CHANDRIABumangon ang huwesyo ko sa kalangsing ng kubyertos sa plato. Nasa dining room kami, pero nasa bakanteng wooden chair ang atensyon ko. Gaya ng dati, our dinner is never just a meal; it's an interrogation, a debate, and sometimes, a full-on trial. Nakaupo ako sa tabi ni Nicola. Ang numero unong dapat suportahan bago pa dumugo ang ilong. Bumaling ako sa mga magulang ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin na pormal ang suot nila. Halatang kagagaling sa trabaho. Sumasabog ang angas ng dalawang political workers, si Ezekiel na dinidiin ang paghiwa ng steak at si Kaelum na umaalab ang mata sa pagngunguya ng lettuce. Samantala si Atlas, nagdi-daydream. Ang nag-iisang relax, malamang iniisip ang palayan at bakahan. Sinipat ko si Marga, ang lawyer naming ampon na may matulis na titig."So, Nicola, how exactly did you meet our Chandria?" Usisa ni Dad, nasa himig ang kuryosidad at may kaunting pagbabanta.Nicola's lips twitched in what I kew was an attempt at a polite smile. "We mee
NICOLAI stepped out of my office, adjusting my ties as my eyes scanned the room from Chandria. Wala siya sa desk niya. Nakapagtataka. Nasaan kaya si Bendita? Nasa ilalim na parte pa rin ng utak ko ang naganap na dinner noong nakaraan. Muntik ako maputulan ng hininga, hayok sa politica ang mga taong kaharap ko at ang wi-weird nila lalo ang bunsong kapatid ni Chandria. Pinipilit talaga akong sumama at mag-araro sa probinsya. Amp*ta, tingin niya sa aking farmer. Kung hindi lang ako ama ng triplets ay malamang nasuntok ko na.Sa gayong pag-iisip nang maalala kong inutusan ko siya para magpa-photocopy. Right. Of course. Taas noo akong dumiretso sa copy room, at doon ko siya nahagip. Nanliit ako sa suot niyang short shirt, tinutukso ba niya ako? Tila nasasabik akong silipin kung ano ang kulay ng panty niya. Sayang wala akong dalang salamin. Tatawagin ko sana kaso di natuloy nang may bastardong lumapit sa kanya. Ang taong pusit na makintab parati ang buhok at walang ginawa kundi manlandi.
NicolaIt wasn't my first time in L'Amore VIP Night Club, but to night it felt different. Naging perpektong lugar ang may malamlam na liwanag at maingay na palagid para sa business transaction na di ginagawa sa nakatirik na araw. Pinulupot ko pataas ang laylayan ng longsleeve ko. Nadama ko ang init ng katawan matapos tumungga ng tatlong shot ng Tequila."Nakapanibago, pati taste mo sa alak ay umiba. Malaki talaga ang epekto ni Chandria sa'yo,"yumukod na saad ni Paolo para marinig ko.Paolo Llenares, my ever-loyal friend, and casino-mate. Ang nag-iisang nakakaintindi sa kalokohan ko. Ang nakakakilala sa lahat ng babaeng ma-involve sa kama ko. Ang tanging nakakasundo ko sa lahat ng underground transaction ko.Inangat ko ang isang kilay. "Sakit sa pwet ang babaeng iyan. Wag mo na ipaalala sa akin,"sabi ko saka tinungga ang alak. Napasingkit ako sa pait at init na hatid nito."Nic, they're eager to finalize the deal. Pero mag-iingat pa rin tayo may haka-hakang ipalaglag tayo,"pambabago ni
