NICOLAKapagkuwan ay nakaupo ako sa mesa na may marangya at busilak na puting mantel. Nasa five-star restaurant ako at dito gaganapin ang negosasyon, nabwesit ako kasi pagbabayad lang may ritwal pa. Galit ako sa sarili ko dahil nagpadala sa kahibangan ni Deborah. Niluwagan ko ang necktie, sariwa pa sa alaala ko ang paraan ng paghila ni Chandria nito. Kanina pa ako naghihintay rito, at unti-unting numinipis ang pasensiya ko sa tagal niya. Nababagot akong sumandal, ginala ang tingin sa marangyang silid. Naingayan sa mga tao at kalansing ng mga kubyertos sa pinggan. My jaw tightened as I gazed on the black leather folder on the table—10 million pesos in a crisp cheque.Kapagkuwan ay dumating siya.Rumampa si Deborah na parang siya ang may-ari ng lugar, hapit na hapit sa katawan niya ang suot na black dress. Her hair was styled in an updo, deliberately messy yet flawkeess. As always, she wore that smug, flirty expression I loathed—her lips painted a venomous red."Nicola,"pasimula niya n
CHANDRIA"Ah, disney princess niyo lasing na naman kagabi!" Sarkastikong sabi ko nang tumanghod sa hapag-kainan si Nicola. Napahaba ang dinner date niya kagabi at puro lipstick mark ang nakita ko sa long sleeve niya. Kasama kong nakaupo sa table ang tatlo. Kumpleto kaming nag-aagahan dahil sabado ngayon. Walang pasok sa nursery at magpa-auto day off ako kasi may hang-over naman si Boss.Inismiran niya ako, kinakamot ang ulo saka naupo. "May sabaw ba d'yan?"Binigyan ko siya ng poker face. Tinawag ko ang matandang maid at seninyasan na dalhin ang nilutong kong nilagang baka. "Next time wala ng sabay. Maghinay-hinay ka ngang uminom. Araw-araw na lang, sunog atay na ang ginagawa mo. Isipin mo rin mga anak mo noh,"nagsimula ako sa pagtatalak. Tinirik niya ang mata na kunwaring tinatakpan ng daliri ang butas ng tenga niya."Sa ginagawa mong iyan ay binabawasan mo ang life span mo. Wala ka bang balak makita na mag-aasawa ang tatlo. Hay, maawa ka naman!" Patuloy ko. Nawala ang gana kong k
ALTHEAParang mabibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan si Nicola na may kaharutan na babae. Dalawang araw lamang siyang matino, sinamahan niya kami ng mga anak niya sa amusement park, manood ng sine, mag-picnic at kumain sa labas. Dalawang araw kaming namuhay ng normal na pamilya. Ginawa ang kadalasang ginawa ng isang pamilya. Lumutang sa ere ang binanggit niyang liligawan niya ako. Isang pambobola mo pa, hindi ako magdadalawang isip na iiwan sa'yo ang mga anak mo.Hayun ang hinayupak, nakayukod sa babaeng may mahahabang bemti na parang hinugot sa beauty pageant. Her laugh was loud, her hand lingering on his arm too long. And him? Smiling. Whispering. Pa-cool lang pero literal na naglalandi.Dumikit ang katawan nila at pinapahayag na burado ako sa utak ni Nicola."This is our finest wine,Nic,"sabi ng babae at sinalinan siya sa baso. "The oldest the tastier.""Yeah, like you. It's been a long time without seeing you, Beth. You're beautiful as ever,"malanding bulong ni Nicola pero hi
