Share

71–Hotpot Dinner

Mikhael~

Dumampi sa pisngi ko ang maalat na hangin ng dagat nang nag-dock ang yate sa pier ng Samal Island. Sumasabog ang gintong liwanag ng papalubog na araw sa kumikinang na umaalong tubig. Maingay na nagdadaldal si Raven habang kumakapit sa balustre ng yate. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya.

"Doon ba ang beach house natin, Dad?" Usisa niya. Hindi mapunan ang sabik niya.

"Yeah, pagmamay-ari ni Tito Kendrix mo 'yan. Excited ka na bang maligo sa beach?"

"Yes, Daddy. I want to scuba diving also,"sagot niya.

"Maybe next time. You're too young to do that. Mag-banana boat na muna tayo."

Tumango-tango siya.

Sinulyapan ko si Althea. Nakatayo sampung metro ang layo sa amin. Hindi maipinta ang mukha habang nakahalukipkip. Iniwan niyang magulo ang buhok, milya-milya ang layo ng isipan niya. Nainis ako kasi buong byahe ay wala kaming imikan.

Kapagkuwan ay nasa harap na kami ng pribadong beach house ni Kendrix.

"Maayong hapon, Sir. Maligayang pagdating sa Samal Island. Nakahanda na po an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status