Chandria Pagkatapos ng mahaba-habang discussion ng magkapatid ay pinatulog ko na ang mga bata. Naglalakad ako sa pasilyo ng may narinig naalingawngaw ng mga boses na nag-uusap. Gising pa si Nicola kasama ang kanyang ina, masinsinan ang bawat bigkas ng mga salita at parang nag-aaway sila sa ilalim ng kanilang bulong. Puwesto ako sa gilid ng pinto na bahagyang nakabukas. Nasa kwarto pala si Nicola ng guest room. Kahit hating gabi na'y nag-uusap pa rin sila. "Kailan ba ang balak mong magpakasal, Nic?" Impit na tanong ng ina. Di sana ako makikinig pero bigla akong naintriga. "Ewan,"malamig niyang sagot. "Anong ewan? Magpakalalaki ka nga." "Lalaki naman ako, ano'ng problema doon?" "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang tunay na lalaki ay marunong tumanggap ng responsibilidad. Hindi na paanakan mo lang tapos iiwan mo. Hindi kita pinalaki ng ganyan, Nic." Bumuntong hininga si Nicola. "Paano kung hindi niya ako gusto, pakakasalan ko pa rin?" "Pero ginusto niyo naman guma
CHANDRIA "Akala ko wala ka nang balak gumising. Kanina pa naghihintay ang tatlo sa'yo. Pasalamat ka rin, hindi ako demanding sa trabaho mo."Kumabog ang puso ko nang marinig ang baritong boses ni Nicola. Hinagilap ko siya at hayun, nakakibit-balikat na nakasandal sa amba ng pintuan.Ako'y nataranta at na-conscious sa aking suot pantulog. Tiningnan ko ang sarili, mabuti'y naka-pajama ako, hindi nighties na kadalasan kong suot. Walang imik akong bumaba sa kama, isa-isang pinisil ang ilong ng mga anak ko."Parang wala kang sala. Ang kalma mo pa rin kahit mag-a-alas dyes na,"sabi niya ulit.Gumapang ang panic sa sistema ko. Hinanap ko ang alarm clock, jusko! Nasa sahig na pala, at tama siya five minutes to ten na. Nakalimutan kong may trabaho ako at ihahatid sa school ang triplets. "Ba't nandito pa sila?" Nataranta kong tanong.Lumabi siya. "Ikako, kasalanan mo. Ang irresponsabile mo namang nanay. Inuna pa ang tulog kaysa sa mga anak.""Hey! Kasalanan mo kaya di ako nakatulog ng maayos
NICOLANagmamadali akong pumasok sa opisina ngayong araw. Nawili ako kahappon at nakalimutan kong may tatlong meeting ang naghihintay. I can't blame Chandria, though she's my secretary. Sinadya kong uma-absent kahapon upang makasama ang mga anak ko. At syempre, magpakitang gilas sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mom kahapon napagnilayan ko na liligawan, susuyuin, luluhuran, pagsisilbihan at pakakasalan si Chandria. Kahit ang totoo ay takot ako sa commitment. Isa lang ang alam ko, umiiba ang tibok ng puso ko tuwing makaharap siya at sa palagay ko, siya ang tadhana ko. Sinungaling ako kasi di ako naniniwala sa destiny. Kung gusto kong abutin ang isang bagay ay kailangan kong maghirap, pero di pwedeng kalimutan magdasal dahil sa tulong ng Poon ay maabot ko ang lahat ng plano ko.Hinubad ko ang blazer nang marating ang opisina. Humugot ako ng malalim na hininga at pinatong sa swivel chair. Uupo sana ako nang biglang may bumato, no—may ibong bumangga sa glass window. Nahulog sa v
