A/N: Thank you for reading this book, sana magparamdam kayo readers, pang motivate lang po para mawala pagod ko sa pagsusulat. CHANDRIA Dinilat ko ang aking mga mata dahil sa ingay ng kaluskos. May mga paang sumasayad sa sahig. Nanindig ang balahibo ko, samahan pa ng madilim na sala at malamig na aircon. Nahimasmadan agad ako, matulin pa sa alas kwatrong naalerto ang sisitema ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sofa. Sinulyapan ko ang smartwatch. Alas tres y media ng umaga. Jusmio, devil's hour. Teka, hindi naman ako naniniwala don. Umahon ako mula sa pagkakahiga. Luminga-linga, ayaw ng mga binti kong bumaba sa sahig. Nangatog ang kalaman ko, maraming pumasok na masamang imahe sa utak ko, at parang mahihimatay ako sa ingay na papalapit ng papalapit sa pwesto ko. May malamig na mga kamay ang biglang pumulupot sa balikat ko. Tumili ako. Wala akong pake kung gigisingin ko ang buong bahay. "Shut up,"mahinang bulong ng paos na boses ng lalaki sabay takip sa bibig ko. Hinampa
CHANDRIA "Dammit, Channie! Why did you throw my phone?" Sigaw niya. Dinuro ko siya ng hintuturo ko. "Ikaw?! Pinapantasyan mo ang mukha ko sa katawan ng ibang tao!" "What the hell are you talking, babae? Di mo nga binalik ang phone ko sinira mo pa! At kung ano-ano pa ang iniisip mo,"singhal niya, nakalimutan sandali ang kirot sa braso. "Hindi naman masisira 'yon! Walang hiya ka talaga, Nicola! Pati ako ay dinadamay mo ako sa kabaliwan mo!" "Hindi ikaw ang nasa picture, saka bakit naman kita pagpapantasyahan kung pwede naman gawing live—" "Bwesita ka! 'No 'kala mo sa'kin? Libreng vivamax mo? Dudukutin kon'yang mata mo sa kamanyakan mo!" "Pero gusto mo naman. Nagde-deny ka pa." "Baliw! Baliw!" Napapadyak kong sigaw. Kahit kailan hindi ko na ibibigay ang sarili sa kanya. Baka mamaya magka-triplets na naman. Hirap na hirap siyang pinulot ang cellphone. "Fine. Ide-delete ko na 'tong photos pero dapat i-kiss mo ako ngayon para mapalitan ko ng bago." "Kiss mo 'yang mukha mo at gamut
CHANDRIA Kinabukasan, di ako nag-usisa kung anong nangyari kagabi kay Nicola. Oo, sugatan siya. Nag-alala ako sa kanya pero nayayamot sa inasta kagabi. Pinapairal ang kalandian kahit may sugat at nasa binggit ang buhay. Nagtataka minsan, may sayad ba siya sa utak? O sadyang kamanyakan lang ang laman ng 'non? Pati ako napapraning na. Pagod na ako sa ganitong eklavu. Nababawasan ang beauty ko, nakaka-stress mga bakla. "Mom, I don't want to go to school." Kinalibit ako ni Leone na may inosenteng mga mata. "Me too, mommy,"segunda ni Liam. "Byernes naman ngayon, hindi na kami papasok!" Welga ni Layla, hawak-hawak niya ang barbie doll na niregalo ni Summer kahit di naman niya birthday. Naimberyna ako sa tatlong madaldal kong mga anak. Ang tatalas ng dila at marunong ng rumason, manang-mana sila sa tatay nilang mahilig magbardagulan. "No!" Pinanlakihan ko sila ng mga mata. "Suotin niyo ang bag niyo at tayo'y hahayo na," "Mommy, ayaw nga namin!"protesta ni Leone. Hinila ko ang likod
