Brenda “Brenda, bakit wala ka ng imik? Pasensya ka na ha? Naging madaldal ako,” wika pa ni ma'am Marrianne sa ‘kin. Doon ako nagtaas ng tingin. Namilog pa ang mata ko. Mabuti nakahagilap ako ng magandang sagot. I guess iyon ang safe na answer, sa side ko. Bilang may lihim na pagtingin kay sir Mattheus. “Wala ho iyon, ma'am Marrianne,” tugon ko tumingin ako kay ma'am Marycole. Nginitian ko rin upang ipakitang wala lang iyon sa ‘kin mga binanggit ni ma'am Marrianne. Dinugtungan ko pa. “Ehehe, bakit naman po nanghingi ka ng pasensya? Wala naman po kaming relasyon ni Sir Mattheus,” nakangiti ako. Narinig ko pa mahinang tumawa si Sir Matthias. Ewan ko kung para saan hindi ko naman din tatanungin dedma nalang. “Bulang ang ex-girlfriend ng kapatid ko. Wala na siyang makikitang kasing guwapo at medyo mabait kagaya ni Mattheus. Pasensya ka na talaga ha, Brenda? Pati ikaw tuloy parang nailang,” ani ulit nito. Natawa ako sa sinabi nito na medyo mabait kaya lumingon si Sir Mattheus sa
Brenda “Pasok ka, Brenda. ‘wag kang mahiya sa ‘kin,” sabi pa ni ma'am Lorelei, pagkatapos nginuso couch sa loob ng k'warto. “Upo ka muna ikukuha kita ng bagong underwear. Kasya naman siguro sa ‘yo ‘yon. kasi hindi tayo nagkalalayo ng katawan,” aniya. Nagsalubong ang kilay nito dahil ayaw kong kumilos. Siya na ang kusang yumakap sa braso ko sabay hila sa ‘kin patungo sa inaalok na upuan sa loob ng k'warto nila. “Iwanan muna kita kukuha na ako,” paalam nito nang nakaupo na ako. “Kahit sanitary napkin lang, Lorelei,” giit ko sa kaniya ngunit inirapan lang ako kaya naman napangiti na lamang ako. Akalain mo iyon. Sekretarya lang ako ng Kuya Mattheus nito ngunit kung ituring ako ni ma'am Lorelei. Parang kaibigan. Gusto ko rin itong maging kaibigan tingin ko kasi rito mapagkakatiwalaan. Ito iyong taong kahit anong katayuan mo sa buhay. Hindi niyon titingnan. At kung mayroon kang sekreto sa kaniya na i-share. Ligtas ang sikreto mo sa kanya hindi maaaring mangamba kakalat sa iba. “
BrendaMalalim na buntonghininga ni Mattheus ang tugon nito kay Lorelei, at pagkatapos niyon tumingin naman siya sa ‘kin. Parang may gusto pang sabihin. Ngunit urong sulong kung itutuloy ba nito at sa huli nanatiling tikom ang bibig ni Mattheus, sa halip lumapit ito sa ‘kin hinawakan ang kamay ko’t hinila na ako upang lumabas ng bahay ni Lorelei.Todo sermon naman sa kaniya ni Lorelei na nasa likuran namin. Nanatiling dedma lang siya ni Mattheus. Gusto kong tumawa kasi nag-aalala ng husto sa ‘kin si Lorelei. Baka raw nasasaktan daw ako sa paghawak ni Mattheus sa kamay ko.“Kuya Mattheus, dahan-dahan lang naman ang hawak at paghila mo kay Brenda. Baka matisod pa ang kaibigan ko,” aniya. Narinig ko pang pumadyak pa ang magkabila nitong paa dahil sa inis nito sa boss kong sinusumpong ngayon.Ako ang may period ngunit baliktad yata. Dahil si Matthues, ang tinutopak ngayon ayaw naman sabihin kung bakit may sumpong siya. Hindi iyong ganitong sinasarli lang nito kung may ayaw tapos dinadamay
