ALTHEAKakarating ko lang sa mansyion, bumibigat ang bawat hakbang ko sanhi ng pagod kong mga buto. Maingay ang tunog ng takong ko habang umaakyat ako sa hagdan, tila kinakalibutan ako sa nakakabinging katahimikan ng bahay. Namasyal ang mag-ama at pinili kong mamahinga muna.Bumihis muna ako, balak kong magluto ng champorado. Bigla akong na-crave. Kahit na mayaman kami ay mga simpleng pagkain pa rin ang kinakain ko. Nakakasawa rin ang mga bonggang-bonggang dessert at ulam.Nasa pasilyo ako, kamakanta sa ilalim ng boses ko. Eksaktong nasa punong-hagdan ako nang marinig ang maingay na yabag sa likuran ko. Before I could react, a harsh voice cut through the quiet."Where do you think you're going, you bastard..."Natigilan ako, hindi dahil natakot kundi napoot sa kanya. Ilang araw ko na siyang iniiwasan lalo na ang paulit-ulit niyang mga salita. Alam kong galit siya, gusto niya akong sirain at lahat gagawin niya mawala ako sa buhay ni Mikhael. I turned to her. Nilampasan ko ang nakakala
MikhaelSandali kong nakalimutan si Althea matapos niyang tulakin ang ina ko sa hagdan. Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko kung paano niya ginawa. Umaagaw ang galit at panlulumo sa aking sistema. Wala akong balak na kampihan ang isa sa kanila, alam kong nagkamali rin si Mom pero sa tindi ng taranta ko'y nakabitaw ako ng masamang salita imbes na makinig sa kanya. Dali-dali ko ring sinugod ang ina ko sa hospital.Nasa hospital room ako ni Mom at kausap ang doktor. Tatlong araw na ako rito pero hindi ko nakakausap si Althea. Nalaman kong umuwi siya sa kanila, pupuntahan ko sana pero di ko alam kung paano siya haharapin."Doc, how bad is it? Will she recover fully?" Nag-aalala kong tanong sa doktor."Mr. Henderson, it's quite miraculous. The fracture is not acute and there are no major complications. With proper care and rest, she should heal quickly—mas mabilis pa kesa sa mga karaniwang kaso kagaya nito,"paliwanag niya.Lumuwang ang pakiramdam ko. "Thank God... ano ba ang gagawin ko p
MikhaelPumunta ako sa bahay ng byanan ko sa Taguig nang gabing iyon. Malakas ang ihip ng hangin at nagliliparan ang tuyong mga dahon sa paligid ng bumaba ako sa sasakyan. Inayos ko ang polo shirt bago pinindot ang doorbell. Malakas ang kabog ng puso ko habang naghihintay at paulit-ulit na pina-practice sa isipan ang lahat ng pwedeng isabi kay Althea. My hands are fidgeting inside my pockets, and I'm afraid she will shun me away before I can explain to her."Sino po—Mikhael?" Nagugulantang tili ni Amelia."Ma, si Althea ho?" Usisa ko agad, di makahintay na makita ang asawa.Kumibit balikat siya at tiningnan ako ng masama. "B-Bakit? Hindi pa ba sapat sa'yo ang pang-aakusa mo sa kanya? Pumunta ka ngayon dito para sisihin siya sa ginawa ng magaling mong nanay. Kilala ko ang anak ko, kahit matindi ang galit niyan pero ni minsan ay di mag-iisip ng karasahan.""Hindi ko siya inaakusahan, Ma. Magpapaliwanag ako. Please, let me talk to her,"pagsusumamo ko."Hinihiling ko rin na sana bago mo a
