Kinabukasan ay hindi ko na nakita si Magnus pagkatapos noong sagutan namin kahapon. Simula noon, hindi ko na siya nakita pa. Ang sabi ni tito samin na si Magnus ang nag-aasikaso ng company nila at nasa Manila ito. Kaya't wala siya dito sa mansyon. Madalang lang daw umuwi dito si Magnus.
Mas mabuti na 'yung wala siya dito, ayokong makita ang pagmumukha ng mokong na 'yun. Nakakaasar siya akala mo kasi kung sino porket mayaman siya, akala niya madadala na niya lahat sa pera."Uyy! Bell, ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako kay Nanna. Iniharap niya sakin ang upuang nasa harap ko saka siya umupo. Hindi ko pala alam na kanina pa pala ako natulala at hindi ko napansin ang pagdating ng babaitang ito kung 'di lang ito nagsalita ay hindi ko siya mapapansin.Lunes kasi ngayon at nasa room kami. Hinihintay lang namin ang susunod na magtuturo samin."Ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala eh." Umiling lang ako lang sa sinabi niya. "Wala.""Balita ko magpapakasal daw ulit nanay mo? Dahil ba 'dun?" Tignan mo nga naman ang balita kung saan-saan nakakarating. Di ko pa nga nasasabi sa kanya pero nakarating na agad."Wait, teka nga. Saan mo naman nakuha yung balita na 'yan?" Napakamot naman siya sa batok niya dahil sa tanong ko."Narinig ko lang sa kapitbhay namin na kausap ni mama, hehe. So, ano nga?""Wala, kumukulo lang dugo ko sa anak nung magiging stepfather ko. Ang sama ng ugali, ang yabang! Di ko ata siya matatagalan." Nanggigil na sabi ko. Kapag naaalala ko talaga ang ginawa niya, kumukulo dugo ko."Bakit ano ba ginawa niya?"Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari nung sabado. Kahit siya ay naasar sa ginawa ng mokong na 'yun pero nang idescribe ko ang itsura ng mokong na 'yun, ayun bigla na lang nawala galit niya 'dun sa bwiset na 'yun. Kung ako siya, ma-ooffend ako.Aaminin ko, oo nakakaattract siya noong una ko siyang nakita pero nang malaman ko ugali niya bigla akong na-offend. Nakakaattract naman kasi talaga siya, kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. Pero para sakin mas mahalaga ang ugali ng isang tao kaysa sa panlabas na anyo.Natapos lang ang kwentuhan namin ni Nanna nang dumating na ang prof. namin. Nagdiscuss lang sila kahit ang mga sumunod na klase namin, ganun lang rin ginawa kaya si Nanna as usual nakakatulog na naman at hindi nakikinig sa klase tapos magrereklamo kung bakit mababa nakukuha niya sa exams at quizzes.Ilang beses ko siyang siniko kanina para magising pero waley pa rin ang gaga. Kaya nang mag-lunch time na niyugyog ko na."Na! Gising maglunch na tayo." Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mata at humikab. Nag-inat siya ng katawan at tumayo na rin."Sarap ng tulog ah?" Pang-aasar ko sa kanya. "Kanina pa kita sinisiko para magising at makinig ka sa klase pero himbing ng tulog mo." Nag-aayos naman siya ng mga gamit niya at inilalagay sa loob ng bag."Nakakaantok talaga sila magturo, nakakabagot.""Kaya ka bumabagsak eh, tara na nga. Gutom na ako." Lumabas na kami sa room at nagsimula ng maglakad papuntang canteen.Nang makarating kami ay naghanap na agad ako ng available na table and as usual si Nanna na ang nag-oorder ng pagkain namin. Habang naghihintay ako sa kanya ay bigla na lang lumapag na tray sa harapan ko. Akala ko si Nanna na pero hindi pala siya."Hello, pweding makitable?" Umangat ang tingin ko papunta sa lalaking kaharap ko. Matangkad siya at bumagay sa kanya ang kulay itim niyang buhok na umaabot hanggang mata niya. Naka-uniform siya ng pang-chef. Cute! Parang koreano lang peg ang itsura niya. Koreanong chef."Sure." Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako sa kanya. Hinila na niya ang upuan saka siya umupo. Pagkaupo niya ay saka naman dumating si Nanna."Uyy, hi cutiee! Nawala lang ako saglit may nabingwit ka ng pogi, ikaw bell ha." Natawa kami sa sinabi ni Nanna. Grabe talaga bunganga ng babaitang to. Di na nahiya."You're funny, by the way I am Ethan Rodriguez." Nilahad niya kamay niya sakin kaya tinanggap ko. "Sophia and she is Nanna, my bestfriend.""Hi, Ethan."Pagkatapos niyang makipagkamay sakin ay sumunod naman si Nanna. "Nice to mee the two of you." Sabi niya saka ngumiti.Pagkatapos namin makipagkilala dito kay Ethan ay kumain na kami. Syempre hindi mawawala ng kwentuhan habang kumakain. Pero 'di ako madalas magsalita 'pag kumakain kaya halos lahat nagsasalita para sakin ay si Nanna. Silang dalawa lang nag-uusap at minsan lang ako sumali sa kanilang dalawa.Si Nanna lang kasi mas madaldal saming dalawa. Saka 'di ko hilig ang magsalita nang magsalita habang kumakain.Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Ethan para bumalik na siya sa room nila. Habang kami naman ni Nanna ay pumunta na rin sa room namin.Natapos ang hapon ng walang klase. May meeting daw kasi lahat ng prof. ng 1pm hanggang 5pm kaya umuwi na kami ng maaga. Syempre ang mga classmates ko naghiyawan akala mo hindi sila college at ang ugali parang high school pa.Maaga na kaming umuwi. As usual sabay kami naglalakad ni Nanna papuntang labasan. "Ang aga pa para umuwi tayo. You want magshopping tayo?" Masigla niyang tanong sakin pero umiling lang ako. "Wala akong pera." Napanguso pa siya sa sinabi ko."Libre ko naman eh, saka mayaman ka na ngayon.""Hindi ko pera yun, pera nila. Ayokong humingi or gumastos ng pera nila. Saka ayokong patunayan sa kanila na mukhang pera kami lalo na 'yung Magnus na 'yun." Naalala ko na naman ang lalaking 'yun. Ayokong maging pabigat sa kanila kaya gagawin ko ang lahat para lang hindi ako manghingi ng pera sa kanila. Kapag nagkataon magkakaroon pa ako ng utang na loob sa pamilya ng mokong na 'yun.Ayoko lang na ipamukha niya sakin na mukha talaga kaming pera at habol lang namin ang pera nila. Kaya ko buhayin sarili ko at makapagtapos. Katulad ng ginagawa ko pag walang pasok naghahanap ako ng part time job para lang maiambag ako kay mama kahit papaano. Pero nang lumipat kami ng bahay ay pinagquit nila ako sa partime na ginagawa ko.Di ko kayang maging pabigat sa kanila lalo na't hindi ko nakakasundo ang anak ni tito. Masyadong matapobre. "Bell! Okay ka lang? Naalala mo na naman siguro 'yung stepbrother mo no?" Napatingin ako sa kanya at umiling. "Don't worry about that bell, wag mo na isipin 'yun. Basta ngayon samahan mo ko magshopping. Hindi ako papayag na 'di ka sasama sakin." Hinila na niya ako papasok sa kotse nila.Nandito na pala ang sundo niya, masyado ata akong lutang kaya pati sa paligid ko hindi ko alam ang nangyayari."Kuya, sa Metro Central Mall po tayo.""Yes, ma'am.""Yiehh! I'm so excited!" Yumakap sa braso ko si Nanna halatang excited siya. Para siyang bata talaga na sa isang candy lang ang kaligayan niya. "Para ka namang hindi nakapagmall sa tanang ng buhay mo." Lumayo siya sakin at saka hinampas ng mahina ang braso ko."You don't know?!"Nagtaka ako sa sinabi niya. Anong hindi ko alam?"Sabagay, hindi ka mahilig magshopping kaya hindi ka updated. Ngayon kasi ang mga bagong dating ng mga magagandang klase ng damit." Ayun lang pala. Akala ko kung ano. Well, mahilig naman siya sa fashion kaya sobrang hilig niya sa mga damit. Pero bakit hindi na lang 'yun ang kinuha niyang course ang maging fashion designer? Kapag tinatanong ko siya about 'dun hindi naman siya umiimik.Siguro mabigat ang dahilan niya kaya same kami ng course kinuha niya. Ayoko naman siyang pilitin tungkol doon dahil nahahalata ko naman na hindi siya komportable na pag-usapan iyon kaya pinagsawalang bahala ko na. Sasabihin 'din niya sakin iyan sa tamang panahon. Hindi lang siguro siya handa na sabihin sakin kung ano man