Brenda Pumasok kami sa gate ng bahay ng asawa ng kambal ni Mattheus. Alas-siyete y medya na ng gabi. Sa front yard pala naghanda si Ma'am Lorelei. Dalawang mahabang table lang ngunit maraming tao. Tila nagkakatuwaan ang buong pamilya ni Sir Mattheus, kasi nagtatawanan. Naririnig ko boses ni Ma'am Marrianne ang bida. Hindi pa nag-uumpisa kumain ngunit nasa harapan na ang mga lutong pagkain. Parang kami na lang yata ang inaantay nakakahiya naman sana nauna na silang kumain. “Nariyan na pala sila Mattheus, Mommy,” narinig ko sabi ng Ate ni Mattheus na si Marianne Martinez. Kita ko sa amin sila nakatingin. Inayos pa kasi ni Mattheus ang pag-park ng kotse nito. Sumabay na ako pagbaba ni Mattheus at mabuti naman wala akong narinig na disgusto galing dito. “Brenda! Overtime?!” malakas na sigaw ng kambal ni Mattheus na si Sir Matthias. Hindi ko alam kung maayos ba ang ngiti ko sa kanila basta pakiramdam ko nakalutang ako habang papalapit ako sa table kung saan silang pamilya ni M
Brenda “Brenda, bakit wala ka ng imik? Pasensya ka na ha? Naging madaldal ako,” wika pa ni ma'am Marrianne sa ‘kin. Doon ako nagtaas ng tingin. Namilog pa ang mata ko. Mabuti nakahagilap ako ng magandang sagot. I guess iyon ang safe na answer, sa side ko. Bilang may lihim na pagtingin kay sir Mattheus. “Wala ho iyon, ma'am Marrianne,” tugon ko tumingin ako kay ma'am Marycole. Nginitian ko rin upang ipakitang wala lang iyon sa ‘kin mga binanggit ni ma'am Marrianne. Dinugtungan ko pa. “Ehehe, bakit naman po nanghingi ka ng pasensya? Wala naman po kaming relasyon ni Sir Mattheus,” nakangiti ako. Narinig ko pa mahinang tumawa si Sir Matthias. Ewan ko kung para saan hindi ko naman din tatanungin dedma nalang. “Bulang ang ex-girlfriend ng kapatid ko. Wala na siyang makikitang kasing guwapo at medyo mabait kagaya ni Mattheus. Pasensya ka na talaga ha, Brenda? Pati ikaw tuloy parang nailang,” ani ulit nito. Natawa ako sa sinabi nito na medyo mabait kaya lumingon si Sir Mattheus sa
Brenda “Pasok ka, Brenda. ‘wag kang mahiya sa ‘kin,” sabi pa ni ma'am Lorelei, pagkatapos nginuso couch sa loob ng k'warto. “Upo ka muna ikukuha kita ng bagong underwear. Kasya naman siguro sa ‘yo ‘yon. kasi hindi tayo nagkalalayo ng katawan,” aniya. Nagsalubong ang kilay nito dahil ayaw kong kumilos. Siya na ang kusang yumakap sa braso ko sabay hila sa ‘kin patungo sa inaalok na upuan sa loob ng k'warto nila. “Iwanan muna kita kukuha na ako,” paalam nito nang nakaupo na ako. “Kahit sanitary napkin lang, Lorelei,” giit ko sa kaniya ngunit inirapan lang ako kaya naman napangiti na lamang ako. Akalain mo iyon. Sekretarya lang ako ng Kuya Mattheus nito ngunit kung ituring ako ni ma'am Lorelei. Parang kaibigan. Gusto ko rin itong maging kaibigan tingin ko kasi rito mapagkakatiwalaan. Ito iyong taong kahit anong katayuan mo sa buhay. Hindi niyon titingnan. At kung mayroon kang sekreto sa kaniya na i-share. Ligtas ang sikreto mo sa kanya hindi maaaring mangamba kakalat sa iba. “
