"Hello?""O, bakit?" asik niyang tugon sa pagtawag ni Gabe sa kaniya."Highblood naman agad 'to," nagtatampong himig ng kaibigan sa kabilang linya."Bakit ka napatawag?""Ala'y kung magmamaganda ka na naman para mag-deliver ako riyan. Hay, naku, ngayon pa lang, sorry na agad!"Patuloy lamang si Sylvia sa paglilinis ng lamesa. Maaga siyang nagising para agad na makatulong sa kanilang business. Sa hapon kasi ay kailangan na niyang magpunta sa date nila ng naka-matched."Ito naman. Napakasungit!""Nag-me-menopouse ka na ba ha?"Malamlam ang mga mata niyang ibinato ang hawak na basahang kasalukuyan niyang ipunupunas sa ibabaw no'n. Tumikwas ang kilay niya habang nakapameywang."Alam mo, ikaw, Gabe!""Lumayo-layo ka sa CEO ng Ledesma Company, kasi namamana mo na 'yong ugali niya," pikon niyang wika."Joke lang!""Bakit ba ang init-init ng ulo mo?!""Minsan na nga lang maglambing sa iyo, na dalhan mo kami rito ng kape, e.""Para naman makita ka namin, miss ko na rin kasi ang chikahan natin
Tumiim ang bagang ni Troye habang nabibingi sa mga sinasabi ni Gabe. Sa bawat paglabas ng usok sa kaniyang ilong ay humuhugot siya ng hininga.So, kaya nag-resigned ang magaling niyang secretary para lamang makipag-date?Naninibugho siya dahil sa mababaw na dahilan na iyon!Nanginginig ang bawat sulok ng kaniyang kalamnan. At parang may kildlat ang tingin habang nakatitig sa kawalan."Hi, Sir!"Matigas pa rin ang anyo ni Troye nang tumapat sa lamesa ng empleyado. Nakita niya ang alangan, at takot sa mukha ni Gabe. Pero kahit pigilan ang sariling huwag ipakita kung gaano siya namamatay sa galit ngayon ay hindi niya magawa."Ma-may problema po ba kayo, Sir?"Kung tanungin siya ni Gabe ay parang si kamatayan ang kaharap. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya."Can you share a secret?""S-secret?" ulit nito habang nananagpo ang mga kilay."Everyone!" tawag atensyon ni Troye sa lahat ng empleyadong naghahanda nang umuwi.Tumigil ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa, at binigyang s
"Dati kang nagtatrabaho sa isang tanyag na kumpanya, sa Ledesma Company.""Yeah. I've worked for them for several years," tantiya ni Sylvia."Kahanga-hanga."Itinaas niya ang tingin kay Diego. Mukhang na impress ang binata sa work background niya.Pasimple niya itong hinagod ng tingin."You're a professor?" kunyaring walang ideya niyang usisa."Yes, a Historian Proffesor.""Great. Can we-""You know history is very important. Nowadays na marami ng tao ang nakalilimutan kung ano ang ating nakaraan," umpisa ni Diego.Tumango naman si Sylvia kahit hindi pa man nakatatapos sa itatanong dito. May punto naman ito. Nakadama siya nang panunuyo ang lalamunan kayat inabot niya ang baso ng tubig na nasa tabi ng kape."Marami na ngayon ang sa kung saan-saang bansa humahanga. At ang bansang gusto nila ang inaalam kung ano ang history.""Habang ang nakaraan ng sarili nating bansang Pilipinas ay nagpag-uusapan lamang dahil kailangan sa paraalan. Pero sa tingin ko ay walang tao ngayong magkukusa na a