NICOLA Kanina pa akong katok ng katok sa pinto ni Chandria. Lahat ng uri ng ingay ng katok ay ginawa ko na pero mistula siyang bingi at hindi ako naririnig. Malamang sinadya niya, subalit kanina pa ako nababahala. Simula ng nangyari noong nakaraan ay iniiwasan o di kaya tatarayan niya ako. Tama rin naman kasi lantaran akong nambabae. Hindi ako sinsero sa aking sarili. Liligawan ko raw pero di ako makagpigil kapag may magandang dilag sa harap ko saka ako matahuan 'pag huli na ang lahat. "Chandria, will you open the door? I need to talk to you,"Tawag ko sa ika-isang daang beses. "Are you still breathing there or.... Chandria open the door!" Halos luluwa ang lalamunan ko kakasigaw sa kanya habang sunod-sunod na kumatok. Natilian ako nang may kumalabit sa short ko. "Daddy, you want this?" Inabot ni Layla ang master keys na inosenteng nakatingala. Maraming susi 'yon at di ko alam kung saan doon ang susi ng kwarto ni Chandria. "At saan mo naman ito nakuha?" Untag ko habang kinukuha a
NICOLA"Paulo,"ingos ko sabay sapo ng noo ko. "Ano'ng gagawin ko sa babaing ito? Ang hirap-hirap niya!"Kasalakuyang nasa bar kami. Nasa bar island na malapit sa pool ng bahay niya. Ako lang ang nag-iisang taong pwedeng pumasok sa bahay niya na walang kahirap-hirap. Hindi rin basta-basta si Paolo Llenares, kasi marami siyang tinatagong sekreto at nagtatrabaho sa underground. Wala akong pakialam sa kanya, ang importante ay ang kagandang loob at suporta na pinapakita niya sa akin. Magkababata kami at magkasabay sa lahat ng kalokohan. Pareho rin kaming lasingero, sugarol at babaero.Ewan din kung ano ang ipapayo niya sa akin ngayon.Tinampal niya ang balikat ko. "Sus, nasaan na ang hayok sa pang-aakit ng mga babae? Bigla-bigla ka yatang naging marupok sa isa."Imbes na suportahan niya ako ay kinatyawan pa."Hindi ako marupok. Mahirap lang talaga siyang suyuin. Nanghihina ako tuwing nasa harap ko at kung anu-anung kamanyakan ang pumapasok sa ulo ko para mapansin niya ako. Pero ayoko na ma
CHANDRIAHindi ko inaasahang bibisita sina Callia at Iris. Ina at half-sister ni Nicola. Bale nag-asawa ang mama niya no'ng namatay ang papa niya. Hindi ko talaga alam ang likod ng storya ng buhay ni Nic kasi di naman nagkikwento tungkol dito. Nalaman kong may asawa ng bago ang mama niya dahil sinabi nito at ngayon meron siya anak na dalawa. Si Iris, seventeen, grade 11 at si Frost, fourteen, grade 9. Nawili ako kay Iris kasi ang kulit at nawili siya sa triplets. May pagdidikitahan ang tatlo bukod kay Atlas.Dumating si Nicola pero tila nakakita ng multo nang matukoy ang dalawang kapamilya niya. Nahihimigan kong hindi niya gustong tumambay ang mga 'to rito. "Mom? What this? What are you doing— then Iris,"bulong niya. Palinga-linga siya, mukhang nalilito."Nak, nami-miss ka lang namin ng kapatid mo. Saka gusto ko makita ang mga apo ko,"naglalmbing na saad ng ina niya.Kinamot niya ang batok. "Fine. Sana nagpaalam muna kayo.""H'wag kang OA, kuya. Ang unfair mo rin kasi tinago mo ang t
Chandria Pagkatapos ng mahaba-habang discussion ng magkapatid ay pinatulog ko na ang mga bata. Naglalakad ako sa pasilyo ng may narinig naalingawngaw ng mga boses na nag-uusap. Gising pa si Nicola kasama ang kanyang ina, masinsinan ang bawat bigkas ng mga salita at parang nag-aaway sila sa ilalim ng kanilang bulong. Puwesto ako sa gilid ng pinto na bahagyang nakabukas. Nasa kwarto pala si Nicola ng guest room. Kahit hating gabi na'y nag-uusap pa rin sila. "Kailan ba ang balak mong magpakasal, Nic?" Impit na tanong ng ina. Di sana ako makikinig pero bigla akong naintriga. "Ewan,"malamig niyang sagot. "Anong ewan? Magpakalalaki ka nga." "Lalaki naman ako, ano'ng problema doon?" "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang tunay na lalaki ay marunong tumanggap ng responsibilidad. Hindi na paanakan mo lang tapos iiwan mo. Hindi kita pinalaki ng ganyan, Nic." Bumuntong hininga si Nicola. "Paano kung hindi niya ako gusto, pakakasalan ko pa rin?" "Pero ginusto niyo naman guma