NICOLATumungo ako sa exclusive restaurant pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Paola. Hindi ko rin inaasahan na pupunta siya ng ganoong oras sa kompanya. Tila ba may pinahihiwatig siyang masasangkot ulit ako sa gulo. Ito rin ang dahilan kay pumunta ako sa Luxembourg at nanatili ng tatlong taon. Simula noong naging rebelde ako sa tatay ko ay palagi akong nasasangkot sa kaguluhan, malamang ito ang tandahana. Sa aming limang magpipinsan, ako lang ay may hilig kumaibigan ng mga sindikato at madalas na tumatakas sa sandamakmak na peligro.I had arrived earlier than expected. Pasimpleng kong nilibot ang tingin sa kabuuan. Ilang beses akong dumadalaw rito, nakakasawa ang view ng lugar. Ito lang ang kilala kong lugar para sa ganitong meeting. May bago akong kliyente na kinakailangan ng flowery words para makumbinsi at mag-invest.I quietly sit at a reserved table near the back with a perfect view of the bustling city skyline. May iilang high-profile customers ang lumalabas-masok at abala
NICOLATumatagay ako sa bagong tambayan naming VIP Club– sa La Nuit naman. Kasama ko si Paolo at isa pa naming kaibigan na si Blake Sanchez. Actually, apat kaming magkakaibigan at namatay sa isang aksidente si Theo.Nagulo ako nang ngumuso si Paolo. "Napansi mo iyon? Nandito naman ang paborito mong sindikato.""F*ck, sila ang nagpadala ng death threath,"mura ko sabay baling sa direksyon ng mga demonyo.Ito ang organisasyon na pinag-utangan ko noon. Sila ang nagpadala ng death threat, at malamang kasabwat ito ni Thanatos Lopez. Sinimulan niya kanina ang death threat. Simula nang dumating si Deborah sa casino no'ng gabing iyon, isa-isang lumalabas sa lungga ang mga animal. Nagkaisa para patumbahin ako.Dinurog ko ang dulo ng sigarilyo sa ash tray at inisang lagok ang whiskey. "May meeting naman ang mga d*pungol, pre. Ano? Lulusubin natin?" Naiiritang sabi ni Blake. Nayamot ako sa tao niya sa gilid ng ulo. Itong kaibigan ko na mala-undertaker ang hitsura. Sa halip na sumagot ay tumayo
A/N: Thank you for reading this book, sana magparamdam kayo readers, pang motivate lang po para mawala pagod ko sa pagsusulat. CHANDRIA Dinilat ko ang aking mga mata dahil sa ingay ng kaluskos. May mga paang sumasayad sa sahig. Nanindig ang balahibo ko, samahan pa ng madilim na sala at malamig na aircon. Nahimasmadan agad ako, matulin pa sa alas kwatrong naalerto ang sisitema ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sofa. Sinulyapan ko ang smartwatch. Alas tres y media ng umaga. Jusmio, devil's hour. Teka, hindi naman ako naniniwala don. Umahon ako mula sa pagkakahiga. Luminga-linga, ayaw ng mga binti kong bumaba sa sahig. Nangatog ang kalaman ko, maraming pumasok na masamang imahe sa utak ko, at parang mahihimatay ako sa ingay na papalapit ng papalapit sa pwesto ko. May malamig na mga kamay ang biglang pumulupot sa balikat ko. Tumili ako. Wala akong pake kung gigisingin ko ang buong bahay. "Shut up,"mahinang bulong ng paos na boses ng lalaki sabay takip sa bibig ko. Hinampa
CHANDRIA "Dammit, Channie! Why did you throw my phone?" Sigaw niya. Dinuro ko siya ng hintuturo ko. "Ikaw?! Pinapantasyan mo ang mukha ko sa katawan ng ibang tao!" "What the hell are you talking, babae? Di mo nga binalik ang phone ko sinira mo pa! At kung ano-ano pa ang iniisip mo,"singhal niya, nakalimutan sandali ang kirot sa braso. "Hindi naman masisira 'yon! Walang hiya ka talaga, Nicola! Pati ako ay dinadamay mo ako sa kabaliwan mo!" "Hindi ikaw ang nasa picture, saka bakit naman kita pagpapantasyahan kung pwede naman gawing live—" "Bwesita ka! 'No 'kala mo sa'kin? Libreng vivamax mo? Dudukutin kon'yang mata mo sa kamanyakan mo!" "Pero gusto mo naman. Nagde-deny ka pa." "Baliw! Baliw!" Napapadyak kong sigaw. Kahit kailan hindi ko na ibibigay ang sarili sa kanya. Baka mamaya magka-triplets na naman. Hirap na hirap siyang pinulot ang cellphone. "Fine. Ide-delete ko na 'tong photos pero dapat i-kiss mo ako ngayon para mapalitan ko ng bago." "Kiss mo 'yang mukha mo at gamut