BrendaMalalim na buntonghininga ni Mattheus ang tugon nito kay Lorelei, at pagkatapos niyon tumingin naman siya sa ‘kin. Parang may gusto pang sabihin. Ngunit urong sulong kung itutuloy ba nito at sa huli nanatiling tikom ang bibig ni Mattheus, sa halip lumapit ito sa ‘kin hinawakan ang kamay ko’t hinila na ako upang lumabas ng bahay ni Lorelei.Todo sermon naman sa kaniya ni Lorelei na nasa likuran namin. Nanatiling dedma lang siya ni Mattheus. Gusto kong tumawa kasi nag-aalala ng husto sa ‘kin si Lorelei. Baka raw nasasaktan daw ako sa paghawak ni Mattheus sa kamay ko.“Kuya Mattheus, dahan-dahan lang naman ang hawak at paghila mo kay Brenda. Baka matisod pa ang kaibigan ko,” aniya. Narinig ko pang pumadyak pa ang magkabila nitong paa dahil sa inis nito sa boss kong sinusumpong ngayon.Ako ang may period ngunit baliktad yata. Dahil si Matthues, ang tinutopak ngayon ayaw naman sabihin kung bakit may sumpong siya. Hindi iyong ganitong sinasarli lang nito kung may ayaw tapos dinadamay
Brenda “Sir Mattheus, salamat po, ha?” ani ko pagdating namin sa gate ng boarding house ko. Napangiwi pa ako kasi hindi man lamang nito ako pinag-aksayahan lingunin at simpleng tango lang ang sinagot nito sa ‘kin nanatili lang sa unahan ang tingin ni Sir Mattheus. Lihim akong napairap. Napaka talaga. Buong biyahe namin tahimik kaming pareho. Walang gustong magsalita. Lalo na ako wala naman akong sasabihin sa kaniya mapahiya pa ako kung kulitin ko ito. Edi magandang manahimik na lang. Bipolar pa naman itong amo ko hirap minsan sakyan ng ugali. Kibit balikat kong binuksan ang pinto sa tagiliran ko upang lumabas na ng sasakayan nito. Hindi ko rin matiis ‘di kausapin bago ko isarado ang pinto. Bahala na kung sasagot o hindi. Basta in a nice way ko naman siya kakausapin. “Boss, ingat po, ha?" wika ko kahit ayaw niya akong kausapin lakas loob ko pa rin niyon sinabi sa kaniya. Napangiti ako good thing naman dahil nilingon na niya ako. Ngunit dedma naman nito ang masayang ngiti k
Brenda“Tiya Agnes, kumusta po ang, Tiya Alona?” iyon agad ang tanong ko pagpasok ko sa silid ng ospital na kinaroroonan nila.Dito ako tumuloy hindi pa ako umuuwi ng bahay. Pagbaba ko ng Borongan airport. Dito ako nagpahatid sa aking na hire na van. Blessing din hindi kinuha ni Mattheus ang pera, kasi saktong nagamit ko sa pamasahe pauwi mayroon pang naiwan ngunit kaunti na lang. Mahal kasi ang singil ng special na biyahe, dahil malayo nga naman masyado simula sa Borongan hanggang dito sa Arteche.Halos dalawang oras pa ang tulog ko simula kagabi himala nga hindi ako inaantok. Naiidlip lang ako, ngunit kalaunan gigising ako at hindi na ulit makakukuha ng tulog. Dahil din ito sa labis kong pag-aalala sa Tiya Alona. Biglaan kasi nababahala ako rito.May phobia na kasi ako kapag hospital ang pinag-uusapan. Ayaw na ayaw kong makarinig ng balita na dinala sa ganitong hospital. Dahil nanariwa sa aking alaala noong buhay pa ang Nanay Nelia ko. Sa hospital din binawian ng buhay ang Nanay ko,
Brenda “Brenda, damn! Umuwi ka sa inyo ng hindi pa effective ang leave mo?!” bulyaw nito sa kabilang linya. “T-teka lang naman po, Sir Mattheus. Hindi ho ako basta-basta umuwi lang! ‘wag naman gan'yan. Emergency po ang pag-uwi ko, Sir Matthues. Hindi lang po ako namasyal dito dahil alam ko naman kailangan kong antayin ang araw ng leave ko. Kaya lang maiisip ko pa po ba iyon? Kung pamilya ko ang pinag-uusapan dito,” nataranta kong tugon sa kaniya. Buset umagang-umaga highblood ito. Simula ng tanggihan siya ni Neng-neng palaging mainit ulo. Naku naman kung hindi ko lang kailangan ng trabaho hindi ko pagtitiyagaan ang kasungitan nito ngayon. “Bakit ka nga umuwi?! Pinayagan ba kitang umuwi ha, Ms. Polido? Alas-singko pa akong nandito sa labas ng boarding house mo—” “Ha, bakit naman po? Sa pagkakaalam ko alas-otso ang pasok ko sa office. Aba nag-upgrade na po pala ngayon Sir, Martinez, madaling araw na po ba?” “I have a business trip tomorrow in El Nido, and I'll take you with m
