Brenda
Paglabas ko galing CR. Nadatnan kong may katawagan si Sir Mattheus sa phone niya. Nakatalikod siya sa ‘kin nakapamewang ang kaniyang kanang kamay at ang kaliwa naman iyon ang mayhawak sa phone niya. Paminsan-minsan inaalis ni Sir Mattheus, ang kamay sa baywang niya at pakumpas-kumpas habang malakas ang boses nito nakikipag-usap. Dahil ayaw kong makagambala rito. Maingat akong kumilos upang hindi niya ako marinig. Tila naman ang pag-iingat ko hindi yata effective. Dahil nakuha ko pa rin kasi ang atensyon nito at mabilis nito akong nilingon, ngunit mabilis lang. Muli sa kausap niya ulit ang atensyon nito. Kahit dahan-dahan na ang kilos ako. Gano'n? Ang lakas naman ng pakiramdam ni Sir Mattheus. Halos pinigilan ko nga huiminga pero alam pa rin nito nasa labas na ako kahit nakatalikod naman siya sa ‘kin. “Of course darating ako,” wika nito at sandaling tumigil. Para bang mayroon sinasabi ang kausap nito sa kabilang linya dahil patango-tango si Sir Mattheus habang pinakikinggan iyon. Humarap si Mattheus sa ‘kin. Nataranta pa ako at sa kawalan ng maisip. Mabilis akong humawak sa tuwalyang nakabalabal sa dibdib ko at dahil doon, kumunot ang noo nito pinasadahan nito ako ng tingin. “Sorry naman boss. Kung nakagambala ako sa iyong kausap sa phone,” hingi ko pa ng paumanhin baka dahil doon. Kaya nakakunot ang noo ni amo ngayon. Tumaas ang sulok ng labi nito may kasama pang taas kilay habang nakatitig siya sa dibdib ko, kung saan mahigpit akong nakahawak sa buhol ng tuwalya. Wala na bang alam ang boss ko kung hindi kumunot ang noo nito at magsalubong kilay. Sandali…damn! Hindi kaya dahil paladisisyon akong ginamit ko ang towel nitong nakasampay sa banyo. Eh, alangan naman lumabas ako ng CR na hubo’t hubad. Edi ako naman ang katawa-tawa noon kapag ginawa ko iyon. Mabuti kung hindi ko alam na nasa labas lang si Mattheus nag-aantay sa ‘kin. Oo nga may namagitan na sa ‘min hindi pa rin akma kung magbo-bold ako sa harapan ni amo. Isipin pa nito gusto kong dugtungan ang nangyari sa ‘min kagabi. “Mabuti tapos ka na,” he said nag-umpisang lumakad at sa pagtaranta ko at akala ko rin. Palapit siya sa ‘kin. Ewan ko bakit naisip ko pang umatras sa pinto. Tumama pa ang likuran ko sa pinto ng banyo. Napangiwi ako dahil masakit iyon. Nagsalubong ulit ang kilay ni Mattheus. “Bakit kasi umatras ka? Hindi naman kita lalapitan,” parang galit na sabi nito. Sa study table pala lumapit kinuha nito remote ng aircon sa kuwarto pinatay iyon. Aray naman po. Pahiya ako roon ah. Aba malay ko ba hindi siya patungo sa ‘kin kasi nakita ko straight lakad niya sa kinatatayuan ko. So iniisip ko rito siya sa akin lalapit. “S-Sir…pa-pasensya na po pala kung ginamit ko itong towel mo. Wala po kasi akong ibang makita sa loob ng banyo ito lang kaya nag lakas loob ako ginamit. Lalabhan ko na lang sorry po ulit—” “Don't think about it. I have a lot of towels inside my wardrobe. Kahit sa ‘yo na ‘yan,” sagot nito sa ‘kin. Bumulong ako na ‘edi sana all’ ikaw na yayamanin maraming stock ng bath towel. Pero walang extra sa banyo. “What did you say, Ms. Polido?” He asked me. Tinitigan niya ‘ko at tila hindi nito nagustuhan ang aking sinabi “Ay wala ho boss, may sinabi po ba ako?” balik na tanong ko sa kaniya. Matamis ko pa siyang nginitian. Napalunok si Sir Mattheus. Napansin ko umiwas ‘to ng tingin sa labi ko bumungisngis