MikhaelMalamlam ang liwanag ng pasilyong tinutunton ko patungo sa hospital room ng aking ina. Muli akong nagbalik upang tignan ang kalagayan niya. Pasado alas otso ng gabi, at tapos na ang oras ng pagbisita pero nakiusap ako sekyu. Dala ng impluwensya ko ay napapayag ko rin. My hand paused on the doorknob when I saw the door slightly ajar. Umalingaw-ngaw ang tuwang-tuwa na boses ni Mom at ng isa pang pamilyar na boses. Si Milena. Ano'ng ginagawa niya rito?I stayed rooted to the spot, my heart pounding as I listened."Parang magtatagumpay na ako,"sabi ni Mom. Nasa himig ang tagumpay. "You know, I let myself fall, darling. That girl—Althea—deserves to rot in jail. Mikhael won't stay with her after this."Malumanay na humalakhak si Milena. "You're brilliant, Auntie. Walang kaide-ideya ang bruha kong sino ang kinalaban niya. Sa wakas makukuha ko rin si Mikhael."Pinaikot niya sa galit ang tyan ko."And tha kidnapping attempt?" Tugon ni Mom, huminga muna saka binabaan ang boses. "That w
Althea~Isa-isa kong minulat ang mga mata nang maramdaman ang maaligam-gam na liwanag ng araw na nalumulusot sa kurtina ng kwarto. Bumalik ako sa mansyon matapos kaming magkaayos ni Mikhael. Naka-recover din si Aurelia at di na umuwi rito, nalaman ko na siya ang mastermind sa pagpapadakip sa akin. Masamang-masama ang loob ni Mikhael at sa kasamaang palain ay tinakwil niya ito, balak ko sanang tumutol pero huli na ang lahat. Naiintindihan ko si Aurelia kung bakit ganito ang trato niya. Nagmahal din siya pero hindi lang sinuklian. Masama rin sa loob ko na hindi siya nakakaranas ng kaligayahan sa buhay. Rubbing my eyes, I sat up on the enormous bed, trying to forget the events of the last days. Kapagkuwan ay bumukas ang pinto, heto—linuwa si Mikhael. His tall frame filled the doorway as he carefully carried a tray of food.Kinilig ako sandali. Sumusobra naman ang pag-aalaga niya. Wala akong sakit para dalhan niya ngayon ng breakfast."Good morning, Love," aniya na may malambing na ngit
Althea~Tumingala ako sa matayog na gusali. Ang H Tower ang mordenong gusali na "H" shaped ang design. Kumikinang ang salamin sa ilalim ng liwanag ng araw. Hinila ni Mikhael ang kamay ko kaya bumalik ang ulirat ko."Let's see, what's your opinion about this perfect project of ours?" Anas niya na may bahid ng ngiti sa labi. Hinawaan niya ako ng saya niya."I can't wait any longer,"bulong niya saka pinulupot ang kamay sa braso niya. Naka-abrisete kaming binabagatas ang pasilyo.Humayo na kami sa loob. I could feel his pride radiating off him, his steps confident and purposeful. This was his vision, the culmination of years of hard work, and I was honoured to be her with him on this final inspection day. Parang kailan lang, ang dami-dami ng nangyari sa amin pero salamat sa Poon Maykapal, hindi niya kami pinabayaan at patuloy kaming binibigyan ng maraming biyaya. Pinisil ko ang kamay ni Mikhael nang sumakay kami sa elevator patungo sa top floor. Pakiramdam ko, walang katapusan kaming sum
Mikhael~Sariwa pa sa memorya ko ang ganap kagabi. Pinasya namin ni Althea na tumungo sa L'Amore Night Club. Nagkataon na nandoon din si Kendrix, at Nicola. Panay ang kantyaw ng dalawa kaya hinila ko ang asawa ko sa kabilang parte para ma-solo ko. Um-order kami ng mojito—unang beses kong uminom ng ladies drink kaya medyo napikon ako. Ayaw niya ng hard drinks, wala akong magawa kundi sundin siya. Di kalaunan ay nalasing siya kahit nasa ika-limang baso pa lamang. Hayun, panay ang halakhak at sundot sa akin. Di rin pinapalagpas ang butterfly kisses. Kaya 'yon, nauna kaming umuwi. Kahit nasa labasan kami ng bar ay hindi siya makapagtimpi na makipaghalikan.Masunurin akong tao kaya sinusunod ko ang lahat ng gusto niya. Umuwi kaming naghahalikan pero nakatulog siya no'ng pinahiga ko sa kama. Sayang walang espesyal na nangyari sa amin. Sa gayong isipan, nagising ako sa realidad.Tinupo ko ang laptop, binaba ang fountain pen na hawak at tinampal ang noo. Unang beses kong nasaksihang nalasing
