Althea~Malumanay na lumalagaslas ang alon sa dalampasigan habang nag-aagaw ang kulay kahel, pula at lila sa kalangitan. Unti-unting lumulubog ang araw at lumalamig ang simoy ng hangin. Nadama ko ang pagod mula sa buong araw na pag-iikot at paglalaro kasama si Raven at Mikhael. Nilanghap ko ang maalat-alat na hangin at nanatiling pumapagting sa tainga ko ang tawanan namin kanina.I sat cross-legged on the sand, Raven curled up beside me, his small hands playing idly with a shell. Mikhael was across from us, the bonfire casting flickering shadows over his face, making him look both familiar and like a stranger at the same time. Pinayagan ko siyang gawin ang sinabi n'ya kagabi at umaasa akong di ito maiiwan sa isla.Nasa kandungan niya ang acoustic guitar, inaayos niya ang tono ng bawat strings para siguraduhing maitugtug niya ng tama. Tahimik ko siyang pinagmamasdan, parang lumambot ang puso ko at naawa sa kanya."Di ko alam na nagtutugtug ka pa rin n'yan,"basag katahimikan ko sa mala
⚠️🔞 reader discretion is adviced. Bawal sa bata. Alis kayo rito. Shu!Mikhael~"I can't believe that you're mine,"bulong ko.Huminto siya sa paghalik sa leeg ko para ngumiti at hinatak ang panga ko."I always been... sinisira mo palagi ang tiwala ko sa'yo eh. Mahal kita,Mikhael at pumapayag akong angkinin mo ako ngayon." Niyakap niya ako pagkasabi 'non.Gusto kong umiyak sa tuwa. Sana hindi ako nag-iilusyon, sana hindi matatapos dito ang totoong pagtingin namin sa isa't isa. Siya ang nag-iisang babaeng handa kong isugal ang sarili. Nababaliw ako sa tuwing masasaktan siya kaya sisiguraduhin kong 'wag na 'wag siyang pakawalan kahit maraming gustong sumira sa amin.Hinamas ko ang pang-upo niya hanggang sa sumakay siya sa'kin. Agad niya akong sinunggaban ng panibagong halik. This time, it was a torrid kiss. Pareho kaming init na init at di nagpaawat. Matagal-tagal din ang huling pagtatalik namin kaya sobra ko siyang nami-miss."Dito ba natin gagawin ito?" Mayamaya tanong niya nang tinang
Mikhael~Nagbago ang pakikitungo ni Althea matapos ang mainit na gabi. Halos langgamin sa sobrang sweet at parang linta sa kakadikit sa akin. Nilibot namin ang buong isla, namasyal sa Davao at ilang parte sa Mindanao. Sinamahan kami ni Kendrix sa huling araw namin. Pinangarap ko na sana hindi matapos ang araw namin sa payapang probinsiya. Parang gusto kong manirahan dito, malayo sa toxic na mga tao.Pinatong ko si Raven sa balikat ko nang naglakad kami patungo sa private jet ni Kendrix. Abot-tenga ang tawa ni Althea na sumusunod sa amin. Tinanggal niya ang shade ko nang makaapak sa hagdan. Binaba ko si Raven, at mabilis na tumakbo paakyat. Inakabayan ko si Althea na sabay kaming pumasok. Sinipat ko ang tumatawang si Kendrix. Pikit ang may inggit.Magkatabi kaming umupo ng asawa ko. Pinulupot niya ang kamay habang nakasandal sa balikat ko. Tiningnan ko siya, nanlalambot ang puso kong hinawi ang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya habang himbing na natutulog.Tumikhim si Kendrix kay
