CHANDRIA "Ano? Papasok ka o hindi?" Nagising ako sa tanong ni Nicola. Lumutang ako sa alapaap nang maalala ang nangyari sa'min kahapon.Nasa loob siya ng elevator kasama ang ilang empleyado. Natememe naman ako sa harap niya. Hindi masara-sara ang pinto ng elevator dahil sa'kin."A, e,i..." ano ba 'yan! Napapa-aeiou ako ng di oras. Samantala siya, parang di guilty sa ginawa kahapon. Pinatawad ko sa isipan ko dahil nadala siya sa alak at di na ako nagtanong kung saan niya kinuha ang dugo sa katawan niya.Imbes na sumagot ay tinaasan niya ako ng kilay. Napansin kong nainip ang iba sa likuran niya. Kung hindi niya ako sekretarya malamang binulyawan na ako."Mauna na kayo, Sir. Siguro overloaded na rin,"rason ko.Akma akong umatras nang may babaeng bumangga sa'kin. Natataranta siyang tumakbo sa loob ng elevator kaya hindi ako nakita at sa kasamang palad ay nadamay ako. Tumalsik ako sa loob at tyempong kay Nicola ako nadapo. Nahalikan ko ang leeg niya at napakapit siya sa beywang ko. Nagw
NICOLA Sarap sipain ng mga gamit sa loob ng silid ko. Umuwi akong malungkot kahapon dahil nahuli ako ni Chandria na nakipaghalikan kay Deborah. Nadala ako ng init at inis sa kanya noong isang araw. Wala akong ideya na bibisitahin ako ni Deborah para maningil. Hindi lang pera gusto niya pati ang init ko sa katawan. Balak kong pagtabuyan kaso inakit niya ako.Di man sabihin ni Chandria pero lantad sa mukha na galit siya. Sinikap kong akitan siya sa mga bulaklakin kong mga salita, ewan ko kung ano ang pumasok sa loob ko. Bigla akong naakit sa kanya at gusto ko siyang maging opisyal na asawa. Ang problema ay sinira ng malditang babae. Ang hirap suyuin ng ina ng triplets saka di ako marunong manligaw.Where should I ask some advice? Lahat ng pinsan ko ay sablay sa mga babae: si Mikhael na iniwanan ng girlfriend, si Phoenix na nagpa-shotgun marriage, si Kendrix na mas babaero sa akin at si Beau na cold-hearted sa asawa niya. Sinamaan ko ng tingin ang sarili kong repleksyon sa salamin mata
NICOLAKapagkuwan ay nakaupo ako sa mesa na may marangya at busilak na puting mantel. Nasa five-star restaurant ako at dito gaganapin ang negosasyon, nabwesit ako kasi pagbabayad lang may ritwal pa. Galit ako sa sarili ko dahil nagpadala sa kahibangan ni Deborah. Niluwagan ko ang necktie, sariwa pa sa alaala ko ang paraan ng paghila ni Chandria nito. Kanina pa ako naghihintay rito, at unti-unting numinipis ang pasensiya ko sa tagal niya. Nababagot akong sumandal, ginala ang tingin sa marangyang silid. Naingayan sa mga tao at kalansing ng mga kubyertos sa pinggan. My jaw tightened as I gazed on the black leather folder on the table—10 million pesos in a crisp cheque.Kapagkuwan ay dumating siya.Rumampa si Deborah na parang siya ang may-ari ng lugar, hapit na hapit sa katawan niya ang suot na black dress. Her hair was styled in an updo, deliberately messy yet flawkeess. As always, she wore that smug, flirty expression I loathed—her lips painted a venomous red."Nicola,"pasimula niya n
CHANDRIA"Ah, disney princess niyo lasing na naman kagabi!" Sarkastikong sabi ko nang tumanghod sa hapag-kainan si Nicola. Napahaba ang dinner date niya kagabi at puro lipstick mark ang nakita ko sa long sleeve niya. Kasama kong nakaupo sa table ang tatlo. Kumpleto kaming nag-aagahan dahil sabado ngayon. Walang pasok sa nursery at magpa-auto day off ako kasi may hang-over naman si Boss.Inismiran niya ako, kinakamot ang ulo saka naupo. "May sabaw ba d'yan?"Binigyan ko siya ng poker face. Tinawag ko ang matandang maid at seninyasan na dalhin ang nilutong kong nilagang baka. "Next time wala ng sabay. Maghinay-hinay ka ngang uminom. Araw-araw na lang, sunog atay na ang ginagawa mo. Isipin mo rin mga anak mo noh,"nagsimula ako sa pagtatalak. Tinirik niya ang mata na kunwaring tinatakpan ng daliri ang butas ng tenga niya."Sa ginagawa mong iyan ay binabawasan mo ang life span mo. Wala ka bang balak makita na mag-aasawa ang tatlo. Hay, maawa ka naman!" Patuloy ko. Nawala ang gana kong k
