Share

I Got You, Zephira
I Got You, Zephira
Author: mauvecsea

Chapter 1

“Uy, Porsh! Ano ba ‘yang ginagawa mo? Nandito tayo sa club tapos trabaho pa rin inaatupag mo,” biglang sabi ni Reese sa kaibigan naming si Porshia na kanina pa kino-contact ang boss nito.

“Oo nga, girl. Itigil mo na ‘yan at lumaklak na!” sigaw naman ni Matrix na halatang madami na nainom sabay pilit na kinukuha ang telepono ni Porshia.

“Ano ba ‘yang boss mo, dapat kapag out na sa trabaho ay wala na pinapagawa eh,” inis ko namang sabi.

“Ay wow, hindi ka ba pinagtatrabaho ng boss mo kahit hindi naman working hours, Zephy?” biglang sagot ni Porshia na parang hinahamon pa ako.

“Hindi ‘no! Strict si Mr. Armani pero hindi kami pinapatrabaho non kapag tapos na ‘yong oras ng trabaho,” mayabang kong sabi sa kanila.

“Yabang! Lipat na kami diyan sa kompanya niyo, baka mabingwit ko pa boss niyo,” nang-aasar namang sagot ni Reese.

“Nako, huwag ka na umasa. Walang interes si Mr. Armani sa mga babae,” iling-iling kong sabi at nagbukas na lang ulit ng beer.

“Mr. A-armani? A-ayon ba ‘yong p-poging lalaki na n-naging CEO sa m-murang edad?” lasing na tanong ni Matrix.

“Oo, si Mr. Canseus Armani,” tipid kong sagot dito.

“Hala ka! Siya pala boss mo? Kaibigan ‘yan ni Mr. Eljiah Hermès ang boss ko!” sambit bigla ni Porshia… “Mabait nga talaga boss niyan, kahit si Mr. Hermès ay pinagsasabihan niyan,” dugtong nito.

“Taray ng mga boss ha! Hindi kinaya ng boss ko,” natatawang komento ni Reese sa usapan.

“Tama na ‘yan sa mga boss at trabaho. Tara na’t mag-inom!” masayang sigaw ni Matrix na tila nawala ang kaninang kalasingan nito.

-

Ilang oras din kaming puro inuman at kwentuhan lang. Napatigil na lamang ako sa pagtawa nang makita kong may nagtext sa akin.

“Aron…” mahina kong bulong sa sarili sabay click ng kaniyang message.

[Babe, where are you? I need your body.] basa ko sa kaniyang mensahe na ikinasira agad ng aking modo.

Kahit madalas niya na ito gawin ay umiiba pa rin ang aking modo, sanay naman na talaga ako. Sa ayaw at sa gusto ko ay masusunod pa rin si Aron—masusunod pa rin ang gusto niya dahil ipipilit niya iyon.

“Hoy, Zephy. Ayos ka lang? Si Aron na naman ba ‘yan?” pagkuha ni Reese sa atensyon ko. Tumango lamang ako rito at ngumiti ng pilit.

“Hayaan mo na ang mokong ‘yan! Magkaroon lang tayo ng sapat na ebidensya ay pakukulong na natin ‘yan,” sabat naman ni Porshia—narinig niya pala ang sinabi ni Reese.

Ngumiti na lang ako sa kanila tiyaka ibinalik ang modong nasira kanina. Hindi na muna ako nag-reply kay Aron at patuloy na lang na umiinom kasama sina Reese. Nagdaan ang ilang minutong pag-iinom, doon sila nagdesisyon na maglaro kami bago matapos ang gabi.

“K-kailangan matapos ang gabing ito na m-may isasayaw tayong lalaki,” lasing na sabi ni Matrix. Parehong may tama na kaming lahat kaya agad na pumayag na lang kami dahil sasayaw lang naman ang gagawin.

Nauna akong tumayo sa kanila at naghanap ng lalaking maisasayaw. Sakto naman ay may biglang pumasok mula sa entrance na isang grupo ng mga lalaki—pogi silang lahat pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung lalaking nakatingin sa akin ng diretso.

Agad ko naman siyang nilapitan at hinila papuntang gitna para sayawin. Wala akong narinig mula sa kaniya at tanging mga hiyaw lamang ng kasama niya pero hindi ko na iyon pinansin at sinimulan ang pagsasayaw sa harap niya. 

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa aking bewang kaya mas lalo akong gumiling at idinikit pa lalo ang katawan ko sa katawan niya.

The man I’m dancing with leaned close and whispered. “I didn’t know you have this side within you.”

Tumaas mga balahibo ko sa sinabi niya kaya agad naman akong nag-angat ng tingin. Tumingin ako sa mukha nito, but it was vague— tumigil lang ang aking tingin sa nang-aakit niyang labi.

“Kiss it if you want,” He said attractively and teasingly.

Just a second passed and I already felt his lips against mine. He was kissing me slowly and passionately while pulling me closer to him. There’s something in his kisses that I couldn’t resist, so I’ve been responding to it.

We’ve been kissing for a couple minutes nang itigil ko ito para kumuha ng hangin. While staring at his brown eyes, I felt dizzy dahil sa dami kong ininom kanina and everything just went black.

-

Naramdaman kong ibinaba ako sa isang napakalambot na higaan. Ramdam ko pa rin ang tama ng alak sa akin kaya’t hindi ko na minulat pa ang aking mga mata at hinubad na lang ng diretso ang aking damit. 

Tanging bra at panty na lamang ang natitira sa aking katawan at balak ko na sana hubarin iyon ngunit may pumigil sa akin.

“Stop undressing yourself. It’s tempting,” mahinang sabi ng lalaki sa akin pagkatapos takpan ang katawan ko ng kumot.

I didn’t bother to listen to him.

Agad ko naman itong inalis at balak pa sana nitong ibalik pero hinawakan ko agad ang mga kamay nito para pigilan. Iminulat ko ng tuluyan ang aking mga mata para tingnan ito pero tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto na iyon kaya’t hindi ko ito makita ng klaro.

While looking at him, he started leaning closer to my face—na para bang may sinusuri sa mukha ko. His hand I am holding decided to let go of the blanket and started to walk down my body. As I felt his hand touch me, it was the gentlest touch I have ever felt.

Tanging postura niya lamang ang nakikita ko sa kwartong iyon. When our faces were an inch away, isang galaw lang ay mahahalikan ko na ito.

“I told you to stop, but I never imagined you’re this stubborn,” bulong niya sa akin.

His hand started to travel my body, like he was memorizing it through touching. While the other one is gently caressing my hair. Napapikit na lamang ako sa ginagawa niyang iyon.I feel warm as he continues touching me.

I can smell his manly scent. I was never a fan of this, but the smell he contains is captivating me—it is something that’s hard to resist.

“Mhm..” mahina kong ungol sa bawat galaw ng kaniyang kamay sa aking katawan.

“F*ck,” rinig kong bulong nito sa sarili.

I can’t take this anymore. This man is irresistible.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status