labas. Nagtext nga sakin kanina na andito na siya. Hindi ko alam kung paano niya nakuha cellphone number ko e. Akala ko nga kung sino na nagtext kanina kasi ang nagpop-up sa cp ko ay unknown number, kung hindi lang siya siguro nagpakilala baka binlock ko na yung number niya. Nang nagtext siya sakin ay agad kong sinave ang number niya at nilagay ang name na 'Mayabang kong stepbrother.' Hahaha di ba ang ganda. Hindi naman niya malalaman 'to saka dito na lang ako makakaganti sa pagsusungit niya sakin. "Ang sarap talaga ng libre no. Sana ilibre pa tayo." Hagikgik nitong kasama ko. Tignan mo 'to hindi na nahiya. Ang kapal ng mukha, nilibre na nga aabusuhin pa. Ako yung nahihiya sa mga pinaggagawa niya. "Mahiya ka naman sa tao no. Mayaman ka naman pero nagpapalibre ka." Napairap ito sakin, susungitan pa ako. "I ne
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nagpipigil siya ng galit. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga bago nagsimulang magdrive. Tahimik ang biyahe namin pauwi at sa bintana lang ako nakatingin habang pinagmamasdan ang mga nadaanan naming mga bahay. "I'm sorry." Mahinahon niyang sabi kaya napalingon ako dito. Second time niyang magsorry. "It's okay, sorry din." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumingin ulit ako sa bintana ngunit nagtaka ako. Hindi ito ang daan pauwi sa mansyon. "Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Lumingon siya sakin saglit bago magsalita. "Where do you want to eat?" Sige tanong ang isagot mo sa tanong ko. Speaking of his question, kung saan ko daw gusto kumain? Bakit? Meron naman sa bahay ah. "Wala sila Manang sa bahay." Mukhang nagets niya ang tanong na tumatakbo sa isip ko. "Kaya ko naman magluto para satin. Mag-aaksaya kalang ng pera." Panenermon ko sa kanya. Ganto ba silang mga mayayaman kapag wala ang mga maids hindi nila kayang magluto ng
MAGNUS'S POV. "How's your investigation?" I asked Xander, who entered in my secret room. We are here at my secret room in the mansion. Pinapunta ko siya dito sa Laguna just to give me any information he find. "Do you find any lead who's behind of it?" He knows what I am talking about. He seriously face at me before answering my question. "Yes, here." May inabot siya sa aking brown envelop. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang mga pictures ng isang matabang lalaki na nakabusiness suit na nakikipagtransaction sa ibang company. "That chubby man is Norman Dela Vega, one of our investor and transaction partner in our company." I got yah! "So he's one of the rat in my company huh?" I find out a while ago that the money of company is continues to decrease. So I ordered Xander to investigate who's behind of it. Hindi ako nagkakamali kay Xander when it comes to investigation. He is the best investigator of my company and he is also an agent. Kaya siya lang ang inaasahan ko sa mga bagay n
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
THIRD PERSON's POV.Nagising si Magnus sa malalakas na katok sa labas ng pinto. Inis na bumangon siya pero agad din napahiga at napahawak sa ulo niya nang maramdaman ang kirot mula dito.Hindi niya alam kung gaano siya kalasing kagabi nang makauwi siya sa condo niya. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi."Hey, Magnus!" Sigaw ni James sa labas ng pinto at patuloy pa rin sa pagkatok. "Can you open the door?" Tanong pa nito."Don't fucking shout!" Sigaw rin ni Magnus dahil sa inis at galit. May hangover pa siya tapos kung magdabog at magsigaw si James parang wala itong hangover kagaya niya.Pinilit ni Magnus bumangon at inis na binuksan ang pinto saka niya sinamaan ng tingin ang dalawang kaibigan na nasa labas ng pinto."Why are you here?" Paos na boses na tanong ni Magnus. Halata sa hitsura at boses niya na kagigising niya lang."Hey bro, good evening." Nakangiting bati ni James sa kanya ngunit hindi siya natinag tinignan niya lang ito ng masama.Hindi niya rin namalayan na isang buo