CHANDRIA "Akala ko wala ka nang balak gumising. Kanina pa naghihintay ang tatlo sa'yo. Pasalamat ka rin, hindi ako demanding sa trabaho mo."Kumabog ang puso ko nang marinig ang baritong boses ni Nicola. Hinagilap ko siya at hayun, nakakibit-balikat na nakasandal sa amba ng pintuan.Ako'y nataranta at na-conscious sa aking suot pantulog. Tiningnan ko ang sarili, mabuti'y naka-pajama ako, hindi nighties na kadalasan kong suot. Walang imik akong bumaba sa kama, isa-isang pinisil ang ilong ng mga anak ko."Parang wala kang sala. Ang kalma mo pa rin kahit mag-a-alas dyes na,"sabi niya ulit.Gumapang ang panic sa sistema ko. Hinanap ko ang alarm clock, jusko! Nasa sahig na pala, at tama siya five minutes to ten na. Nakalimutan kong may trabaho ako at ihahatid sa school ang triplets. "Ba't nandito pa sila?" Nataranta kong tanong.Lumabi siya. "Ikako, kasalanan mo. Ang irresponsabile mo namang nanay. Inuna pa ang tulog kaysa sa mga anak.""Hey! Kasalanan mo kaya di ako nakatulog ng maayos
NICOLA Pumasok ako sa La Nuit VIP Night Club. Alas dyes ng gabi at abala ang mga suki ng club sa paglabas-masok. Naningkit ako sa kumikislap na mga ilaw na may mga kulay pula, asul at dilaw na umaagaw. Ramdam ng kalamnan ko ang humahaplos na malakas na tugtug ng musika na sumasabog sa dingding na hinaluan ng bulungan ng mga kliyente Dumapo sa ilong ko ang amoy magkahalong amoy ng pabango, usok at alak.I stepped in, my eyes scanning the room, kabisago ko ang bawat detalye at pasikot-sikot sa club na parang mapa sa utak. Nandito ako para sa isang rason, ang manmanan si Artemio. Binabalak kong ipadakip siya sa police ngayong gabi kaya sinadya akong hindi isama ang aking bodyguards pero konektado ako sa pulisyo at sa isang pindot ko'y darating sila agad. Binigyan ko ng trabaho si Paolo na bantayan niya ako at siguraduhing mapagtagumpayan ang entrapment operation.Pagod na ako sa pagba-blackmail niya. Hindi habambuhay na mahing principal sponsor niya ako para lamang iligtas at maitago an
CHANDRIASa sumunod na araw, pumunta ako sa mall upang bumili ng regalo para kay Nicola. Magpapasko na't malapit na ang birthday ng kambal. Mag-a-apat na taon na pala sila, eh parang kailan lang kami lumipat sa mansyon ni Nicola. Nasa jewellery shop ako nang mabangga si Autumn. Halos dalawang buwan kaming di nagkita at sa group chat lang kami nagbo-bonding. "Is that you, Chandria?" Gulat niyang bati.Abot tenga ang tawa ko na sinalubong siya ng yakap. "It's been a long time! Kamusta ka na?"Matamis siyang ngumiti habang hinamas-himas niya ang likod ko. "Look!" Nilahad niya ang kamay para makita ko ang kumikinang niyang diamond ring."Nag-propose na si Yong sa'yo?! Finally, natauhan din!" Sabi ko na napatutup ng bibig.Kinikilig kaming tumalon-talon at nagyakapan ulit. "Congratulations, Besh! I'm very happy for you!"I can't believe this college friend of mine is finally getting married! Kapagkuwan ay pumunta kami sa fast food para magmeryenda. Malapad ang mga ngiti namin nang nilap