"Ano'ng sabi mo?" ulit ni Sylvia nang luminga dito, at inihilig ang ulo.Nag-umpisang maglakad si Troye sa kaswal na paraan. May ibang ibig sabihin pa rin ang ngiting naka-plaster sa mapula, at manipis nitong labi."Ano'ng natutunan mo sa ka-date mo?""I mean, what score did you get from your Historian date?""Are you stalking me?" mabagal niyang isa-isang bigkas habang nakatitig ng seryoso rito."W-what?!""Why would I?" malakas na sambit naman ni Troye na may kasama pang malutong na tawa.Pinag-aralan niya nang husto ang anyo ng dating boss. Tumindig siya nang tuwid, at pinanood lamang ito.Natigilan naman ang binata, at nang makaramdam ng pagkaasiwa sa tingin ng sekretarya ay pilit siyang pumormal. Nilinis iya rin ang lalamunan bago inayos ang suit."Then, why are you here?""At alam mo ang lahat ng pinag-uusapan namin?"Ibinuka ni Troye ang bibig ngunit naging malikot ang mga mata niya dahil wala siyang mahagilap na ikakatwiran sa kaharap."And, hindi ba, ayaw mo sa shop na 'to ka
"Tumigil na nga kayong dalawa!"Binato ni Sylvia ng anong hawak sina Sol, at Spike na mamatay-matay sa pagtawa. Matapos malaman kung anong nangyari sa date nila."Ate, bakit naman kasi, sa dinami-dami ng makaka-date mo ay 'yong pinaglihi pa sa libro?" natatawa pa rin na tugon ni Spike."Hoy, Spike. Tumigil ka, Proffesor ng history iyang binabastos mo ha?!"Hindi na siya nakatiis, at nilapitan ito. Bago mahinang hinampas ng basahan sa ulo."Kung ako sa iyo, titigilan ko na 'yang app na 'yan. Baka scam lang 'yan," payo ni Sol pero hindi naman seryoso ang himig, at halatang nagpipigil pa rin sa paghalakhak."Ikaw kaya ang tumigil!" matapang na singit ni Jellie sa asawa.Humarap pa ito kay Sol, at pinameywangan.Napangiti naman si Sylvia, alam niyang lagot ang kuya niya sa asawa."Hindi naman magic 'yong app.""Lalong hindi 'yon parang si Kupido na 'pag pumana parehong tatamaan. Para iyong test, 'pag nakapasa kayo sa first question, or nag-matched kayo online. Puwedeng ninyo nang harapin
"Oh, I see. What about her?""Bumalik na siya sa company?""Bumalik na ba siya sa iyo?" sunod-sunod nitong tanong.Naroon pa rin ang ngiti sa labi ni Troye nang umiling. Inilagay ang baso sa mesa bago relax na sumandal sa kinauupuan."E, bakit?""Ano'ng ginawa niya para maging ganiyan ka kasaya?" naguguluhang anyong saad ni Benzon."I ruined her date," mayabang niyang bato."Date?""Date," kumpirma niya sa pag-uulit ng kaibigan na parang hindi makapaniwala sa narinig."Wait, naguguluhan ako!"Sumandal rin ito na para bang napapagod sa pag-intindi sa mga pasabog niya ngayon."May date 'yong dating mong secretary. Now, you're happy kasi sinira mo 'yong date niya?""Exactly! You are brilliant!" muling itinuro ni Troye ang kaibigan na natumbok ang gusto niyang ibalita."Bakit?""Anong bakit?" balik tanong niya sa kaibigang nahimasmasan ang hitsura.Sumeryoso ito habang may kahulugan ang tingin."Why do you have to that?"Doon siya natigilan. Handa na ang bibig niyang sumagot pero hindi n
Sandaling inayos ni Sylvia ang pagkakahati ng buhok. Pagkatapos ay sumisim siya ng tubig. Iginala niya ang mga mata sa loob ng isang restaurant.Tonight, she will meet Dustin Geria. An aspirant artist. Katulad ni Diego, ay naka-matched niya ito. Along the way, nagkaka-message na sila sa isa't-isa. At masasabi niyang may pangarap ito sa buhay.At passionate.Dahilan para makapukaw ang atensyon niya.Dumako ang mga mata niya ng bumukas ang pinto. Isang lalakeng nakasuot ng varsity jacket na kulay blue. Nakasuot ng baseball cap at nakamaluwag na pants.Parang mga Rnb singer sa America.Mabilis niyang kinuha ang cellphone. Tiningnan niya ang profile ng naka-matched.Matigas na naihilig ang kaniyang ulo nang makumpirma na ito nga si Dustin.Dahil nagpalinga-linga ito, at tila hinahanap siya ay napilitan siyang itaas ang kamay para senyasan ang binata.Nahagip naman iyon ni Dustin, at agad na ngumiti. Nagtungo ito sa kaniyang lamesa."Hi, Miss Sylvia?" magalang nitong tanong, at inabot ang