CHANDRIA Naalimpungatan ako mula sa pagkatulog, tila ginising ako ng isang masamang pangitain. Nakatulog ako pero blangko ang panaginip ko. Biglang binayo ang dibdib ko sa masamang kutob. Bumangon ako at pumunta sa kusina. Umiinom ako ng tubig nang sinipat ang glow in the dark na wall clock. Mag-a-alas dos ng madaling araw. Tinunton ko ang daan pabalik sa kwarto nang marinig ang mabibigat na yapak mula sa sala. Wari'y hinihila ang katawan, iyong tipong nasa horror film na mga multong nagpaparamdam na may hila-hilang kadena. Tumindig ang balahibo ko, tinakasan ng tapang at lalong bumilis ang tibok ng puso. Gusto kong tumakbo pero nanghina ang tuhod ko. "Chanie, i-ikaw ba 'yan?" Umalingawngaw ang naglalahong pagak na boses ng lalaki. Titili sana ako nang matukoy ang may-ari 'non. "Susmaryusep, Nicola! Tinatakot mo pa ako..." di ko natapos nang binuhay niya ang ilaw. Napaawang ako ng bibig matapos siyang matanaw na habol ang hininga, tagatak ng pawis ang basang-basa na shirt at dug
CHANDRIA "Ano? Papasok ka o hindi?" Nagising ako sa tanong ni Nicola. Lumutang ako sa alapaap nang maalala ang nangyari sa'min kahapon.Nasa loob siya ng elevator kasama ang ilang empleyado. Natememe naman ako sa harap niya. Hindi masara-sara ang pinto ng elevator dahil sa'kin."A, e,i..." ano ba 'yan! Napapa-aeiou ako ng di oras. Samantala siya, parang di guilty sa ginawa kahapon. Pinatawad ko sa isipan ko dahil nadala siya sa alak at di na ako nagtanong kung saan niya kinuha ang dugo sa katawan niya.Imbes na sumagot ay tinaasan niya ako ng kilay. Napansin kong nainip ang iba sa likuran niya. Kung hindi niya ako sekretarya malamang binulyawan na ako."Mauna na kayo, Sir. Siguro overloaded na rin,"rason ko.Akma akong umatras nang may babaeng bumangga sa'kin. Natataranta siyang tumakbo sa loob ng elevator kaya hindi ako nakita at sa kasamang palad ay nadamay ako. Tumalsik ako sa loob at tyempong kay Nicola ako nadapo. Nahalikan ko ang leeg niya at napakapit siya sa beywang ko. Nagw
NICOLA Sarap sipain ng mga gamit sa loob ng silid ko. Umuwi akong malungkot kahapon dahil nahuli ako ni Chandria na nakipaghalikan kay Deborah. Nadala ako ng init at inis sa kanya noong isang araw. Wala akong ideya na bibisitahin ako ni Deborah para maningil. Hindi lang pera gusto niya pati ang init ko sa katawan. Balak kong pagtabuyan kaso inakit niya ako.Di man sabihin ni Chandria pero lantad sa mukha na galit siya. Sinikap kong akitan siya sa mga bulaklakin kong mga salita, ewan ko kung ano ang pumasok sa loob ko. Bigla akong naakit sa kanya at gusto ko siyang maging opisyal na asawa. Ang problema ay sinira ng malditang babae. Ang hirap suyuin ng ina ng triplets saka di ako marunong manligaw.Where should I ask some advice? Lahat ng pinsan ko ay sablay sa mga babae: si Mikhael na iniwanan ng girlfriend, si Phoenix na nagpa-shotgun marriage, si Kendrix na mas babaero sa akin at si Beau na cold-hearted sa asawa niya. Sinamaan ko ng tingin ang sarili kong repleksyon sa salamin mata
NICOLAKapagkuwan ay nakaupo ako sa mesa na may marangya at busilak na puting mantel. Nasa five-star restaurant ako at dito gaganapin ang negosasyon, nabwesit ako kasi pagbabayad lang may ritwal pa. Galit ako sa sarili ko dahil nagpadala sa kahibangan ni Deborah. Niluwagan ko ang necktie, sariwa pa sa alaala ko ang paraan ng paghila ni Chandria nito. Kanina pa ako naghihintay rito, at unti-unting numinipis ang pasensiya ko sa tagal niya. Nababagot akong sumandal, ginala ang tingin sa marangyang silid. Naingayan sa mga tao at kalansing ng mga kubyertos sa pinggan. My jaw tightened as I gazed on the black leather folder on the table—10 million pesos in a crisp cheque.Kapagkuwan ay dumating siya.Rumampa si Deborah na parang siya ang may-ari ng lugar, hapit na hapit sa katawan niya ang suot na black dress. Her hair was styled in an updo, deliberately messy yet flawkeess. As always, she wore that smug, flirty expression I loathed—her lips painted a venomous red."Nicola,"pasimula niya n
