NICOLA I keep on smiling while I stare at the ceiling, my thoughts drifting. Hindi ko magawang kalimutan ang ganap kagabi, sariwa pa sa alaala ko ang ekspresyon ni Chandria–kung paano umiba ang mukha niya no'ng tumigil ako bago ituloy ang rurok ng tagumpay. She had been upset, frustrated, maybe even a little hurt. Naaliw ako kakatukso sa kanya. I'm just afraid of having a new set of triplets. Ang totoo, natatakot ako sa magiging kahahantungan ng mag-ina ko. Walang kasiguraduhan kung kailan magsisimula sa paghihiganti si Thaddeo gamit ang pamilya ko. I should hide them immediately before it's too late.Sandali akong nagmuni-muni nang tumunog ang cellphone ko. Bumangon akong kinikisap ang mga mata. Dinampot ko ang phone sa side table. Nagising pala ako ng alas kwatro ng madaling araw.Tumaas ang isa kong kilay nang mabasa ang pangalan ni Blake sa screen. I groaned, but something in my gut told me this call wouldn't be about anything good."It's four in the morning. What the hell do
NICOLA Ngumising aso ako bago binitawan si Frost. "Binabati ko lang ang bunso namin. Problema?" "Binabati o pinapatay?" Mataray niyang salungat saka pinatong ang tray sa mesita. Kumalas ako kay Frost. Ginulo ko lalo ang magulo niyang buhok bago siya nilayuan. "Wow! May katapat na si Kuya. Tamang-tama na si Ate Chandria ang binigay sa'yo ni Lord,"sarkastikong komento ni Frost. Naupo siya saka sinimulan ang pagkain ng sandwich. "Katapat? Hindi nga makaalma sa'kin kagabi..." tikom ko ang bibig bago pa tuluyang madulas ang kabastusang ginawa ko kay Chanie kagabi. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin na namula ang pisngi ni Chandria. Iniwas niya ang tingin sabay halukipkip. Patago akong tumawa. "Ano'ng kagabi?" Usisa niyang may kuryusidad. "Wala. Bilisan mong kumain at makalis ka,"pambabara ko. Nainis ako na sandwich ang agahan niya. Sinulyapan ko ang wrist watch–five minutes to nine. Nais kong pumasok ng maaga pero natanghali ako ng gising. "Hindi ako aalis, Kuya. I want sta
CHANDRIA Napasapo sa ulo si Nicola nang tumakbo kami palabas ng company building. Tumunghay sa amin ang nakakasindak na eksena. Lahat na nakaparadang sasakyan sa labas ng gusali ay sumabog at nilalamon ito ng apoy. Natanaw ko ang mga tao nagtatakbuhan. Maingay, magulo at masakit sa ulo. Mayamaya'y dumating ang mga bombero saka sinimulan ang pagsaboy ng tubig sa nasusunog na mga sasakyan. Sumunod and mga paramedics na nire-rescue ang mga sugatan. Tsaka, huling dumating ang mga pulis. May terrorist attack. Binombahan nila ang kalye na malapit sa kompanya ni Nicola. "Come on." Hinila niya ang kamay ko. "We shouldn't be here. It's dangerous for you." "May gusto yatang sirain ang company building. May namba-blackmail ba sa'yo?" "Wala akong kinalaman dito. Nagkataon na malapit sa gusali ang nangyayaring pambobomba." Hindi na ko umimik pero dinig ko ang pagmumura niya sa ilalim ng hininga niya. Malakas ang kutob kong may kinalaman siya rito. "Kailangan mong umuwi, Chandria. Hindi ka l
CHANDRIA Bumungad sa akin ang isang maaliwalas at payapang umaga. Araw ng linggo kaya't nagsimba kami ng triplets kasama si Atlas at kakauwi lang namin galing simbahan. Walang tigil sa pagtawanan at kakulitan ang mga triplets habang naglalakad kami papasok ng mansyon. Hinahabol nila ang tiyo na si Atlas, na wiling-wili naman at walang pakialam kung makakaabala sa iba. But as we neared the grand entrance, a figure appeared, blocking our path. Sinusubuk ata ako ni Marga. Matagal-tagal kami hindi nagkita, pasalamat siya naabala ako sa pagiging secretary ni Nicola. Sa katunayan ay hindi ko pa rin siya gusto maging business partner kung hindi lang sana ako pinilit ni Mom. Wala pa rin akong tiwala sa kanya. She stood at the foot of the stairs, her posture rigid, her eyes like daggers as they locked onto me. Her beauty was undeniable gorgeous, with striking features that commanded attention. Maliban sa mga mata niyang umaapoy, umaapoy sa selos. Simula nang tumuntong ako sa pamamahay na 't