ALTHEAParang mabibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan si Nicola na may kaharutan na babae. Dalawang araw lamang siyang matino, sinamahan niya kami ng mga anak niya sa amusement park, manood ng sine, mag-picnic at kumain sa labas. Dalawang araw kaming namuhay ng normal na pamilya. Ginawa ang kadalasang ginawa ng isang pamilya. Lumutang sa ere ang binanggit niyang liligawan niya ako. Isang pambobola mo pa, hindi ako magdadalawang isip na iiwan sa'yo ang mga anak mo.Hayun ang hinayupak, nakayukod sa babaeng may mahahabang bemti na parang hinugot sa beauty pageant. Her laugh was loud, her hand lingering on his arm too long. And him? Smiling. Whispering. Pa-cool lang pero literal na naglalandi.Dumikit ang katawan nila at pinapahayag na burado ako sa utak ni Nicola."This is our finest wine,Nic,"sabi ng babae at sinalinan siya sa baso. "The oldest the tastier.""Yeah, like you. It's been a long time without seeing you, Beth. You're beautiful as ever,"malanding bulong ni Nicola pero hi
NICOLA Kanina pa akong katok ng katok sa pinto ni Chandria. Lahat ng uri ng ingay ng katok ay ginawa ko na pero mistula siyang bingi at hindi ako naririnig. Malamang sinadya niya, subalit kanina pa ako nababahala. Simula ng nangyari noong nakaraan ay iniiwasan o di kaya tatarayan niya ako. Tama rin naman kasi lantaran akong nambabae. Hindi ako sinsero sa aking sarili. Liligawan ko raw pero di ako makagpigil kapag may magandang dilag sa harap ko saka ako matahuan 'pag huli na ang lahat. "Chandria, will you open the door? I need to talk to you,"Tawag ko sa ika-isang daang beses. "Are you still breathing there or.... Chandria open the door!" Halos luluwa ang lalamunan ko kakasigaw sa kanya habang sunod-sunod na kumatok. Natilian ako nang may kumalabit sa short ko. "Daddy, you want this?" Inabot ni Layla ang master keys na inosenteng nakatingala. Maraming susi 'yon at di ko alam kung saan doon ang susi ng kwarto ni Chandria. "At saan mo naman ito nakuha?" Untag ko habang kinukuha a
NICOLA"Paulo,"ingos ko sabay sapo ng noo ko. "Ano'ng gagawin ko sa babaing ito? Ang hirap-hirap niya!"Kasalakuyang nasa bar kami. Nasa bar island na malapit sa pool ng bahay niya. Ako lang ang nag-iisang taong pwedeng pumasok sa bahay niya na walang kahirap-hirap. Hindi rin basta-basta si Paolo Llenares, kasi marami siyang tinatagong sekreto at nagtatrabaho sa underground. Wala akong pakialam sa kanya, ang importante ay ang kagandang loob at suporta na pinapakita niya sa akin. Magkababata kami at magkasabay sa lahat ng kalokohan. Pareho rin kaming lasingero, sugarol at babaero.Ewan din kung ano ang ipapayo niya sa akin ngayon.Tinampal niya ang balikat ko. "Sus, nasaan na ang hayok sa pang-aakit ng mga babae? Bigla-bigla ka yatang naging marupok sa isa."Imbes na suportahan niya ako ay kinatyawan pa."Hindi ako marupok. Mahirap lang talaga siyang suyuin. Nanghihina ako tuwing nasa harap ko at kung anu-anung kamanyakan ang pumapasok sa ulo ko para mapansin niya ako. Pero ayoko na ma
