Brenda “Sir Mattheus, salamat po, ha?” ani ko pagdating namin sa gate ng boarding house ko. Napangiwi pa ako kasi hindi man lamang nito ako pinag-aksayahan lingunin at simpleng tango lang ang sinagot nito sa ‘kin nanatili lang sa unahan ang tingin ni Sir Mattheus. Lihim akong napairap. Napaka talaga. Buong biyahe namin tahimik kaming pareho. Walang gustong magsalita. Lalo na ako wala naman akong sasabihin sa kaniya mapahiya pa ako kung kulitin ko ito. Edi magandang manahimik na lang. Bipolar pa naman itong amo ko hirap minsan sakyan ng ugali. Kibit balikat kong binuksan ang pinto sa tagiliran ko upang lumabas na ng sasakayan nito. Hindi ko rin matiis ‘di kausapin bago ko isarado ang pinto. Bahala na kung sasagot o hindi. Basta in a nice way ko naman siya kakausapin. “Boss, ingat po, ha?" wika ko kahit ayaw niya akong kausapin lakas loob ko pa rin niyon sinabi sa kaniya. Napangiti ako good thing naman dahil nilingon na niya ako. Ngunit dedma naman nito ang masayang ngiti k
Brenda“Tiya Agnes, kumusta po ang, Tiya Alona?” iyon agad ang tanong ko pagpasok ko sa silid ng ospital na kinaroroonan nila.Dito ako tumuloy hindi pa ako umuuwi ng bahay. Pagbaba ko ng Borongan airport. Dito ako nagpahatid sa aking na hire na van. Blessing din hindi kinuha ni Mattheus ang pera, kasi saktong nagamit ko sa pamasahe pauwi mayroon pang naiwan ngunit kaunti na lang. Mahal kasi ang singil ng special na biyahe, dahil malayo nga naman masyado simula sa Borongan hanggang dito sa Arteche.Halos dalawang oras pa ang tulog ko simula kagabi himala nga hindi ako inaantok. Naiidlip lang ako, ngunit kalaunan gigising ako at hindi na ulit makakukuha ng tulog. Dahil din ito sa labis kong pag-aalala sa Tiya Alona. Biglaan kasi nababahala ako rito.May phobia na kasi ako kapag hospital ang pinag-uusapan. Ayaw na ayaw kong makarinig ng balita na dinala sa ganitong hospital. Dahil nanariwa sa aking alaala noong buhay pa ang Nanay Nelia ko. Sa hospital din binawian ng buhay ang Nanay ko,
Brenda “Brenda, damn! Umuwi ka sa inyo ng hindi pa effective ang leave mo?!” bulyaw nito sa kabilang linya. “T-teka lang naman po, Sir Mattheus. Hindi ho ako basta-basta umuwi lang! ‘wag naman gan'yan. Emergency po ang pag-uwi ko, Sir Matthues. Hindi lang po ako namasyal dito dahil alam ko naman kailangan kong antayin ang araw ng leave ko. Kaya lang maiisip ko pa po ba iyon? Kung pamilya ko ang pinag-uusapan dito,” nataranta kong tugon sa kaniya. Buset umagang-umaga highblood ito. Simula ng tanggihan siya ni Neng-neng palaging mainit ulo. Naku naman kung hindi ko lang kailangan ng trabaho hindi ko pagtitiyagaan ang kasungitan nito ngayon. “Bakit ka nga umuwi?! Pinayagan ba kitang umuwi ha, Ms. Polido? Alas-singko pa akong nandito sa labas ng boarding house mo—” “Ha, bakit naman po? Sa pagkakaalam ko alas-otso ang pasok ko sa office. Aba nag-upgrade na po pala ngayon Sir, Martinez, madaling araw na po ba?” “I have a business trip tomorrow in El Nido, and I'll take you with m