NICOLA"Hey, where do you think you're going?" Pinipihit ko ang pinto palabas ng mansyon. Tinakpan ko ang naka-bendang kong braso ng long sleeve polo shirt ko, magpapanggap ako na walang sugat. Tanging ang doktor at mga tao sa bahay na may alam na may sugat ako.The pain in my arm was unbearable, but my mind was elsewhere. Naka-24 hours lamang ako sa bahay pero gusto ko ng bumalik sa trabaho. Nag-alaala ako sa kalagayan ng kompanya at casino,kasi batid kong gagawa ng paraan si Artemio at Thaddeo–mga hatik at hayok sa mundo ng sindikato o tatawagin nating mafia. May kapangyarihan silang ilugmok, sirain at burahin ako sa mundo. Lalo na si Thad na gusto akong paghigantihan sa maling akala niya.Kailangan kong magpa-imbesitga. Apurahin ko si Paolo at Blake para masolusyunan ko mga problema ko."May kailangan lang akong gawin. Babalik ako agad,"pagsisinungaling ko."Pinag-uusapan natin na di kalalabas ng tatlong araw o pwede nga lang limang araw eh. Hindi pa magaling ang sugat mo. Maawa k
NICOLA Sinalubong kami ni Paolo at Blake. Walang tigil sa paghihimutok si Chandria habang naglalakad kami. Pasalamat siya naka-landing kami ng maayos at di kami nasabit sa building. Sarap niyang busalan sa bibig. Nakakaubos rin ng pasensiya. "Bullshit! That fucking helicopter malfunctioned. I don't know if someone is really sabotaging me and trying to lead me to my death." Pagmumura ko agad. "Pangdagdag naman sa imbestagasyon to, Nic,"bulong ni Blake. Natatakot na baka marinig ni Chandria ang usapan namin. "May balat ka siguro sa pwet, Nic kaya minamalas ka palagi,"biro ni Paolo. Tinangka ko siyang batukan pero lumihis siya. "Hindi na ulit ako sasama sa helicopter ride ng lalaking ito,"sabad ni Chandria. Natigilan at tumahimik ang dalawa kong kaibigan. Sinuyod ng nagtatakang tingin ni Blake si Chandria. Sumipol siya sa bandng huli nang maisip na bagong chicks ko. "She's not my chick but my hen,"basag-impresyon ko sa kanila. Hindi maipinta ang mukha ni Blake samantala si Paol
CHANDRIA Natatawa pa rin ako sa ginawa ko kay Nicola kahapon. Natulog akong satisfied kagabi habang ini-imagine ang masalimuot niyang mukha. Nakatikim siya ng lagim dahil sinira ako ang isang slot machine. Kinain lang ang isang pera ko at ni hindi ako nanalo. Naubusan siya ng pasensiya pero walang nagawa. Naka-damage ako ng libo-libo. Hayun, hindi namansin kaninang umaga. Napilitan akong pansinin dahil sa emergency meeting. Napapadalas ang meeting nila, may kutob akong may masamang nangyayari sa loob ng kompanya. Narinig kong puro tungkol sa casino ang discussion nila. Palugi ba? Naalala ko tuloy ang sekretong kong kompanya–tumatakbo pa pero parang binabawi ng nanay ko. May duda akong may kinalaman dito ang adopted sister ko. Umuwi kami ng bahay ni Nicola na walang imikan. Malalim ang iniisip niya kaya takot akong dagdagan ang pasanin niya. Magso-sorry sana ako sa inasta ko kahapon. Ginarahe niya ang sasakyan saka unang pumasok. Namaguhan ako sa pagiging tahimik at malamig niya.