ako. Gano'n lang pala para sumuko si Sir Mattheus. Bibigyan ko ng nakaka akit na ngiti tingnan ko lang kung sinong unang bibigay. Lihim akong natatawa. “Magbihis ka na Ms. Polido. Hindi iyong kung ano-ano pa ang pinag-iisip mo. Kanina pa malamig ang pagkain sa dining table—” “S-Sir Mattheus, comedy ka. Paano naman ho ako magbibihis kung wala po akong damit?” Nahilot nito ang sentido parang highblood agad ang Lolo Mattheus n'yo. Pero sana pala hindi ko na lang tinanong dahil dinaig ko pa ang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Dahil nanigas ako sa aking kinatatayuan. Sa isinagot ni Sir Mattheus sa 'kin. “Just check my walk-in closet. Neng-neng has clothes there. Tingin ko naman magkasing katawan lang kayo,” parang wala lang na sabi ni Sir Mattheus sa 'kin. Tumalim ang tingin ko sa kanya. Wala kami sa office niya kaya hindi ko siya amo ngayon. Nagsalubong pa ang kilay nito sa aking naging reaction. Ngunit hindi ako pumayag sa gusto nito. “Tama ang narinig mo, magbihis ka na," inulit pa talaga tila naiinis. “No way! Isusuot ko na lang ulit ang damit ko kagabi, kaysa sundin ‘yang sinasabi mo.” “Ms. Polido!” may babala na ani nito sa 'kin. Naningkit ang mata ni Mattheus ngunit hindi ako nakaramdam ng takot. Kung gusto niya. Siya na lang ang magsuot ng damit noong ex niya. H'wag niya akong idadamay pisti siya. Hindi rin ako nag-antay na muling may sabihin si Sir Mattheus. Nilapitan ko ang hinubad ko damit maaayos ng nakatupi sa couch. Dadamputin ko na ang tokong ko. Galit na nagsalita si Sir Mattheus. “Hindi pa nasuot ang mga iyon ni Neng-neng! Anong masama roon?” Nag-init ang ulo ko. Napaka manhid nito para ipagpilitan niyang iyon ang isuot ko. Sa halip na patulan ko si Sir Mattheus. Mabilis na lang akong nagbihis. Hindi ko makita ang panty ko hinayaan ko na. Mabuti na lang hindi ito maong. Malambot ang tela nito hindi ako mahihirapan sa pagitan ng hita ko. “Brenda! Mas ginusto mo pa talaga ‘yang damit mo?! Na isinuot mo na kagabi? And you're not wearing underwear inside your pants. Fvcking shit,” napahilamos siya sa mukha para bang big deal iyon sa kaniya. Nang makatapos akong magbihis dinampot ko agad ang sling bag ko at iniwan ito sa kuwarto niya. Masakit ang gitnang hita ko pati katawan ko. dinagdagan pa nitong walang puso kong amo. “Brenda, saan ka pupunta!?” sigaw nito at sinundan ako. “Uuwi na sa boarding house ko,” tugon ko sa kaniya hindi rin ako lumingon. “Ano? Kanina pa ako nag-aantay sa ‘yo para sa sabay tayong kumain tapos aalis ka lang,” aniya halatang galit ang boses. Wala akong pakialam kung magalit siya basta tuloy-tuloy akong lumabas ng condo unit niya. Sinundan niya ako hanggang makalabas ako ng unit niya. Sa labas nagtalo kami habang naglalakad palapit sa elevator. Pinababalik niya ako sa unit niya ngunit nagmatigas ako. Nakakuha na kami ng atensyon buti elevator na. Nang malingat si Sir Mattheus. Mabilis akong sumakay, naiwan ito sa labas hahabol pa ngunit pinindot ko na upang magsara. Hinayaan ko si Sir Mattheus, sa labas. Bahala siya kung galit ito. Gusto ko munang umuwi at magpahinga. Napapagod akong makipagtalo sa kaniya palagi na lang niyang isinisingit si Neng-neng. Sa tuwing nag-uusap kami. Nakakarindi na pakinggan sa totoo lang.Brenda Inaasahan kong susundan ako ni Mattheus. Magagalit ang amo sa ‘kin, dahil tinakasan ko siya. Inaasahan kong