ang dahilan niya. Pero maghihintay ako hanggang masabi na niya sakin lahat.Mahirap kasi kapag kinikimkim mo lang problema mo. Baka iyan pa ang ikamatay mo dahil sa depression. Pero naiintindihan ko naman siya kung hindi niya masabi. Alam kong alam niya na andito lang para sa kanya."We're here, let's go bell!" Excited siyang lumabas sa kotse kaya lumabas na rin ako. Hinila na niya ako papasok ng mall at pumunta kami sa may bilihan ng mga dress. Tumingin-tingin na si Nanna ng mga dress na gusto niya at nang makuha lahat ng nagustuhan niya ay agad na nagpaalam ito sakin para isukat sa dressing room ang mga nabili niya.Habang nagtitingin ako dito ay may nakaagaw sa paningin ko na dress. Isa itong kulay itim na dress na sobrang ganda ng design. May belt itong maladyamante na nakapalibot dito. Simple lang siya kung titignan pero elegante at komportable pa isuot dahil hindi siya reaveling. Ang marereveal lang siguro ay ang hugis ng katawan mo.Nang mahawakan ko ito ay may nakasunod pang kamay na humawak rin sa dress na iyon. Tumaas ang kilay ng babaeng sopistikada nang tumingin ako sa kanya. "This is mine." What? Halatang-halata naman na sa kamay kung sino naka-unang nakahawak sa dress.Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "You're crazy" natatawa ko pang banggit sa kanya. "What?!" Bigla namang nalukot ang mukha niya na ikinatawa ko. Ang panget niya mukha siyang galit na clown. "You called me crazy, you bitch!""Eh nakikita mo naman, hindi ba? Kung sino ang nauna dito sa dress." But she just rolled her eyes of what I say. "I don't care kung ikaw ang nauna. If I said this is mine, this is mine. And I think based on your looks, it's looks like you can't afford this kind of dress." Tumaas ang kilay ko nang tumaas baba ang tingin niya sakin mula ulo hanggang paa. Judgemental ang isang 'to ah. Eh mukha namang clown sa kapal ng make up niya."Blair!"Napalingon kami sa sumigaw. Ang awra nitong nakakatakot na nakita ko na noong unang pagkikita namin. Bakit andito siya? Bakit kilala niya ang babaeng nasa harap ko?Hindi ito ang unang beses na nagkita kami na ganun ang awra niya. Galit na galit siyang pumunta sa kinaroroonan namin. Ang matangos na ilong niya na umuusok na sa galit at ang magaganda niyang mga mata. Ang suot niyang business suit na mas lalong bumagay sa awra at itsura niya. Anong ginagawa niya dito? Akala ko nasa Manila siya para asikasuhin ang business nila? Bakit siya andito ngayon? Kailan pa siya umuwi? Wait! Bakit ba ako nagtatanong? Eh wala naman akong pakialam sa aroganteng lalaking 'to. "Hi babe!" Lumapit sa kanya ang babaeng kaagaw ko kanina sa dress na ngayon ay nakapulupot na ang mga kamay sa braso ni Magnus na akala mo'y linta. Teka ano sabi niya, babe? So girlfriend niya 'yang clown na 'yan. Pigil ang pagtawa ko. Pfft! Bagay sila, isang aroganteng lalaki at isang clown na babaeng feelingera. "Thank you babe for being here. That girl, she don't want to give me that dress." Nakapout pa na sabi ni Blair the clown kay Magnus. Tumingin sakin si Magnus nang ituro ako ni
WARNING SPG Nagising ako dahil sa pagkauhaw. Tinignan ko ang oras at hating gabi na. Hindi ako makakatulog nito dahil sa tuwing nagigising ako sa gabi ay hindi na ako nakakatulog pa. Minsan lang naman mangyari 'to sakin, sa tuwing napapanaginipan ko si papa. Hindi ko alam bakit nanggugulo pa siya hanggang sa panaginip ko. Bumababa na ako at pumunta sa kusina. Pagkarating ko dun ay wala ng katao-tao, madilim na rin dito. Hindi na ako nag-abala pang iswitch ang ilaw nitong kusina dahil aalis din naman ako pagkatapos. Saka maliwanag rin dahil sa maliwanag ang buwan na nakakapasok sa bintana nitong kusina kaya may nakikita ako kahit papaano. Kumuha ako ng baso saka kinuha ang pitsil ng tubig sa ref. Uminom na ako nang maisalin ko ito sa baso. Nakailang baso ako bago makuntento sa pagkauhaw. Pagkatapos ko ay ibinalik ko na sa dati ang mga kinuha ko at hinugasan ang baso. Palabas na ako ng kusina nang may nakabanggaan akong tao kaya na out balance ako. Pumikit ako dahil alam ko na ang k
