CHANDRIAHindi ko inaasahang bibisita sina Callia at Iris. Ina at half-sister ni Nicola. Bale nag-asawa ang mama niya no'ng namatay ang papa niya. Hindi ko talaga alam ang likod ng storya ng buhay ni Nic kasi di naman nagkikwento tungkol dito. Nalaman kong may asawa ng bago ang mama niya dahil sinabi nito at ngayon meron siya anak na dalawa. Si Iris, seventeen, grade 11 at si Frost, fourteen, grade 9. Nawili ako kay Iris kasi ang kulit at nawili siya sa triplets. May pagdidikitahan ang tatlo bukod kay Atlas.Dumating si Nicola pero tila nakakita ng multo nang matukoy ang dalawang kapamilya niya. Nahihimigan kong hindi niya gustong tumambay ang mga 'to rito. "Mom? What this? What are you doing— then Iris,"bulong niya. Palinga-linga siya, mukhang nalilito."Nak, nami-miss ka lang namin ng kapatid mo. Saka gusto ko makita ang mga apo ko,"naglalmbing na saad ng ina niya.Kinamot niya ang batok. "Fine. Sana nagpaalam muna kayo.""H'wag kang OA, kuya. Ang unfair mo rin kasi tinago mo ang t
Chandria Pagkatapos ng mahaba-habang discussion ng magkapatid ay pinatulog ko na ang mga bata. Naglalakad ako sa pasilyo ng may narinig naalingawngaw ng mga boses na nag-uusap. Gising pa si Nicola kasama ang kanyang ina, masinsinan ang bawat bigkas ng mga salita at parang nag-aaway sila sa ilalim ng kanilang bulong. Puwesto ako sa gilid ng pinto na bahagyang nakabukas. Nasa kwarto pala si Nicola ng guest room. Kahit hating gabi na'y nag-uusap pa rin sila. "Kailan ba ang balak mong magpakasal, Nic?" Impit na tanong ng ina. Di sana ako makikinig pero bigla akong naintriga. "Ewan,"malamig niyang sagot. "Anong ewan? Magpakalalaki ka nga." "Lalaki naman ako, ano'ng problema doon?" "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang tunay na lalaki ay marunong tumanggap ng responsibilidad. Hindi na paanakan mo lang tapos iiwan mo. Hindi kita pinalaki ng ganyan, Nic." Bumuntong hininga si Nicola. "Paano kung hindi niya ako gusto, pakakasalan ko pa rin?" "Pero ginusto niyo naman guma
CHANDRIA "Akala ko wala ka nang balak gumising. Kanina pa naghihintay ang tatlo sa'yo. Pasalamat ka rin, hindi ako demanding sa trabaho mo."Kumabog ang puso ko nang marinig ang baritong boses ni Nicola. Hinagilap ko siya at hayun, nakakibit-balikat na nakasandal sa amba ng pintuan.Ako'y nataranta at na-conscious sa aking suot pantulog. Tiningnan ko ang sarili, mabuti'y naka-pajama ako, hindi nighties na kadalasan kong suot. Walang imik akong bumaba sa kama, isa-isang pinisil ang ilong ng mga anak ko."Parang wala kang sala. Ang kalma mo pa rin kahit mag-a-alas dyes na,"sabi niya ulit.Gumapang ang panic sa sistema ko. Hinanap ko ang alarm clock, jusko! Nasa sahig na pala, at tama siya five minutes to ten na. Nakalimutan kong may trabaho ako at ihahatid sa school ang triplets. "Ba't nandito pa sila?" Nataranta kong tanong.Lumabi siya. "Ikako, kasalanan mo. Ang irresponsabile mo namang nanay. Inuna pa ang tulog kaysa sa mga anak.""Hey! Kasalanan mo kaya di ako nakatulog ng maayos