CHANDRIAPinikit ko ang mga mata. He gently kiss na parang takot siya na masaktan ako. Sinabayan ko ang pagkilos ng labi niya sa labi ko. Nalasap ko ang pait sa bunganga niya, halatang uminom ng whiskey. Inalis niya ang labi sa labi ko at sinimulan ang pagpupug ng halik sa buong mukha ko. Naramdaman ko ngayon ang tungki ng ilong niyang inaamoy ang leeg ko. Sinimulan niya ang paggapang ng kamay sa hita ko, pabalik-balik at marahan niyang hinaplos iyon hanggang makarating ang kamay sa dibdib. Wala akong suot na bra kaya uminit ang katawan ko sa sensasyon.Umungol ako ng bigla siyang huminto. "Are you sure about this, my litte hen?""Bilisan mo bago magbago ang isip ko, Mr. Butterfly,"naiinip kong saad.He smirked. "You still remember that pseudonym. Now, I'm really to marry you, Chanie.""Ano? Isisigaw ko ba ulit ang 'shut up ang fuck me already'?"Natigilan siya nang huhubarin ang t-shirt. Parang palaka akong nakatihaya sa harapan niya. Lalo akong mahihiya kapag patatagalin niya."I fe
NICOLA I keep on smiling while I stare at the ceiling, my thoughts drifting. Hindi ko magawang kalimutan ang ganap kagabi, sariwa pa sa alaala ko ang ekspresyon ni Chandria–kung paano umiba ang mukha niya no'ng tumigil ako bago ituloy ang rurok ng tagumpay. She had been upset, frustrated, maybe even a little hurt. Naaliw ako kakatukso sa kanya. I'm just afraid of having a new set of triplets. Ang totoo, natatakot ako sa magiging kahahantungan ng mag-ina ko. Walang kasiguraduhan kung kailan magsisimula sa paghihiganti si Thaddeo gamit ang pamilya ko. I should hide them immediately before it's too late.Sandali akong nagmuni-muni nang tumunog ang cellphone ko. Bumangon akong kinikisap ang mga mata. Dinampot ko ang phone sa side table. Nagising pala ako ng alas kwatro ng madaling araw.Tumaas ang isa kong kilay nang mabasa ang pangalan ni Blake sa screen. I groaned, but something in my gut told me this call wouldn't be about anything good."It's four in the morning. What the hell do
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries pleading fo
NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na
CHANDRIA "I don't know you, miss. I'm sorry," medyo naiiritang sambit ng lalaki habang tinatanggal ang kamay ko sa kanya. Huli kong namalayan na mahigpit pala akong nakakapit sa kanya. "I-I'm sorry," nahihiya kong sagot na binato sa ere ang mga kamay. Bakit? Bakit nakikita ko na siya si Nicola lalo na kung paano tumingin ang kanyang mga mata. May mahaba siyang balabas at mahabang buhok pero sigurado akong pamilyar siya. Magaan ang loob ko sa kanya at parang siya ang taong matagal ko nang hinahanap. "And I'm not Nicola. My name is Nate," pakilala niya. Hinawakan ko ang dibdib ko. Why his voice is like him? He's really Nicola? Humikbi ako sa harap niya. Wala akong pakialam kung pagsabihin niya akong baliw o ano. Nangungulila lang ako ng husto sa lalaking mahal ko. "A-Ano'ng nangyari sa'yo, Miss? May masakit ba sa'yo? Gusto mo dadalhin kita sa ospital?" Nataranta niyang tanong. Matigas akong umiling. "W-Wala may naalala lang ako." "Sigurado ka? Baka mamaya sasabihin nilang pi