Mikhael ~"Parang baliw,"Althea snorted as I showed her the photos. Pabalik-balik niyang tiningnan hanggang sa mapagod siya at initsa sa dining table.Nasa bahay kami ngayong gabi. Pasado alas otso na, at naghahapunan pa lamang kami. "Ginagawa niya ang lahat ng paraan para paghiwalayin tayo,"blanko kong sabi habang hinihiwa ang beef stick.Uminom ng wine si Althea at sinalubong ang tingin ko. "Gusto niya siguro ng gyera. Pwes, pagbibigyan ko siya!"Binaba ko ang tinidor at kutsilyo. "Mababaliw ka rin kung papatulan mo siya.""Eh, ano ba ang gagawin ko para matigil siya?" Tila nauubusan ng pansensiya niyang turan.Ngumuya muna ako bago siya sinagot. "Hayaan mo siyang mapagod at mamamatay sa kahibangan niya,"mariin kong suhestyon. "Saka kailangan mo ng dobleng pag-iingat sa kanya."Tila natilihan siya at bumara ang hangin sa lalamuna niya. "Hindi ako natatakot. Dapat nang ituwid ang lahat ng kabaluktutan niya bago pa lumala.""May punto ka pero hindi siya madaling kalaban. Ayaw rin kit
MIKHAELI gently cradle my newborn son in my arms, my heart swelling with an overwhelming mix of joy and love. Kumikislap ang malambot na liwanag sa kanyang mukha na pinatitingkad ang kanyang mala-anghel na mukha. Pinupog ko siya ng halik sa pisngi. Tila matutunaw ako nang binuksan ni Rael ang kanyang mga mata. Kuhang-kuha niya ang kulay ng mga mata ko. Walang duda na anak ko siya. Magkahawig kami sa lahat ng angolo ng kanyang hitsura."Love, matutunaw na 'yan si Rael,"sabad ni Althea. Kakalabas niya galing sa banyo."Ako yata ang tinutunaw nito,"natatawa kong sabi na hinalikan ulit ang anak ko.Ngumingising umiling-iling ang asawa ko. Uuwi kami ngayong araw matapos ang tatlong araw na nanatili siya sila sa hospital. Sa wakas makakasama ko na rin ang anak ko. "Dad, patingin po kay Rael,"sumulpot si Raven. Napa-tiptoe siya para makita ang kapatid. Pabiro kong nilayo ito sa kanya."Dad! Ako kaya ang nagpangalan sa little brother ko kaya wala kang karapatan na pagkain siya sa akin!" Naw
MikhaelNakatirik na ang araw nang magising ako sa bench ng hospital. Dinilat ko ang mga mata nang may kumalibit sa akin."Son, how are you?" Bungad ni Dad.Parang gusto kong humikbi, imbes bumunting hininga ako. "I don't know if I'm okay or not, but Althea..."Umupo sa ko si Amelia. Hinagod niya ang likod ko. "Magiging maayos din ang lahat anak. Kilala ko si Althea, matapang siya at kaya niyang ilagtas ang sarili at ang anak niya.""S-Salamat, Ma. Parang ako mababaliw ngayon." Napahilamos ako ng mukha."Manalig ka. Hindi tayo bibiguin ng Diyos,"punong-puno ng pag-asang pahayag niya. Napansin ko ang hawak niyang rosaryo.Eksasperadong napameywang si Dad. "I still can't believe that Milena is capable of doing this. Nakilala ko siyang mabuting bata.""She turned insane because of me,"konklusyon ko.Umiling-iling siya. Sandali kaming nag-uusap pero mayamaya'y dumating ang doctor. Tumayo kami, matitigas ang ekspresyon na tinuun ang atensyon sa kanya."Mr. Henderson, I know you're worried,
MikhaelPasado ala una ng umaga. Madilim ang mansion ni Milena nang dumating kami. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa magkahalong poot at desperasyon. Dumadalantay ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang tinatahak namin ang hardin kasama si Nicola at ang SWAT team. Kanya-kanya silang pumwesto–maingat na nagmamatyag, alerto at tinitiyak na makakahanap ng pwedeng mapasukan na hindi mapapansin ng ilang tauhan ni Milena na abala sa pagmamatyag dito sa labas.I clenched my fists at my side. Hindi ko sukat akalain na naging ganito ka baliw si Milena para makuha ako. Titiyakin kong magsisisi siya sa pananakit ng mga taong mahal ko. Tutuldukan ko ang lahat sa araw na 'to."Stay sharp," bulong ni Nicola. I could feel the tension in the air– the danger, the anticipation.Dumako ang mga mata ko nang may bumuhay ng ilay sa isang kwarto sa ikalawang palapag. May ilang anino na naglakad-lakad saka agad na nawala. Malamang nanroon ang mag-ina ko.Kumaway si Nicola upang ipagbigay ala