Brenda“Nandito na ako,”Napamulagat ako sa nabasang text galing kay Mattheus. Aba'y sino bang hindi matataranta kung ganitong message ang bumungad pagbukas ng phone ko.Anong nandito na siya? Saan dito ba sa Samar? Sa El Nido? Sa boarding house ko? Kasi kung dito sa Samar…baka sinapian si Mattheus. O baka naman nagbibiro lang sa ‘kin kasi kahapon lang kausap ko ito marami raw siyang ginagawa. Kaya nga sabi nito kahapon, noong kausap ko siya sa pagpayag ng kagustuhan nito. Magkita na lamang daw kami sa Manila next week sa iskedyul ng surgery ng Tiya Alona.Agree din si Mattheus ng sabihin ko sa St. Luke's Doctors. Gagawin ang bypass surgery ng Tiya Alona. Si Dr. Tan din pala ang gagawa dahil doctor din pala ito ng St. Luke's. Sabi ni Mattheus. Mainam naman na roon ang surgery maasikaso ng maayos ang Tiya Alona.Pumayag din ito sa pamimilit kong ibalik nito akong sekretarya niya. Noong una nahirapan akong kumbinsihin si Mattheus. Hirap kausap o sadyang gusto lang ako nitong parusahan
Andrea Hindi kami umuwi ni Atlas sa condo namin. Dito kami sa bahay natulog. Maging ang ate Lucy, narito din sa silid ni ate Jane nakitulog. Natawagan na rin ni Atlas ang professor ko hindi ako papasok bukas dahil hindi pa ako uuwi sa condo. Aantayin ko na hanggang sa Sabado ang araw ng pamanhikan nila dito muna ako sa bahay mananatili. Pero papasok si Atlas bukas. Kaya maaga kaming natulog medyo malayo kasi ang aming bahay sa office ni Atlas. Nag-a-adjust siya ng gising bukas. Unti ng mahimbing ang tulog ko ng maulinigan kong may tumatawag sa cellphone ko. Hinayaan ko muna dahil gusto ko ng matulog. Subalit ayaw tumigil sa pagri-ring Iniisip ko si Atlas masarap ang tulog may pasok din si Atlas bukas kaya napilitan akong bumangon upang sagutin iyon. “Baby saan ka pupunta?” paos ang boses ni Atlas. Nagkamot ako sa buhok ko. Shit! Kay lakas ng pakiramdam ni Atlas. Mahimbing na ang tulog nito pero isang kilos ko lang nagising na agad. “Andrea Keth?” inulit pa at bumangon na rin ito
Andrea “May masama bang nangyari doon sa bahay n'yo?” hindi nakatiis na tanong ng ate Lucy. Kanina pa kasi patingin tingin siya sa ‘kin na may pagtataka sa mata niya. Oo nga naman ang tahimik ko kasi simula kanina paglabas ng condo hanggang ito malapit na kaming makarating sa bahay. “Ate Lucy nawawala po si Alvina,” Napatakip ng bibig si ate Lucy animo nabigla siya ng sobra. “S-sino naman ang kumuha na pakawalang puso noon.” “Ate wala pa kaming nakuhang lead. Pero sana okay lang ang kapatid ko. Baka kung anong gawin kay Alvina ng kumuha sa kaniya. Baby pa niya para makaranas ng ganitong ganid na tao.” “Sobrang lakas ng loob noon. Sa bahay n'yo pa dinukot si Alvina…sandali nga senyorita. Baka naman Ina ni Alvina ang kumuha. Kasi nga malayang nakakilos sa loob ng bahay n'yo.” “Ate same tayo ng iniisip. Kung nagkataon na si Olivia ang kumuha kay Alvina. Sana lang hindi niya pabayaan si Alvina. Nasaksihan ko kasi paano niya pinabayaan ang bata. Kahit may sakit hindi inaalaga