Brenda“Nandito na ako,”Napamulagat ako sa nabasang text galing kay Mattheus. Aba'y sino bang hindi matataranta kung ganitong message ang bumungad pagbukas ng phone ko.Anong nandito na siya? Saan dito ba sa Samar? Sa El Nido? Sa boarding house ko? Kasi kung dito sa Samar…baka sinapian si Mattheus. O baka naman nagbibiro lang sa ‘kin kasi kahapon lang kausap ko ito marami raw siyang ginagawa. Kaya nga sabi nito kahapon, noong kausap ko siya sa pagpayag ng kagustuhan nito. Magkita na lamang daw kami sa Manila next week sa iskedyul ng surgery ng Tiya Alona.Agree din si Mattheus ng sabihin ko sa St. Luke's Doctors. Gagawin ang bypass surgery ng Tiya Alona. Si Dr. Tan din pala ang gagawa dahil doctor din pala ito ng St. Luke's. Sabi ni Mattheus. Mainam naman na roon ang surgery maasikaso ng maayos ang Tiya Alona.Pumayag din ito sa pamimilit kong ibalik nito akong sekretarya niya. Noong una nahirapan akong kumbinsihin si Mattheus. Hirap kausap o sadyang gusto lang ako nitong parusahan
BrendaPagdating ng ala-una ng hapon dumating ang Tiya Agnes na gulat na gulat ng makita si Sir Mattheus. Napangiti ako kasi hindi ito kumukurap titigan ang amo ko.“Natatandaan ko siya,” anang Tiya Agnes. Kapagkuwan parang nag-iisip ito kung saan nga nakita si Sir Mattheus.“Oo nga alam ko na. Ikaw iyong dating newscaster tapos model at naging artista rin. Gusto ko iyon dati mong palabas sa TV. Naku inaabangan ko iyan kapag alas-siyete na ng gabi. Kailangan walang gagambala sa akin. Katunayan itong pamangkin ko kasama ko rin.”“Tiyang, opo siya nga iyon si Mattheus Martinez,” sabi ko. Hindi naman kasi ito gumamit ng screen name unlike sa ibang nasa showbiz.“Nanood din itong pamangkin ko. Sobrang crush na crush ka niyan,” sabi ni Tiyang na kinatitig ni Sir Mattheus sa akin.Nasamid ako. Ang Tiya Agnes, kay talas ng memorya aba. Eighteen pa ako noon may teleserye ginawa si Sir Mattheus. Parang twenty five or twenty six na ito noon. Kasi late nga pumasok sa showbiz.Two years lang nama
Brenda Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Sir Mattheus, nang binabagtas na namin pauwi sa bahay. Natukso akong silipin ang katabing si Mattheus. Seryoso diresto ang tingin nito sa unahan lang at wala naman akong reklamo naririnig. Para yata napansin nito lihim ko siyang pinagmamasdan. Pumaling ito ng tingin sa ‘kin at saktong nakatingin ako sa kanya huli ako sa akto. Tinaasan nito ako ng kilay. Agad din akong umiwas ng tingin kahit alam kong nakatitig pa rin ito sa ‘kin. Naulinigan ko ang malalim nitong bumuntonghininga kaya tumingin ulit ako sa kaniya. “Hindi ka ba komportable sa tricycle? Nahihirapan ka ba? Pasensya na ha? Tricycle at single na motor lang kasi ang transportation na mayroon dito.” “Do I look like I'm complaining?” pabalang nito tugon sa ‘kin. “Eh, naiinip ka?” tanong ko ulit kahit wala itong kwenta kung sumagot sa ‘kin. “How about you? Pinasadahan ako ng tingin. “Ayos ka lang ba? Nangalumata ka na, Brenda,” balik tanong ni Matthues. “Ker
Brenda Umangat ang tingin ni Matthues sa ‘kin tila inaantok. Ngumiti ako sa kaniya at ipinagpatuloy ko ang pagsuklay sa buhok niya lalo tuloy pumungay ang mata nito dahil sa aking ginagawa. “Gusto mo na ba matulog?” tanong ko pa ngunit hindi pa rin ako nag-Oo sa request nitong gustong tumabi matulog sa 'kin. Maaari ko naman siya patulugin sa kwarto ko kasi wala naman ang dalawa kong Tiyahin. Kung nandito malabo ang hinihiling ni Mattheus. Alam ng dalawa kong Tiyahin. Boss ko lang siya