NICOLANagmamadali akong pumasok sa opisina ngayong araw. Nawili ako kahappon at nakalimutan kong may tatlong meeting ang naghihintay. I can't blame Chandria, though she's my secretary. Sinadya kong uma-absent kahapon upang makasama ang mga anak ko. At syempre, magpakitang gilas sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mom kahapon napagnilayan ko na liligawan, susuyuin, luluhuran, pagsisilbihan at pakakasalan si Chandria. Kahit ang totoo ay takot ako sa commitment. Isa lang ang alam ko, umiiba ang tibok ng puso ko tuwing makaharap siya at sa palagay ko, siya ang tadhana ko. Sinungaling ako kasi di ako naniniwala sa destiny. Kung gusto kong abutin ang isang bagay ay kailangan kong maghirap, pero di pwedeng kalimutan magdasal dahil sa tulong ng Poon ay maabot ko ang lahat ng plano ko.Hinubad ko ang blazer nang marating ang opisina. Humugot ako ng malalim na hininga at pinatong sa swivel chair. Uupo sana ako nang biglang may bumato, no—may ibong bumangga sa glass window. Nahulog sa v
NICOLATumungo ako sa exclusive restaurant pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Paola. Hindi ko rin inaasahan na pupunta siya ng ganoong oras sa kompanya. Tila ba may pinahihiwatig siyang masasangkot ulit ako sa gulo. Ito rin ang dahilan kay pumunta ako sa Luxembourg at nanatili ng tatlong taon. Simula noong naging rebelde ako sa tatay ko ay palagi akong nasasangkot sa kaguluhan, malamang ito ang tandahana. Sa aming limang magpipinsan, ako lang ay may hilig kumaibigan ng mga sindikato at madalas na tumatakas sa sandamakmak na peligro.I had arrived earlier than expected. Pasimpleng kong nilibot ang tingin sa kabuuan. Ilang beses akong dumadalaw rito, nakakasawa ang view ng lugar. Ito lang ang kilala kong lugar para sa ganitong meeting. May bago akong kliyente na kinakailangan ng flowery words para makumbinsi at mag-invest.I quietly sit at a reserved table near the back with a perfect view of the bustling city skyline. May iilang high-profile customers ang lumalabas-masok at abala
NICOLATumatagay ako sa bagong tambayan naming VIP Club– sa La Nuit naman. Kasama ko si Paolo at isa pa naming kaibigan na si Blake Sanchez. Actually, apat kaming magkakaibigan at namatay sa isang aksidente si Theo.Nagulo ako nang ngumuso si Paolo. "Napansi mo iyon? Nandito naman ang paborito mong sindikato.""F*ck, sila ang nagpadala ng death threath,"mura ko sabay baling sa direksyon ng mga demonyo.Ito ang organisasyon na pinag-utangan ko noon. Sila ang nagpadala ng death threat, at malamang kasabwat ito ni Thanatos Lopez. Sinimulan niya kanina ang death threat. Simula nang dumating si Deborah sa casino no'ng gabing iyon, isa-isang lumalabas sa lungga ang mga animal. Nagkaisa para patumbahin ako.Dinurog ko ang dulo ng sigarilyo sa ash tray at inisang lagok ang whiskey. "May meeting naman ang mga d*pungol, pre. Ano? Lulusubin natin?" Naiiritang sabi ni Blake. Nayamot ako sa tao niya sa gilid ng ulo. Itong kaibigan ko na mala-undertaker ang hitsura. Sa halip na sumagot ay tumayo