CHANDRIA Kinabukasan, di ako nag-usisa kung anong nangyari kagabi kay Nicola. Oo, sugatan siya. Nag-alala ako sa kanya pero nayayamot sa inasta kagabi. Pinapairal ang kalandian kahit may sugat at nasa binggit ang buhay. Nagtataka minsan, may sayad ba siya sa utak? O sadyang kamanyakan lang ang laman ng 'non? Pati ako napapraning na. Pagod na ako sa ganitong eklavu. Nababawasan ang beauty ko, nakaka-stress mga bakla. "Mom, I don't want to go to school." Kinalibit ako ni Leone na may inosenteng mga mata. "Me too, mommy,"segunda ni Liam. "Byernes naman ngayon, hindi na kami papasok!" Welga ni Layla, hawak-hawak niya ang barbie doll na niregalo ni Summer kahit di naman niya birthday. Naimberyna ako sa tatlong madaldal kong mga anak. Ang tatalas ng dila at marunong ng rumason, manang-mana sila sa tatay nilang mahilig magbardagulan. "No!" Pinanlakihan ko sila ng mga mata. "Suotin niyo ang bag niyo at tayo'y hahayo na," "Mommy, ayaw nga namin!"protesta ni Leone. Hinila ko ang likod
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries pleading fo
NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na
CHANDRIA "I don't know you, miss. I'm sorry," medyo naiiritang sambit ng lalaki habang tinatanggal ang kamay ko sa kanya. Huli kong namalayan na mahigpit pala akong nakakapit sa kanya. "I-I'm sorry," nahihiya kong sagot na binato sa ere ang mga kamay. Bakit? Bakit nakikita ko na siya si Nicola lalo na kung paano tumingin ang kanyang mga mata. May mahaba siyang balabas at mahabang buhok pero sigurado akong pamilyar siya. Magaan ang loob ko sa kanya at parang siya ang taong matagal ko nang hinahanap. "And I'm not Nicola. My name is Nate," pakilala niya. Hinawakan ko ang dibdib ko. Why his voice is like him? He's really Nicola? Humikbi ako sa harap niya. Wala akong pakialam kung pagsabihin niya akong baliw o ano. Nangungulila lang ako ng husto sa lalaking mahal ko. "A-Ano'ng nangyari sa'yo, Miss? May masakit ba sa'yo? Gusto mo dadalhin kita sa ospital?" Nataranta niyang tanong. Matigas akong umiling. "W-Wala may naalala lang ako." "Sigurado ka? Baka mamaya sasabihin nilang pi
Chandria Nawalan ako ng ganang makipagkaibigan kay Blake nang sinabi niyang mahal niya ako. Pakaramdam ko kasi ay trinaidor niya ako't wala na akong dapat pagkatiwalaan sa mundong ito. Buong buhay ko mabuti ang intensyon niya. Natatakot ako ngayon na lumapit sa kanya. "Nandito ako ngayon sa Grand Lux," sabi ko kay Ezekiel sa telephono. Kanina pa siya tumatawag sa akin kaya medyo mainit ang ulo. Nababalisa siya ngayon sa komplikadong sitwasyon ko. "Who's with you?" He replied sternly. "Ako lang. Bakit?" "Pupuntahan kita d'yan." "Wag na. Uuwi naman ako kaagad," tanggi ko. Bumuntong hininga siya. "You're not safe right now, Ate. You can't go out anytime you want." Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyari sa'kin noon sa night club at ang totoong kaaway ni Nicola. Nalaman namin na isang matatag na myembro ng Cartel si Theo pati ang kapatid niyang si Thaddeo Tan. Hindi sila madaling hulihin at hayok sila sa human trafficking. Pinaiimbestigahan na naman sila sa NBI at sila na ang bahal