pipilitin niya ako pabalikin sa unit niya. Ngunit tinubuan na ako ng ugat sa paa sa kaantay sa baba. Walang Mattheus na sumulpot. Natagalan pa nga akong kumuha ng taxi sa labas. Lumingon pa nga ako sa building ng condo ni Mattheus, baka nakatanaw lang sa ‘kin ang binatang amo. Ngunit bigo ako sa inaasam ko. Dahil hindi ko talaga nakita si Sir Mattheus. Umuwi ako ng boarding house ko na laglag balikat at maghapon tahimik na nagmumukmok. Minsan pa nga hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Kumalma naman ako tsaka pa ako nagbihis at nagpasyang matulog maghapon. Pagdating ng alas sais ng gabi binulabog ako ng malakas na katok sa labas ng pinto. Tamad na idinilat ko ang mata ko. Sino ba kasi iyon grabeng katok iyon ah. Akala mo may sunog eh. Kumakalam na rin pala ang sikmura ko dahil walang almusal at tanghalian. Kung nagkataon pa hindi sa kumatok sa pinto ko. Baka h
Brenda "Pasensya ka na hija, kung pinayagan ko si Mr. Martinez, na pumasok sa boarding house ng hindi ko ipinaalam sa 'yo," hingi paumanhin ng landlady ko. “Ahehe...hindi rin po kasi 'yan mapipigilan makulit po kasi iyan," anang ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Mattheus. "Maghapon din po kasi ako natulog. Kasi masama po ang pakiramdam ko,” sabi ko sa landlady ko. “You're sick and you've been sleeping all day? Fuck, does that mean you haven't eaten yet? What the heck, Brenda!? Anong ginagawa mo sa sarili mo?" tila galit ito at kung sa hindi ko pagkain ah, ewan ko sa Lolo Mattheus na ito. Pumaling ako ng tingin sa kaniya. Medyo nabawasan na ang angas sa mata nito hindi gaya kanina na galit sa 'kin. Ngayon galit pa rin hindi nga lang nawawala ang pagka seryoso nito. “Kaya naman pala. Mr. Martinez, hindi marinig. Ako'y babalik ulit sa aking k'warto. May nakasalang akong lutong ulam pinahinaan ko lang baka malasak kung magtagal ako,” “Sige ho, Aling Melba,” ani Mattheus. Sinu
Brenda Pag-alis ni sir Mattheus. Mabilis akong kumilos. Baka nga tutuhanin ng Lolo Mattheus n'yo hiramin ulit kay Aling Melba, iyong susi sa unit ko. Ayaw kong maabutan niya akong nasa banyo o maabutan akong hindi pa bihis. Uminit ang pisngi ko sa aking naisip. Paano sa huling sinabi ni Mattheus ang iniiwasan ko. Para namang gagawin noon ni Mattheus. Natukso lang iyon dahil sa kalasingan. Kaya may nangyari sa pagitan namin. Iyon lang yan walang labis walang kulang. Wala nga malasakit sa ‘kin kinaumagahan. Iyon pa talaga iisipin ko. Nakalimutan ko yata damit nga ng ex-girlfriend nito. Gusto pa ipasuot sa ‘kin kahit alam nitong maari akong masaktan. Para ano? Maalala niya sa ‘kin ang ex niya? Hindi bale na lang Sa totoo lang naguguluhan ako sa bilis ng pangyayari. Kung hindi ko lang kailangan umuwi dahil nilalambing ako ng dalawa kong Tiyahin. Nungka pumayag ako sa gusto ni Sir Mattheus. Nagbabalak nga akong humanap ng bagong trabaho naisip ko iyong pag-uwi ko kanina. Hindi ko