"Paano mo nalaman na may date ako rito?""At bakit-" hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil nahihiya siyang bitawan ang mga kataga."Pati 'yong pag-yo-yow niya, alam mo ha?' napipilitan niyang asik habang nakatingkayad, at nakatingala sa mukha ni Troye.Napatingin ang binata sa labi ng dating sekretarya habang kinokontrol ang galit. Matapos naman ay sinusundan niya ang bawat galaw ng mga nag-aapoy na mata nito.Agad siyang lumayo rito, at tumalikod. Kailangan niyang pigilan ang sarili bago tuluyang pahintuin sa paraan na alam niya ang kaharap."Ano?""Bakit?!'"Wala kang maisagot?!""You are keeping your eyes on me!""Sa lahat ng ginagawa ko!""Ganoon na rin ang mga dates ko!""Bakit?""Remember, hindi na ako nagtatrabaho sa iyo.""Wala kang pakialam sa buhay ko!"Maliksing lumapit si Troye sa kaniya habang nagdidiim ang mukha, at nag-iigtingan ang mga panga.Amang na napaatras si Sylvia dahil kung 'di niya gagawin iyon ay baka magkahalikan sila sa paglapit nito. Sunod-sunod siy
"Sir?" ulit ng boses.Umatras yata ang luha ni Troye nang mas malinaw na marinig ang pamilyar na boses. Marahan siyang nagtaas ng mukha, at kulang na lamang ay mahulog ang puso niya nang makita ang sekretarya."Kape niyo po. May iuutos pa po ba kayo?"Ilang beses niyang kinurap ang mga hindi naniniwalang mga mata. Baka dahil sa pangungulila ay namamalik-mata lamang siya, at nakikita ito ngayon sa kaniyang harapan.Sa loob mismo ng kaniyang opisina!Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sylvia habang may luhang hindi napigilang bumagsak habang nakatitig sa nabiglang si Troye."Mag-pu-push up pa po ba ako?" biro niya habang naiiyak.Nang mapagtanto, at masiguradong nasa harapan nga niya ang sekretarya ay matulin siyang tumayo sa kinauupuan. At nang makalapit sa harapan nito ay nag-usap muna ang kanilang mga mata."Sylvia Dimaculangan, reporting as your Executive secretary. Hindi niyo pa naman po tinatanggap ang resignation letter ko, 'di ba?"Maagap na hinawakan ni Troye ang kanang braso niya, h
"I'm sorry."Nagising si Troye nang mapagtantong nakapikit na dahil sa gulat ang kaharap na sekretarya. Hinawakan niya iyon sa braso habang nahihiya ang hitsura.Marahang binuksna ni Sylvia ang mga mata. Naroon ang binata, at hinahaplos ang kaniyang balat."I'm sorry, hindi ko gustong sigawan ka," kalmado nitong aniya."Wala na akong nararamdaman kay Trevor, maniwala ka."Nag-angat ng tingin si Troye, ngumiti siya rito ng tipid para mapanatag na tungkol sa isyu nito sa kapatid."At huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Magkaiba kayo, at para sa akin, mas espesyal ka.""If you say so, then be with me.""Hindi sapat na dahilan 'yon para makasama ka," naging masakit na naman ang tono ni Sylvia."Tell me, ano ba'ng puwedeng maging sapat na rason para magpakatotoo ka rin, katulad ko," determinadong tanong nito.Umiling si Sylvia, at ibinaba ang mukha.Natatakot siya, iyon ang totoo.Natatakot siya sa puwedeng kahinatnan ng kanilang pagtitinginan. Mapanghusga ang mundo, lalo na ang m
