Mikhael~"Tama ba itong desisyon mo?"Sinamaan ko ng tingin si Kendrix. Nakiusap ako sa kanya na hiramin ang private jet n'ya para dalhin ang pamilya ko sa Samal Island, doon sa Davao. Nakataon na pupunta s'ya roon para sa business meeting kaya heto sumabay kami. Natakot pa ako kanina na baka matakasan ako ni Althea, salamat binigyan ako ng oras ni Mom. Kinidnap ko siya para wala ng satsat."May isang salita ako, Drix. Kailangan ko lang turuan ng leksyon itong asawa ko at malayo-layo kami sa magulong metropolis. Nanakit na rin ang ulo ko sa ex ko. Muling nagbalik para sirain ako,"pahayag ko.Sumandal siya sabay patong ng paa. Kasalukuyang nasa byahe kami. "Pasalamat ka nabili mo ang loob ko kahit di na tayo magpinsan. Sa ngayon, pagbibigyan kita saka bilib din ako sa ex mo ha, may pagka-psychpopath ata. Magpakasal ba sa matanda? Ito si Althea, ingat mo 'yan baka biglang pa-kidnap-in ni Milena.""She's so desperate to me that's why she done it. I'll make sure Althea won't get hurt by
Mikhael~Dumampi sa pisngi ko ang maalat na hangin ng dagat nang nag-dock ang yate sa pier ng Samal Island. Sumasabog ang gintong liwanag ng papalubog na araw sa kumikinang na umaalong tubig. Maingay na nagdadaldal si Raven habang kumakapit sa balustre ng yate. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya."Doon ba ang beach house natin, Dad?" Usisa niya. Hindi mapunan ang sabik niya."Yeah, pagmamay-ari ni Tito Kendrix mo 'yan. Excited ka na bang maligo sa beach?" "Yes, Daddy. I want to scuba diving also,"sagot niya."Maybe next time. You're too young to do that. Mag-banana boat na muna tayo."Tumango-tango siya.Sinulyapan ko si Althea. Nakatayo sampung metro ang layo sa amin. Hindi maipinta ang mukha habang nakahalukipkip. Iniwan niyang magulo ang buhok, milya-milya ang layo ng isipan niya. Nainis ako kasi buong byahe ay wala kaming imikan.Kapagkuwan ay nasa harap na kami ng pribadong beach house ni Kendrix."Maayong hapon, Sir. Maligayang pagdating sa Samal Island. Nakahanda na po an
Althea~ "Hindi ko palalampasin ang ginawa mo,"matalim kong sambit. Nanakit ang lalamunan ko dahil sa pagpigil ng mga luha ko. "Hindi ako bola na basta mong lalaruin at paikot-ikutin. Tao lang ako, napapagod din." Nasa veranda kami ng beach house. Nakatayo siya dalawang metro ang layo sa akin. Nakakuyom ang kamay, nanigas ang panga. His dark eyes, usually filled with unwavering confidence, now swirled with desperation. "Theam I've never cheated on you. Not once. You've got to believe me." Lumapit siya. Nahihimigan ko ang hilaw niyang boses. I scoffed, crossing my arms over my chest. "Believe you? Gaya ng dati? Pinaniwala mo ako na mahal mo ako pero may fiance ka pala? Tapos sinabi mo pa na naghiwalay kayo pero hindi pala. Ang dali mo akong pinaikot, Mikhael. Pero... hindi na ako ignoranteng babae gaya ng dati." Pinilig niya ang ulo. "Sinusumpa ko, akong ni katiting na nararamdaman sa kanya. Binilog ako ng babaeng iyon, maniwala ka, nasa iyo palagi ang puso ko." I laugh bitterly,
Althea~Malumanay na lumalagaslas ang alon sa dalampasigan habang nag-aagaw ang kulay kahel, pula at lila sa kalangitan. Unti-unting lumulubog ang araw at lumalamig ang simoy ng hangin. Nadama ko ang pagod mula sa buong araw na pag-iikot at paglalaro kasama si Raven at Mikhael. Nilanghap ko ang maalat-alat na hangin at nanatiling pumapagting sa tainga ko ang tawanan namin kanina.I sat cross-legged on the sand, Raven curled up beside me, his small hands playing idly with a shell. Mikhael was across from us, the bonfire casting flickering shadows over his face, making him look both familiar and like a stranger at the same time. Pinayagan ko siyang gawin ang sinabi n'ya kagabi at umaasa akong di ito maiiwan sa isla.Nasa kandungan niya ang acoustic guitar, inaayos niya ang tono ng bawat strings para siguraduhing maitugtug niya ng tama. Tahimik ko siyang pinagmamasdan, parang lumambot ang puso ko at naawa sa kanya."Di ko alam na nagtutugtug ka pa rin n'yan,"basag katahimikan ko sa mala