CHANDRIA"Ah, disney princess niyo lasing na naman kagabi!" Sarkastikong sabi ko nang tumanghod sa hapag-kainan si Nicola. Napahaba ang dinner date niya kagabi at puro lipstick mark ang nakita ko sa long sleeve niya. Kasama kong nakaupo sa table ang tatlo. Kumpleto kaming nag-aagahan dahil sabado ngayon. Walang pasok sa nursery at magpa-auto day off ako kasi may hang-over naman si Boss.Inismiran niya ako, kinakamot ang ulo saka naupo. "May sabaw ba d'yan?"Binigyan ko siya ng poker face. Tinawag ko ang matandang maid at seninyasan na dalhin ang nilutong kong nilagang baka. "Next time wala ng sabay. Maghinay-hinay ka ngang uminom. Araw-araw na lang, sunog atay na ang ginagawa mo. Isipin mo rin mga anak mo noh,"nagsimula ako sa pagtatalak. Tinirik niya ang mata na kunwaring tinatakpan ng daliri ang butas ng tenga niya."Sa ginagawa mong iyan ay binabawasan mo ang life span mo. Wala ka bang balak makita na mag-aasawa ang tatlo. Hay, maawa ka naman!" Patuloy ko. Nawala ang gana kong k
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries pleading fo
NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na
CHANDRIA "I don't know you, miss. I'm sorry," medyo naiiritang sambit ng lalaki habang tinatanggal ang kamay ko sa kanya. Huli kong namalayan na mahigpit pala akong nakakapit sa kanya. "I-I'm sorry," nahihiya kong sagot na binato sa ere ang mga kamay. Bakit? Bakit nakikita ko na siya si Nicola lalo na kung paano tumingin ang kanyang mga mata. May mahaba siyang balabas at mahabang buhok pero sigurado akong pamilyar siya. Magaan ang loob ko sa kanya at parang siya ang taong matagal ko nang hinahanap. "And I'm not Nicola. My name is Nate," pakilala niya. Hinawakan ko ang dibdib ko. Why his voice is like him? He's really Nicola? Humikbi ako sa harap niya. Wala akong pakialam kung pagsabihin niya akong baliw o ano. Nangungulila lang ako ng husto sa lalaking mahal ko. "A-Ano'ng nangyari sa'yo, Miss? May masakit ba sa'yo? Gusto mo dadalhin kita sa ospital?" Nataranta niyang tanong. Matigas akong umiling. "W-Wala may naalala lang ako." "Sigurado ka? Baka mamaya sasabihin nilang pi
Chandria Nawalan ako ng ganang makipagkaibigan kay Blake nang sinabi niyang mahal niya ako. Pakaramdam ko kasi ay trinaidor niya ako't wala na akong dapat pagkatiwalaan sa mundong ito. Buong buhay ko mabuti ang intensyon niya. Natatakot ako ngayon na lumapit sa kanya. "Nandito ako ngayon sa Grand Lux," sabi ko kay Ezekiel sa telephono. Kanina pa siya tumatawag sa akin kaya medyo mainit ang ulo. Nababalisa siya ngayon sa komplikadong sitwasyon ko. "Who's with you?" He replied sternly. "Ako lang. Bakit?" "Pupuntahan kita d'yan." "Wag na. Uuwi naman ako kaagad," tanggi ko. Bumuntong hininga siya. "You're not safe right now, Ate. You can't go out anytime you want." Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyari sa'kin noon sa night club at ang totoong kaaway ni Nicola. Nalaman namin na isang matatag na myembro ng Cartel si Theo pati ang kapatid niyang si Thaddeo Tan. Hindi sila madaling hulihin at hayok sila sa human trafficking. Pinaiimbestigahan na naman sila sa NBI at sila na ang bahal