NICOLA That week, wala akong ginawa kundi magbuwis buhay para patahimikin si Thaddeo. Binayaran ko siya ng 20 million para sa pansamantalang kapayapaan. Matagal ko nang alam na hindi lang buhay ko ang gusto niya kundi pera. Sinimulan ko ito kaya sigurado na araw-arawin niya ang paghingi ng 20 million. Ganoon ang iniisip ko matapos iparada ang ferrari ko sa harap ng mansyon ng Callagry.Humugot ako ng malalim na hininga nang bumaba ako sa kotsea saka inayos ang polo shirt bago pumasok. Inangat ko ang mga kilay nang marinig ng kakaibang alingaw-ngaw, tila may malaking diskusyon na nangyayari sa hardin nila."Wala akong alam dito!" The familiar voice declared firmly. I stood frozen in the doorway. Hindi ko inaasahan na may gyerang nagaganap sa pagitan nila. Nakatayo si Chandria sa gitna nila, matuwid ang tindig at bahagyang nakataas ang kamay. Namumula ang mukha dahil sa frustration. Nasa harap niya si Dara na may hawak na bag at katabi nito si Marga. Maang na nakamasid ang apat na lal
NICOLATwo days later, natagpuan ko si Frost na kumakain ng choco flakes bilang agahan sa sala. Nayamot ako sa pagkakalat niya sa sahig kasi ako ang tipong strikto sa kalinisan at kaayusan ng paligid lalo na ang bahay ko."Sino nagsabi sa'yo na dito kumain ng breakfast?" Hinila ko ang tenga niya."Si... si Ate Chandria, of course," nauutal niyang rason."Palusot ka pa!" Kinaladkad ko siya papunta ng dining room. "Kailan ka ba lalayas sa bahay ko? Diba pasukan na sa susunod na buwan?""Sa October pa ang pasukan namin," pagtatama niya.Binitawan ko siya matapos siyang paupuin. "Pero katapusan na ng Agosto ngayon. Bumalik ka na agad doon para makapaghanda,"sabi ko na tinukod ang isang kamay sa glass table."May five days pa ako rito," alma niya."No, you should go back.""Pinagkait mo nga sa'kin ng one week ang kambal tapos pauuwin mo ako. It's a bit unfair, 'ya."Frustrated kong pinikit ang mga mata bago tinuwid ang tindig. "Alright, I'll go two days then shu-shu.""Ano'ng shu-shu pinag
CHANDRIA "Suplado," nayayamot kong singhal kay Nicola nang inabot ko ang kahon ng doughnut. Alam kong paborito niyang snack ito pero wala siya sa mood kumain ngayon."Itapon mo 'yan ayaw kong kumain," nangangalumbaba niyang sagot na di inangat ang tingin sa'kin. Sinusubukan niya ang pasensiya ko."Hirap na hirap akong binili ito tapos itatapon lang. Wala talagang puso! Hindi mo alam na maraming nagugutom sa mundo," pangangaral ko.Pinukulan niya ako ng mataman na tingin. "Kasalanan nila kaya nagugutom sila. Sundin mo na ang inuutos ko.""Hindi," tutol ko saka inabot sa kanya ang isang doughnut. "Kainin mo. Diba paborito mo 'to?""Noon, ngayon hindi na kasi pinipilit mo akong subuan. Nakalimutan mong galit pa rin ako sayo at hindi mo ako madadala sa pa-doughnut mo." Iniwas niya ang tingin.Sumalpok ang kilay ko. "Ba't ka naman nagagalit? Para kang three years old, daig mo pa ang kambal. Saka wala akong balak subuan ka. Hindi ka naman PWD na walang kakayahang kumain gamit ang kamay mo.
CHANDRIAUmagang akong umuwi, nagdahilan akong magpapagupit kay Nicola para maniwala siya pero ang totoo ay pupunta ako sa sekreto kong kompanya. Tinatago ko ito sa Makati at di nila kilala kung sino ang totoong may-ari. May nilagay akong tao para umaktong CEO habang minamaniobra ko ang kompanya sa likod ng lahat. Hinugot ko ang maskara, maingat na sinuot bago bumaba. My delicate heels clicked softly against the cobblestone driveway as I approached the imposing facade of Mielle Tech, my secret empire nestled discreetly in the heart of the city."Good afternoon, ma'am," bati ng guard nang pumasok ako.Ginantihan ko siya ng ngiti. Heto na naman ako sa masagana kong kompanya na taga-supply ng groundbreaking techonologies such as wearable medical devices, anti-aging solutions, and personalize health care apps. "How's life?" Bati ko sa mga empleyado. Ngumiti sila at kanya-kanya ang sagot. Tumatawa akong sumakay sa elevator kasama sila. Una silang bumaba sa 7th floor at sa 10th floor na
hello dear readers, actually tapos na po ang story na ito at haitus po ako ngayon due to my personal space hoping babalik ako sa april, sana, let's pray sana respeto naman po kaunti at salamat sa pagbabasa. let's be patient, po. nag iipon ako para bumili ng equipment para makapagsulat ng maayos saka never pa akong nagkasahod sa app na ito. nagsusulat ako for my enjoyment at para maisabuhay ko ang nasa imagination ko. pasensiya kong di umabot sa expectation niyo. kaunting respeto lang po talaga sana wag lang kayo basa show your support din po pero okay pang kung hindi. thank you pa rin sa pagbabasa. masama lang talaga ang loob ko yan lang may special chapter po ito bali 5 parts at may sequel na 3 libro, mga anak nila sana babasahin niyo ulit supportahan niyo ako sa blue app: ysanne cross thanks and God bless you all!