Mikhael Binungad kami ng nagkikislapang kulay pula at asul na liwanag na nagmumula sa ilaw ng sasakyan ng mga pulis. Natapos din ang kaguluhan, ang isang problema ko sa tunay kong ama pero may naiwan pang mas matindi.My chest heaving as I stood amidst the aftermath, and the metallic taste of fear is still lingering on my tongue. Sinundan ko ng tingin ang mga puli habang inaalalayan nila si Georffrey—ang sugatan kong ama,papunta sa armed ambulance. Namamasa ng dugo ang balikat niya, maputla ang hitsura, masalimuot ang hitsura dahil sa kirot ng sugat pero nanatiling maangas. Nakasunod sa kanyang likuran si Mom na nakahiga sa stretch. Kumirot ang dibdib ko sa sitwasyon niya ngayon. Mukha siyang marupok, nangingisay at nilalaban na idilat ang mga mata. Ibang-iba ang mukha niya ngayon, nawala ang kaangasan niya bilang dignified at maawtoridad na babae.My mind spun for a second, barely able to process the whirlwind around him. Mayamaya ay nakita ko sa isang angolo ng akong mata si Giorg
AltheaDumantal ang malamig na bagay sa aking pisngi sanhi ng pagkagising ko. Nalaman kong nakahiga ako sa matigas at basang sahig. Pumitik ang kirot sa sentido ko nang ako'y pumiglas, at namalayang nakatali ang dalawang kamay ko na nasa aking likuran. Naka-plaster ang aking bibig, ramdam ko ang malagkit na adhesive na humihila sa aking labi. I blinked, trying to adjust to the dim, suffocating darkness around me. Mabigat at namamasa ang hangin, naamoy ko ang moulds na bumabara sa aking ilong. Narinig ko ang mahinang patak ng tubig sa di kalayuan, at tila sinisipsip ng lamig ang mga buto ko. Pakiramdam ko nilibing ako sa ilalim ng mansyon, huli nang mabatid kong nasa underground prison ako ng mansiyon. Hindi ko lubos akalain na may ganitong lugar sa pamamahay ni Milena. Sadyang pinanganak siyang masamang tao.Then, I heard it—a soft, pitiful sound that made my blood run cold. May isang batang umiiyak. Kilala ko ito. Bumilis ang pintig ng puso ko nang hinanap ko ito.Raven! Nais kong i
Althea~Umaapaw ang paghihinagpis ko matapos malaman na kinidnap din si Mikhael. Dinala ako ni Nicola sa mansyon. Sinubukan niyang pakalmahin pero hindi ako huminto sa pag-iyak. Kapagkuwan ay dumating si Mama. Lalo akong umiyak nang makita ko siya."Ma, pinaparusahan ba ako ng Diyos? Hindi lang si Raven ang nawala pati na rin si Mikhael. Nawalan ako ng dalawa,Ma. Ano nang gagawin ko ngayon?" Durog na durog ang puso kong hiyaw.Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa sala. Niyapos niya ako, lumuluha habang hinahagod ang likod ko. "'Wag kang mawalan ng pag-asa. Mababalik din natin sila.""Para akong mababaliw. Takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa kanila,"daing ko.Bumuntong hininga si Nicola. "Althea, nahanap na namin ang lokasyon ni Milena. Lulusubin namin siya ngayong gabi mismo,"imporma ni Nicola. Marahil napagod itago sa akin ang totoo.Umalis sila kanina ni Mikhael na di nagpapaalam.Tumahan ako. Dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso nang tumingin sa kanya.