Althea~"Ma, mapakibukas ho ng pinto!" Tawag ko kay Mama nang marinig ang door bell.Sumasala ang liwanag ng araw sa kurtina ng bintana sa hapong ito habang abala ako sa pagde-decorate ng sala. Sa bahay ni Mama namin gaganapin ang simpleng 8th birthday ni Raven. Pinili ko ang modestang lugar dahil nakakagaan ng loob dito kaysa sa mansyon."Oh, ikaw pala hijo." Dinig kong gulat na sambit ni Mama. Naamoy ko ang bagong bake na cupcakes at ibang matatamis mula sa kusina habang nililingon ang kausap niya.Lumiwanag ang mukha ni Mikhael nang masipat niya ako. Nagpista agad ang mga mata ko sa magandang tanawin, walang makakalamang sa kakisigan at kagwapuhan niya. Tinutukso tuloy akong paglandasin ang mga daliri ko sa walong pandesal niya. Sinabit ko muna ng maigi ang balloon saka bumaba."Nasaan ang cake?" Bungad ko, sa sobrang alaala na wala ang cake ay nakaligtaan kong yakapin siya bilang pagbati. Never mind, araw-araw naman kami nagyayakapan.Lumabi siya sabay iling. Iniripan ko siya, pin
Althea~"Nandito ako sa SM ngayon. Iyong mall na madalas kong pinupuntahan. H'wag mo na lang ako susunduin kasi kasama ko si Riley," mabilis kong sambit sa voice message at pinadala kay Mikhael.Nakakunot ang noo kong sinuksuk pabalik ang cellphone sa bag. Gaya ng binanggit ko, kasama ko si Riley. Nagkrus ulit ang landas namin sa mall habang namimili ako ng regalo kay Mikhael. Gusto kong bumawi sa kanya sa susunod niyang kaarawan. Dalawang linggo matapos ang birthday ni Raven ay birthday din niya. Nov. 18 ang anak namin at siya ay Dec. 8. Naiinis ako kasi nauna akong nag-birthday sa kanila: Jan. 13 sa akin."Pasensiya ka na pati ikaw naabala ko,"nahihiya akong sambit."Wala 'yon. Tama lang na may kasama ako kasi boring din mag-isa. Saka maka-escape na rin sa trabaho,"giit niya.Na-guilty ako, sumibat ako sa opisina na di nagpapaalam. Malamang hinahanap na nila ako lalo na si Darlene. "Saan ka ba ngayon?"Kaswal kong tanong.Nag-isip muna siya. "Gusto ng kape?""Sure, basta 'yong malam
Mikhael~"Oh, please. Don't be like that Mikhael,"tila nuubusan ng pasensiyang wika ni Althea habang hinahabol ako.Padaskol akong nagmamartsa sa sidewalk nila matapos nila akong awatin nang suntukin si Riley. Dala ng sumisidhi kong selos, nawala ako sa sarili at inambahan ng suntok. Sino ba ang di magre-react ng ganoon kung na pa-public act display sila? Bumangon ang poot ko sa paraan ng pagyakap ni Riley."Mikhael!" Tawag niya.Hindi ako nakinig. Tila mabiyak ang semento sa lakas ng yabag ko. Nakakuyom ang kamay, umuusok ang ilong, naghahabulan ang pulso at sumisikip ang dibdib ko. Pinili ko siyang talikuran para di lumubha ang galit ko subalit buntot ng buntot siya. Sinisikap akong kausapin."Listen to me. Please, I'm begging," humahangos niyang dagdag.Huminto ako. Nagpalipas ng sandili bago siya nilingon."Nangangaliwa ka sa harap ng asawa mo, Thea. Sino ba ang hindi magagalit 'non!" Singhal ko.Napaawang siya ng bibig. "Gano'n ba ko kasama sa paningin mo ngayon? Nakalimutan mon
Mikhael~Sa gitna ng kagulahan, I mean, sa pakikipagtunggali ko sa sunod-sunod na schedule ng meeting at patong-patong na papeles ay may panahon si Mommy para gambalain ako. Ilang linggo kaming di madalas na nag-uusap matapos ng rebelasyon ng totoong pagkatao ko. Malamang nagparamdam siya dahil malapit na ang birthday ko."What can I do for you, Mom." Inangatan mo siya ng ulo sabay sundot ng dulo ng fountain pen sa baba ko.Kunot-noo siyang tiningnan ako ng deretsahan. "Can I talk to you, son?""What is it?""Gusto ko lang sabihin ang sama ng loob ko."Binaba ko ang ballpen. Tinuun ang tainga sa kanya na may kuryusidad bagamat alam ko ang sanhi ng sama ng loob niya. Marahil dahil kay Matteo. Di ko na tinatawag na daddy ang isang iyon saka balak kong paimbestigahan ang tunay kong ama. Kaso mahihirapan akong paaminin siya ng totoo. Kinandado niya ng husto ang nakaraan at malamang bunga ako ng one stand niya."Maawa ka, Mikhael. Sana makikinig ka sa sasabihin ko,"aniya ulit."Oo naman,