Andrea Nang matapos kong tawagan si Daddy. Sinubukan kong kontak-in si Erica. Subalit unattended lang ang sumalubong sa ‘kin ilang dial na ang ginawa ko. Nailing ako kasi dati naman nag-ri-ring ang phone ni Erica. Ilang beses ko kasi si Erica tinawagan tungkol kay Alvina. Kung gusto n'yang alagaan ang kapatid niya bago magdesisyon si dad na akuin na si Alvina. Hindi sinasagot ni Erica bawat tawag ko. Ginagawa ko na lang nag-message na lang ako kung sakali man mababasa nito. Ako: Erica, si Andrea ‘to. Kung nasa inyo si Alvina mas okay. Pero kung wala. May kumuha sa kaniya. Kapatid mo pa rin ‘yon kahit na anong mangyari. Si mama mo rin nawawala sa rehabilitation center. Kung ako sa ‘yo. Hayaan mo gumaling ang mama mo. Wala na siyang kinikilala ‘wag mong hayaan na mapahamak pa pati ikaw at si Alvina. Nagpadala na lang ako ng text kung sakaling buksan n'ya ang phone papasok naman panigurado ang mensahe ko sa kaniya. “Bakit anong nangyari?” nagtataka si Atlas ng halos takbuhin ko a
Andrea “Ang lalaking nagbigay ng wine sa ‘kin doon sa Soltero noong gabing nag-break kami ni Kier, ay boyfriend ni Maxine?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Atlas. “Baby tama naman ang narinig mo,” tugon ni Atlas. “Sigurado ka ba rito ha, Atlas? Baka nagkamali lang ‘yang si Balthazar sa report niya sa ‘yo. Sandali nga. Iyon pala ang totoo mong pakay kaya nakipagkita ka kay Balthazar, ng pagkatagal tagal? Sabi mo dahil sa pinadala ni Kier, na picture kaya may usapan kayo ni Balthazar? Bakit ngayon pati na si Maxine?” “Tsk. Baby, bakit ba ang hilig mong banggitin ang pangalan ng ex mo,” may inis sa boses ni Atlas. Hindi ko lang siya pinansin. Nagpatuloy akong magtanong sa kaniya. “Ang OA mo Atlas. Magkakaanak na nga tayo at hello? Pangalan lang iyon ni Kier selos na selos ka pa,” “Damn pinagdiinan pa ang pangalan ni ex,” bubulong bulong si Atlas. “Ayaw kong sasambitin mo ulit ang pangalan noon. Baby naman,” Inukotan ko ng mata ko. Hanggang ngayon napaka big deal dito ang
Andrea “Ah, ‘yan pala si Jhen?” tanong ko sa ate Lucy ng hindi na nag-reply si Maxine sa 'kin. Bumalik ulit sa telebisyon ang atensyon ko. Nakangiting pinanood ko ito. Tumango ito. “Diba senyorita kasing ganda mo siya? Siguro ka height mo rin siya at magkasing katawan,” puno ng paghanga na wika ng ate Lucy para sa idol niyang artista. “Parang malabo po ang mata mo ate Lucy. Ang ganda-ganda po niya. Lalo na siguro sa personal lalo ‘yan maganda. Parang bata pa po ate Lucy, 'no? Para siyang eighteen lang," saad ko sa kaniya. “Twenty three na raw ‘yan sabi noong dating interview sa kanilang dalawa siya mismo ang nagsabi. Baby face lang talaga,” “Updated ate ah,” biro ko pa. Muli na lang akong nanood. Kaya lang napapangiwi ako sa walang katapusan na palakpak ni ate Lucy, kaya bigla akong bumungisngis at pabirong pinagsabihan ‘to. “Ate Lucy, nabibingi na po ako sa ginagawa mo. Parang gusto ko na lang bumalik sa k'warto,” “Ahehe sorry senyorita. Babawasan ko na lang ang boses
Andrea Alas-dos na ng hapon. Wala pa rin si Atlas. Naiinip naman akong mag-antay sa k'warto namin muli akong bumangon at ni off ang bukas na TV. Lumabas ulit ako't bumalik sa sala. Naabutan ko pa si ate Lucy roon sa sala ang lakas ng hagalpak ng tawa ni ate Lucy sa pinanonood niyang noontime show. Hindi pa pala tapos sa ganitong oras? O baka patapos na rin. Ang alam ko kasi hanggang 2:30 pm lang ang haba ng oras ng pinanonood ni ate Lucy na noontime show sa RMTV. Certified talagang artista fanatic si ate Lucy. Pero nakatutuwa rin naman sa kabila ng edad ni ate Lucy, kung kiligin sa mga genZ love team abot hanggang talampakan. Ang dami nitong kilalang artista ng RMTV. Mapa bagets at mga batikang artista halos kilala ni Ate Lucy. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Hindi niya pa ako napapansin sa labis n'yang katuwaan sa pinanonood niya. May paghampas pa nga sa sofa kapag tatawa ito ng malakas. “Ate Lucy overacting ka po,” pang-aasar ko pa sa kaniya. Bumungisngis lang