Brenda “Sir Mattheus, salamat po, ha?” ani ko pagdating namin sa gate ng boarding house ko. Napangiwi pa ako kasi hindi man lamang nito ako pinag-aksayahan lingunin at simpleng tango lang ang sinagot nito sa ‘kin nanatili lang sa unahan ang tingin ni Sir Mattheus. Lihim akong napairap. Napaka talaga. Buong biyahe namin tahimik kaming pareho. Walang gustong magsalita. Lalo na ako wala naman akong sasabihin sa kaniya mapahiya pa ako kung kulitin ko ito. Edi magandang manahimik na lang. Bipolar pa naman itong amo ko hirap minsan sakyan ng ugali. Kibit balikat kong binuksan ang pinto sa tagiliran ko upang lumabas na ng sasakayan nito. Hindi ko rin matiis ‘di kausapin bago ko isarado ang pinto. Bahala na kung sasagot o hindi. Basta in a nice way ko naman siya kakausapin. “Boss, ingat po, ha?" wika ko kahit ayaw niya akong kausapin lakas loob ko pa rin niyon sinabi sa kaniya. Napangiti ako good thing naman dahil nilingon na niya ako. Ngunit dedma naman nito ang masayang ngiti k
Brenda“Tiya Agnes, kumusta po ang, Tiya Alona?” iyon agad ang tanong ko pagpasok ko sa silid ng ospital na kinaroroonan nila.Dito ako tumuloy hindi pa ako umuuwi ng bahay. Pagbaba ko ng Borongan airport. Dito ako nagpahatid sa aking na hire na van. Blessing din hindi kinuha ni Mattheus ang pera, kasi saktong nagamit ko sa pamasahe pauwi mayroon pang naiwan ngunit kaunti na lang. Mahal kasi ang singil ng special na biyahe, dahil malayo nga naman masyado simula sa Borongan hanggang dito sa Arteche.Halos dalawang oras pa ang tulog ko simula kagabi himala nga hindi ako inaantok. Naiidlip lang ako, ngunit kalaunan gigising ako at hindi na ulit makakukuha ng tulog. Dahil din ito sa labis kong pag-aalala sa Tiya Alona. Biglaan kasi nababahala ako rito.May phobia na kasi ako kapag hospital ang pinag-uusapan. Ayaw na ayaw kong makarinig ng balita na dinala sa ganitong hospital. Dahil nanariwa sa aking alaala noong buhay pa ang Nanay Nelia ko. Sa hospital din binawian ng buhay ang Nanay ko,
Brenda “Brenda, damn! Umuwi ka sa inyo ng hindi pa effective ang leave mo?!” bulyaw nito sa kabilang linya. “T-teka lang naman po, Sir Mattheus. Hindi ho ako basta-basta umuwi lang! ‘wag naman gan'yan. Emergency po ang pag-uwi ko, Sir Matthues. Hindi lang po ako namasyal dito dahil alam ko naman kailangan kong antayin ang araw ng leave ko. Kaya lang maiisip ko pa po ba iyon? Kung pamilya ko ang pinag-uusapan dito,” nataranta kong tugon sa kaniya. Buset umagang-umaga highblood ito. Simula ng tanggihan siya ni Neng-neng palaging mainit ulo. Naku naman kung hindi ko lang kailangan ng trabaho hindi ko pagtitiyagaan ang kasungitan nito ngayon. “Bakit ka nga umuwi?! Pinayagan ba kitang umuwi ha, Ms. Polido? Alas-singko pa akong nandito sa labas ng boarding house mo—” “Ha, bakit naman po? Sa pagkakaalam ko alas-otso ang pasok ko sa office. Aba nag-upgrade na po pala ngayon Sir, Martinez, madaling araw na po ba?” “I have a business trip tomorrow in El Nido, and I'll take you with m