CHANDRIA "Come here, Chandria," malapad ang ngiti ni Joaquin na tinawag akong umupo sa tabi niya. Humalo-halo ang emosyon ko sa loob nang lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi niya. Lalo akong ginugulo ng makukulay na neon lights at maingay na tugtug. Akyat baba ang mga kamay ko sa sa aking hita at parang naiilang ako sa dibdib ko kasi halos luluwa na ito sa sobrang baba ng V-line Nasipat ko si Joaqin na tumingin doon kaya bigla kong niyakap ang sarili. Pinalilibutan kami ng mga kaibigan niya. Walang katapusan silang nagtatawanan, kiniliti at may kakaiba sa kanilang mga mata nila, parang naha-high sila. Masangsang ang magkahalong amoy ng alak, pawis at matalim na bagay. "By the way, this is my friend Chandria. Nakilala ko lang siya sa Siargao. She's a nice girl, you know. She's a nice girl," pakilala ni Joaqin sa mga kaibigan. Ngumiti ang babae na di ko alam kung transwoman ba saka may inabot na cocktail sa akin. Sinuklian ko siya ng ngiti nang kinuha 'yon pero di ko muna inino
CHANDRIALumipas ang tatlong buwan. Lumipas ang mabibigat na hamon sa aming buhay. Sa kabila ng nakakabangungot na pagkawala ni Nicola ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay. Nandito ulit ako sa N Lending company para sa isang investment deal.Sumandal ako sa swivel chair habang pinagmamasdan ang nakakalulang tanawin ng Manila skyline. Nandito ako sa conference room dahil hinihintay ko ang bagong investor. Tinatapik ko ang gel pen sa itaas ng dokumento. Napatuwid ako ng upo nang bumukas ang pinto.Niluwa ng pinto ang nakangising si Joaqin. Kinurap ko ang mga mata. Oo, hindi ako nag-iilusyon. Siya nga, si Joaqin na di ko alam ang apelyido hanggang ngayon."Oh, Chandria? I-Ikaw pala ang CEO ng N Lending? Diba si Nicola Henderson iyon?" Bungad niya.My hands freeze on the gel pen. Pigil ang hininga kong tiningnan siya ng mataimtim. Hindi ko sukat akalain na lilitaw sa harap ko ang naging kaibigan ko noon sa Siargio. Ngunit ba't biglang bumigat ang pakiramdam ko sa kanya? Sinasabi ng insti
CHANDRIA Wala akong ibang inisip kundi ang asikasuhin ang naiwang negosyo ni Nicola. Ang N Lending Company at ang Grand Lux Resort and Casino. Mahirap sa parte ko dahil meron pa akong sariling negosyo. Hindi ko alam kung paano patakbuhin ng sabay-sabay. Pero salamat kay Paolo dahil siya ang business partner ni Nicola at ang taong inaasahan nito kung sakaling may mangyayaring masama rito. Humugot ako ng malalim na hininga. Dapat kung harapin na may tapang ang araw na 'to. Halos isang linggo na ang lumipas nang nilibing namin si Nicola kaso di ko mapigilan lumuksa. Maraming aspect sa buhay ko na lalo akong nangulila sa kanya. I missed his laugh, his kisses, and his teasing remarks. Nangingig ako sa magkahalong lungkot at galit. Nagagalit ako sa mga taong pinatay siya. Gusto ko ng hustisya. Gusto kong malaman kung sino ang mga kaaway niya. Tinanggal ko ang reading glass bago inangat ang tingin kay Paolo. Nasa maaliwalas na opisina kami ni Nicola ngayon. Kitang-kita ang mga ulap sa