A/N: Thank you for reading this book, sana magparamdam kayo readers, pang motivate lang po para mawala pagod ko sa pagsusulat. CHANDRIA Dinilat ko ang aking mga mata dahil sa ingay ng kaluskos. May mga paang sumasayad sa sahig. Nanindig ang balahibo ko, samahan pa ng madilim na sala at malamig na aircon. Nahimasmadan agad ako, matulin pa sa alas kwatrong naalerto ang sisitema ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sofa. Sinulyapan ko ang smartwatch. Alas tres y media ng umaga. Jusmio, devil's hour. Teka, hindi naman ako naniniwala don. Umahon ako mula sa pagkakahiga. Luminga-linga, ayaw ng mga binti kong bumaba sa sahig. Nangatog ang kalaman ko, maraming pumasok na masamang imahe sa utak ko, at parang mahihimatay ako sa ingay na papalapit ng papalapit sa pwesto ko. May malamig na mga kamay ang biglang pumulupot sa balikat ko. Tumili ako. Wala akong pake kung gigisingin ko ang buong bahay. "Shut up,"mahinang bulong ng paos na boses ng lalaki sabay takip sa bibig ko. Hinampa
CHANDRIA "Dammit, Channie! Why did you throw my phone?" Sigaw niya. Dinuro ko siya ng hintuturo ko. "Ikaw?! Pinapantasyan mo ang mukha ko sa katawan ng ibang tao!" "What the hell are you talking, babae? Di mo nga binalik ang phone ko sinira mo pa! At kung ano-ano pa ang iniisip mo,"singhal niya, nakalimutan sandali ang kirot sa braso. "Hindi naman masisira 'yon! Walang hiya ka talaga, Nicola! Pati ako ay dinadamay mo ako sa kabaliwan mo!" "Hindi ikaw ang nasa picture, saka bakit naman kita pagpapantasyahan kung pwede naman gawing live—" "Bwesita ka! 'No 'kala mo sa'kin? Libreng vivamax mo? Dudukutin kon'yang mata mo sa kamanyakan mo!" "Pero gusto mo naman. Nagde-deny ka pa." "Baliw! Baliw!" Napapadyak kong sigaw. Kahit kailan hindi ko na ibibigay ang sarili sa kanya. Baka mamaya magka-triplets na naman. Hirap na hirap siyang pinulot ang cellphone. "Fine. Ide-delete ko na 'tong photos pero dapat i-kiss mo ako ngayon para mapalitan ko ng bago." "Kiss mo 'yang mukha mo at gamut
hello dear readers, actually tapos na po ang story na ito at haitus po ako ngayon due to my personal space hoping babalik ako sa april, sana, let's pray sana respeto naman po kaunti at salamat sa pagbabasa. let's be patient, po. nag iipon ako para bumili ng equipment para makapagsulat ng maayos saka never pa akong nagkasahod sa app na ito. nagsusulat ako for my enjoyment at para maisabuhay ko ang nasa imagination ko. pasensiya kong di umabot sa expectation niyo. kaunting respeto lang po talaga sana wag lang kayo basa show your support din po pero okay pang kung hindi. thank you pa rin sa pagbabasa. masama lang talaga ang loob ko yan lang may special chapter po ito bali 5 parts at may sequel na 3 libro, mga anak nila sana babasahin niyo ulit supportahan niyo ako sa blue app: ysanne cross thanks and God bless you all!