CHANDRIAHindi ko inaasahang bibisita sina Callia at Iris. Ina at half-sister ni Nicola. Bale nag-asawa ang mama niya no'ng namatay ang papa niya. Hindi ko talaga alam ang likod ng storya ng buhay ni Nic kasi di naman nagkikwento tungkol dito. Nalaman kong may asawa ng bago ang mama niya dahil sinabi nito at ngayon meron siya anak na dalawa. Si Iris, seventeen, grade 11 at si Frost, fourteen, grade 9. Nawili ako kay Iris kasi ang kulit at nawili siya sa triplets. May pagdidikitahan ang tatlo bukod kay Atlas.Dumating si Nicola pero tila nakakita ng multo nang matukoy ang dalawang kapamilya niya. Nahihimigan kong hindi niya gustong tumambay ang mga 'to rito. "Mom? What this? What are you doing— then Iris,"bulong niya. Palinga-linga siya, mukhang nalilito."Nak, nami-miss ka lang namin ng kapatid mo. Saka gusto ko makita ang mga apo ko,"naglalmbing na saad ng ina niya.Kinamot niya ang batok. "Fine. Sana nagpaalam muna kayo.""H'wag kang OA, kuya. Ang unfair mo rin kasi tinago mo ang t
NICOLA "Someone is weird today." Huli-huli ng tenga kong puna ni Paolo sa'kin. Nasa maaliwalas na coffee shop kami. Sinasala ng malaking glass window ang liwanag ng araw. Abala ako sa pagsimsim ng black coffee, tensyonado naman sa pagpindot si Paolo sa phone niya at kalahating nakatago si Blake sa hawak niyang dyaryo. Nangibabaw ang banayad na konbersasyon ng mga tao at ang ingay ng kumakansing na mga tasa sa hangin."Sino'ng weird?" Patay-malisya kong tanong. Alam ko na ako ang tinutukoy niya.Binaba ni Blake ang dyaryo niya at niregaluhan niya ako ng ngiti. "What's with you today, huh? Parang baliw kang tumatawang mag-isa d'yan.""Yeah, spill it, Nico!" Segundo ni Paolo na tila binabasa ako.Ngumisi ako. Gusto kong gawing suspense muna."Dude, you've got that 'I know something you don't' face. That's unnerving," alma niya.I chuckled, and then I took another sip of my coffee. "What? Di ba pwedeng mag-enjoy ang tao ng kape niya na may kapayapaan?""I hate that cryptic look...""Yo
CHANDRIA "Bakit ba palaging may distractions? Nasa punto na ako eh kaso parang ayaw nilang matuloy," malungkot kong tanong sa sarili pagkatapos ihatid sa kwarto ang triplets at pinatulog sila.Dinalaw na ako ng antok kaya nawalan ako ng gana makipag-ano kay Nicola. Nanlulumo akong umupo sa kama habang isa-isang tinatanggal ang butones ng blusa ko. Naka-bra na lang ako nang lumabas sa banyo ang lalaki ko. Tinatanggal ko ngayon ang hikaw at kwentas ko.Nanliit ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin."Next time na lang, Nic. Pagod na ako," sabi ko sabay tihaya sa kama.Kumaibabaw siya sa akin. Kinilig ang kiffy ko sa mahalimuyak niyang after shave. Sumasabog ang pagiging lalaki niya. Naka-tapis lang siya at anumang oras ay handa niya akong pasukin."Hindi ako naniniwala. Pwede rin nating gawin iyon. Mabilis lang." Tumulo ang tubig mula sa basa niyang buhok sa mukha ko.Napapikit ako. Para akong sasabog, pinipigilan ko ang sarili ko pero malakas ang pang-aakit niya.Tinulak
CHANDRIASiguro, kino-consider ko na, ito ang pinakamasaya na nangyari sa buhay ko—ang makilala ang ibang myembro ng pamilya ni Nicola. Pakiramdam ko, bahagi na talaga ako ng buhay niya. Kilala na ako ng mga magulang niya at masaya ang mga kapatid niya na magkaroon ng bagong ate.Magalang akong pumasok sa bahay ni Althea, siya ang ina ng anak ni Mikhael at balita ko ay nagkahulugan na sila ng loob sa isa't isa. O baka huli na ako sa balita na mag-asawa na pala sila. Hindi ako nakapag-marites noong mga nakaraang araw. Di talaga ako binabalitaan ni Nicola, masyado niya akong inaabala sa araw-araw na gawain sa kompanya o baka nagkataon iyon ng problema ko kay Marga.Bitbit ang cute kong regalo ay sinalubong ko si Althea kasama ang triplets na may kanya-kanyang hawak na regalo para sa pinsan. Malapad ang ngiti niya, at biglang mabilis na pumintig ang puso ko. Para siyang hollywood actress na si Emma Watson, ang amo ng mukha at nakakatakot hawakan. Para siyang living doll. Marupok. Pero sa
