Share

Chapter 6

Isa… Dalawa… Tatlo… Tatlong katok sa pinto ang gumising sa akin.

“Ms. Valentine, wake up. It’s already 7 o’clock,” agad ko naman idinilat ang aking mata mga nang marinig ko ang boses na iyon. Sh*t! Nandito pala ako sa mansion ng boss ko.

Dali-dali naman akong tumayo at inayos ang kama na aking hinigaan at agad na pumasok sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos.

“Ms. Valentine, if you are not going to answer I will open this door,” maawtoridad niyang sabi.

“Just a second, Sir!” sigaw ko naman habang naghihilamos. Ilang minuto lang ang itinagal ng pag-ayos ko sa aking sarili at agad naman na lumabas.

Pagkabukas ko ng pinto ay itinumbad sa akin ang isang maamo at napakagwapong mukha. He is so handsome in his plain white t-shirt and classic black shorts. It’s just so simple yet undeniably attractive when he is the one wearing it.

“Sir? Bakit po hindi pa kayo nakabihis?” I asked.

“I called the company and told them that I won’t be at the office today,” simpleng tugon nito habang sinusuri ako.

He smirked. 

Agad nanlaki ang mga mata ko at agad na isinara ang pinto kahit nakatayo pa siya doon. Bahala na! Napatingin naman ako sa sarili at nakitang wala pa rin pala akong suot na bra. Dali-dali ko naman ito hinanap at agad na isinuot.

“I’ll be in the kitchen, Ms. Valentine. I need your help there,” medyo malakas nitong pagkakasabi at narinig ko naman ang papalayong mga yabag nito.

Nasapo ko na lang ang aking ulo dahil sa pangalawang beses na ito mangyari. Ano na lang kaya iisipin ng boss ko? Baka iniisip non na inaakit ko siya sa sarili niyang pamamahay. 

“T*nga mo talaga, Zephira!” inis kong bulong sa sarili habang sapo pa rin ang aking ulo.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko napag-desisyonan na lumabas na ng kwarto. Nakayuko akong naglalakad papalapit sa kitchen, unti-unti ako nag-angat ng tingin at doon ko nakita si Mr. Armani na nagluluto na ng breakfast para sa amin.

“What can I do to help, Sir?” tanong ko sa kaniya. Doon lang siya tumingin sa akin.

“Just sit there and wait for me,” turo nito sa table na may nakahanda na mga utensils.

Akala ko ba ay kailangan niya ng tulong ko? Baka nag-change mind kasi ang tagal ko sa kwarto doon. Kung hindi ba naman kasi ako sir*ulo eh!

Tahimik na nakatingin lang ako sa likod ni Mr. Armani habang siya ay tinatapos na ang pagluluto. Nang lumingon naman ito sa akin ay agad akong nag-iwas tingin at kunwaring sinusuri ang paligid.

“You’re liking the view, don’t you?” parang nang-aasar na tanong nito sa akin.

“Yes, I like yo—I mean the view, Sir” sagot ko habang palinga-linga pa rin kung saan saang parte ng bahay.

“Didn’t I tell you to not call me “Sir” when we’re outside the workplace?” sabi nito nang nakataas pa ang isang kilay habang naglalakad papalapit sa table bitbit ang mga pagkain na niluto.

Tumango lang ako at napanganga sa mga pagkaing niluto nito. 

“Isn’t this too much for two people, Canseus?” I commented while looking at the dishes.

There are pancakes, omelets, bacon, hams, toasted bread, and two glasses of orange juice.

“Who knows? You might eat a lot since you haven’t got anything last night,” sagot lang nito sabay upo at nagsimula nang kumain.

Tiningnan ko naman ito ng masakit ngunit wala siyang pake at patuloy lang na kumakain kaya nagsimula na rin akong kumuha dahil tama naman siya, gutom na gutom ako ngayong umaga.

Tahimik lang kaming dalawa na kumakain nang bigla itong may sinabi.

“You’re not going to work today.”

I looked at him confusedly. “What? Why?”

“You’ll be getting ready for the party we’re going to later,” tipid nitong sagot at uminom ng juice.

“For what, Sir?” seryoso ko namang tanong dito.

“It’s a party of my business partner, and I’m also gonna meet my other business partners that just returned to the country.”

“And what does this have to do with me, Mr. Armani?” I asked again.

“You’re gonna be my plus one,” sagot nito sabay tingin ng diretso sa akin.

“ I can’t, Sir. I need to go home, my boyfriend will be looking for me.”

“So, you have a boyfriend? Is he the one who slapped you yesterday?” diretso nitong tanong sa akin.

I was stunned for a moment but also got my senses back immediately.

“N-no, Sir.” 

Sh*t ka naman, Zephira! Bakit ka nag-utal utal?

“So he did. You’re not going home later, you are coming with me,” malamig nitong sabi. 

“But—”

“No buts and that’s a command, Ms. Valentine,” maawtoridad niyang putol sa akin. Ako lang ba ang nakaramdam na nag-iba ang ihip ng hangin?

Hindi ko na napansing tapos na pala siya kumain. Tumayo ito at walang sabing inilisan ang table na iyon. 

“Grabe naman ‘to, wala man lang sinabi pagkatapos akong sapilitan na isama sa party na hindi ko naman alam,” inis kong bulong sa sarili habang kumukuha ng mga natirang bacon at kinain.

Pagkatapos ko ay agad ko naman iniligpit ang pinagkainan namin ni Mr. Armani at hinugasan iyon. Ilang minuto rin ako nasa kitchen nang bigla may nag-ring sa table na pinagkainan namin kanina. 

Cellphone ko? Hindi naka-off ‘yon eh. Agad naman ako lumapit sa table at nakitang sa cellphone pala ni Mr. Armani nanggagaling ‘yong ring. Hindi niya pala ‘to nadala?

“Sylvia,” mahina kong basa sa pangalan. Kukunin ko na sana ito nang may nagsalita bigla sa likuran ko.

“What are you doing?”

“Ay palaka ni Sir!” sigaw ko sabay tingin doon sa mukhang kalalabas lang na Mr. Armani sa shower.

“I said, what are you doing?” ulit nito sabay lakad papalapit sa aking pwesto.

“Someone is calling you. I was just about to give it to you,” paliwanag ko at bumalik na sa paghuhugas. 

Sa tingin ko naman ay kinuha na nito ang kaniyang phone at umalis dahil tahimik naman na. Pero saktong pagkatalikod ko ang napakagwapong mukha ni Mr. Armani ang nasa harapan ko, isang maling galaw lang ay magkakahalikan na kami.

Hindi ako nakagalaw at pinapanalangin ko sa isip na sana umalis na siya sa harap ko dahil parang nasu-suffocate na ako! Pero parang hindi talaga pinakinggan eh. Nakatingin lang si Mr. Armani sa mga mata ko, sa ilong, hanggang sa bumaba na ito sa mga… labi ko.

Isang malaking lunok ang ginawa ko at madiin na pumikit nang makita ko itong unti-unti na lumalapit. Ngunit, isa… dalawa… tatlo… apat… lima… wala akong naramdaman. Minulat ko isa isa ang aking mga mata para tingnan kung ano ang ginagawa nito. Bumungad sa akin ang nakakaasar nitong ngiti sabay patay ng gripo sa likuran ko.

“You shouldn’t waste water. It’s not that I can’t pay the bill, but I am not a fan of wasting things,” tanging sabi nito at umalis na sa harapan ko dala-dala ang cellphone na naiwan nito.

Tulala akong nakatingin sa papalayong bulto niya hanggang sa pumasok na ito sa sariling kwarto. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status