Atlas Paul Trinidad? Bunsong anak ni Senator Alan Trinidad. Anim na taon ng hiwalay sa asawa nitong dating beauty international title holder. Thirty four years old. Car dealer ang business nito. Parang damit lang kung magpalit ng babae. Kapag nagsawa ay parang basahan na ididispatsa ang babae at ipapalit ang latest nagustuhan nito. Sa nakalap ni Balthazar na impormasyon. Binubugbog daw ang asawa kaya iniwan si Paul Trinidad. Nakulong daw ito dahil denemanda ng asawa. Ngunit wala pang dalawang buwan na abswelto si Paul at ang asawa nito ay sa province piniling manirahan. Last year lang may nagreklamong model dito kay Paul sa kasong pang-aabuso na katulad din sa kaso ng asawa nito. Ngunit binasura lang ang kaso dahil wala raw sapat nakuhang ebidensya ang nagsampa ng kaso. Bali-balita rin nasuhulan ang pamilya ng biktima upang manahimik. Dahil hindi lang isang beses itong nagkaroon ng kaso na ganito itong si Paul Trinidad. Pangatlong kaso ng pala same ang isinampa. Pang-aabuso ng
Atlas Napangiti ako ng tulyan akong makalabas ng condo. Kung hindi pa niya ako itinaboy. I had no intention of leaving yet. Kung p'wde ko lang siyang isama araw-araw kapag aalis ng bahay. I truly enjoy doing it. Subalit ito mismo ang unang tutol dahil nag-aaral pa at ayaw ng asawa ko na istorbohin ako sa trabaho ko. Nag-ring ang phone ko hinugot ko sa pants ko. Nang makita ko na si Balthazar ang tumatawag. Napakamot ako sa kilay ko. Naiinip na siguro dahil sabi ko within fifteen minutes nasa condo na niya ako. Kanina ko pa siya na text. Thirty minutes na ang nakalipas kaya tinawagan na ako. “Hello, patungo na ako riyan,” anang ko pigil ang tawa. “Ulol! Huhulaan ko, paalis ka pa lang Martinez. Dammit! Naiintindihan kong inlove ka masyado at hindi maiwan iwanan ang asawa mo. But I have an important matter to attend to at this moment, so please hurry up, Atlas Martinez.” “Antayin mo ako paalis na ako.” “What the heck. Totoo ngang paalis ka pa lang tarantado ka, Martinez. Kahit
Andrea Katatapos lang ng klase ko. Two hours lang ako ngayon kaya eleven ng umaga tapos na kami ng professor ko. Lumipas ulit ang isang araw naka survive naman ulit ako sa homeschooling kahit nasa time pa ako ng adjustment. “Bye po ma'am Sigrid. Ingat po sa biyahe,” “Salamat Mrs. Martinez, see you on monday,” tugon nito't kumaway din sa akin. Lunes hanggang huwebes lang kasi ang turo nito. Hindi kagaya sa normal class. Monday to Friday. Kapag homeschooling sa Immaculate University. Hanggang Thursday lang. Nang tuluyang makalabas ang professor ko. Bumalik ako sa sala upang iligpit ko ang laptop at iba ko pang gamit nakakalat sa ibabaw ng center table. Pinagsama sama ko lang ang notebook ko at pinasok muli sa backpack ko kasama ng laptop ko. Hindi ko muna inalis sa ibabaw ng center table. Mamaya pa kasi akong papasok sa k'warto dinadala ko iyon pagkatapos ng aking klase. Pero ngayon gusto ko munang tumambay rito sa sala. Kapag sa kwarto hilahin na naman ako ng tulog kapag nak