NICOLA I gritted my teeth. Nasa punto na ako naipapasok ko na si manoy sa butas ni manay nang bilang tumunog ang cellphone ko. Huminto ako sa pagkiskis ng matigas kong pagkakalalaki para sagutin iyon. "Argh! What are you doing?" Reklamo niya. Akma kong abutin ang cellphone pero pinigilan niya ang kamay ko. "Let me answer this first," sabi ko. Bumakat ang frustration sa mukha niya. Alam kong nabitin siya at tila nawalan siya ng gana ngayon. "Mas importante pa ba iyan?" Naiinis niyang turan. Sumalpok ang kilay ko. "No idea. Pero sasagutin ko lang, istorbo eh." "Fine. I will end this," dagli niya saka bumalik sa kinauupuan. Umaapoy ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang sinusuot ang damit. Wala na akong chance maka-score ngayon. Kawawa si Manoy. "Chanie, 'wag ka naman ganyan. Itutuloy pa rin natin," sabi ko habang nakatingin sa cellphone. Pesteng, Blake! Istorbo talaga, binibwesit ako. Baka nalaman niyang may milagro kaming ginagawa.Nakabusangot siyang kumibit balikat. "
NICOLA Sumiklab ang malaking apoy sa dibdib ko nang makitang may ibang kausap na lalaki si Chandria. Hindi ako magagalit kung hindi malagkit ang pagtitig nito. "Chandria Mielle!" Tawag ko. Mabibigat na yabag ang ginawa ko papunta sa kanila. Eksakto rin ang pagsuot ng lalaki sa maskara niya. "What the hell are you doing?" Hinatak ko s'ya palapit sa 'kin. "What's your problem?" Balik tanong, nalakipan pa ng masamang tingin. "Ikaw!" Sigaw ko sa mukha niya. "Ba't ka nanlalaki kahit alam mong nandito ako?" Hindi ko na mailarawan ang mukha niya. Kulang na lamang ay kakatayin niya ako. "Pambihira ka, Nic! Nagkabangga lang kami. Naghingi ako ng sorry, nanlalaki na kaagad? Masyado ka namang seloso!" Alma niya. Ngumiwi ako. Nilakasan ko ang pagpisil sa kamay niya. "Kung makatitig ka parang kayo lang sa mundo. Umuwi na tayo, Chandria Hindi ko na nagugustuhan ito!" Winaksi niya ang kamay ko. Lumaganap ang itim na hamog sa mukha niya na nagpapatunay na umabot na sa limitasyon ang
Kumikislap ang mga mata ko nang pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa vanity mirror. Kasalukuyan kong inaayusan ang sarili dahil pupunta kami sa auction. Mariin kong nilapat ang mga labi matapos lagyan ng lipstick. Pulang-pula ito gaya ng gusto ni Nicola saka pinaresan ko ng pulang dress na kumikinang sa liwanag.Una akong nanaog ng hagdan. Di ko hinintay si Nicola dahil nasa banyo pa siya. Hindi makapagpasya kung ano ang susuotin. Mas higit siya sa babae sa kaartehan, nakakaasar minsan.Huminto ako sa salamin ng sala. Sinugarado ko ang mukha kung pasok ba ang make-up ko para sa gabing ito. Humugot ako ng malalim na hininga sabay akma na susuotin ang maskara nang biglang may yumakap sa beywang ko. Nanayo ang balahibo ko sa mainit na hangin na dumapi sa batok ko. Namilog ang mga mata ko nang kumislap ang flash ng camera. Camera ng Iphone ni Nicola. "You're gorgeous," bulong niya na kinayanig ng puso ko. Nagwawala sa kilig ang sistema ko."Pero—"Ayos na sana kung wala ang pero.