SOPHIA'S POV. Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na tumatama sakin mula sa bintana sa kwarto ko. Nakalimutan ko atang isara kagabi. Hinawi ko ito para mas lumiwanag dito sa loob. Kitang-kita ko mula dito ang papasikat na araw. Wait, papasikat na araw? Agad kong tinignan ang oras at.. "Hala! 6:37 na! Malalate na ako!" Tanga-tanga mo talaga Sophia! Late ka na nagising. Nasanay na kasi ako na ginigising ako ni mama para pumasok. Hayst! Wala dito si mama so I need to be independent. Nagmamadali akong pumunta sa cr para maglinis ng katawan. Hindi na ako maliligo dahil baka malate pa ako ng sobra. Pagkatapos ko magawa ang routine ko ay lumabas na ako. Kaasar naman oh! Ang haba ng hagdan, no choice bibilisan ko na lang. Bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumuha ng babaunin ko. Nadatnan ko doon si Magnus na katatapos lang kumain habang si Manang Sally ay naglalagay ng isang plato sa tapat ni Magnus. "Oh Sophia, halika ka na dito iha kumain ka muna bago pumasok sa school mo." Um
Natapos ang klase namin at ngayon kasama ko si Nanna na naglalakad patungong parking lot nitong school. Kailangan na naming umuwi agad dahil naghihintay sakin si Magnus sa labas. Nagtext nga sakin kanina na andito na siya. Hindi ko alam kung paano niya nakuha cellphone number ko e. Akala ko nga kung sino na nagtext kanina kasi ang nagpop-up sa cp ko ay unknown number, kung hindi lang siya siguro nagpakilala baka binlock ko na yung number niya. Nang nagtext siya sakin ay agad kong sinave ang number niya at nilagay ang name na 'Mayabang kong stepbrother.' Hahaha di ba ang ganda. Hindi naman niya malalaman 'to saka dito na lang ako makakaganti sa pagsusungit niya sakin. "Ang sarap talaga ng libre no. Sana ilibre pa tayo." Hagikgik nitong kasama ko. Tignan mo 'to hindi na nahiya. Ang kapal ng mukha, nilibre na nga aabusuhin pa. Ako yung nahihiya sa mga pinaggagawa niya. "Mahiya ka naman sa tao no. Mayaman ka naman pero nagpapalibre ka." Napairap ito sakin, susungitan pa ako. "I ne
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nagpipigil siya ng galit. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga bago nagsimulang magdrive. Tahimik ang biyahe namin pauwi at sa bintana lang ako nakatingin habang pinagmamasdan ang mga nadaanan naming mga bahay. "I'm sorry." Mahinahon niyang sabi kaya napalingon ako dito. Second time niyang magsorry. "It's okay, sorry din." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumingin ulit ako sa bintana ngunit nagtaka ako. Hindi ito ang daan pauwi sa mansyon. "Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Lumingon siya sakin saglit bago magsalita. "Where do you want to eat?" Sige tanong ang isagot mo sa tanong ko. Speaking of his question, kung saan ko daw gusto kumain? Bakit? Meron naman sa bahay ah. "Wala sila Manang sa bahay." Mukhang nagets niya ang tanong na tumatakbo sa isip ko. "Kaya ko naman magluto para satin. Mag-aaksaya kalang ng pera." Panenermon ko sa kanya. Ganto ba silang mga mayayaman kapag wala ang mga maids hindi nila kayang magluto ng
