Share

Chapter 5

“Zephy, hindi ka pa ba uuwi?” tanong sa akin ni Alesia habang nagtitimpla ako ng kape.

“Mag-overtime ako. Ingat ka,” sagot ko rito.

“Sige, ingat ka mamaya ha!” paalam niya sa akin sabay wave pa.

I cleared everything with Alesia. Ayokong ma-misunderstood niya ang kaniyang nakita kanina sa loob ng office. Naintindihan niya naman iyon dahil aware rin naman siya sa kaisa-isahang problema ni Mr. Armani, ayon nga ang wala siyang interes sa mga babae. Nangako rin siyang hindi niya iyon ipagsasabi kahit kanino para maiwasan ang issue sa loob ng kompanya.

Habang pabalik na ako sa office ay nakasalubong ko rin ang ibang mga empleyado kaya’t nagpaalam na rin sila sa akin. Pagkapasok ko ay saktong tapos na si Mr. Armani sa kaniyang mga ginagawa at mukhang pauwi na ito kaya agad naman akong nagsabi na mag-overtime ako rito dahil tatapusin ko pa ang ibang paperworks.

“No, go home and take a rest,” He said—no, he commanded.

“I want to finish my paperworks, Mr. Armani. So, let me overtime,” pakiusap ko rito sabay lapag ng kape sa table ko.

“You know that I never let anyone in this company overtime.”

Tama nga naman, kahit isang beses ay walang may nag-overtime rito na mga empleyado niya maliban sa kaniya kung gusto niya.

“Pero, Mr. Armani— ay!” hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil kinuha na niya ang aking bag at hinila ako palabas. Hindi malakas o masakit ang pagkakahila nito sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa at sumunod lang sa kaniya.

Dumiretso kami sa sasakyan niya sa parking lot. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto. “Get in,” utos niya kahit nalilito—sumunod pa rin ako. Nang makapasok na rin siya sa driver’s seat ay agad ko naman siya tinanong.

“Bakit mo po ako sinama rito, Mr. Armani?” taka kong tanong.

“I’m taking you home. What’s your address?” pinaandar nito agad ang makina ng sasakyan at nag-drive paalis ng parking lot.

“Dapat iniwan mo na lang ako doon, Sir. Ayoko pa umuwi,” tanging sagot ko rito at tumingin sa bintana.

“You won’t tell me your address? Fine,” nagulat ako nang bilisan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan at hindi nagtagal ay tumigil kami sa isang napakalaki at napakagandang bahay. 

“Nasaan tayo, Mr. Armani?” tanong ko sa kaniya habang namamangha pa rin sa ganda ng bahay.

“My house.”

“Ano?!” gulat kong tanong sa kaniya.

“Could you please lower your voice? We’re here at my house since you won’t tell me your address,” sagot nito sa akin at sakto non ay na-park niya na ang sasakyan.

Agad naman siya lumabas habang ako ay pino-process ko pa rin yung fact na nandito ako sa bahay— no, sa MANSION ni Mr. Armani. Naputol lamang ang pag-iisip ko nang maramdaman kong binuksan nito ang pintuan ng sasakyan at hinihintay ako lumabas.

Pagkalabas ko tiyaka naman ito nagsimulang maglakad kaya sumunod lamang ako sa likuran niya habang siya diretso lang ang lakad papasok sa kaniyang mansion.

“Feel at home. You can use the guestroom there,” sabay turo sa isang door malapit sa sala.

“Thank you, Sir,” sabi ko rito habang nakayuko.

“You can just call me “Canseus” when we’re outside the workplace,” utos nito kaya tumango agad ako sa kaniya.

“Thank you, Canseus,” nakita ko naman itong napangiti. “Much better,” He commented.

-

Madaling araw na, bigla akong nauhaw kaya lumabas ako sa guestroom at pumunta ng kitchen. Mostly glass ang nasa ibabang parte ng mansion ni Canseus kaya kahit walang ilaw ay medyo may makikita ka pa rin dahil sa liwanag ng buwan.

Pagkarating ko ng kusina ay agad naman akong kumuha ng tubig. Dahan-dahan lamang ako sa bawat galaw dahil ayokong magising si Canseus dahil sa pagiging clumsy ko. Habang naglalagay ako ng tubig sa aking baso ay bigla namang may nagsalita sa aking likuran.

“What are you doing?”

“Ay palaka!” sigaw ko at napatingin sa aking likuran. “Ikaw pala, Canseus. I got thirsty kasi eh,” sabi ko sabay pakita sa kaniya ng hawak kong pitsel.

“You should’ve turn the lights on,” sabi nito sabay on ng ilaw sa kusina. I saw him look at me and his eyes walk down to my chest.

Naalala kong wala pala akong suot na bra dahil ayon nakasanayan ko kapag nasa bahay lang ako. Agad ko namang pinatong ang pitsel at tinakpan ang aking dibdib. 

Narinig ko naman siya tumawa habang lumalapit at kumuha rin ng tubig.

Pagkatapos nitong uminom ay inilapit nito ang mukha sa aking tenga sabay bulong. “You should’ve worn one. You know I’m still a man after all,” ramdam ko ang bawat pagbigkas niya ng salita sa tenga ko.

Nakita ko sa aking peripheral vision ang pag-ngiti nito kaya napatingin ako rito—gulat na gulat sa kaniyang sinabi.

“You’re blushing, Ms. Valentine,” nakangiting komento niya kaya mas lalong naramdaman ko ang init at pamumula ng aking mukha. Tumakbo ako ng mabilis pabalik sa guest room pero rinig ko pa rin ang mga tawa niya galing sa kitchen.

Nilagay ko ang aking isang kamay sa aking dibdib, ramdam ko ang bilis ng kabog non. 

“Boss mo ‘yon, Zephira, at inaasar ka lang non,” paulit ulit kong bulong sa sarili.

Lumapit na ako sa higaan at pilit na kina-kalimutan ang nangyari kanina. Ilang minuto rin akong nakatingin sa kisame at pabalik balik lang din sa isip ko ang sinabi ni Canseus. Napasabunot na lamang ako sa aking sarili dahil ayaw maalis alis sa aking isipan ang bawat salita na ibinulong sa akin ni Canseus. 

Naputol lang ang aking iniisip nang may nag-text sa akin. Bigla ako nakaramdam ng panlalamig at tiningnan kung sino iyon, nakaginhawa lamang ako noong makita kong Globe lang pala iyon at sinasabing expired na ang load ko. Agad ko naman ni-shut down ang aking telepono para makatulog ako ng maayos.

Pinakiramdaman ko ulit ang aking sarili—lalo na ang aking dibdib. Malakas pa rin ang kabog nito simula kanina. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o kahihiyan pero isa lang ang tanging alam ko… siya lang ang nag-pakabog ng dibdib ko ng ganito kabilis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status