ALTHEA"Beau,"agaw pansin ko kay Beaumont Henderson sabay katok ng pinto.I found him packing up the last of his things—a collection of framed photos, books, and the small potted plant that had somehow survived the chaos of corporite life. Parang kailan lang, kasama ko pa siya sa pagtatapos ng huling project. Ngayon ay dumating ang araw ng kanyang pag-alis. Ang pinakaunang pinsan ko na naging ka-close ko, malamang hindi ko kilala ang iba noon. Kung hindi ako naging Henderson ay di sila magpapakita ng interes. Angkan talaga sila ng weird na mga tao."Althea. Just in time for my grand exit,"aniya matapos akong angatan ng ulo na may malindog na ngiti.Pumanhik ako sa loob, itinukod ang dalawang kamay habang sinasara niya ang maliit na kahon at pinatong sa itaas ng ibang kahon. "So, ito na talaga? Hindi na mapipigilan ang grand exit mo?"He chuckled, running a hand through his hair. "Feels strange, doesn't it? Iiwan ko ang kompanyang kinalakihan ko at parang naging battle ground na rin. M
MIKHAELI gently cradle my newborn son in my arms, my heart swelling with an overwhelming mix of joy and love. Kumikislap ang malambot na liwanag sa kanyang mukha na pinatitingkad ang kanyang mala-anghel na mukha. Pinupog ko siya ng halik sa pisngi. Tila matutunaw ako nang binuksan ni Rael ang kanyang mga mata. Kuhang-kuha niya ang kulay ng mga mata ko. Walang duda na anak ko siya. Magkahawig kami sa lahat ng angolo ng kanyang hitsura."Love, matutunaw na 'yan si Rael,"sabad ni Althea. Kakalabas niya galing sa banyo."Ako yata ang tinutunaw nito,"natatawa kong sabi na hinalikan ulit ang anak ko.Ngumingising umiling-iling ang asawa ko. Uuwi kami ngayong araw matapos ang tatlong araw na nanatili siya sila sa hospital. Sa wakas makakasama ko na rin ang anak ko. "Dad, patingin po kay Rael,"sumulpot si Raven. Napa-tiptoe siya para makita ang kapatid. Pabiro kong nilayo ito sa kanya."Dad! Ako kaya ang nagpangalan sa little brother ko kaya wala kang karapatan na pagkain siya sa akin!" Naw
MikhaelNakatirik na ang araw nang magising ako sa bench ng hospital. Dinilat ko ang mga mata nang may kumalibit sa akin."Son, how are you?" Bungad ni Dad.Parang gusto kong humikbi, imbes bumunting hininga ako. "I don't know if I'm okay or not, but Althea..."Umupo sa ko si Amelia. Hinagod niya ang likod ko. "Magiging maayos din ang lahat anak. Kilala ko si Althea, matapang siya at kaya niyang ilagtas ang sarili at ang anak niya.""S-Salamat, Ma. Parang ako mababaliw ngayon." Napahilamos ako ng mukha."Manalig ka. Hindi tayo bibiguin ng Diyos,"punong-puno ng pag-asang pahayag niya. Napansin ko ang hawak niyang rosaryo.Eksasperadong napameywang si Dad. "I still can't believe that Milena is capable of doing this. Nakilala ko siyang mabuting bata.""She turned insane because of me,"konklusyon ko.Umiling-iling siya. Sandali kaming nag-uusap pero mayamaya'y dumating ang doctor. Tumayo kami, matitigas ang ekspresyon na tinuun ang atensyon sa kanya."Mr. Henderson, I know you're worried,
MikhaelPasado ala una ng umaga. Madilim ang mansion ni Milena nang dumating kami. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa magkahalong poot at desperasyon. Dumadalantay ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang tinatahak namin ang hardin kasama si Nicola at ang SWAT team. Kanya-kanya silang pumwesto–maingat na nagmamatyag, alerto at tinitiyak na makakahanap ng pwedeng mapasukan na hindi mapapansin ng ilang tauhan ni Milena na abala sa pagmamatyag dito sa labas.I clenched my fists at my side. Hindi ko sukat akalain na naging ganito ka baliw si Milena para makuha ako. Titiyakin kong magsisisi siya sa pananakit ng mga taong mahal ko. Tutuldukan ko ang lahat sa araw na 'to."Stay sharp," bulong ni Nicola. I could feel the tension in the air– the danger, the anticipation.Dumako ang mga mata ko nang may bumuhay ng ilay sa isang kwarto sa ikalawang palapag. May ilang anino na naglakad-lakad saka agad na nawala. Malamang nanroon ang mag-ina ko.Kumaway si Nicola upang ipagbigay ala
