MikhaelMalamlam ang liwanag ng pasilyong tinutunton ko patungo sa hospital room ng aking ina. Muli akong nagbalik upang tignan ang kalagayan niya. Pasado alas otso ng gabi, at tapos na ang oras ng pagbisita pero nakiusap ako sekyu. Dala ng impluwensya ko ay napapayag ko rin. My hand paused on the doorknob when I saw the door slightly ajar. Umalingaw-ngaw ang tuwang-tuwa na boses ni Mom at ng isa pang pamilyar na boses. Si Milena. Ano'ng ginagawa niya rito?I stayed rooted to the spot, my heart pounding as I listened."Parang magtatagumpay na ako,"sabi ni Mom. Nasa himig ang tagumpay. "You know, I let myself fall, darling. That girl—Althea—deserves to rot in jail. Mikhael won't stay with her after this."Malumanay na humalakhak si Milena. "You're brilliant, Auntie. Walang kaide-ideya ang bruha kong sino ang kinalaban niya. Sa wakas makukuha ko rin si Mikhael."Pinaikot niya sa galit ang tyan ko."And tha kidnapping attempt?" Tugon ni Mom, huminga muna saka binabaan ang boses. "That w
Althea~Isa-isa kong minulat ang mga mata nang maramdaman ang maaligam-gam na liwanag ng araw na nalumulusot sa kurtina ng kwarto. Bumalik ako sa mansyon matapos kaming magkaayos ni Mikhael. Naka-recover din si Aurelia at di na umuwi rito, nalaman ko na siya ang mastermind sa pagpapadakip sa akin. Masamang-masama ang loob ni Mikhael at sa kasamaang palain ay tinakwil niya ito, balak ko sanang tumutol pero huli na ang lahat. Naiintindihan ko si Aurelia kung bakit ganito ang trato niya. Nagmahal din siya pero hindi lang sinuklian. Masama rin sa loob ko na hindi siya nakakaranas ng kaligayahan sa buhay. Rubbing my eyes, I sat up on the enormous bed, trying to forget the events of the last days. Kapagkuwan ay bumukas ang pinto, heto—linuwa si Mikhael. His tall frame filled the doorway as he carefully carried a tray of food.Kinilig ako sandali. Sumusobra naman ang pag-aalaga niya. Wala akong sakit para dalhan niya ngayon ng breakfast."Good morning, Love," aniya na may malambing na ngit
Althea~Tumingala ako sa matayog na gusali. Ang H Tower ang mordenong gusali na "H" shaped ang design. Kumikinang ang salamin sa ilalim ng liwanag ng araw. Hinila ni Mikhael ang kamay ko kaya bumalik ang ulirat ko."Let's see, what's your opinion about this perfect project of ours?" Anas niya na may bahid ng ngiti sa labi. Hinawaan niya ako ng saya niya."I can't wait any longer,"bulong niya saka pinulupot ang kamay sa braso niya. Naka-abrisete kaming binabagatas ang pasilyo.Humayo na kami sa loob. I could feel his pride radiating off him, his steps confident and purposeful. This was his vision, the culmination of years of hard work, and I was honoured to be her with him on this final inspection day. Parang kailan lang, ang dami-dami ng nangyari sa amin pero salamat sa Poon Maykapal, hindi niya kami pinabayaan at patuloy kaming binibigyan ng maraming biyaya. Pinisil ko ang kamay ni Mikhael nang sumakay kami sa elevator patungo sa top floor. Pakiramdam ko, walang katapusan kaming sum
Mikhael~Sariwa pa sa memorya ko ang ganap kagabi. Pinasya namin ni Althea na tumungo sa L'Amore Night Club. Nagkataon na nandoon din si Kendrix, at Nicola. Panay ang kantyaw ng dalawa kaya hinila ko ang asawa ko sa kabilang parte para ma-solo ko. Um-order kami ng mojito—unang beses kong uminom ng ladies drink kaya medyo napikon ako. Ayaw niya ng hard drinks, wala akong magawa kundi sundin siya. Di kalaunan ay nalasing siya kahit nasa ika-limang baso pa lamang. Hayun, panay ang halakhak at sundot sa akin. Di rin pinapalagpas ang butterfly kisses. Kaya 'yon, nauna kaming umuwi. Kahit nasa labasan kami ng bar ay hindi siya makapagtimpi na makipaghalikan.Masunurin akong tao kaya sinusunod ko ang lahat ng gusto niya. Umuwi kaming naghahalikan pero nakatulog siya no'ng pinahiga ko sa kama. Sayang walang espesyal na nangyari sa amin. Sa gayong isipan, nagising ako sa realidad.Tinupo ko ang laptop, binaba ang fountain pen na hawak at tinampal ang noo. Unang beses kong nasaksihang nalasing