Brenda Pumasok kami sa gate ng bahay ng asawa ng kambal ni Mattheus. Alas-siyete y medya na ng gabi. Sa front yard pala naghanda si Ma'am Lorelei. Dalawang mahabang table lang ngunit maraming tao. Tila nagkakatuwaan ang buong pamilya ni Sir Mattheus, kasi nagtatawanan. Naririnig ko boses ni Ma'am Marrianne ang bida. Hindi pa nag-uumpisa kumain ngunit nasa harapan na ang mga lutong pagkain. Parang kami na lang yata ang inaantay nakakahiya naman sana nauna na silang kumain. “Nariyan na pala sila Mattheus, Mommy,” narinig ko sabi ng Ate ni Mattheus na si Marianne Martinez. Kita ko sa amin sila nakatingin. Inayos pa kasi ni Mattheus ang pag-park ng kotse nito. Sumabay na ako pagbaba ni Mattheus at mabuti naman wala akong narinig na disgusto galing dito. “Brenda! Overtime?!” malakas na sigaw ng kambal ni Mattheus na si Sir Matthias. Hindi ko alam kung maayos ba ang ngiti ko sa kanila basta pakiramdam ko nakalutang ako habang papalapit ako sa table kung saan silang pamilya ni M
Brenda “Brenda, bakit wala ka ng imik? Pasensya ka na ha? Naging madaldal ako,” wika pa ni ma'am Marrianne sa ‘kin. Doon ako nagtaas ng tingin. Namilog pa ang mata ko. Mabuti nakahagilap ako ng magandang sagot. I guess iyon ang safe na answer, sa side ko. Bilang may lihim na pagtingin kay sir Mattheus. “Wala ho iyon, ma'am Marrianne,” tugon ko tumingin ako kay ma'am Marycole. Nginitian ko rin upang ipakitang wala lang iyon sa ‘kin mga binanggit ni ma'am Marrianne. Dinugtungan ko pa. “Ehehe, bakit naman po nanghingi ka ng pasensya? Wala naman po kaming relasyon ni Sir Mattheus,” nakangiti ako. Narinig ko pa mahinang tumawa si Sir Matthias. Ewan ko kung para saan hindi ko naman din tatanungin dedma nalang. “Bulang ang ex-girlfriend ng kapatid ko. Wala na siyang makikitang kasing guwapo at medyo mabait kagaya ni Mattheus. Pasensya ka na talaga ha, Brenda? Pati ikaw tuloy parang nailang,” ani ulit nito. Natawa ako sa sinabi nito na medyo mabait kaya lumingon si Sir Mattheus sa
Brenda “Pasok ka, Brenda. ‘wag kang mahiya sa ‘kin,” sabi pa ni ma'am Lorelei, pagkatapos nginuso couch sa loob ng k'warto. “Upo ka muna ikukuha kita ng bagong underwear. Kasya naman siguro sa ‘yo ‘yon. kasi hindi tayo nagkalalayo ng katawan,” aniya. Nagsalubong ang kilay nito dahil ayaw kong kumilos. Siya na ang kusang yumakap sa braso ko sabay hila sa ‘kin patungo sa inaalok na upuan sa loob ng k'warto nila. “Iwanan muna kita kukuha na ako,” paalam nito nang nakaupo na ako. “Kahit sanitary napkin lang, Lorelei,” giit ko sa kaniya ngunit inirapan lang ako kaya naman napangiti na lamang ako. Akalain mo iyon. Sekretarya lang ako ng Kuya Mattheus nito ngunit kung ituring ako ni ma'am Lorelei. Parang kaibigan. Gusto ko rin itong maging kaibigan tingin ko kasi rito mapagkakatiwalaan. Ito iyong taong kahit anong katayuan mo sa buhay. Hindi niyon titingnan. At kung mayroon kang sekreto sa kaniya na i-share. Ligtas ang sikreto mo sa kanya hindi maaaring mangamba kakalat sa iba. “
BrendaMalalim na buntonghininga ni Mattheus ang tugon nito kay Lorelei, at pagkatapos niyon tumingin naman siya sa ‘kin. Parang may gusto pang sabihin. Ngunit urong sulong kung itutuloy ba nito at sa huli nanatiling tikom ang bibig ni Mattheus, sa halip lumapit ito sa ‘kin hinawakan ang kamay ko’t hinila na ako upang lumabas ng bahay ni Lorelei.Todo sermon naman sa kaniya ni Lorelei na nasa likuran namin. Nanatiling dedma lang siya ni Mattheus. Gusto kong tumawa kasi nag-aalala ng husto sa ‘kin si Lorelei. Baka raw nasasaktan daw ako sa paghawak ni Mattheus sa kamay ko.“Kuya Mattheus, dahan-dahan lang naman ang hawak at paghila mo kay Brenda. Baka matisod pa ang kaibigan ko,” aniya. Narinig ko pang pumadyak pa ang magkabila nitong paa dahil sa inis nito sa boss kong sinusumpong ngayon.Ako ang may period ngunit baliktad yata. Dahil si Matthues, ang tinutopak ngayon ayaw naman sabihin kung bakit may sumpong siya. Hindi iyong ganitong sinasarli lang nito kung may ayaw tapos dinadamay