at wala kaming relasyon na dalawa, baka kung gawin ko iyon makurot ako sa singit ng Tiya Alona. Pero may nangyari na sa ‘min. Baka rin maulit lalo na’t pag-aari ako ni Mattheus, may kasunduan kami kung gusto nito hindi ako makahihindi sa bawat hilingin nito. “Tara na kung inaantok ka na,” wika ko ng pumikit ito. Baba na sana ako sa pagkakandong sa kaniya subalit hindi ako pinayagan. “Inaantok na rin ako—” sabi ko hindi ko rin natapos dahil sinapo ni Mattheus ang magkabila kong pisngi at sinak
Brenda Kinabukasan, paggising ko magaan ang pakiramdam ko masayang nakangiti. Nakapikit pa akong sumubsob ako sa unan ko at hindi pa pumapasok sa aking alaala ang nangyari kagabi nakayakap si Mattheus sa ‘kin at natulog kaming magkatabi sa higaan ko. Madalas ko itong gawin kapag masaya ako at satisfied ako sa tulog ko. Bago bumangon pagulong-gulong muna sa higaan ko sa ganda ng aking gising. Luh! Oo nga si Mattheus na bipolar pala ay kasama ko. Dumilat ako narealize ko nasa Samar nga pala ako. Natigilan ako pagkapa sa tabi ng higaan ko wala na si Mattheus. Nasa bahay nga pala ako ng dalawa kong Tiyahin. Ang akala ko nasa boarding house ako walang pasok kaya tinanghali ako ng gising. Natulog kami kagabi ni Mattheus, habang mahigpit nito akong yakap sa aking likuran hanggang hilahin ako ng aking mahimbing na tulog. Ngunit ngayon parang may kulang. Kasi hindi na ito nakayakap sa ‘kin. Tumingin ako sa tabi ko kahit alam kong wala ito, hindi ko pa rin maiwasang nanlumo ako dah
Mattheus Nagpaalam ako kay Ms. Anaren lalabas muna upang ipagamot ang labi ko. Napangiwi ako ng kumikirot iyon. Ngayon lang ako nasaktan ni Dad malala naman. Pumunta ako ng nurse station. Naga-agawan pa ang mga nurse upang gamutin lang ako pinanatili ko lang seryoso ang mukha ko. Alam ko naman may idea na sila kung saan ko ito nakuha kasi maraming napadaan kanina ng malakas akong sinapak ni Daddy dahil sa nangyari kay Brenda. Nang matapos nila akong gamutin, nagpasya akong magtungo muna ako sa kotse ko kasi naiwan ko ang phone ko. Gusto kong kontakin si Matthias, upang puntahan muna nito ang RMTV. Fvck! May mga press pa rin at gusto akong ambush interview. ‘President, totoo po bang nakunan ang sekretarya n'yo at ikaw raw ang ama?’ Shit! Ang dami nilang tinatanong. ‘President kaano-ano ng sekretarya mo ang rival n'yong television. May nakakita kay President Cornejo, bumuhat sa sekretarya mo galing sa loob ng sasakyan mo. Umpisa na ba ito ng pagsasanib pwersa ng dalawang m
Mattheus Nakaalis na sila Mommy at Daddy roon pa rin akong nakatingin sa dinaanan nila kahit wala na sila sa paningin ko. I sighed. Even if the hope is not clear. I will do everything. Just for Brenda to come back to me. Kung kailangan lumuhod ako sa harapan niya. Gagawin ko, ‘wag lang siyang mawala sa buhay ko. Nasanay na ako marinig ang boses niya. Hindi ko kaya tuluyan siyang lalayo sa ‘kin. Paulit-ulit akong hihingi ng ‘sorry’ sa kaniya mahalin niya lang ulit ako. Pagkalipas ng sampung minuto. Bumukas ang pinto ng delivery room. Mahimbing ang tulog si Brenda sa stretcher bed. Dalawang nurse ang nagtutulak sa kanahigaan niya. Agad kong nilapitan pinigilan ko ang dalawang nurse, gusto kong kasama ako magtutulak patungo sa k'warto niya. Ngunit natigilan ako ng magsalita si Ms. Anaren na kinalingon ko sa kaniya. “Ipagamot mo muna iyang putok mong labi at hayaan mo muna makapag pahinga si Brenda,” malamig ang boses na saad nito sa 'kin.. Napahilot ako sa batok ko. Fvck! S