Mikhael ~"Parang baliw,"Althea snorted as I showed her the photos. Pabalik-balik niyang tiningnan hanggang sa mapagod siya at initsa sa dining table.Nasa bahay kami ngayong gabi. Pasado alas otso na, at naghahapunan pa lamang kami. "Ginagawa niya ang lahat ng paraan para paghiwalayin tayo,"blanko kong sabi habang hinihiwa ang beef stick.Uminom ng wine si Althea at sinalubong ang tingin ko. "Gusto niya siguro ng gyera. Pwes, pagbibigyan ko siya!"Binaba ko ang tinidor at kutsilyo. "Mababaliw ka rin kung papatulan mo siya.""Eh, ano ba ang gagawin ko para matigil siya?" Tila nauubusan ng pansensiya niyang turan.Ngumuya muna ako bago siya sinagot. "Hayaan mo siyang mapagod at mamamatay sa kahibangan niya,"mariin kong suhestyon. "Saka kailangan mo ng dobleng pag-iingat sa kanya."Tila natilihan siya at bumara ang hangin sa lalamuna niya. "Hindi ako natatakot. Dapat nang ituwid ang lahat ng kabaluktutan niya bago pa lumala.""May punto ka pero hindi siya madaling kalaban. Ayaw rin kit
Althea~Pinasya kong bumisita kay Giorgianna ngayong araw ng sabado. Wala akong trabaho dahil pina-home arrest ako ni Mikhael matapos ang isang araw ng papamasyal niya kasama si Raven. Naawa raw siya sa nakakalunod na trabaho ko kahapon. No'ng una, akala ko nagbibiro lang pero seryoso pala. Dumaan muna ako sa tindahang buko pie. Iyon ang paboritong meryenda ni Giorgianna, nireregalo ko ito tuwing birthday o may natatagumapayan siyang bagay. Nai-excite akong makita siya kaya panay ang tawag ko no'ng nasa bahay pa ako.Lakad-takbo ang ginawa ko nang pumasok ako sa gate nila. Nakapagtataka kasi naiwang nakabukas iyon. Naalerto ako, mabilis na pumasok bitbit ang kahon ng buko pie. I didn't bother knocking; she always said I could walk in like family. Mag-isa siyang naninirahan sa tahanang ito, sapagkat single siya at biktima ng broken family.Nang makarating ako sa pintuan, inagaw ng atensyon ko ang kakaibang tunog—na sinundan ng kalabog ng bagay na bumagsak sa sahig at ipit na ipit na i
AltheaTangan ang isang bag ng grocery ay kumakanta akong pumasok sa bahay ni Mama. Papalubog ang araw nang makarating ako, kinumbinsi ko pa si Mikhael na sunduin si Raven at nagpaalam ako na dadaan dito para ibigay ang gamot na hinihingi ni Mama. Mataas na naman ang uric acid niya kaya hayun, ni-ra-rheuma."I'm home,"masaya kong pahayag. Tyempong pag-angat ko ng ulo ay nasalubong ko si Dad.What the hell is he doing here? Siya ang nagsabi mismo na di na magpapakita sa amin."Althea,"anas niya.Namilog ang mga mata ko. "What are you doing here?" Nilipat-lipat ko ang tingin sa pagitan nila. Uminit bigla ang batok ko at parang siniil ako ng inis. Dalawang bagay ang kinainis ko: una, ang pagiging tigasin niya sa di pagpatawad at pagtanggap sa asawa ko. Pangalawa, ang pagtakwil niya akin pero hindi niya pala kaya."Pinagsisihan ko ang ginawa ko sa inyo, anak,"tila naiiyak niyang tapat.Binaba ko ang dala sa mesita. Sumulyap muna ako kay mama na naka-upo sa sofa habang dinadamdam ang saki