CHANDRIA MIELLE Kahit ilang beses kong kinurap-kurap ang aking mga mata ay di pa rin ako naniniwala sa aking nakikita. Saksi ako ngayon sa eksena ng pelikula ng aking buhay. Nakatayo ako sa entrance ng Manila Cathedral. Nangangatog ang mga tuhod, samantalang napahigpit ang hawak sa bouquet ko. Dinagdagan pa ng malakas ng kabog ng aking puso na parang winawasak ang rib cage ko kaya pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap. Mamasa-masa ang mga mata ko habang nilalandas ang kahabaan ng aisle. Pakiramdam ko ay bumibigat ang bawat yapak ko dahil sa suot kong mahabang velo. I glanced on my wedding gown-it was a breathtaking ivory masterpiece embroidered with delicate silver and pearl patterns. Ang gown na hirap na hirap kong pinili ay parang balat na yumayakap sa katawan ko. Naka-off shoulders iyon dahil gustong-gusto makita ni Nicola ang collarbones ko. Siya lang naman ang personal na pumili nito. Ang mahaba kong velo ay parang tubig na dumadaloy sa ilog habang naglalakad ako. Hu
CHANDRIA MIELLE "It's not your fault," salungat ko matapos kong humiwalay mula sa yakap ni Nicola. I still hate his beard and long hair. Pagsasabihan ko agad siya na putulin iyon once na makaapak kami ng mansyon. Hindi ko muna sinabi baka ma-offend. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo—" "Okay lang," putol n'ya. "Patapusin mo muna ako." Diniin niya ang hintuturo sa bibig ko. "Unang una ay hindi ako nagpakatotoo sa'yo. Sinabi ko ang masamang nakaraan ko maliban sa mga kaaway ko. Masama akong tao. Puro myembro ng mafia ang mga kaibigan ko noon. Tapos marami akong utang at tambayan ko ang black market. Marami rin ako pinatay, niloko at sinibatan. Kahit ilang beses kong takasan ang pagiging masamang tao ko ay di ko magawa hanggang sa dumating ka. Sinubukan kong magbago para sa'yo at sa mga anak natin kaso hindi ko pa rin matatakasan ang mga multo ng nakaraan ko. Pati ikaw nadamay. Sana matatanggap mo pa rin ako pagkatapos nito." Tinanggal ko ang daliri n'ya. "Wala akong pakialam kung seria
NICOLA HAYES Kinuyom ko ang mga palad. Naninilim na ang mga mata sa pagiging atat na sunggaban sila. "Sige, tumawa pa kayo," sarkastikong pahayag. "Oh, dapat ka rin sumabay. Hindi mo alam reunion natin ito?" balik biro ni Theo. "Reunion kay kamatayan, ika mo," hirit ko. Mahina siyang humagikhik. "Kung reunion ang gusto niyo. Pwede natin subukan ang sinturon ni Hudas. Isang pindot lang, at boom... fireworks..." hinugot palabas ni Blake ang detonator sa bulsa niya. Pinaikot-ikot niya ito sa pagitan ng mga daliri niya samantala binabasa ang reaksyon ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Chandria habang naninigas ako sa kinatatayuan ko. "Maawa ka... utang na loob," she pleaded shaking her head violently. Ngumising aso ang hampas lupa. Peste talaga! Wala akong ideya kung ano ang gagawin. "Oh, baby, don't beg. Baka matunaw bigla ang puso ko. Para kayong mga pulubi, nagmamakaawa sa barya ko," napanguso niyang usal na di nawawala ang pagiging mapanudyo. Matigas kong diin ang mga ngipin
NICOLA HAYES "Chandria," I breathed as I saw her. Pumailanlang ang ingay ng putukan ng baril sa kabuuan ng warehouse. Parang mapupugto ang hininga ko habang nakatuon ang buong atensyon ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sininghot ko ang usok na pumapasyal sa hangin, di ko inanda kung masakit man ito sa ilong. Tila nagka-slow mo nang tumakbo ako patungo sa kanya. Matapos kung iwan si Paolo kasama ang swat team sa gitna ng matinding bakbakan ay napapadpad ako sa silid na ito. Sa awa ng Maykapal ay sinadya niyang matagpuan ko si Chandria dito. Kaso may problema. Isang malaking problema. "Mukhang nagkamali ka ng pinasok, totoy," ani ng kalbo at malaking taong gwardiya ni Chandria. He crackled his knuckles as he smirking me coldly. Naningkit ang mga mata ko. "Ba't ka nang-aagaw ng phrase ko? Ako dapat magsabi no'n." Without a word, he raises his gun and fires. Hindi agad ako tinamaan dahil matulin ako kesa sa mga bala niya. Tumago ako sa ilang cartoon na kapatong-patong sa tabi-tabi.
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries plead
NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na