Brenda “Sir Mattheus, salamat po, ha?” ani ko pagdating namin sa gate ng boarding house ko. Napangiwi pa ako kasi hindi man lamang nito ako pinag-aksayahan lingunin at simpleng tango lang ang sinagot nito sa ‘kin nanatili lang sa unahan ang tingin ni Sir Mattheus. Lihim akong napairap. Napaka talaga. Buong biyahe namin tahimik kaming pareho. Walang gustong magsalita. Lalo na ako wala naman akong sasabihin sa kaniya mapahiya pa ako kung kulitin ko ito. Edi magandang manahimik na lang. Bipolar pa naman itong amo ko hirap minsan sakyan ng ugali. Kibit balikat kong binuksan ang pinto sa tagiliran ko upang lumabas na ng sasakayan nito. Hindi ko rin matiis ‘di kausapin bago ko isarado ang pinto. Bahala na kung sasagot o hindi. Basta in a nice way ko naman siya kakausapin. “Boss, ingat po, ha?" wika ko kahit ayaw niya akong kausapin lakas loob ko pa rin niyon sinabi sa kaniya. Napangiti ako good thing naman dahil nilingon na niya ako. Ngunit dedma naman nito ang masayang ngiti k
Brenda Nagisiging akong masakit ang mata. Nauuhaw ako kaya naman iyon ang nasambit ko. ‘Tubig’ malat ang boses na sabi ko ngunit mag-isa lang yata ako sa kinaroroonan ko. Nahihirapan akong idilat ang aking mata kinapa ko iyon namamaga. Kaya pala hirap akong idilat. Nang ilang sandali doon pumasok sa isip ko ang dahilan ng ka miserablehan ko. Galing pala ako sa condo unit ni Mattheus. Naabutan ko sila ng dati n'yang nobya at a-ako w-wala na. Mattheus. Hindi ko naman napigilan hindi tumulo ang luha ko nang maalalang wala na talagang pag-asa na maging akin si Mattheus. Hindi na kailanman magiging akin. Naging akin nga ba talaga siya? Nakakatawa lang dahil ako rin naman ang may kasalanan. Hindi dapat ako masasaktan ng ganito kung nanatili ako kung ano lang ang kayang ibigay ni Mattheus sa relasyon namin. Eh, gano'n ako gusto kong ibigay ang lahat ng pagmamahal para sa binata. Diba ganoon naman dapat? Ano ba dapat ang tama? Para sa ‘kin kasi kung mahal ko itotodo ko na. Hanggan
Brenda Bakit urong-sulong ako sa lakad ko ngayon kung kailan nasa building na ako ng condo unit ni Mattheus. Letsugas, ngayon pa ba ako gusto mag-backout kung kailan six months ko ng karelasyon si Mattheus. Napabuga ako ng hangin sa bibig ko upang kumalma. Woah! Bago ito self? kinakabahan dahil sa sorpresa kay Mattheus. Kahit sa pagpasok ng elevator. Kabado bente pa rin ako. Punyemas na iyan. Anong nangyayare sa ‘kin hindi naman ako ganito dati. Pagpasok ko sa elevator ngumiti ako. Medyo kumalma. Kumanta-kanta pa ako wala naman makaririnig solo ko ngayon elevator, kaya ayos lang kahit sintunado ako. “Ano kaya ang ginagawa ng damuho? Tulog kaya ito?” Sabi naman nito nasa condo lang siya kaya baka tulog nga si Mattheus. May susi ako kaya naman hindi na ako nag-abalang mag-doorbell. Nakangiti pa ako sa na-i-imagine na hitsura ni Mattheus. Tiyak abot hanggang tainga ang ngiti nito pagkakita nito sa ‘kin. “M-Mattheus?” “Doktora Neng-neng?” Ang saya ng ngiti ni Mattheus