MIKHAEL Hinanda ko ang sarili. Kasalukuyang nasa dulo ako ng salat at hinihintay si Althea. Naiinip akong inaayos ang kurbata o di kaya hinihimas ang ulo. Nawawala ako sa sarili dahil sa maraming iniisip tungkol sa bagong tayong H tower. Ngayong gabi gaganapin ang pagbukas nito at imbitado ang lahat. Inaagaw ang pansin ko nang umalingawngaw ang mahinang yabag ng takong na bumababa sa hagdan. Natilihan ako nang bumaling doon.Althea. Nananaog na parang dyosa sa hagdan. Kumikinang ang kanyang emerald dress na perpektong humulma ang balingkinitan niyang katawan, bawat sinag ng liwanag na mahuhuli ng damit niya ay parang pinapasabog ang maliliit na tala. Nakalugay ang hanggang dibdib niyang buhok, at mistula akong pinana ni kupido ng nakakasilaw niyang ngiti. I had seen her countless times, but tonight, she was ethereal.Saglit kong nakalimutang huminga. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Totoo ba o panaginip lang?"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya agad, nasa himig ang panunuks
MIKHAELI gently cradle my newborn son in my arms, my heart swelling with an overwhelming mix of joy and love. Kumikislap ang malambot na liwanag sa kanyang mukha na pinatitingkad ang kanyang mala-anghel na mukha. Pinupog ko siya ng halik sa pisngi. Tila matutunaw ako nang binuksan ni Rael ang kanyang mga mata. Kuhang-kuha niya ang kulay ng mga mata ko. Walang duda na anak ko siya. Magkahawig kami sa lahat ng angolo ng kanyang hitsura."Love, matutunaw na 'yan si Rael,"sabad ni Althea. Kakalabas niya galing sa banyo."Ako yata ang tinutunaw nito,"natatawa kong sabi na hinalikan ulit ang anak ko.Ngumingising umiling-iling ang asawa ko. Uuwi kami ngayong araw matapos ang tatlong araw na nanatili siya sila sa hospital. Sa wakas makakasama ko na rin ang anak ko. "Dad, patingin po kay Rael,"sumulpot si Raven. Napa-tiptoe siya para makita ang kapatid. Pabiro kong nilayo ito sa kanya."Dad! Ako kaya ang nagpangalan sa little brother ko kaya wala kang karapatan na pagkain siya sa akin!" Naw
MikhaelNakatirik na ang araw nang magising ako sa bench ng hospital. Dinilat ko ang mga mata nang may kumalibit sa akin."Son, how are you?" Bungad ni Dad.Parang gusto kong humikbi, imbes bumunting hininga ako. "I don't know if I'm okay or not, but Althea..."Umupo sa ko si Amelia. Hinagod niya ang likod ko. "Magiging maayos din ang lahat anak. Kilala ko si Althea, matapang siya at kaya niyang ilagtas ang sarili at ang anak niya.""S-Salamat, Ma. Parang ako mababaliw ngayon." Napahilamos ako ng mukha."Manalig ka. Hindi tayo bibiguin ng Diyos,"punong-puno ng pag-asang pahayag niya. Napansin ko ang hawak niyang rosaryo.Eksasperadong napameywang si Dad. "I still can't believe that Milena is capable of doing this. Nakilala ko siyang mabuting bata.""She turned insane because of me,"konklusyon ko.Umiling-iling siya. Sandali kaming nag-uusap pero mayamaya'y dumating ang doctor. Tumayo kami, matitigas ang ekspresyon na tinuun ang atensyon sa kanya."Mr. Henderson, I know you're worried,
MikhaelPasado ala una ng umaga. Madilim ang mansion ni Milena nang dumating kami. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa magkahalong poot at desperasyon. Dumadalantay ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang tinatahak namin ang hardin kasama si Nicola at ang SWAT team. Kanya-kanya silang pumwesto–maingat na nagmamatyag, alerto at tinitiyak na makakahanap ng pwedeng mapasukan na hindi mapapansin ng ilang tauhan ni Milena na abala sa pagmamatyag dito sa labas.I clenched my fists at my side. Hindi ko sukat akalain na naging ganito ka baliw si Milena para makuha ako. Titiyakin kong magsisisi siya sa pananakit ng mga taong mahal ko. Tutuldukan ko ang lahat sa araw na 'to."Stay sharp," bulong ni Nicola. I could feel the tension in the air– the danger, the anticipation.Dumako ang mga mata ko nang may bumuhay ng ilay sa isang kwarto sa ikalawang palapag. May ilang anino na naglakad-lakad saka agad na nawala. Malamang nanroon ang mag-ina ko.Kumaway si Nicola upang ipagbigay ala