MAGNUS'S POV. "How's your investigation?" I asked Xander, who entered in my secret room. We are here at my secret room in the mansion. Pinapunta ko siya dito sa Laguna just to give me any information he find. "Do you find any lead who's behind of it?" He knows what I am talking about. He seriously face at me before answering my question. "Yes, here." May inabot siya sa aking brown envelop. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang mga pictures ng isang matabang lalaki na nakabusiness suit na nakikipagtransaction sa ibang company. "That chubby man is Norman Dela Vega, one of our investor and transaction partner in our company." I got yah! "So he's one of the rat in my company huh?" I find out a while ago that the money of company is continues to decrease. So I ordered Xander to investigate who's behind of it. Hindi ako nagkakamali kay Xander when it comes to investigation. He is the best investigator of my company and he is also an agent. Kaya siya lang ang inaasahan ko sa mga bagay n
SOPHIA'S POV. Kaasar naman, naghintay ako sa wala. Paano ba naman kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng Campus. Hindi man lang sinabi kung hindi niya ako masusundo kaysa sa paasahin ako. Kanina ko pa siya tinetext at nakailang missed calls na ako sa kanya pero wala lang. Walang sumagot. Sinabi pa niya sa akin kanina na hintayin ko daw siya baka malate siya. E anong oras na 6pm na 1 hour na siyang late. Kung ako ang malalate sa paglabas nasa 30 minutes lang galit na galit siya. Ano 'to? Gantihan? Ginagantihan ba ako ng mokong na yun? Kanina pa akong 5 dito at naabutan na ako ng ulan. Wala pa naman akong payong. Nandito ako sa isang tindahan para sumilong para hindi mabasa ng ulan. Dumidilim na rin at wala na rin akong makitang tricycle dito para makapagcommute ako't makauwi na. Paano na ako nyan? Kaasar! 'Yung mokong kasi na stepbrother ko hindi man lang sinabi na hindi niya ako masusundo! "Sophia?" Umangat ako ng tingin sa kotseng huminto sa harapan ko. Nakabukas ang bintan
WARNING SPG!! KAHIT ako ay nagulat rin pero kalaunan ay nahiya na rin sa ginawa niya. Habang ang dalawa ay nanonood lang samin. Kumuha rin siya ng ulam at inilagay sa plato ko. "Eat now, don't mind them." Walang emosyong sabi nito sa akin. Napatingin ako sa dalawa at nang-aasar ang paraan ng pagtingin nila. Bigla akong nahiya dahil baka iba ang isipin nila sa ginawa ni Magnus. "I said eat or else susubuan kita" banta nito sa akin kaya agad akong kumain. Baka totohanin pa ang banta nito sa akin. Kaasar! Kung ano-ano lumalabas sa bibig mo Magnus! Gusto ko siya sigawan sa mga pinagsasabi nito. Hindi naman ako nagpapaalaga sa kaniya. "Ehem!" "Wag ganyan Magnus, nilalaggam na kami dito." Nang-aasar ang kaniyang dalawang kaibigan kaya hindi ko magawang malunok ang kinakain ko dahil sa kanila samantalang itong si Magnus walang emosyon lang na nakataingin sa kanila at dineadma lang sila. "Tsk! Naignore na naman tayo." Hindi na nagsalita ang dalawa naming kasama hanggang sa matapos kami
MATAPOS ang araw na 'yon na hindi nalalaman nila Mama ang nangyari. Ang buong akala nila ay dumalo talaga ang fiance ko 'kuno'. Tinanong pa nila ako kung kamusta si Klin. Yes, my fiance was named Klin.Nagsinungaling ako. Isa lang ang alam kong dahilan dahil mahal ko si Magnus at ayokong paghiwalayin kaming dalawa. Sinabi ko kila Mama na ayaw ko sa Klin na 'yon kaya hindi na nila ako pinilit.Kilala ko si Mama, ayaw niyang pinipilit ako sa taong ayaw ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya maibigay ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto at wala nang iba."Malapit na ang birthday mo, Sophia. Ano gusto mo?" Biglang tanong ni Mama sakin bago siya sumubo ng pagkain.Sabay kaming tatlo na nagdidinner ngayon. Si Magnus? As usual, nasa condo nito namamalagi. Ayaw siyang pauwiin ni Tito dito sa mansyon dahil sakin.Isa lang naman ang gusto ko Ma, pero alam kong hindi niyo maibibigay kaya wag na lang.Gusto ko 'yan sabihin sa kanila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "
"M-MAGNUS?"Wala sa sariling nasabi ko. Gulat akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Ilang beses rin akong napakurap kung hindi ba ako namamalikmata sa nakikita ko.Pero totoo lahat kahit pisilin ko ang pisngi o yung kamay ko ay siya talaga ang nasa harapan ko. Ang taong matagal kong hindi simula sa pangalawang araw ng disyembre.Walang emosyon ang makikita sa mukha niya pero kita ko sa mga mata ang galak na makita ako habang nakangisi siya.Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at agad na nagtanong."What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.Yumuko siya at pumantay sa mukha ko ang mukha niya. Nahigit ko ang paghinga ko at nabibingi na rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto ng lumabas sa katawan ko."I'm here to take you with me. I can't let you go that easily." Nakangising tugon nito sakin. Bakit ang gwapo niya? Sobrang hot niya ngayon sa paningin. "Nasaan ang si
SOPHIA's POV.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Masakit malaman na may ganto palang ginawa sila Mama at Papa dati. Bakit ngayon lang nila sinabi sakin kung kailan hindi ko na matatanggap 'to?Sino naman ang fiance ko sa arrange marriage na 'to? Bakit siya pumayag?"Bakit ngayon niyo lang 'to nasabi? O gawa-gawa niyo lang 'to ngayon dahil sa relasyon namin ni Magnus? Kung hindi niyo matanggap ang samin, dapat hindi na kayo gumawa ng gantong kalokohan." Galit na sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang luha ko."Hindi sa ganoon Sophia, matagal na 'tong nakasettled hindi lang namin nasabi sayo ng Papa mo noon dahil hindi ka pa handa kasi bata ka pa noon pero ngayon, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayo." Malumanay na sabi sakin ni Mama pero umiiling iling lang ako. Napabuntong hininga na lang si Mama. Hindi naman nagsalita si Tito at tahimik lang sa isang tabi. Hinayaan niya lang kami ni Mama na mag-usap."Bakit hindi mo subukan na kilalanin siya? Hindi mo pa nga
THIRD PERSON's POV.Nagising si Magnus sa malalakas na katok sa labas ng pinto. Inis na bumangon siya pero agad din napahiga at napahawak sa ulo niya nang maramdaman ang kirot mula dito.Hindi niya alam kung gaano siya kalasing kagabi nang makauwi siya sa condo niya. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi."Hey, Magnus!" Sigaw ni James sa labas ng pinto at patuloy pa rin sa pagkatok. "Can you open the door?" Tanong pa nito."Don't fucking shout!" Sigaw rin ni Magnus dahil sa inis at galit. May hangover pa siya tapos kung magdabog at magsigaw si James parang wala itong hangover kagaya niya.Pinilit ni Magnus bumangon at inis na binuksan ang pinto saka niya sinamaan ng tingin ang dalawang kaibigan na nasa labas ng pinto."Why are you here?" Paos na boses na tanong ni Magnus. Halata sa hitsura at boses niya na kagigising niya lang."Hey bro, good evening." Nakangiting bati ni James sa kanya ngunit hindi siya natinag tinignan niya lang ito ng masama.Hindi niya rin namalayan na isang buo
SCARLETTE's POV.23 days. Almost, one month of december na hindi ko pa rin nakikita si Magnus at nakakausap simula sa pangalawang araw ng disyembre.Ito na ba ang parusa namin? Parusa ng maling ginawa namin? Simula nang magsecond day ng december, pinagbawalan na kami ni Magnus na magkita. Maaga din kaming pinagchristmas break after one week ng december.Mabuti na rin 'yon dahil hindi ako masyado makapagfocus sa pag-aaral ko dahil sa problema ng pamilya namin, problema namin ni Magnus.Galit pa din si Mama sakin hanggang ngayon kahit na nagsorry na ako at sabihin niyang hindi na siya galit. Tahimik pa rin siya at halos hindi ako kausapin ni Mama.Pinatira na rin ni Tito Donny si Magnus sa condo nito sa Manila at ako naman ipinatanggal ni Tito Donny as personal assisstant ni Magnus sa kompanya kaya wala akong magawa kundi nandito lang sa bahay o kaya niyayaya ako ni Mama minsan na lumabas kapag nandito siya. Madalas kasi