Mattheus POV “Mattheus anak anong nangyari kay Brenda? Totoo ba itong nakarating na balita sa ‘min na dinugo siya dahil nagkasagutan kayo sa RMTV?” Dahan-dahan akong tumango. “Anak daming press sa labas. Gagawan namin ng paraan para walang lumabas sa nangyare. Kasi may third party na sinasabi.” “Dumating po kasi si Neng-neng,” Napatakip sa bibig niya si Mommy. Si Daddy napa 'tsk' alam kong hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. “Kaya ba ayaw mo na kay Brenda?” anang Mommy nakahawak sa noo niya. “Gusto ko siya,” “Eh, kung gano'n bakit nangyare ito kung gusto mo siya?" malamig na saad ni Dad sa 'kin. “Kasalanan ko po,” pag-amin ko. “Oh my God. Anak naman, bakit naman kasi padalos-dalos ka,” anang Mommy na may inis sa boses. Kahit sa pagkamot sa buhok niya galit din. Natigilan ito tila ngayon lang nakita sila Ms. Anaren at Mr. Cornejo. Nanlaki ang mata ni Mommy ng makita ang seryosong si Mr. Cornejo at Ms. Anaren. Hindi ko alam paano nag-krus ang landas nila ni Bre
Brenda"Hindi na po Kuya guard," anang ko at aalis na lang kaya lang nakalapit na si Mattheus na seryoso mukha."Anong kailangan mo?” walang emosyon na tanong ni Mattheus.“Nandito ka rin lang naman sasabihin ko na. Wait lang pala,” wika ko at lumapit sa kaibigan ko.“Ayan. Isaksak mo sa baga mo. Ayaw ko na magkaroon ng koneksyon sa ‘yo kaya ibabalik ko itong bigay mo. Oo nga pala. Kinuha ko susi sa loob ng bag ko. Nandoon sa taas ang passbook ko. Naiwan ko sa drawer. Hindi na ako papasok simula bukas—”“Hindi pwede!” malamig niyang sabi pagkatapos lumakad na upang bumalik sa kotse nito.Hinabol ko naabutan ko hinawakan ko sa braso niya buti tumigil.“Anong hindi p'wede?! Ayaw ko ng mamasukan sa kompanya mo bakit hindi p'wede!”“Dahil malaki pa ang utang mo. Kung babayaran mo lahat. Maari ka ng umalis,”Natigilan ako't napalunok.Lumakad si Mattheus hinabol ko hawak ko pa rin ang paper na ibabalik ko sa kaniya hindi pa nito kinuha.“Ano ba President! Babalik ako para bayaran ang utang
Brenda “Besh, hello, ayos ka lang ba?” “Alam mo na?” “Si Nanay ang nagbalita sa 'kin. Kasi nagkasalisi lang kayo. Pagdating niya sa bahay ni Ma'am Anaren. Iyon ang usap-usapan ng mga kasambahay." “Wala na kami ni Mattheus,” “Weh? Legit ito?” “Oo bumalik na si doktora eh. Naabutan ko sila noong Sabado sa condo.” “Putrages na iyan! Nagawa niya iyan sa ‘yo!?” gigil na sabi ni Angela. Kung nakikita ko ito ngayon I'm sure galit na galit ang kaibigan ko. “Hey, okay lang ako, besh. Hindi naman talaga siya naging akin. Kaya hayaan na natin siya,” saad ko. “Pero mali pa rin eh! Sana kung bumalik na ang ex niya maagap na sinabi sa ‘yo. Naku kung hindi ko lang amo iyon. Bibingo sa ‘kin iyon.” Bumungisngis ako. “Salamat, besh. Love mo talaga ako.” “Of course para na kitang kapatid. Ang tanga ni President. May babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya pero binasura niya. Balang araw gagapang iyan sa lusak. Tingin ko na confused lang iyan sa pagdating ng ex. Kasi sabi-sabi dati.