Mikhael~Nagpakapal ako ng mukha. Pinakita kong hindi ako natinag sa pananakot niya."Ibibigay mo ang 100 million o papatayin ko ang nanay mo?"I gritted my teeth. "Patayin mo, wala akong pakialam. Tutal malaki rin ang atraso niya sa'kin."Nandilat siya. Binaba niya ang baril. "Pareho talaga kayo ng kapatid mo. Paminsan-minsan lang gumagana ang utak. Hayun, muntik ko pang napatay. Salamat sa'yo, nadala mo siya hospital.""At ano namang pinagsasabi mo?" Tuluyan kong nakalagan ang mga kamay. Kung sakali mang may manggugulo sa'min, siguradong makakatakas ako."Mahal na mahal ka ng kapatid mong si Giorgianna, Mikhael. Handang-handa siyang ibuwis ang buhay para sa'yo,"tila nangigil niyang sambit.Mistulang binuhusan ako ng malamig na tubig nang madiskubre na kapatid ko si Giorgianna. Sa haba ng panahon, matagal na palang alam ni Giorgianna at tinago niya para sa kaligtasan ko."Nagtagumpay nga siyang maging magkalapit kayo pero hindi naman nagawang perahan ka. Sobrang duwag! Sana pinangana
Mikhael Bago ko maligtas ang anak ko ay parang ako ang unang napahamak. Nasa kasagsagan ako sa pagpaplano para mahanap ang lokasyon ni Milena. Pababa ako sa huling baitang ng hagdan ng bukana ng company building nang may itim na van ang huminto sa harap ko. Patungo ako sa kotse ko at sumusunod si Nicola kasama ang mga alalay niya nang hinatak ako ng napakaraming lalaki na naka-itim na bonnet saka sinilid sa van. Huli na para iligtas ako ni Nicola sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ako makaakto nang pinasinghot nila ako ng pampatulog.Nagising ako sa isang sala ng marangyang mansion. Kinurap-kurap ko ang humahapdi kong mga mata. Malabo ang mga 'yon nang inikot ko ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar.Ano naman ba ang iniisip ng hinayupak? Hindi ba sapat si Raven?Natuklasan kong nakagapos ang kamay at paa ko sa silya. Wala akong ideya kung ilang oras na ako rito. Kahit ano ang pamimiglas ko ay di ako makakawala. "Putang inamo, Milena! Nasaan ang anak ko? Pakaw
AltheaMuntik akong mawindang, mabuti'y agad akong hinawakan sa braso ni Mikhael."Ano'ng ginawa mo kay Raven? Milena sagutin mo ko!" Pigil ang mga luha kong sabi, niyayanig na rin ang buong kalaman ko.Tumigas ng panga ni Mikhael sa pag-alala."Wala. Gusto niya lang makipaglaro kaya sinama ko. Ang cute ni Raven pero kawawa naman. Alam mo kung bakit? Ikaw kasi ang nanay niya eh,"paarte niyang saad na may tawa sa dulo."Ano'ng pinagsasabi mo? Nasaan ang anak ko? Sagutin mo ko, ano'ng ginawa mo sa kanya?""Relax, Althea. He's safe for now. But I have a condition if you want you son.""What is it?""Iwan mo si Mikhael. Lumayo ka sa lugar na ito at hindi ka na magpapakita sa amin habambuhay!"I gritted my teeth, nanginginig na ako sa galit. "Ang lakas ng loob mong idamay ang anak ko sa kabaliwan mo! Napakababa mo, Milena! I warn you never ever touch my son!""I'll never hurt him if you follow. Pero kung magmatigas ka... hmmm, hindi ko masisigurado ang kaligtasan niya,"she snarled."Subuka