Brenda“Nandito na ako,”Napamulagat ako sa nabasang text galing kay Mattheus. Aba'y sino bang hindi matataranta kung ganitong message ang bumungad pagbukas ng phone ko.Anong nandito na siya? Saan dito ba sa Samar? Sa El Nido? Sa boarding house ko? Kasi kung dito sa Samar…baka sinapian si Mattheus. O baka naman nagbibiro lang sa ‘kin kasi kahapon lang kausap ko ito marami raw siyang ginagawa. Kaya nga sabi nito kahapon, noong kausap ko siya sa pagpayag ng kagustuhan nito. Magkita na lamang daw kami sa Manila next week sa iskedyul ng surgery ng Tiya Alona.Agree din si Mattheus ng sabihin ko sa St. Luke's Doctors. Gagawin ang bypass surgery ng Tiya Alona. Si Dr. Tan din pala ang gagawa dahil doctor din pala ito ng St. Luke's. Sabi ni Mattheus. Mainam naman na roon ang surgery maasikaso ng maayos ang Tiya Alona.Pumayag din ito sa pamimilit kong ibalik nito akong sekretarya niya. Noong una nahirapan akong kumbinsihin si Mattheus. Hirap kausap o sadyang gusto lang ako nitong parusahan
BrendaPagdating ng ala-una ng hapon dumating ang Tiya Agnes na gulat na gulat ng makita si Sir Mattheus. Napangiti ako kasi hindi ito kumukurap titigan ang amo ko.“Natatandaan ko siya,” anang Tiya Agnes. Kapagkuwan parang nag-iisip ito kung saan nga nakita si Sir Mattheus.“Oo nga alam ko na. Ikaw iyong dating newscaster tapos model at naging artista rin. Gusto ko iyon dati mong palabas sa TV. Naku inaabangan ko iyan kapag alas-siyete na ng gabi. Kailangan walang gagambala sa akin. Katunayan itong pamangkin ko kasama ko rin.”“Tiyang, opo siya nga iyon si Mattheus Martinez,” sabi ko. Hindi naman kasi ito gumamit ng screen name unlike sa ibang nasa showbiz.“Nanood din itong pamangkin ko. Sobrang crush na crush ka niyan,” sabi ni Tiyang na kinatitig ni Sir Mattheus sa akin.Nasamid ako. Ang Tiya Agnes, kay talas ng memorya aba. Eighteen pa ako noon may teleserye ginawa si Sir Mattheus. Parang twenty five or twenty six na ito noon. Kasi late nga pumasok sa showbiz.Two years lang nama
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi
AndreaNang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya."Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga."Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael.Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina."Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko.""Edi wow na lang,"Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na kinilig
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”
Andrea “Dammit, baby. Hindi naman aalis si ‘nay Fidelisa nagmamadali ka,” suway ni Atlas ng nahabol niya ako bago pa makarating sa sala. Kasi iniwan ko na siya pagkababa lang namin sa hagdanan dahil sabik akong mayakap ang bagong dating na si nanay Fidelisa. “Ikaw ba naman na matagal hindi nakita ang tinuring mong pangalawang ina hindi ka ba magkaganito? Oh, sasagot ka pa talaga Martinez ang pangit mo ka-bonding." Hinayaan na lang ako ni Atlas na maunang maglakad upang puntahan ang nanay Fidelisa. “Nanay Fidelisa! Namiss kita promise,” wika ko pa umupo sa gitna nila ni ate Lucy. Kahit masikip na sila nila ate Lucy sa upuan. Dedma ko lang pinagkasya ko ang sarili ko ‘wag lang kumilos. Dahil magkakabunguan na. Kasama pa kasi nilang tatlo si Alvina, nakanganga matulog sa mahabang sofa. Sumiksik pa ako kaya naging lima na kami kasama si Alvina. “Baby sumiksik ka pa maiipit ang tiyan mo r’yan,” suway ni Atlas. Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni Atlas. Sa halip masaya akong y
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.