Mikhael Binungad kami ng nagkikislapang kulay pula at asul na liwanag na nagmumula sa ilaw ng sasakyan ng mga pulis. Natapos din ang kaguluhan, ang isang problema ko sa tunay kong ama pero may naiwan pang mas matindi.My chest heaving as I stood amidst the aftermath, and the metallic taste of fear is still lingering on my tongue. Sinundan ko ng tingin ang mga puli habang inaalalayan nila si Georffrey—ang sugatan kong ama,papunta sa armed ambulance. Namamasa ng dugo ang balikat niya, maputla ang hitsura, masalimuot ang hitsura dahil sa kirot ng sugat pero nanatiling maangas. Nakasunod sa kanyang likuran si Mom na nakahiga sa stretch. Kumirot ang dibdib ko sa sitwasyon niya ngayon. Mukha siyang marupok, nangingisay at nilalaban na idilat ang mga mata. Ibang-iba ang mukha niya ngayon, nawala ang kaangasan niya bilang dignified at maawtoridad na babae.My mind spun for a second, barely able to process the whirlwind around him. Mayamaya ay nakita ko sa isang angolo ng akong mata si Giorg
AltheaDumantal ang malamig na bagay sa aking pisngi sanhi ng pagkagising ko. Nalaman kong nakahiga ako sa matigas at basang sahig. Pumitik ang kirot sa sentido ko nang ako'y pumiglas, at namalayang nakatali ang dalawang kamay ko na nasa aking likuran. Naka-plaster ang aking bibig, ramdam ko ang malagkit na adhesive na humihila sa aking labi. I blinked, trying to adjust to the dim, suffocating darkness around me. Mabigat at namamasa ang hangin, naamoy ko ang moulds na bumabara sa aking ilong. Narinig ko ang mahinang patak ng tubig sa di kalayuan, at tila sinisipsip ng lamig ang mga buto ko. Pakiramdam ko nilibing ako sa ilalim ng mansyon, huli nang mabatid kong nasa underground prison ako ng mansiyon. Hindi ko lubos akalain na may ganitong lugar sa pamamahay ni Milena. Sadyang pinanganak siyang masamang tao.Then, I heard it—a soft, pitiful sound that made my blood run cold. May isang batang umiiyak. Kilala ko ito. Bumilis ang pintig ng puso ko nang hinanap ko ito.Raven! Nais kong i
Althea~Umaapaw ang paghihinagpis ko matapos malaman na kinidnap din si Mikhael. Dinala ako ni Nicola sa mansyon. Sinubukan niyang pakalmahin pero hindi ako huminto sa pag-iyak. Kapagkuwan ay dumating si Mama. Lalo akong umiyak nang makita ko siya."Ma, pinaparusahan ba ako ng Diyos? Hindi lang si Raven ang nawala pati na rin si Mikhael. Nawalan ako ng dalawa,Ma. Ano nang gagawin ko ngayon?" Durog na durog ang puso kong hiyaw.Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa sala. Niyapos niya ako, lumuluha habang hinahagod ang likod ko. "'Wag kang mawalan ng pag-asa. Mababalik din natin sila.""Para akong mababaliw. Takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa kanila,"daing ko.Bumuntong hininga si Nicola. "Althea, nahanap na namin ang lokasyon ni Milena. Lulusubin namin siya ngayong gabi mismo,"imporma ni Nicola. Marahil napagod itago sa akin ang totoo.Umalis sila kanina ni Mikhael na di nagpapaalam.Tumahan ako. Dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso nang tumingin sa kanya.