CHANDRIA "Come here, Chandria," malapad ang ngiti ni Joaquin na tinawag akong umupo sa tabi niya. Humalo-halo ang emosyon ko sa loob nang lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi niya. Lalo akong ginugulo ng makukulay na neon lights at maingay na tugtug. Akyat baba ang mga kamay ko sa sa aking hita at parang naiilang ako sa dibdib ko kasi halos luluwa na ito sa sobrang baba ng V-line Nasipat ko si Joaqin na tumingin doon kaya bigla kong niyakap ang sarili. Pinalilibutan kami ng mga kaibigan niya. Walang katapusan silang nagtatawanan, kiniliti at may kakaiba sa kanilang mga mata nila, parang naha-high sila. Masangsang ang magkahalong amoy ng alak, pawis at matalim na bagay. "By the way, this is my friend Chandria. Nakilala ko lang siya sa Siargao. She's a nice girl, you know. She's a nice girl," pakilala ni Joaqin sa mga kaibigan. Ngumiti ang babae na di ko alam kung transwoman ba saka may inabot na cocktail sa akin. Sinuklian ko siya ng ngiti nang kinuha 'yon pero di ko muna inino
CHANDRIALumipas ang tatlong buwan. Lumipas ang mabibigat na hamon sa aming buhay. Sa kabila ng nakakabangungot na pagkawala ni Nicola ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay. Nandito ulit ako sa N Lending company para sa isang investment deal.Sumandal ako sa swivel chair habang pinagmamasdan ang nakakalulang tanawin ng Manila skyline. Nandito ako sa conference room dahil hinihintay ko ang bagong investor. Tinatapik ko ang gel pen sa itaas ng dokumento. Napatuwid ako ng upo nang bumukas ang pinto.Niluwa ng pinto ang nakangising si Joaqin. Kinurap ko ang mga mata. Oo, hindi ako nag-iilusyon. Siya nga, si Joaqin na di ko alam ang apelyido hanggang ngayon."Oh, Chandria? I-Ikaw pala ang CEO ng N Lending? Diba si Nicola Henderson iyon?" Bungad niya.My hands freeze on the gel pen. Pigil ang hininga kong tiningnan siya ng mataimtim. Hindi ko sukat akalain na lilitaw sa harap ko ang naging kaibigan ko noon sa Siargio. Ngunit ba't biglang bumigat ang pakiramdam ko sa kanya? Sinasabi ng insti
CHANDRIA Wala akong ibang inisip kundi ang asikasuhin ang naiwang negosyo ni Nicola. Ang N Lending Company at ang Grand Lux Resort and Casino. Mahirap sa parte ko dahil meron pa akong sariling negosyo. Hindi ko alam kung paano patakbuhin ng sabay-sabay. Pero salamat kay Paolo dahil siya ang business partner ni Nicola at ang taong inaasahan nito kung sakaling may mangyayaring masama rito. Humugot ako ng malalim na hininga. Dapat kung harapin na may tapang ang araw na 'to. Halos isang linggo na ang lumipas nang nilibing namin si Nicola kaso di ko mapigilan lumuksa. Maraming aspect sa buhay ko na lalo akong nangulila sa kanya. I missed his laugh, his kisses, and his teasing remarks. Nangingig ako sa magkahalong lungkot at galit. Nagagalit ako sa mga taong pinatay siya. Gusto ko ng hustisya. Gusto kong malaman kung sino ang mga kaaway niya. Tinanggal ko ang reading glass bago inangat ang tingin kay Paolo. Nasa maaliwalas na opisina kami ni Nicola ngayon. Kitang-kita ang mga ulap sa