CHANDRIA Minulat ko ang mga mata nang tumama ang liwanag ng sumisikat na araw sa umagang ito. Bumangon ako, kasabay ng pagngiti nang makitang nakaupo sa dulo ng kama si Nicola. Bahagyang nakakurba ang likod habang nakayuko. May hawak siyang sigarilyo na dahan-dahang hinihithit. His bare back was exposed as morning ligjt filtered through curtains, casting soft, golden rays across his tone shoulder. Pinagkatitigan ko ang bawat linya ng muscles ng likod niya. Nakatalikod siya pero mukha ng sexy, kaya naakit akong hagkan siya ulit. Pumewesto ako siya, hinigpitan ang kapit sa manipis na kumot na bumabalot sa katawan ko. Ramdam ko pa ang init ng pagsasalpukab namin kagabi. Ginala ko ang tingin sa komplikado niyang tattoo sa likod. It was twin wings, dark and sweeping across his shoulder blades, their design are both fierce and hauntingly beautiful.Kanina pa niyang napapansin ang kalikutan ko pero hinayaan niya na hawakan ko ang likod niya. Puno ako ng kuryosidad na binaybay ang daliri
CHANDRIA🔞 aheadMainit na hininga ni Chandria ang dumantal sa batok ko nang niyakap niya ako mula sa likod. Nabigla ako sanhi ng pagbilis ng tibok ng puso ko.Kakarating lang namin sa bahay mula sa reception ng kasal ni Paolo. Pasado alas dyes na rin kaya napagod ng husto ang mga bata. Pinatulog muna sila ni Chandria samantala ako ay naligo. Subalit hindi ko inaasahan na gagapangin ako ng girlfriend ko. At parang may gustong ipagawa sa akin. Kasalukuyang umiinon ako ng tubig sa kusina. Nanuyo ang lalamunan ko sa kantyawan kanina. Habang nandoon ako ay sinikap kong hindi uminom ng alak dahil ako ang nagmamaneho ng kotse at ayaw rin makita ni Chandria na naglalasing ako kaya panay ang tanggi ko kay Blake at sa iba naming kaibigan."Hmmm," ungol ko dahil tinamad magsalita at nahuhulog na ang mga talukap."Pwede rin ba tayo mag-honeymoon?" Malandi niyang pahayag.Nanlaki ang mga mata ko saka tila kinuryente ako nang hinipan niya ang tenga ko. "Ano'ng pinagsasabi mo? Pwede banv matulog
NICOLA "I still can't believe it," bulong ko sa sarili.Sumandal ako sa upuan ng kotse, dinig ko ang mahinang tunog ng makina habang nagmamaneho patungo sa kasal ni Paolo. Hindi ko pinagtunan ng pansin ang magandang tanawin sa labas, subalit nasa milya-milya ang isipan ko. Malakas na kumakabog ang dibdib ko sa pagiging masama at di makapaniwala na nasa realidad ako ng pangarap ko.Just a month ago, Chandria became officially mine. Walang halong biro, girlfriend ko na siya. Even now, saying it in my head felt surreal. Madali pala siyang bilhin, pero mahal ko talaga s'ya. May isa akong problema: paano ko sasabihin ang 'i love you'? Kasi tuwing maglalakas loob ako ay bigla namang manghihina ang tuhod ko. I don’t know how to express my affection through words, but I’ve mastered the art of showing it through my actions. Every glance, every touch, every little thing I do—it’s my way of screaming the feelings I can’t say out loud. Words can falter, but actions? They never lie.Kaya dinadaan
CHANDRIAUmagang akong umuwi, nagdahilan akong magpapagupit kay Nicola para maniwala siya pero ang totoo ay pupunta ako sa sekreto kong kompanya. Tinatago ko ito sa Makati at di nila kilala kung sino ang totoong may-ari. May nilagay akong tao para umaktong CEO habang minamaniobra ko ang kompanya sa likod ng lahat. Hinugot ko ang maskara, maingat na sinuot bago bumaba. My delicate heels clicked softly against the cobblestone driveway as I approached the imposing facade of Mielle Tech, my secret empire nestled discreetly in the heart of the city."Good afternoon, ma'am," bati ng guard nang pumasok ako.Ginantihan ko siya ng ngiti. Heto na naman ako sa masagana kong kompanya na taga-supply ng groundbreaking techonologies such as wearable medical devices, anti-aging solutions, and personalize health care apps. "How's life?" Bati ko sa mga empleyado. Ngumiti sila at kanya-kanya ang sagot. Tumatawa akong sumakay sa elevator kasama sila. Una silang bumaba sa 7th floor at sa 10th floor na