Mikhael~Nagpakapal ako ng mukha. Pinakita kong hindi ako natinag sa pananakot niya."Ibibigay mo ang 100 million o papatayin ko ang nanay mo?"I gritted my teeth. "Patayin mo, wala akong pakialam. Tutal malaki rin ang atraso niya sa'kin."Nandilat siya. Binaba niya ang baril. "Pareho talaga kayo ng kapatid mo. Paminsan-minsan lang gumagana ang utak. Hayun, muntik ko pang napatay. Salamat sa'yo, nadala mo siya hospital.""At ano namang pinagsasabi mo?" Tuluyan kong nakalagan ang mga kamay. Kung sakali mang may manggugulo sa'min, siguradong makakatakas ako."Mahal na mahal ka ng kapatid mong si Giorgianna, Mikhael. Handang-handa siyang ibuwis ang buhay para sa'yo,"tila nangigil niyang sambit.Mistulang binuhusan ako ng malamig na tubig nang madiskubre na kapatid ko si Giorgianna. Sa haba ng panahon, matagal na palang alam ni Giorgianna at tinago niya para sa kaligtasan ko."Nagtagumpay nga siyang maging magkalapit kayo pero hindi naman nagawang perahan ka. Sobrang duwag! Sana pinangana
Mikhael Bago ko maligtas ang anak ko ay parang ako ang unang napahamak. Nasa kasagsagan ako sa pagpaplano para mahanap ang lokasyon ni Milena. Pababa ako sa huling baitang ng hagdan ng bukana ng company building nang may itim na van ang huminto sa harap ko. Patungo ako sa kotse ko at sumusunod si Nicola kasama ang mga alalay niya nang hinatak ako ng napakaraming lalaki na naka-itim na bonnet saka sinilid sa van. Huli na para iligtas ako ni Nicola sa sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ako makaakto nang pinasinghot nila ako ng pampatulog.Nagising ako sa isang sala ng marangyang mansion. Kinurap-kurap ko ang humahapdi kong mga mata. Malabo ang mga 'yon nang inikot ko ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar.Ano naman ba ang iniisip ng hinayupak? Hindi ba sapat si Raven?Natuklasan kong nakagapos ang kamay at paa ko sa silya. Wala akong ideya kung ilang oras na ako rito. Kahit ano ang pamimiglas ko ay di ako makakawala. "Putang inamo, Milena! Nasaan ang anak ko? Pakaw
AltheaMuntik akong mawindang, mabuti'y agad akong hinawakan sa braso ni Mikhael."Ano'ng ginawa mo kay Raven? Milena sagutin mo ko!" Pigil ang mga luha kong sabi, niyayanig na rin ang buong kalaman ko.Tumigas ng panga ni Mikhael sa pag-alala."Wala. Gusto niya lang makipaglaro kaya sinama ko. Ang cute ni Raven pero kawawa naman. Alam mo kung bakit? Ikaw kasi ang nanay niya eh,"paarte niyang saad na may tawa sa dulo."Ano'ng pinagsasabi mo? Nasaan ang anak ko? Sagutin mo ko, ano'ng ginawa mo sa kanya?""Relax, Althea. He's safe for now. But I have a condition if you want you son.""What is it?""Iwan mo si Mikhael. Lumayo ka sa lugar na ito at hindi ka na magpapakita sa amin habambuhay!"I gritted my teeth, nanginginig na ako sa galit. "Ang lakas ng loob mong idamay ang anak ko sa kabaliwan mo! Napakababa mo, Milena! I warn you never ever touch my son!""I'll never hurt him if you follow. Pero kung magmatigas ka... hmmm, hindi ko masisigurado ang kaligtasan niya,"she snarled."Subuka