Mikhael Binungad kami ng nagkikislapang kulay pula at asul na liwanag na nagmumula sa ilaw ng sasakyan ng mga pulis. Natapos din ang kaguluhan, ang isang problema ko sa tunay kong ama pero may naiwan pang mas matindi.My chest heaving as I stood amidst the aftermath, and the metallic taste of fear is still lingering on my tongue. Sinundan ko ng tingin ang mga puli habang inaalalayan nila si Georffrey—ang sugatan kong ama,papunta sa armed ambulance. Namamasa ng dugo ang balikat niya, maputla ang hitsura, masalimuot ang hitsura dahil sa kirot ng sugat pero nanatiling maangas. Nakasunod sa kanyang likuran si Mom na nakahiga sa stretch. Kumirot ang dibdib ko sa sitwasyon niya ngayon. Mukha siyang marupok, nangingisay at nilalaban na idilat ang mga mata. Ibang-iba ang mukha niya ngayon, nawala ang kaangasan niya bilang dignified at maawtoridad na babae.My mind spun for a second, barely able to process the whirlwind around him. Mayamaya ay nakita ko sa isang angolo ng akong mata si Giorg
AltheaDumantal ang malamig na bagay sa aking pisngi sanhi ng pagkagising ko. Nalaman kong nakahiga ako sa matigas at basang sahig. Pumitik ang kirot sa sentido ko nang ako'y pumiglas, at namalayang nakatali ang dalawang kamay ko na nasa aking likuran. Naka-plaster ang aking bibig, ramdam ko ang malagkit na adhesive na humihila sa aking labi. I blinked, trying to adjust to the dim, suffocating darkness around me. Mabigat at namamasa ang hangin, naamoy ko ang moulds na bumabara sa aking ilong. Narinig ko ang mahinang patak ng tubig sa di kalayuan, at tila sinisipsip ng lamig ang mga buto ko. Pakiramdam ko nilibing ako sa ilalim ng mansyon, huli nang mabatid kong nasa underground prison ako ng mansiyon. Hindi ko lubos akalain na may ganitong lugar sa pamamahay ni Milena. Sadyang pinanganak siyang masamang tao.Then, I heard it—a soft, pitiful sound that made my blood run cold. May isang batang umiiyak. Kilala ko ito. Bumilis ang pintig ng puso ko nang hinanap ko ito.Raven! Nais kong i
Althea~Umaapaw ang paghihinagpis ko matapos malaman na kinidnap din si Mikhael. Dinala ako ni Nicola sa mansyon. Sinubukan niyang pakalmahin pero hindi ako huminto sa pag-iyak. Kapagkuwan ay dumating si Mama. Lalo akong umiyak nang makita ko siya."Ma, pinaparusahan ba ako ng Diyos? Hindi lang si Raven ang nawala pati na rin si Mikhael. Nawalan ako ng dalawa,Ma. Ano nang gagawin ko ngayon?" Durog na durog ang puso kong hiyaw.Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa sala. Niyapos niya ako, lumuluha habang hinahagod ang likod ko. "'Wag kang mawalan ng pag-asa. Mababalik din natin sila.""Para akong mababaliw. Takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa kanila,"daing ko.Bumuntong hininga si Nicola. "Althea, nahanap na namin ang lokasyon ni Milena. Lulusubin namin siya ngayong gabi mismo,"imporma ni Nicola. Marahil napagod itago sa akin ang totoo.Umalis sila kanina ni Mikhael na di nagpapaalam.Tumahan ako. Dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso nang tumingin sa kanya.