"Sylvia!"Matapang ang mukha ni Sylvia nang humarap sa patayong si Jarell. Kung puwede niya lamang ito lapitan at saktan, gagawin na niya.Pero alam niyang magsasayang lamang siya ng oras, at lakas. Wala na rin siyang pinagkaiba kay Jarell.Binalingan niya ang asawa nitong masama pa rin ang tingin sa kaniya."I'm sorry, hindi ko alam na may asawa na siya. Maniwala ka man o hindi, kung alam kung mayroon, hindi ako magkakaroon ng relasyon sa gagong iyan!""Patawarin mo ako. Hindi ko alam," pagpapakumbaba ni Sylvia.Nabanaag naman niya ang pagkalma ng babae, na tingin niya ay na kumbinsi niya dahil sa totoong paliwanag.Itinuon niya ang mga mata kay Jarell."Hindi ako nagpakantanda para lamang paglaruan, at gaguhin mo. Jarrel, mas pipiliin kong mag-isa habang buhay kaysa maging kabit.""Sylvia-""Stop it, Jarell. Hindi na gagana 'yang rason mo. Kung tingin mo, tanga ako na basta na lamang maniniwala sa iyo.""Pwes, mali ka.""Let's go," naramdaman niya ang paghila ni Troye sa kaniyang mg
"Dude?"Nagtungo sa kalayuan si Troye, at saglit na iniwan ang mga kaharap na negosyante."Bakit, Benzon?""Sasabihin ko ng personal sa iyo ang nalaman ko tungkol kay Jarell."Sinakmal agad siya ng kaba. Lumingon siya sa mga kasama bago inisip kung ano'ng dapat unahin."Sorry, late ako."Pinagmasdan ni Sylvia ang pakamot-kamot na si Jarell. Hinihingal ito dahil palagay niya tumakbo ang binata."Kanina ka pa?" tanong nito kasabay nang paghaplos sa kaniyang braso."Hindi naman. Pero, saan ka ba galing?" pasimpleng niyang usisa nang magsimula silang maglakad sa loob ng mall."A, meeting.""Meeting?" Bahagya pa siyang lumingon kay Jarell."Oo.""Akala ko ba sa kaibigan mo?"Pagkakatanda ni Sylvia ay ang paalam ni Jarell sa kaibigan nitong kauuwi lang daw ng bansa. Kaya ano'ng sinasabi nitong galing sa meeting?"Oo, pagkagaling ko sa meeting doon na ako dumiretso," patuloy na palusot ng binata."Talaga?" kailangan niyang sabihin iyon na para bang naniniwala siya kahit hindi.Habang naglala
Narating nila ang labas ng gate. Humarap si Troye sa kaniya habang hawak pa rin ang kaniyang kamay."May problema ba?" usisa ni Sylvia dahil balisa ang binata.Sinalubong nito ang mga mata niya. Matiyaga niyang hinintay ang lalabas sa bibig nito."A-about your date," panimula ng binata."Date? Sino? Si Jarell ba?" nalilito anang niya."Yes, that damn shit!" singhal ni Troye kasabay nang pagbitaw sa kamay niya.Mukhang alam na ni Sylvia kung saan tutungo ang usapang ito. Huminga siya nang malalim."Mr. Ledesma-""No, hear me first, Miss Dimaculangan!"Napaamang siya sa bulyaw nito, at nang lumapit. Hinawakan siya sa magkabilang braso, at tinapatan sa mukha."Makipag-break ka na sa kaniya.""H-ha?" utal niyang bigkas habang kumurap-kurap ang mga mata nilang magkahinang."End your relationship with him, hangga't maaga pa.""Te-teka nga," pwersahang iwanagwag ni Sylvia ang magkabilang braso.Nang magtagumpay ay nagbigay siya ng espasyo sa pagitan nilang dalawa."Ano ba 'yang pinagsasabi m
"Sagutin mo na 'yan, kanina pa natunog ang cellphone mo."Sinilip pa ni Sylvia ang phone ni Jarell pero maagap iyong kinuha nito na nakapagpa-arko ng kaniyang mga kilay."Si, si mama lang 'to. Nangungulit."Napahilig ang mukha niya, habang pinagmamasdan ito na animo'y kinakabahan, at may itinatago.Ilang beses na niyang napapansin ang laging pagtunog ng cellphone ni Jarell sa tuwing magkasama silang dalawa.Kapag naman tinatanong niya kung sino 'yon ay kung sino-sino ang dinadahilan nito.Mama niya, kapatid, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa.May umuusbong na kutob sa kaniya.O mas dapat sabihing isang hinala!"Kumain ka na," untag ni Jarell kay Sylvia."Sige. Nga pala, birthday ni Spike bukas, punta ka?" alok niya para na rin mapakilala niya ito ng pormal sa pamilya."Bukas?" tila nag-isip ito sa gagawin."Oo, bukas. May lakad ka ba?""Sorry, Syl."Hinawakan siya nito sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin siya roon bago sa mukha nitong sumisigaw ng pakiusap."Can't make it."
