Share

61—Finally, together

Althea~

"Mikhael, sana pumayag ka. Pakasalan mo ako,"suhestyon ko ulit.

Umigting ang bagang niya. Saglit siyang napaisip saka bumuga ng hangin. Nasa hilatsa niya ang pagdadalawang isip pero tila papayag siya ngayon.

"Ayokong magpakasal sa'yo para sa kompanya,"prankang tugon niya.

Bumagsak ang pag-asa ko. "Please, makinig ka. Para ito sa ikakabuti ng lahat. Ayoko maging CEO, wala akong kakayahan tulad mo. Hindi ko kaya ang pagpapatayo ng H Towers. Ito lang ang sulosyon para maibalik ko sa'yo ang kompanya."

"Kakalabanin mo si Matteo,"malamig niyang sabi.

"Oo, at hindi ako natatakot sa kanya."

"Hindi ako papayag." Binitawan niya ang kamay ko.

Suminghap ako, bumalikas at umupo. Bahagya akong nahilo pero agad namang naglaho. "Mahal pa rin kita, Mikhael. Ginagawa ko ito para sa'yo at hindi para sa sarili ko. At ang totoo ikaw lang ang gusto kong pakasalan."

Umuwang ang bibig niya. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya maproseso ang sinabi ko. Matamlay niyang binagsak ang balikat at parang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status