CHANDRIA MIELLE Kahit ilang beses kong kinurap-kurap ang aking mga mata ay di pa rin ako naniniwala sa aking nakikita. Saksi ako ngayon sa eksena ng pelikula ng aking buhay. Nakatayo ako sa entrance ng Manila Cathedral. Nangangatog ang mga tuhod, samantalang napahigpit ang hawak sa bouquet ko. Dinagdagan pa ng malakas ng kabog ng aking puso na parang winawasak ang rib cage ko kaya pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap. Mamasa-masa ang mga mata ko habang nilalandas ang kahabaan ng aisle. Pakiramdam ko ay bumibigat ang bawat yapak ko dahil sa suot kong mahabang velo. I glanced on my wedding gown-it was a breathtaking ivory masterpiece embroidered with delicate silver and pearl patterns. Ang gown na hirap na hirap kong pinili ay parang balat na yumayakap sa katawan ko. Naka-off shoulders iyon dahil gustong-gusto makita ni Nicola ang collarbones ko. Siya lang naman ang personal na pumili nito. Ang mahaba kong velo ay parang tubig na dumadaloy sa ilog habang naglalakad ako. Hu
CHANDRIA MIELLE "It's not your fault," salungat ko matapos kong humiwalay mula sa yakap ni Nicola. I still hate his beard and long hair. Pagsasabihan ko agad siya na putulin iyon once na makaapak kami ng mansyon. Hindi ko muna sinabi baka ma-offend. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo—" "Okay lang," putol n'ya. "Patapusin mo muna ako." Diniin niya ang hintuturo sa bibig ko. "Unang una ay hindi ako nagpakatotoo sa'yo. Sinabi ko ang masamang nakaraan ko maliban sa mga kaaway ko. Masama akong tao. Puro myembro ng mafia ang mga kaibigan ko noon. Tapos marami akong utang at tambayan ko ang black market. Marami rin ako pinatay, niloko at sinibatan. Kahit ilang beses kong takasan ang pagiging masamang tao ko ay di ko magawa hanggang sa dumating ka. Sinubukan kong magbago para sa'yo at sa mga anak natin kaso hindi ko pa rin matatakasan ang mga multo ng nakaraan ko. Pati ikaw nadamay. Sana matatanggap mo pa rin ako pagkatapos nito." Tinanggal ko ang daliri n'ya. "Wala akong pakialam kung seria
NICOLA HAYES Kinuyom ko ang mga palad. Naninilim na ang mga mata sa pagiging atat na sunggaban sila. "Sige, tumawa pa kayo," sarkastikong pahayag. "Oh, dapat ka rin sumabay. Hindi mo alam reunion natin ito?" balik biro ni Theo. "Reunion kay kamatayan, ika mo," hirit ko. Mahina siyang humagikhik. "Kung reunion ang gusto niyo. Pwede natin subukan ang sinturon ni Hudas. Isang pindot lang, at boom... fireworks..." hinugot palabas ni Blake ang detonator sa bulsa niya. Pinaikot-ikot niya ito sa pagitan ng mga daliri niya samantala binabasa ang reaksyon ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Chandria habang naninigas ako sa kinatatayuan ko. "Maawa ka... utang na loob," she pleaded shaking her head violently. Ngumising aso ang hampas lupa. Peste talaga! Wala akong ideya kung ano ang gagawin. "Oh, baby, don't beg. Baka matunaw bigla ang puso ko. Para kayong mga pulubi, nagmamakaawa sa barya ko," napanguso niyang usal na di nawawala ang pagiging mapanudyo. Matigas kong diin ang mga ngipin
NICOLA HAYES "Chandria," I breathed as I saw her. Pumailanlang ang ingay ng putukan ng baril sa kabuuan ng warehouse. Parang mapupugto ang hininga ko habang nakatuon ang buong atensyon ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sininghot ko ang usok na pumapasyal sa hangin, di ko inanda kung masakit man ito sa ilong. Tila nagka-slow mo nang tumakbo ako patungo sa kanya. Matapos kung iwan si Paolo kasama ang swat team sa gitna ng matinding bakbakan ay napapadpad ako sa silid na ito. Sa awa ng Maykapal ay sinadya niyang matagpuan ko si Chandria dito. Kaso may problema. Isang malaking problema. "Mukhang nagkamali ka ng pinasok, totoy," ani ng kalbo at malaking taong gwardiya ni Chandria. He crackled his knuckles as he smirking me coldly. Naningkit ang mga mata ko. "Ba't ka nang-aagaw ng phrase ko? Ako dapat magsabi no'n." Without a word, he raises his gun and fires. Hindi agad ako tinamaan dahil matulin ako kesa sa mga bala niya. Tumago ako sa ilang cartoon na kapatong-patong sa tabi-tabi.
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries plead
NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na