Share

Chapter 3

Nagising na lamang ako sa sinag ng araw. Agad naman akong napaupo nang may maalala ako kagabi—hindi ito klaro, tanging dilim at mga galaw lamang ang naalala ko. Napatingin naman ako sa aking katawan na natatakpan ng kumot, hindi ko maiwasang maisip na hinayaan ko ang lalaki na sa loob niya iputok ang kaniyang likido.

Nasapo ko na lang ang aking ulo ng maramdaman kong sumasakit pa rin ito. “Hangover na naman,” bulong ko sa sarili at napatingin sa side table.

Mayroong gamot at tubig doon, agad naman akong napangiti dahil may note ring iniwan ang nakasama ko kagabi. Kukunin ko na sana ito para basahin nang tumunog bigla ang aking telepono, agad ko naman hinanap ang aking bag habang nakabalot pa rin sa aking katawan ang kumot.

Nabitawan ko lamang ito ng mabasa ang pangalan ni Aron. Tila nilamig ang buong katawan ko dahil nakita kong may 32 missed calls na ito at 39 messages. Dali-dali ko namang pinulot ang mga damit kong nasa sahig at pilit na sinusuot, habang sinusuot ko na ang aking heels ay may napansin akong paper bag na nasa table.

Nilapitan ko iyon at tiningnan. “Damit?” confused kong tanong sa sarili habang sinusuri ito. Nagulat ako nang mag-ring ulit ang aking telepono at pangalan naman ni Reese ang nakalagay doon kaya sinagot ko agad ito.

[“Girl, where were you last night? We’re so worried about you!”] nag-aalalang bungad nito.

“I’m okay, don’t worry about me,” sambit ko rito.

[“Where are you, right now? Huling kita ko lang sayo kagabi ay may sinasayaw ka sa gitna,”] sabi nito ulit na parang nang-aasar pa.

Tiningnan ko naman ang paligid at doon ko lang napagtanto na isang napakalaking suite pala ito.

“Nasa hotel ako,” tanging naging sagot ko sa kaniya.

[“By the way, girl. Aron is calling me since last night, asking where were you,”] ayon, ayon ang huling salita niya nang patayin ko agad ang tawag at nag-madaling magpalit ng damit na nasa paper bag.

It’s just a simple dark blue dress together with an inch tall heels. Pagkatapos ko magbihis ay ininom ko yung gamot na nasa side table kanina at kinuha yung note—sakto non ay tumunog ulit ang aking phone and this time pangalan na ulit ni Aron ang nakalagay.

Basta ko nalang pinasok ang note sa bag at lumabas na agad ng suite tiyaka sinagot ang tawag.

“H-hello?” mahinang sagot ko.

“Nasaan ka, Zephira?” diretsong tanong nito sa akin at sa tono pa lang ay alam kong nagtitimpi lang ito.

“I’m on my way home,” sagot ko sabay para ng taxi.

“Bilisan mo!” galit nitong sabi at pinatay agad ang tawag.

Sinabi ko naman agad sa driver yung address ng apartment namin. Inabot din ng dalawampu’t limang minuto ang byahe mula sa hotel na iyon hanggang sa apartment.

Mabilis akong bumaba ng taxi at bubuksan na sana ang pinto pero bigla rin itong bumukas at iniluwa sa akin ang galit na Aron. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong hilain papasok ng bahay papuntang kwarto—kahit na ay nasasangga ko na ang mga gamit sa paligid ay wala itong pakialam at patuloy lang ako hinihila ng malakas.

Pagkarating ng kwarto ay patapon naman ako nitong binitawan—mahigpit ang pagkahawak niya sa aking kamay kaya nagkaroon ng pulang marka sa pulsohan ko. Walang kahit anong salita ang nanggaling sa kaniya, isang segundo ay naramdaman ko na lang ang isang malakas na sampal nito sa akin. 

“Pinaghintay mo ako kagabi! Alam mo naman na kailangan kita dito!” sigaw nito sa akin.

Napapikit na lamang ako dahil sa lakas ng sigaw nito at sa hapdi ng pisngi ko. Mabigat kamay ni Aron kaya kahit isang sampal lang iyon ay napakalaking impact non sa akin. 

“Ano ginawa mo? Naghanap ng malalandi?” sabi nito habang onti-onting lumalapit sa akin.

Hahawakan na sana nito ang aking damit para hubarin pero agad ko naman itong pinigilan at iniwas. Napasinghal na lamang siya at tiningnan ako na parang naaasar. 

“Ayaw mo?” naiinis nitong sabi at lumapit sa leeg ko tiyaka inamoy amoy ito.

“M-may trabaho pa ako,” ang tanging lumabas sa bibig ko habang pilit inilalayo ang sarili ko sa kaniya.

Hinawakan nito ang buhok ko sabay bulong. “Umuwi ka agad,” tiyaka dinilaan ako sa leeg.

Tumango na lamang ako at kinuha bag ko sa sahig. Pagkalabas ko ng kwarto ay dali-dali akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi. Habang nasa taxi ako ay sunod-sunod na tumulo mga luha ko.

“Ma’am saan po ta—hala ma’am, bakit ka po umiiyak?” gulat at nag-aalalang tanong sa akin ng taxi driver.

“Wala po, Manong. Sa Armani Prime Corporation na lang po,” sagot ko habang pinupunasan mga luhang tumutulo sa mata ko at tumingin na lang sa bintana.

“Sige po, Ma’am.”

Habang nakatingin sa bintana ay naalala ko ulit ang ginawa ni Aron sa akin. Gusto ko na umalis sa lugar na iyon at tuluyang iwan siya pero hindi ko kaya—natatakot ako. Kilala ko si Aron at alam kong gagawin niya talaga lahat na pang-bblackmail niya sa akin kung hindi nito makukuha ang kaniyang gusto.

Hindi naman siya ganito dati. Maalaga siya at pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako ka mahal kahit na hindi maganda imahe nito sa iba, pero hindi ko alam kung bakit isang araw ay naging ganito bigla ang pakikitungo niya sa akin. Ni hindi ko naisip na kaya niyang gawin sa akin ang mga bagay na ginagawa niya ngayon. 

Palagi niyang ipinapakita sa akin kung gaano niya ako nirerespeto dati pero ngayon parang kasiyahan niya na ang paglaruan ako at pa-ikotin sa kaniyang mga kamay. Walang masamang nangyari sa relasyon namin para maging dahilan ng inaasta niya ngayon. 

Tanging sina Reese, Matrix, at Porshia lamang ang nakakaalam na ganito na ang ikot ng relasyon namin ni Aron. Hindi ko ito masasabi sa aking pamilya dahil matagal na nila akong pinagsabihan tungkol kay Aron pero hindi ako sumunod kaya kailangan ko itong harapin at huwag na sila idamay pa.

Natigil ang aking pag-iisip nang magsalita ang taxi driver. “Nandito na po tayo, Ma’am,” tumango lang ako rito at nagbayad.

“Salamat po, Manong,” pagkatapos non ay bumaba na agad ako. Napatingin na lamang ako sa building sabay bulong sa sarili.

‘Focus on your work, Zephira!’ sinasampal ko ang aking mga pisngi habang naglalakad papuntang entrance.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status