Share

75—Peaceful Lives

Mikhael~

Nagbago ang pakikitungo ni Althea matapos ang mainit na gabi. Halos langgamin sa sobrang sweet at parang linta sa kakadikit sa akin. Nilibot namin ang buong isla, namasyal sa Davao at ilang parte sa Mindanao. Sinamahan kami ni Kendrix sa huling araw namin. Pinangarap ko na sana hindi matapos ang araw namin sa payapang probinsiya. Parang gusto kong manirahan dito, malayo sa toxic na mga tao.

Pinatong ko si Raven sa balikat ko nang naglakad kami patungo sa private jet ni Kendrix. Abot-tenga ang tawa ni Althea na sumusunod sa amin. Tinanggal niya ang shade ko nang makaapak sa hagdan. Binaba ko si Raven, at mabilis na tumakbo paakyat. Inakabayan ko si Althea na sabay kaming pumasok. Sinipat ko ang tumatawang si Kendrix. Pikit ang may inggit.

Magkatabi kaming umupo ng asawa ko. Pinulupot niya ang kamay habang nakasandal sa balikat ko. Tiningnan ko siya, nanlalambot ang puso kong hinawi ang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya habang himbing na natutulog.

Tumikhim si Kendrix kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status