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nagdaang araw sa Italian restaurant. Kung saan kami nagfamily dinner date.Hindi rin mawala-wala sa isip ko kung paano nagalit si Mama sakin. Ngayon ko lang ulit naranasan na nagalit siya sakin.I am so obedient to her since my father left us. Lahat ng gusto ni Mama sinusunod ko lalo na kung alam kung para sa ikabubuti ko. Hindi rin ako nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya dahil ako na lang ang meron sa kanya.Kaya hindi ko makalimutan ang malalamig na tingin at walang emosyong mukha ni Mama. Nasasaktan ako dahil sa unang pagkakataon ulit, nakagawa na naman ako ng mali.Ramdam ko sa bawat salita nila ni Tito Donny at Mama na tutol sila samin ni Magnus kaya pilit nila kaming pinaghihiwalay ng landas. Oo. Sa mga nagdaang araw hindi kami nakakapagkita ni Magnus dahil inutusan siya ni Tito na magfocus lang sa kompanya o kaya ay marami itong ipapagawa dito. Minsan naman kung
KATAHIMIKAN. Tanging tunog lang ng mga plato at kobyertos ang maririnig samin. Nawalan rin kasi ako ng ganang ngumiti at magsalita dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko rin kay Magnus ang delikado nitong awra sa sinabi ni Tito Donny kanina."How are you kids?" Pambabasag ni Tito sa katahimikan. Nakangiti itong nakatingin samin ni Magnus. Katabi ko ngayon si Magnus habang kaharap ang mga magulang namin."Don't call us kid, we're not kid anymore." Malamig na sabi ni Magnus sa kanyang ama.Natawa naman si Tito sa sinabi ni Magnus."Ayos lang kami Tito." Ako na ang sumagot dahil hindi naman sasagot ng matino si Magnus."Is he treated you so well?" Tumango naman ako sa kanya. "Yes po Tito.""Good to hear that." Nakangiti nito saad bago magpatuloy kumain.Napatingin ako kay Mama nang maramdaman kong kanina niya pa akong tinitignan."May gusto ba kayong sabihin, Mama?" Tanong ko di
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay bisperas na ng pasko. Unang araw na ngayon ng disyembre at kanina lang ay tumawag sakin si Mama pero hindi sinabi sakin kung kailan sila uuwi, basta ang sabi lang e ngayong disyembre sila uuwi ni Tito Donny.Miss ko na si Mama. Gusto ko rin malaman kung anong ginawa nila sa Paris. Kung nakita ba nila 'yong eiffel tower.Humiga na ako sa kama at naisipang matulog. "Isabella" kumatok si Magnus sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko 'to kahit na tinatamad ako."Bakit?" Bungad ko sa kanya. Sumingit naman siya at nagpumilit na pumasok. May dala-dala itong isang paper bag."Oh" Tinaasan ko siya ng kilay nang iabot sakin ang dala niya."Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko dito. Walang ganang tumingin lang siya sakin."You wear it." Maikling saad nito.Binuklat ko ang paper bag at nakita ang isang dress. A white dress. Simple but elegant.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Bakit niya ako binibigyan ng dress?"May okasyon ba?" Nagtatakang ta
SCARLETTE's POV.HINDI ko alam kung ilang beses na akong napapalunok. Ramdam na ramdam ko ang matipunong katawan ni Magnus na nasa likuran ko. Kahit nakadamit ako at malamig ang tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya."Nervous?" Narinig ko siyang nakangisi at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa tenga ko dahil sa pagbulong niya.Alam ko pulang pula na ang mukha ako sa ginagawa niya. Ilang beses niya kinakagat kagat ang earlobe ko na para bang inaakit ako nito."When I saw this falls yesterday, you are the one who came in to my mind." Malalim ang boses nitong saad. "Beautiful, isn't it?" Tumango naman ako."Beautiful as you but for me you are more beautiful. You're like a moon who keep shining and giving me light in the middle of the darkness." Dagdag pa nito.Bumilis naman ang tibok ng puso sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang halikan ang leeg ko habang nakayakap sakin hanggang