Mikhael~Nagpakapal ako ng mukha. Pinakita kong hindi ako natinag sa pananakot niya."Ibibigay mo ang 100 million o papatayin ko ang nanay mo?"I gritted my teeth. "Patayin mo, wala akong pakialam. Tutal malaki rin ang atraso niya sa'kin."Nandilat siya. Binaba niya ang baril. "Pareho talaga kayo ng kapatid mo. Paminsan-minsan lang gumagana ang utak. Hayun, muntik ko pang napatay. Salamat sa'yo, nadala mo siya hospital.""At ano namang pinagsasabi mo?" Tuluyan kong nakalagan ang mga kamay. Kung sakali mang may manggugulo sa'min, siguradong makakatakas ako."Mahal na mahal ka ng kapatid mong si Giorgianna, Mikhael. Handang-handa siyang ibuwis ang buhay para sa'yo,"tila nangigil niyang sambit.Mistulang binuhusan ako ng malamig na tubig nang madiskubre na kapatid ko si Giorgianna. Sa haba ng panahon, matagal na palang alam ni Giorgianna at tinago niya para sa kaligtasan ko."Nagtagumpay nga siyang maging magkalapit kayo pero hindi naman nagawang perahan ka. Sobrang duwag! Sana pinangana
Mikhael Bago ko maligtas ang anak ko ay parang ako ang unang napahamak. Nasa kasagsagan ako sa pagpaplano para mahanap ang lokasyon ni Milena. Pababa ako sa huling baitang ng hagdan ng bukana ng company building nang may itim na van ang huminto sa harap ko. Patungo ako sa kotse ko at sumusunod si Nicola kasama ang mga alalay niya nang hinatak ako ng napakaraming lalaki na naka-itim na bonnet saka sinilid sa van. Huli na para iligtas ako ni Nicola sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ako makaakto nang pinasinghot nila ako ng pampatulog.Nagising ako sa isang sala ng marangyang mansion. Kinurap-kurap ko ang humahapdi kong mga mata. Malabo ang mga 'yon nang inikot ko ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar.Ano naman ba ang iniisip ng hinayupak? Hindi ba sapat si Raven?Natuklasan kong nakagapos ang kamay at paa ko sa silya. Wala akong ideya kung ilang oras na ako rito. Kahit ano ang pamimiglas ko ay di ako makakawala. "Putang inamo, Milena! Nasaan ang anak ko? Pakaw
AltheaMuntik akong mawindang, mabuti'y agad akong hinawakan sa braso ni Mikhael."Ano'ng ginawa mo kay Raven? Milena sagutin mo ko!" Pigil ang mga luha kong sabi, niyayanig na rin ang buong kalaman ko.Tumigas ng panga ni Mikhael sa pag-alala."Wala. Gusto niya lang makipaglaro kaya sinama ko. Ang cute ni Raven pero kawawa naman. Alam mo kung bakit? Ikaw kasi ang nanay niya eh,"paarte niyang saad na may tawa sa dulo."Ano'ng pinagsasabi mo? Nasaan ang anak ko? Sagutin mo ko, ano'ng ginawa mo sa kanya?""Relax, Althea. He's safe for now. But I have a condition if you want you son.""What is it?""Iwan mo si Mikhael. Lumayo ka sa lugar na ito at hindi ka na magpapakita sa amin habambuhay!"I gritted my teeth, nanginginig na ako sa galit. "Ang lakas ng loob mong idamay ang anak ko sa kabaliwan mo! Napakababa mo, Milena! I warn you never ever touch my son!""I'll never hurt him if you follow. Pero kung magmatigas ka... hmmm, hindi ko masisigurado ang kaligtasan niya,"she snarled."Subuka