Brenda “Mattheus, pasensya na nag-CR pa ako,” nakayuko kong tugon sa kaniya dahil madilim ang mukha nito. Lihim akong napairap. Parang three minutes lang late kung magalit sobra naman. “Alam mong malapit na oras ‘tsaka ka pa nag-CR. Ang daming trabaho, Brenda. Kailangan kong maagang umuwi ngayon!” bulyaw nito sa akin napalunok ako. Nakurot ko ang palad ko habang nakayuko. “Pasensya na po sir President. Hindi na po mauulit.” Suminghap ito pagkatapos pinalabas na ako sa pinto. “Get out!” malamig niyang sabi. “Salamat po Sir President. Gagawin ko lang agad at send ko na lang po sa email mo,” Natapos ko agad ang pinaggagawa niyang contract ng TV commercial ng isang brand ng shampoo. Send ko kaagad sa email nito. Hindi na ako nito pinatawag sa office niya baka approved na iyon wala na siguro papabago. Nagpatuloy ako sa ibang gawain. Hanggang alas-singko. Hindi pa lumabas si Mattheus. Kumatok ako kasi uuwi na ako kanina pa sumakit ang puson ko. Alas-tres lang naman nag-u
Brenda Lumabas kami nila Angela, sa dining nag-join kami sa kapatid nito kanina kumakanta. Niyaya niya akong kumanta raw ako. Sumama lang ako pero hindi ako kumanta. Nagkasya lang akong panoorin sila. Baka bumagyo pa kung kakanta ako. Gusto ko naman kumanta. Kaya lang kanta naman ang ayaw sa ‘kin kahit gusto ko. In short sintunadong tunay po ako. Maganda pala ang boses ni Angela, kagaya sa kapatid nito at mga pinsan. Kahit si Chantal, na dito ko lang nakilala magaling din pala kumanta. Naging ka close ko na rin ang pinsan ni Angela. Hindi na rin ako kinulit ni Mattheus. Mabuti naman daig pa ang asawa kong maka check. Mabuti sana kung umamin na mahal na niya ako kaya lang wala pa rin kahit anong gawin ko. “Brenda, kanta naman d'yan,” anang Chantal. “Pasensya na talaga hindi sa ayaw ko ng kanta. Pero kanta ang ayaw sa ‘kin. Sorry guys taga palakpak at audience n'yo na lang talaga ako.” Hindi nila ako pinilit sila-sila na lang palitan. Kapag minsan din lumalabas ang Nanay n
Brenda Nag-aabang ako ng taxi ng pumasok ang text ng makulit na si Mattheus. Para akong shunga mag-isang tumatawa kasi para bang teenager na manliligaw kung umasta. Mattheus: hon, nakaalis ka na ba? Ako: nag-aabang ng taxi. Mattheus: sunduin na lang kita. Ako: kumalma ka Mattheus, sumakay na ako ng taxi. Pagka send ko ng reply sa kaniya hindi ko na in-open message nito. Si Angela na kasi ang tinatawagan ko. “Angela, oo naman pupunta ako. Nag-aabang ako ng taxi. Tumigil ako kasi nagsalita ito. Nang tumigil nagtanong ako sa address. “Girl, basta sabihin mo lang Don Carlos Village. Ihahatid ka niyan,” “Sige, may taxi-ing dumating sasakay na ako. Wait anong number ng bahay n'yo?” habol ko bago ko putulin ang tawag. “218 makikita mo black na gate. Diyan banda kami nakatira. Pero hindi amin building ha? Katabi lang amin,” biro nito. “Hindi kaya ako nito maligaw?” biro ko rin sa kaniya. “Kasi iyan ang mabilis makita. Mataas kasi condominium. Kami maliit na mga bahay l
Brenda “Bakit may alam si Samantha, sa katatapos na bypass surgery ni Tiya Alona?” mahinahon ko lang na kompronta kay Mattheus, pagdating namin sa table ko. Hindi pa pumasok si Mattheus sa office niya. Mas gusto pang tumambay sa table ko at bantayan ako kaysa magtrabaho sa office niya. "Mattheus?" “Doon siguro, hon, noong nakuhaan tayo ng larawan sa ospital? Maybe roon siya nag-assume. Why? May iba pa bang siyang sinabi? Hon, ayaw kong makipag-away sa ‘yo. Kung iniisip mo sinabi ko iyon kay Samantha, nagkakamali ka. Wala akong panahon makipagusap sa babaeng 'yon,” “Weh? Talaga ba?" “Yeah, kung sa ‘yo pa paglalaanan ko pa ng oras. Kahit abutin pa tayo hanggang uwian kaya ko. Please, ‘wag na natin isali sa usapan si Samantha. Ayaw kong awayin mo ako sa walang kabuluhang usapan.” “Hindi naman ako nakikipag-away sa'yo, a. Tinanong lang kita. Hayaan na nga ‘yon, Mattheus. Pasok ka na sa loob ng office mo, wala pa akong nasisimulan na trabaho,” “Tahimik lang naman ako hindi