SCARLETTE's POV.23 days. Almost, one month of december na hindi ko pa rin nakikita si Magnus at nakakausap simula sa pangalawang araw ng disyembre.Ito na ba ang parusa namin? Parusa ng maling ginawa namin? Simula nang magsecond day ng december, pinagbawalan na kami ni Magnus na magkita. Maaga din kaming pinagchristmas break after one week ng december.Mabuti na rin 'yon dahil hindi ako masyado makapagfocus sa pag-aaral ko dahil sa problema ng pamilya namin, problema namin ni Magnus.Galit pa din si Mama sakin hanggang ngayon kahit na nagsorry na ako at sabihin niyang hindi na siya galit. Tahimik pa rin siya at halos hindi ako kausapin ni Mama.Pinatira na rin ni Tito Donny si Magnus sa condo nito sa Manila at ako naman ipinatanggal ni Tito Donny as personal assisstant ni Magnus sa kompanya kaya wala akong magawa kundi nandito lang sa bahay o kaya niyayaya ako ni Mama minsan na lumabas kapag nandito siya. Madalas kasi
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nagdaang araw sa Italian restaurant. Kung saan kami nagfamily dinner date.Hindi rin mawala-wala sa isip ko kung paano nagalit si Mama sakin. Ngayon ko lang ulit naranasan na nagalit siya sakin.I am so obedient to her since my father left us. Lahat ng gusto ni Mama sinusunod ko lalo na kung alam kung para sa ikabubuti ko. Hindi rin ako nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya dahil ako na lang ang meron sa kanya.Kaya hindi ko makalimutan ang malalamig na tingin at walang emosyong mukha ni Mama. Nasasaktan ako dahil sa unang pagkakataon ulit, nakagawa na naman ako ng mali.Ramdam ko sa bawat salita nila ni Tito Donny at Mama na tutol sila samin ni Magnus kaya pilit nila kaming pinaghihiwalay ng landas. Oo. Sa mga nagdaang araw hindi kami nakakapagkita ni Magnus dahil inutusan siya ni Tito na magfocus lang sa kompanya o kaya ay marami itong ipapagawa dito. Minsan naman kung
KATAHIMIKAN. Tanging tunog lang ng mga plato at kobyertos ang maririnig samin. Nawalan rin kasi ako ng ganang ngumiti at magsalita dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko rin kay Magnus ang delikado nitong awra sa sinabi ni Tito Donny kanina."How are you kids?" Pambabasag ni Tito sa katahimikan. Nakangiti itong nakatingin samin ni Magnus. Katabi ko ngayon si Magnus habang kaharap ang mga magulang namin."Don't call us kid, we're not kid anymore." Malamig na sabi ni Magnus sa kanyang ama.Natawa naman si Tito sa sinabi ni Magnus."Ayos lang kami Tito." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sasagot ng matino si Magnus."Is he treated you so well?" Tumango naman ako sa kanya. "Yes po Tito.""Good to hear that." Nakangiti nito saad bago magpatuloy kumain.Napatingin ako kay Mama nang maramdaman kong kanina niya pa akong tinitignan."May gusto ba kayong sabihin, Mama?" Tanong ko di
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay bisperas na ng pasko. Unang araw na ngayon ng disyembre at kanina lang ay tumawag sakin si Mama pero hindi sinabi sakin kung kailan sila uuwi, basta ang sabi lang e ngayong disyembre sila uuwi ni Tito Donny.Miss ko na si Mama. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nila sa Paris. Kung nakita ba nila 'yong eiffel tower.Humiga na ako sa kama at naisipang matulog. "Isabella" kumatok si Magnus sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko 'to kahit na tinatamad ako."Bakit?" Bungad ko sa kanya. Sumingit naman siya at nagpumilit na pumasok. May dala-dala itong isang paper bag."Oh" Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot sakin ang dala niya."Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko dito. Walang ganang tumingin lang siya sakin."You wear it." Maikling saad nito.Binuklat ko ang paper bag at nakita ang isang dress. A white dress. Simple but elegant.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit niya ako binibigyan ng dress?"May okasyon ba?" Nagtatakang ta
SCARLETTE's POV.HINDI ko alam kung ilang beses na akong napapalunok. Ramdam na ramdam ko ang matipunong katawan ni Magnus na nasa likuran ko. Kahit nakadamit ako at malamig ang tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya."Nervous?" Narinig ko siyang nakangisi at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko dahil sa pagbulong niya.Alam ko pulang pula na ang mukha ako sa ginagawa niya. Ilang beses niya kinakagat kagat ang earlobe ko na para bang inaakit ako nito."When I saw this falls yesterday, you are the one who came in to my mind." Malalim ang boses nitong saad. "Beautiful, isn't it?" Tumango naman ako."Beautiful as you but for me you are more beautiful. You're like a moon who keep shining and giving me light in the middle of the darkness." Dagdag pa nito.Bumilis naman ang tibok ng puso sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sakin hanggang