CHANDRIA Nanakit ang lalamunan ko habang pinipigilan ang mga luha. Nasa sitwasyon ako ng matinding emosyon at nahihirapan akong iproseso ang nangyayari.Naikuyom ko ang mga palad, napako sa kinatatayuan. Nasa maaliwalas na sala kami ng mansyon ng Callagry. Kagaya ko ay mistulang bato ang mga magulang ko. Nahihirapan silang tignan ako ng deretso sa mga mata.I crossed my arms, and my jaw tightened as I took at them. "Chandria... h-hindi ko alam kong paano ko sisimulan," pasimula ni Mom. Sinubukan niya akong tignan. Tumango ako para ipahiwatig na nakikinig ako."Ilang taon akong binubulag ng pride ko. I believed Marga because... because it was easier to trust her than to question myself. I failed you as a mother."Mataimtim akong tinignan sa mga mata ni Dad. "We failed you, Chandria. May karapatan ka para kamuhian kami. Pinili namin makinig sa kasinungalingan ni Marga. Pinagdudahan ka namin kahit na ikaw mismo ang anal namin... at ano ito? Para sa katahimikan? Para maiwasan ang gulo
NICOLAHinila ako ang siko ni Chandria nang pagtangkaan siyang hablutin ni Marga. Nanginginig siya sa galit at parang gustong sabunutan si Marga."Enough, Marga! You've already done horrible things! I won't let you hurt her again. Hindi mo lang siya pinagbintangan kundi sinaktan pa. Hindi lang estafa ang ikakaso sa'yo kundi patong-patong na kaso na magpapabulok sa'yo sa bilangguan habambuhay!" Malalim at matalim kong bulyaw.Hindi siya natinag kundi ginawaran lamang ako ng umaapoy ng tingin. "Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! Inosente ako at gusto ko lang umunlad itong kompanya. Manloloko ang babaeng iyan! Gusto niya lang makuha ang simpatya niyo!" nangagalaiti niyang turan.Kinagat ni Chandria ang ibabang labi. "Hindi ko ginagamit ang simpatya ng iba. Sadyang tinutulungan ako ng Maykapal para ilalad ang pagsasamantala mo sa pamilya ko. Wala kang utang na loob, minanipula mo ang mga magulang ko. Ninakaw mo ang pera namin tapos sisirain mo ako para pagtakpan ang krimen mo. Sa takot m
NICOLA "Good job, bro," sabi ko kay Paolo nang tinapik ko ang balikat niya.Nandito kami sa labasan ng airport, sinasamahan ang mga pulis matapos nilang hulihin si Autumn. Muli ko siyang nakausap nang malaman ko na magkaibigan sila ni Chandria. Hindi ko sukat akalain na tatraidorin niya ito dahil sa pera. Nakilala niya si Marga dahil naging kaklase ito noong college sila. Parehong Business Administration ang kinuha pero dumiretso ng pagiging lawyar ang bayaw kong hilaw."Parehong-pareho kayo ni Chandria, may mga taong gusto kayong sirain. Sana mawala na ang mga ahas sa paligid niyo. Hindi ko maatim ang gano'ng gawain," komento ni Paolo.Tumango ako. Pinatong ko ang isang kamay sa itaas ng kilay habang pinagmamasdan ang pulis na pinapasok si Autumn sa sasakyan."At sana hindi ka rin maging katulad nila," biro ko.Matalim niya akong tiningnan. "Malabo akong maging ahas, sa sobrang honest ko, ikaw na lang ang maiinis. Saka hindi ko ipagpalit ang tulad mo. Mahirap hanapin ang red flag n