Brenda Naabutan naming nag-pa-packup na ang lahat ng crew. At si Samantha nasa table na ng conference room at ang dalawa nitong makeup artist, aligaga sa pag-aasikaso rito. Ang PA naman nito inaayos naman mga gamit ni Samantha.Mabilis lang daw naman itong TV commercial, sabi ni Mattheus. More or less ten minutes lamang daw ito eere sa television within three months. Kaya mabilis lang ang taping. Ilang shoot lang pili lang ng maganda kaya iyon ang titingnan ni Mattheus.Lalo na sa katulad ni Samantha, sanay ng mag-project sa camera. Bata pa pa-extra, extra na ito hanggang sa tumuntong sa tamang edad at nagkaroon ng magandang break sa pag-arte. Ayun kabi-kabila ang offer na project. Kapag wala naman daw aberya sa mga gamit ng crew. Hindi aabutin ng maghapon ang taping.Nakasunod ako sa likuran ni Mattheus, pagpasok ng pinto. Pilit ko hinihila ang aking kamay na hawak nito lumingon.“Kamay ko hawak mo pa,” bulong ko. Akala ko sasalungatin ako. Wala naman reklamo binitiwan din ang kamay
Brenda Saktong pagdating ko sa RMTV naabutan ko si Angela sa labas papasok narin ito sa entrance inantay niya ako. "Brenda! Dali sabay na tayo paakyat," aniya nakaturo pa sa taas ang daliri nito. “Sayang kung alam ko lang magpapang-abot tayo ngayon. Dinala ko na sana ang pasalubong ko sa ‘yo," ani ko pagdating sa tabi niya. “Ayay! Ang sweet naman niyan girl, salamat naalala mo ako. Kailan ka nga pala dumating?” usisa nito. “Kahapon kaso pagod pa sa biyahe kaya nag-half day lang ako ngayon,” “Sana binuo mo na at bukas ka na lang pumasok. Iyan talaga ang ayaw ko kapag uuwi ng province. Kasi pagod pagkatapos ng bakasyon. Tumigil sandali nilibot ang tingin pa paligid. Nakarating na kami sa tapat ng elevator ito na ang nag-operate. “Girl, nagkita na kayo ni president?” “Kahapon din,” tugon ko. “Salamat makangingiti na si big boss na masungit,” bulong pa nito eh dalawa lang naman kami sa loob ng elevator. “May taping si Samantha, parang kilala ni boss Mattheus, iyong kumuh
Brenda “Oh, c'mon, hon. Maaga pa tutulugan mo na ako, mmm," saad pa ni Mattheus at pinagtatawanan din ako kasi raw hindi ko na kaya ang antok ko nakapikit na ako habang kinakausap siya. Yumakap ako sa leeg ni Mattheus. Nanatili pa ito sa ibabaw ko at ang pagkalalak e niya, nasa loob ko pa rin naka kikiliti kasi kumukislot pa iyon sa loob ko at buhay na buhay pa rin 'to. "Matulog na tayo," malambing kong sabi. Pinilit ko siyang silipin. Kumikislap ang mata pinanonood ako. "Iiisa pa nga sana," biro nito mahigpit akong niyakap. “Hindi na po kaya. Grabe ka ba naman kasi kumain naubos ang lakas ko,” ani ko sa paos na boses. Paulit-ulit niya akong hinalikan sa noo ko. "Mamaya gabi na lang," "Ha, pass muna," laban ko. Ewan ko kung payag na ito, kasi tawa lang naman ang natanggap kong sagot niya. Siguro pumayag na, gano'n lang isinagot niya. Nanatili akong nakapikit. Akala ko nga muli niya ako aangkinin. Nakuntento na lang si Mattheus na yakap niya ako. Hinugot na niya ang kaniya