"Saan?""Sa lahat ng aspeto, sa estado sa buhay, sa hitsura at lalo na sa edad," mangiyak-iyak niyang paliwanag."Hindi ganiyang kababaw ang kilala kong Sylvia Dimaculangan. You are better than this, hindi mo ganiyan tingnan kung ano ang pag-ibig," mahabang giit ni Trevor habang kaswal na nakangiti sa kaniya."Isn't it too late?""Why? Dahil may Jarell ka na?"Nag-arko ang mga kilay ni Sylvia nang pagtagpuin ang mga mata nila nito. Hindi niya inaasahang alam ni Trevor ang tungkol sa nangyayari sa lovelife niya."You know in yourself and in your heart who is really in there. Don't let fear and hesitation win over you, and who your heart really wants."Huminto ang mga paa ni Troye mula sa kinatatayuan ay natatanaw niyang nakaupo ang kaniyang kuya, at dating sekretarya.Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. At nang ibaling ang mga mata sa mukha ni Sylvia ay naroon na naman ang kakaiba, at pamilyar niyang pakiramdam ng puso."Troye!"Doon lamang napatingin si Sylvia. Kumibot ang p
"E, paano si Troye?""Ano? Anong paano si Troye?" ulit ni Sylvia sa naguguluhang tinig."Si Troye. Hindi ba iyong bagito naman na iyon ang type mo-""Naku, ate!" awat niya agad dahil pakiramdam niya sa simpleng pangalan lamang ng binata ay nagwawala na ang kaniyang puso."O, bakit?"Nanghahamon na humarap si Jellie sa kaniya. Ipinaling niya agad ang mukha sa kabilang banda."Aminin mo't hindi, apektado ka kay Sir Troye mo.""Noon pa man, lalo na nang mag-resign ka sa kaniya bilang sekretarya. At tingin ko, ganoon din naman siya sa iyo.""Kaya bakit mo sinagot si Jarell?""Ate, bata pa si Troye," pagpapaalala niya sa hipag."So?" pambabalewala naman ni Jellie.Napailing si Sylvia, hamak na malaki ang age gap nilang dalawa. Kaya kung totoo man na type niya ang binata ay hindi niya hahayaan ang sarili na magkaroon ng ugnayan dito."Ten years ang tanda ko sa kaniya. Maalibadbaran ka kaya," sambit niya kasabay nang kunyaring pagpupunas niya sa magkabilang braso."Lumang mindset na 'yan, Sy
Kasasalo pa lamang ng pwetan ni Troye ay agad na niyang tinipa ang numero ni Sylvia.Ang totoo nga niyan ay kanina pa dapat kaso ay naging busy siya sa maghapon. Napapagod siya kaya tinawagan niya ang sekretarya kahit para papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman.Napakunotnoo ang binata nang ilang ring ay pulos busy tone ang kaniyang naririnig. Sandaling ibinaba niya ang cellphone bago muling itinapat sa tainga."Hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Jellie nang mapansin ang walng hintong pagtunog ng cellphone ni Sylvia.Siniglayan niya iyon, at nang mabasa ang numero ng dating boss ay umirap siya bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagkain."Hayaan mo na 'yan.""Magtapat ka nga, ano ba'ng nangyari sa inyo kahapon?" malisyosong usisa ng hipag na para bang may alam sa naganap sa kanilang dalawa.Nasamid siya dahil sa sinabi nito. Agad naman siyang inabutan ni Jellie ng baso habang natawa."Hoy, alam ko na 'yan!'"Kapag ganiyan ang reaksyon mo, talagang may nangyari! ""Ano 'yon ha?""