CHANDRIA "Suplado," nayayamot kong singhal kay Nicola nang inabot ko ang kahon ng doughnut. Alam kong paborito niyang snack ito pero wala siya sa mood kumain ngayon."Itapon mo 'yan ayaw kong kumain," nangangalumbaba niyang sagot na di inangat ang tingin sa'kin. Sinusubukan niya ang pasensiya ko."Hirap na hirap akong binili ito tapos itatapon lang. Wala talagang puso! Hindi mo alam na maraming nagugutom sa mundo," pangangaral ko.Pinukulan niya ako ng mataman na tingin. "Kasalanan nila kaya nagugutom sila. Sundin mo na ang inuutos ko.""Hindi," tutol ko saka inabot sa kanya ang isang doughnut. "Kainin mo. Diba paborito mo 'to?""Noon, ngayon hindi na kasi pinipilit mo akong subuan. Nakalimutan mong galit pa rin ako sayo at hindi mo ako madadala sa pa-doughnut mo." Iniwas niya ang tingin.Sumalpok ang kilay ko. "Ba't ka naman nagagalit? Para kang three years old, daig mo pa ang kambal. Saka wala akong balak subuan ka. Hindi ka naman PWD na walang kakayahang kumain gamit ang kamay mo.
NICOLATwo days later, natagpuan ko si Frost na kumakain ng choco flakes bilang agahan sa sala. Nayamot ako sa pagkakalat niya sa sahig kasi ako ang tipong strikto sa kalinisan at kaayusan ng paligid lalo na ang bahay ko."Sino nagsabi sa'yo na dito kumain ng breakfast?" Hinila ko ang tenga niya."Si... si Ate Chandria, of course," nauutal niyang rason."Palusot ka pa!" Kinaladkad ko siya papunta ng dining room. "Kailan ka ba lalayas sa bahay ko? Diba pasukan na sa susunod na buwan?""Sa October pa ang pasukan namin," pagtatama niya.Binitawan ko siya matapos siyang paupuin. "Pero katapusan na ng Agosto ngayon. Bumalik ka na agad doon para makapaghanda,"sabi ko na tinukod ang isang kamay sa glass table."May five days pa ako rito," alma niya."No, you should go back.""Pinagkait mo nga sa'kin ng one week ang kambal tapos pauuwin mo ako. It's a bit unfair, 'ya."Frustrated kong pinikit ang mga mata bago tinuwid ang tindig. "Alright, I'll go two days then shu-shu.""Ano'ng shu-shu pinag
NICOLA That week, wala akong ginawa kundi magbuwis buhay para patahimikin si Thaddeo. Binayaran ko siya ng 20 million para sa pansamantalang kapayapaan. Matagal ko nang alam na hindi lang buhay ko ang gusto niya kundi pera. Sinimulan ko ito kaya sigurado na araw-arawin niya ang paghingi ng 20 million. Ganoon ang iniisip ko matapos iparada ang ferrari ko sa harap ng mansyon ng Callagry.Humugot ako ng malalim na hininga nang bumaba ako sa kotsea saka inayos ang polo shirt bago pumasok. Inangat ko ang mga kilay nang marinig ng kakaibang alingaw-ngaw, tila may malaking diskusyon na nangyayari sa hardin nila."Wala akong alam dito!" The familiar voice declared firmly. I stood frozen in the doorway. Hindi ko inaasahan na may gyerang nagaganap sa pagitan nila. Nakatayo si Chandria sa gitna nila, matuwid ang tindig at bahagyang nakataas ang kamay. Namumula ang mukha dahil sa frustration. Nasa harap niya si Dara na may hawak na bag at katabi nito si Marga. Maang na nakamasid ang apat na lal