Brenda Nagisiging akong masakit ang mata. Nauuhaw ako kaya naman iyon ang nasambit ko. ‘Tubig’ malat ang boses na sabi ko ngunit mag-isa lang yata ako sa kinaroroonan ko. Nahihirapan akong idilat ang aking mata kinapa ko iyon namamaga. Kaya pala hirap akong idilat. Nang ilang sandali doon pumasok sa isip ko ang dahilan ng ka miserablehan ko. Galing pala ako sa condo unit ni Mattheus. Naabutan ko sila ng dati n'yang nobya at a-ako w-wala na. Mattheus. Hindi ko naman napigilan hindi tumulo ang luha ko nang maalalang wala na talagang pag-asa na maging akin si Mattheus. Hindi na kailanman magiging akin. Naging akin nga ba talaga siya? Nakakatawa lang dahil ako rin naman ang may kasalanan. Hindi dapat ako masasaktan ng ganito kung nanatili ako kung ano lang ang kayang ibigay ni Mattheus sa relasyon namin. Eh, gano'n ako gusto kong ibigay ang lahat ng pagmamahal para sa binata. Diba ganoon naman dapat? Ano ba dapat ang tama? Para sa ‘kin kasi kung mahal ko itotodo ko na. Hanggan
Brenda Bakit urong-sulong ako sa lakad ko ngayon kung kailan nasa building na ako ng condo unit ni Mattheus. Letsugas, ngayon pa ba ako gusto mag-backout kung kailan six months ko ng karelasyon si Mattheus. Napabuga ako ng hangin sa bibig ko upang kumalma. Woah! Bago ito self? kinakabahan dahil sa sorpresa kay Mattheus. Kahit sa pagpasok ng elevator. Kabado bente pa rin ako. Punyemas na iyan. Anong nangyayare sa ‘kin hindi naman ako ganito dati. Pagpasok ko sa elevator ngumiti ako. Medyo kumalma. Kumanta-kanta pa ako wala naman makaririnig solo ko ngayon elevator, kaya ayos lang kahit sintunado ako. “Ano kaya ang ginagawa ng damuho? Tulog kaya ito?” Sabi naman nito nasa condo lang siya kaya baka tulog nga si Mattheus. May susi ako kaya naman hindi na ako nag-abalang mag-doorbell. Nakangiti pa ako sa na-i-imagine na hitsura ni Mattheus. Tiyak abot hanggang tainga ang ngiti nito pagkakita nito sa ‘kin. “M-Mattheus?” “Doktora Neng-neng?” Ang saya ng ngiti ni Mattheus
Brenda “Mattheus, pasensya na nag-CR pa ako,” nakayuko kong tugon sa kaniya dahil madilim ang mukha nito. Lihim akong napairap. Parang three minutes lang late kung magalit sobra naman. “Alam mong malapit na oras ‘tsaka ka pa nag-CR. Ang daming trabaho, Brenda. Kailangan kong maagang umuwi ngayon!” bulyaw nito sa akin napalunok ako. Nakurot ko ang palad ko habang nakayuko. “Pasensya na po sir President. Hindi na po mauulit.” Suminghap ito pagkatapos pinalabas na ako sa pinto. “Get out!” malamig niyang sabi. “Salamat po Sir President. Gagawin ko lang agad at send ko na lang po sa email mo,” Natapos ko agad ang pinaggagawa niyang contract ng TV commercial ng isang brand ng shampoo. Send ko kaagad sa email nito. Hindi na ako nito pinatawag sa office niya baka approved na iyon wala na siguro papabago. Nagpatuloy ako sa ibang gawain. Hanggang alas-singko. Hindi pa lumabas si Mattheus. Kumatok ako kasi uuwi na ako kanina pa sumakit ang puson ko. Alas-tres lang naman nag-u
Brenda Lumabas kami nila Angela, sa dining nag-join kami sa kapatid nito kanina kumakanta. Niyaya niya akong kumanta raw ako. Sumama lang ako pero hindi ako kumanta. Nagkasya lang akong panoorin sila. Baka bumagyo pa kung kakanta ako. Gusto ko naman kumanta. Kaya lang kanta naman ang ayaw sa ‘kin kahit gusto ko. In short sintunadong tunay po ako. Maganda pala ang boses ni Angela, kagaya sa kapatid nito at mga pinsan. Kahit si Chantal, na dito ko lang nakilala magaling din pala kumanta. Naging ka close ko na rin ang pinsan ni Angela. Hindi na rin ako kinulit ni Mattheus. Mabuti naman daig pa ang asawa kong maka check. Mabuti sana kung umamin na mahal na niya ako kaya lang wala pa rin kahit anong gawin ko. “Brenda, kanta naman d'yan,” anang Chantal. “Pasensya na talaga hindi sa ayaw ko ng kanta. Pero kanta ang ayaw sa ‘kin. Sorry guys taga palakpak at audience n'yo na lang talaga ako.” Hindi nila ako pinilit sila-sila na lang palitan. Kapag minsan din lumalabas ang Nanay n