Althea~"Mikhael, sana pumayag ka. Pakasalan mo ako,"suhestyon ko ulit.Umigting ang bagang niya. Saglit siyang napaisip saka bumuga ng hangin. Nasa hilatsa niya ang pagdadalawang isip pero tila papayag siya ngayon."Ayokong magpakasal sa'yo para sa kompanya,"prankang tugon niya.Bumagsak ang pag-asa ko. "Please, makinig ka. Para ito sa ikakabuti ng lahat. Ayoko maging CEO, wala akong kakayahan tulad mo. Hindi ko kaya ang pagpapatayo ng H Towers. Ito lang ang sulosyon para maibalik ko sa'yo ang kompanya.""Kakalabanin mo si Matteo,"malamig niyang sabi."Oo, at hindi ako natatakot sa kanya.""Hindi ako papayag." Binitawan niya ang kamay ko.Suminghap ako, bumalikas at umupo. Bahagya akong nahilo pero agad namang naglaho. "Mahal pa rin kita, Mikhael. Ginagawa ko ito para sa'yo at hindi para sa sarili ko. At ang totoo ikaw lang ang gusto kong pakasalan."Umuwang ang bibig niya. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya maproseso ang sinabi ko. Matamlay niyang binagsak ang balikat at parang
Mikhael~ Nang bumuti na ang kalagayan ni Althea ay dumeretso kami sa City Hall para pumirma ng marraige contract. Awtomatiko kaming nagpakasal sa kanyang kagustuhan. Labag man sa loob ko pero gusto ko ang kompanya saka ayoko rin mapalayo sa kanya. Bumalik ako sa huwesyo nang sinuntok ni Matteo ang lamesa. Kasalukuyang nasa CEO office kami, nakalimutan kong nasa gitna kami ng mainit na konprontasyon. Matalim niya akong tinitigan, at tila maagang na-excercise ang puso ko dahil mabilis ang tibok niyon. Saka bumaling kay Althea. Nag-agaw ang lito at pagtataka sa mukha nito habang pinoproseso ang sinabi ni Althea. "What did you say?" Angil niya sa mababa pero dilekadong tono. Sinulyapan ko si Althea, pinakita niyang kalma siya pero pansin kong nanginginig ang kamay niya. "We're married,"ulit niya. "Mikhael and I tied a knot this morning." "A-Are you crazy? Matapos kang himatayin kahapon, ito agad ang ginawa mo? Hindi naman nauntog ang ulo mo sa sahig." Hindi makapaniwala nitong pa
Mikhael~Maraming linggo ang lumipas, masaya naming pinalakad ang kompanya. Sumabog ang eskandalo sa corporate world pero mabilis ding nawala. Iyong akala naming aatras ang investors at clients, lalo silang dumami. Araw-araw kaming binabaha, kaliwa't kanan ang meeting ko. Naging abala rin si Althea sa pagpo-promote ng H Towers. Lumipat na sila sa bahay pero ang problema ko, di matanggap ni Mom si Althea. Minsan madadatnan ko silang seryosong nag-uusap o nagsasagutan. Maraming beses kong sinaway si Mom pero puro iyak ang asta niya.Malapad ang guhit ng ngiti ko habang sinisinghot ang bouquet ng rosas. Naglalakad ako patungo sa sasakyan, nasasabik na makita muli si Althea. Ito ang araw na nagpakasal kami, tatlong buwan na rin. Kaya sinisigurado kong gawing espesyal ang araw na ito. Sumakay ako sa driver seat na hinihimas pa rin ang bulaklak. Dinouble check ko ang maliit na note, doon ko kasi binuhos ang pagmamahal ko. Kumikinang sa pink roses sa sikat ng araw sa hapong ito.Kumapit ako
Althea~ "Althea, it's nice to see you here!" Dinig kong bati ni Giorgianna nang marating ko ang pasilyo patungo sa classroom ni Raven. Ako ang nagpasyang sumundo sa kanya dahil lilipat kami ng bahay. "Same here. Kamusta?"Ganti ko sabay ipit ng buhok sa tainga. Abot-tenga ang ngiti niya. "Nakikisabay pa rin sa ikot ng mundo. Halatang di ka abala ngayong araw,huh." "Lilipat kasi kami ng bahay kaya ako ang magsusundo kay Raven,"turan ko sabay pamulsa. Ngumiwi siya. "Kung hindi ako nagkakamali may unang sumundo sa kanya." Nagulanta ako kaya nagtatanong akong inirapan siya. "S-Sino? B-Bakit niyo hinayaang—" "Kalma. Sinabi niyang ama siya ni Raven,"putol niya. Nakahinga ako ng maluwang. Humakbang siya palapit sa'kin at mahina akong siniko sa braso. "Siguro hindi pa sila nakakaalis kasi nakita kong dumeretso sila sa playground. Si Mikhael Henderson pala ang ama ng anak mo, nahuli ako sa tsismis,"natatawa niyang dagdag. "Pasensiya kung tinago ko. Medyo komplikado kasi ang sitwasyon n