Chandria Nawalan ako ng ganang makipagkaibigan kay Blake nang sinabi niyang mahal niya ako. Pakaramdam ko kasi ay trinaidor niya ako't wala na akong dapat pagkatiwalaan sa mundong ito. Buong buhay ko mabuti ang intensyon niya. Natatakot ako ngayon na lumapit sa kanya. "Nandito ako ngayon sa Grand Lux," sabi ko kay Ezekiel sa telephono. Kanina pa siya tumatawag sa akin kaya medyo mainit ang ulo. Nababalisa siya ngayon sa komplikadong sitwasyon ko. "Who's with you?" He replied sternly. "Ako lang. Bakit?" "Pupuntahan kita d'yan." "Wag na. Uuwi naman ako kaagad," tanggi ko. Bumuntong hininga siya. "You're not safe right now, Ate. You can't go out anytime you want." Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyari sa'kin noon sa night club at ang totoong kaaway ni Nicola. Nalaman namin na isang matatag na myembro ng Cartel si Theo pati ang kapatid niyang si Thaddeo Tan. Hindi sila madaling hulihin at hayok sila sa human trafficking. Pinaiimbestigahan na naman sila sa NBI at sila na ang bahal
CHANDRIA "Come here, Chandria," malapad ang ngiti ni Joaquin na tinawag akong umupo sa tabi niya. Humalo-halo ang emosyon ko sa loob nang lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi niya. Lalo akong ginugulo ng makukulay na neon lights at maingay na tugtug. Akyat baba ang mga kamay ko sa sa aking hita at parang naiilang ako sa dibdib ko kasi halos luluwa na ito sa sobrang baba ng V-line Nasipat ko si Joaqin na tumingin doon kaya bigla kong niyakap ang sarili. Pinalilibutan kami ng mga kaibigan niya. Walang katapusan silang nagtatawanan, kiniliti at may kakaiba sa kanilang mga mata nila, parang naha-high sila. Masangsang ang magkahalong amoy ng alak, pawis at matalim na bagay. "By the way, this is my friend Chandria. Nakilala ko lang siya sa Siargao. She's a nice girl, you know. She's a nice girl," pakilala ni Joaqin sa mga kaibigan. Ngumiti ang babae na di ko alam kung transwoman ba saka may inabot na cocktail sa akin. Sinuklian ko siya ng ngiti nang kinuha 'yon pero di ko muna inino
CHANDRIALumipas ang tatlong buwan. Lumipas ang mabibigat na hamon sa aming buhay. Sa kabila ng nakakabangungot na pagkawala ni Nicola ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay. Nandito ulit ako sa N Lending company para sa isang investment deal.Sumandal ako sa swivel chair habang pinagmamasdan ang nakakalulang tanawin ng Manila skyline. Nandito ako sa conference room dahil hinihintay ko ang bagong investor. Tinatapik ko ang gel pen sa itaas ng dokumento. Napatuwid ako ng upo nang bumukas ang pinto.Niluwa ng pinto ang nakangising si Joaqin. Kinurap ko ang mga mata. Oo, hindi ako nag-iilusyon. Siya nga, si Joaqin na di ko alam ang apelyido hanggang ngayon."Oh, Chandria? I-Ikaw pala ang CEO ng N Lending? Diba si Nicola Henderson iyon?" Bungad niya.My hands freeze on the gel pen. Pigil ang hininga kong tiningnan siya ng mataimtim. Hindi ko sukat akalain na lilitaw sa harap ko ang naging kaibigan ko noon sa Siargio. Ngunit ba't biglang bumigat ang pakiramdam ko sa kanya? Sinasabi ng insti
CHANDRIA Wala akong ibang inisip kundi ang asikasuhin ang naiwang negosyo ni Nicola. Ang N Lending Company at ang Grand Lux Resort and Casino. Mahirap sa parte ko dahil meron pa akong sariling negosyo. Hindi ko alam kung paano patakbuhin ng sabay-sabay. Pero salamat kay Paolo dahil siya ang business partner ni Nicola at ang taong inaasahan nito kung sakaling may mangyayaring masama rito. Humugot ako ng malalim na hininga. Dapat kung harapin na may tapang ang araw na 'to. Halos isang linggo na ang lumipas nang nilibing namin si Nicola kaso di ko mapigilan lumuksa. Maraming aspect sa buhay ko na lalo akong nangulila sa kanya. I missed his laugh, his kisses, and his teasing remarks. Nangingig ako sa magkahalong lungkot at galit. Nagagalit ako sa mga taong pinatay siya. Gusto ko ng hustisya. Gusto kong malaman kung sino ang mga kaaway niya. Tinanggal ko ang reading glass bago inangat ang tingin kay Paolo. Nasa maaliwalas na opisina kami ni Nicola ngayon. Kitang-kita ang mga ulap sa