⚠️🔞 reader discretion is adviced. Bawal sa bata. Alis kayo rito. Shu!Mikhael~"I can't believe that you're mine,"bulong ko.Huminto siya sa paghalik sa leeg ko para ngumiti at hinatak ang panga ko."I always been... sinisira mo palagi ang tiwala ko sa'yo eh. Mahal kita,Mikhael at pumapayag akong angkinin mo ako ngayon." Niyakap niya ako pagkasabi 'non.Gusto kong umiyak sa tuwa. Sana hindi ako nag-iilusyon, sana hindi matatapos dito ang totoong pagtingin namin sa isa't isa. Siya ang nag-iisang babaeng handa kong isugal ang sarili. Nababaliw ako sa tuwing masasaktan siya kaya sisiguraduhin kong 'wag na 'wag siyang pakawalan kahit maraming gustong sumira sa amin.Hinamas ko ang pang-upo niya hanggang sa sumakay siya sa'kin. Agad niya akong sinunggaban ng panibagong halik. This time, it was a torrid kiss. Pareho kaming init na init at di nagpaawat. Matagal-tagal din ang huling pagtatalik namin kaya sobra ko siyang nami-miss."Dito ba natin gagawin ito?" Mayamaya tanong niya nang tinang
Mikhael~Nagbago ang pakikitungo ni Althea matapos ang mainit na gabi. Halos langgamin sa sobrang sweet at parang linta sa kakadikit sa akin. Nilibot namin ang buong isla, namasyal sa Davao at ilang parte sa Mindanao. Sinamahan kami ni Kendrix sa huling araw namin. Pinangarap ko na sana hindi matapos ang araw namin sa payapang probinsiya. Parang gusto kong manirahan dito, malayo sa toxic na mga tao.Pinatong ko si Raven sa balikat ko nang naglakad kami patungo sa private jet ni Kendrix. Abot-tenga ang tawa ni Althea na sumusunod sa amin. Tinanggal niya ang shade ko nang makaapak sa hagdan. Binaba ko si Raven, at mabilis na tumakbo paakyat. Inakabayan ko si Althea na sabay kaming pumasok. Sinipat ko ang tumatawang si Kendrix. Pikit ang may inggit.Magkatabi kaming umupo ng asawa ko. Pinulupot niya ang kamay habang nakasandal sa balikat ko. Tiningnan ko siya, nanlalambot ang puso kong hinawi ang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya habang himbing na natutulog.Tumikhim si Kendrix kay
"Nasaan ka ba,Althea? Nasaan ka ba sa pitong taon na'to?" Nagagalit na bulong ni Mikhael sa akin, magkahalong frustration at umusbong na pagnanasa ang boses niya. His tall frame leaned heavily against me as I struggled to support his weight. Malapit na kami sa pintuan ng madilim niyang mansyon. Inalalayan ko siyang pumasok. "Lasing ka, Mikhael,"mahina kong usal. Wala na akong ibang narinig kundi ang malakas na pintig ng puso ko. Suminghap ako nang maamoy ko ang magkahalong perfume niya at ang mamahaling whiskey na ininom kanina sa bar. That same perfume he used to wear all those years ago... Dahilan para mangatal ako. Naalala ko ang una naming pakikita at ang mahalimuyak niyang perfume. "Sinong lasing?" Mapait siyang tumawa,pero sa basag na tono. "I still recognize you, baby. Seven years. Seven fucking years and you–"naputol ang pagsasalita niya ng matalisod siya at halos masusub sa sahig. Mabuti nasalo ko siya kaagad. Pinulupot ko ang kamay sa kanyang beywang. "Ihahatid na kita
ALTHEA~ "Buntis ka ba, Althea?"nag-aalalang bulyaw ng Mama ko matapos niyang makita akong sumusuka sa banyo. Matapos nang may nangyari sa 'min ni Mikhael, ang kasalukuyang boyfriend ko na nakilala ko lang sa blind date. Madalas akong makaramdam ng morning sickness. Mahihilo, masusuka, napapagod at minsan hinihimatay pa. Nagbunga ba ang mainit na gabing yon? Good news ito sa 'kin subalit hindi ko alam sa parte ni Mikhael. Isang magandang alaala at kabaliwan lang namin iyon. Hindi ko inaasahan na hahantong ako sa ganito. Malinaw pa rin sa 'kin ang bawat eksena at bawat bulong niya ng i love you sa tainga ko. That night is just a beautiful mistake, and I'll never regret it. "Sagutin mo ako, malilintikan kang bata ka sa akin!"sabi ulit ng nanay ko sa mataas na tono. Umuusok na ang ilong niya. My mother is a single parent. Iniwan kami ng ama ko noong 5 years old pa lamang ako. Bali-balita na isa siyang mayaman na CEO pero hindi niya kami pinaglaban. Kaya heto, mag-isang kumakayod