Share

Chapter 4

“Good morning, Ate Zephira,” bati sa akin ng intern sa kompanya.

“Good morning din, Alianna,” balik ko sa kaniya sabay ngiti.

“Uy, Zephy! Good morning, hinahanap ka na ni Mr. Arma—hala anong nangyari sa pisngi mo?” gulat nitong tanong sabay suri ng mukha ko.

“Shh!” agad ko siyang hinila papuntang restroom.

“Ano nga nangyari diyan?” nag-aalang tanong nito at balak pa sana hawakan pero lumayo agad ako.

“Wala, nabangga lang ako kanina noong paalis sa bahay.”

“Anong nabangga? Eh, halatang sampal ‘yan. May marka pa nga oh!” komento nito ulit.

“Basta! Huwag ka na lang maingay, tatakpan ko na nga ng foundation,” sabi ko na lang at sinimulang lagyan ito ng konti.

Ilang minuto rin akong nag-ayos sa restroom habang si Alesia ay nakatingin lang sa akin.

“Ayos na ba?” tanong ko rito. Tumango lang ito at inangkla ang kaniya kamay sa akin. “Tara na, hanap ka na ni Mr. Armani,” at tiyaka hinila ako palabas.

-

Pagkapasok ko ng office ay nakita ko naman agad si Mr. Armani na may binabasang paper work sa kaniyang table.

“Good morning, Mr. Armani. Pasensya na at ngayon lang po ako, may emergency po eh,” agad kong explain habang nakayuko.

“What’s my schedule for today?” tanong nito sa akin.

Mabilis ko naman kinuha ang notebook na nasa table ko kung saan nakalagay mga schedule nito sa pang araw-araw.

“You don’t have any schedule today, Mr. Armani.”

Nakita ko namang tumango lang ito kaya umupo na ako at nagsimulang buksan mga unread email ko. Scroll nang scroll lang ako pababa hanggang sa tumigil ako sa isang email galing kay Aron—sinend niya ito kahapon lang, sakto lang din sa pag-out ko sa work. Isang image ang naka-attach dito kaya agad ko naman itong binuksan.

Nanginig bigla ang aking mga kamay ng makita ang imahe. Ako iyon… litrato kong natutulog na nakah*bad habang siya ay nakangiting tinuturo ako. Ang bastos, ang baboy.

Sunod-sunod namang tumulo ang mga luha ko habang dini-delete iyon. Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Mr. Armani.

“Ms. Valentine, could you give this to— what happened to you?” hindi nito naituloy ang kaniyang utos dahil tumingin ako sa kaniyang lumuluha ang mga mata. 

Agad niya naman inilagay ang mga papel na hawak niya at pinahid ang mga luha galing sa aking mata. Hindi ko na naisip na boss ko ang nasa harapan ko, kung hindi isang taong may pag-alala sa kaniyang mukha.

“What happened? Are you sick? Are you hurt, Ms. Valentine?” sunod sunod na tanong nito habang pinupunasan pa rin mukha ko.

Mas lalo akong napaiyak dahil naalala kong ganito rin si Aron sa akin dati tapos ngayon kaya niya na akong baboyin na para bang hindi ako yung taong kaniyang minamahal… mahal niya pa nga ba ako? O tanging katawan ko na lang ang habol nito?

“Tell me, Ms. Valenti— what the f*ck?” inis na saad nito kaya napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa kaniya na nalilito.

“B-bakit po, Mr. Armani?” tanong ko habang sumisinghot.

“Did someone slap you?” balik nitong tanong sa akin while his eyebrows furrowed.

Bigla na lang ako tumalikod sa kaniya kaya napalayo ito ng konti sa akin—dahil sa naalala kong tinakpan ko lang pala ito ng foundation para hindi halata at ngayon ay naalis na dahil sa aking pag-iyak.

“Who did that?” He asked again.

“Wala po, boss. I just hit on something on my way here,” I lied.

He looked at me as if I was an unbelievable woman in front of him.

“Oh really? Does your furniture and appliances at home have hands?” pilosopo niyang tanong sa akin and raised an eyebrow.

“Ah ha-ha-ha, I just slapped myself too hard earlier, Mr. Armani,” I laughed and answered awkwardly while looking away.

“You know, I don’t like liars, Ms. Valentine,” He sternly said while slowly walking towards me.

Palipat-lipat naman ako ng tingin sa bawat corner ng office para lang hindi ko matingnan si Mr. Armani ng diretso sa mata.

“B-boss, ako nga lang po may gawa nito. No one slapped me,” sabi ko rito nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

“Then, look at me and say that straight to my face, Ms. Valentine,” utos naman nito nang maramdaman kong tumigil na ito sa harapan ko.

“I cannot do it because you’re so close, Mr. Armani,” I said. I heard him chuckling, but didn’t walk away from me.

“I won’t be able to hear you if I’m far, Ms. Valentine.”

I don’t know if he’s teasing me pero grabe kuhang kuha na talaga ni Mr. Armani ang pasensya ko. Hindi ko na nga siya kayang tingnan tapos lalapit pa siya sa akin. Ayos ka boss ah.

“Mr. Armani, someone might misunderstand us. I don’t want that to happen and ruin your reputation,” seryoso kong saad sa kaniya.

“No one would and no one will. Everyone knows I have no interest in women,” He said softly.

Napatingin naman ako sa kaniya at nakita kong diretso ang kaniyang tingin sa akin habang nakangiti. Hindi ako nakapagsalita dahil sa tagal kong nag-ttrabaho rito ay ngayon ko lamang nakita ang ngiti niyang ito.

“Too stunned to speak?” sabi nito ulit kaya agad naman akong tumingin sa kisame.

“Wow, Mr. Armani. I really love the color of the ceiling. It’s very neat,” napapikit na lamang ako sa katangahan kong sinabi.

Wala akong narinig na kahit ano galing sa kaniya kaya onti-onti kong ibinaba ang aking tingin. He was looking straight at me while his smile was slowly fading. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya at nag-peace sign.

“Don’t change the topic, Ms. Valentine. Now, tell me, who did that to you?” seryosong tanong nito. 

I bowed my head while playing with my fingers. I’m getting flashbacks from that email and I was about to cry again when I felt Mr. Armani held my chin and lifted my head up. The touch was gentle, it’s the same touch I felt that night.

Inilapit nito ang mukha niya sa akin para suriin ang aking pisngi. Sa sobrang lapit nito ay parang nahihirapan ako huminga. When he was about to say something the door opened and we parted immediately.

“Zephy, ito pala yung— ay sorry! I’m sorry, Mr. Armani!” agad na sabi ni Alesia at sinarado ang pinto. 

Mr. Armani and I just gazed at each other and looked away. He started to walk towards his table and said.

“Tell her to come back.”

“Yes, Mr. Armani,” I answered and left the office.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status