Althea~ Kinagabihan, pagod akong pinupunasan ang pawis sa noo matapos kong ilagak sa gilid ng hagdan ang malaking luggage. Paupo ako sa hagdan nang nanaog sina Mikhael at Raven, naningkit ako nang makita silang magkahawak kamay. Pinaseselos uli ako ni Mikhael. Then, he approached me with a sly smile. Nanaka akong kumibit balikat kasi makakaiba sa kislap ng mga mata niya. Ilang segundo nasa harap ko na sila.Pinatong ko sa balustre ng hagdan ang kamay. "What?" Nilangkpan ko siya ng pagtataray ng tinig para pagtakpan ang pagkalula sa kanya. Aminado akong naakit ako sa simpatikong kagwapuhan niya ngayon. Pinakita niya ang dalawang ticket. "I'm giving you a reward for pulling that two luggages,"pasikot-sikot niyang saad. "Manonood ba ng sine?" "No, it's theather play." I arched my brow, "Busy ako ngayon, saka hindi ako fan ng mga ganito. Pinapatulog lang nila ako sa mga kanta nila." Humakbang siya para lalong lumapit sa akin. "But this isn't a just any play, dear. It's le m
Mikhael~"Na-enjoy ka ba?" Agaw-pansin ko na tanong kay Althea nang naglalakad kami palabas ng theater. Ngumiwi siya na may mabibigat ang mga mata. Buong oras namin sa panonood ay naitulog niya. Wala 'yon sa akin, saka una pa lamang ay sinabi niyang mababagot siya sa mga ganito."Na-enjoy akong natulog,"aniya.Inakbayan ko siya. "In fact, napuno nga ng laway mo ang balikat mo eh,"pigil ang tawa kong biro."Di nga! Hindi ako ganyan noh,"giit niya sabay kurot sa tagiliran ko.Umungol ako kaya di ko mapigilang matawa. Kinurot ko ang pisngi niya saka tinadtad siya ng halik. Kinikiliti siyang nilalayo ang sarili."Get a grip! Lumalalim na ang gabi oh. Kailangan na nating umuwi,"sabi niya. Namungay ang mga mata ko, bumilis ang tibok ng puso nang madarama ang pagkasabik na may halong pagnanasa at bumaba ang masuyo kong boses. "Can I see you in my bed tonight?"Hinampas niya ang kamay sa mukha ko. "It's prohibited!" Pakli niya."Mag-asawa na tayo ngayon. Walang sinumang ang magtitsimis sa'
Mikhael~Merkules ng umaga. Hindi pa nakakasimula ang araw at heto ako nalulunod sa tambak na paperwork. Dismayado pa rin ako sa nangyari kagabi. Binigyan ko ng masamang tingin ang desk ko na binabaha ng contract at reports, bawat isa nagsisigawang mapansin ko. My head throbbed, the endless signatures and emails taking their toll. Mas dumami ang kliyente matapos ang isyu ng pamilyang ito. Sa sobrang abala ko ay di ko napuna ang katok sa pinto."Come in,"usal ko na di nag-aksaya ng oras na angat ang ulo. Sumusulat ako sa papel.Then I heard it–a voice I hadn't heard in a long time. The one I really disdain."Hello, Mikhael."Nanigas ang kamay ko na hawak ang gelpen sa smoky niyang boses. Awtomatiko kong inangat ang ulo, at tinagpo ang pagmumukha ni Milena.Ngising-ngising lumalapit sa harapan ko. "It's been a long time,"dugtong niya.I shot to my feet, my chair scraping the floor loudly. Bumangon ang inis ko na parang tidal wave. "What the hell are doing here?"Kumibit-balikat siya, k
Althea~ Hindi ko na mabiling ko ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang tinatahak ko ang sidewalk na walang patutunguhan. Kumikirot at masikip ang dibdib ko. Namumugto ang aking mga mata sa walang humpay na pag-daloy ng mga luha. Nanghihina ang mga paa ko at lumalabo ang paningin ko. Di ko alam kung makatatagal ako rito. Sariwa pa sa aking isipan kung paano kinabig ni Milena si Mikhael at hinalikan ito sa bibig. Pinilit kong maging matatag noon kahit nakabitin sa ere ang paghinga ko. Tinakasan ko sil pero di mapapawi ang sakit na dinulot 'non. Masakit sa loob kong makita muli silang ganoon ka-intimate. Inaakala kong naghiwalay sila, iyon pala sila pa rin. Nagdududa ako ngayon sa totoong nararamdaman ni Mikhael lalo na sa intensyon niya. Marahil ang kompanya lang ang gusto niya, hindi ako. Napilitan lamang siya dahil kay Raven. Tumunog uli ang cellphone ko. Maraming beses akong tinatawag ni Mikhael pero mabilis kong namang pinapatay. Hinayaan ko. Pinalipas ang matagal na