"Ala'y sinong nasa c.r?" tanong ni Sylvia habang palapit sa pinto ng banyo. "Si Spike," tugon naman ng kaniyang inang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nayayamot siyang kumamot sa buhok. Saglit niyang sinulyapan ang wall clock. Hindi siya pwedeng ma-late o maunahan man lang ng kaniyang boss. "Spike!" Katok niya sa pinto. Nang walang sumagot ay itinapat niya ang kaliwang tenga sa pinto. Sumasabay pa ang bunso niyang kapatid sa rap na tumutugtog mula sa cellphone nito. "Spike! Dalian mo riyan! Ala'y Hindi ako pwedeng ma-late. Patay ako sa bagito kong boss!" hurimintado ni Sylvia habang sunod-sunod ang malalakas na katok. "Ano ba'ng problema mo?" bahagyang sinilip lang ng kapatid niya ang ulo sa bukas na pinto."Ikaw! Lumabas ka na riyan! Kailangan ko ng maligo at mahuhuli ako!" "Ala'y bakit kasi tanghali ka na magising?" sagot pa nito. "E, bakit nasagot ka pa? Lumabas ka na riyan. Huwag ka ng magsasatsat!" Nang lumabas si Spike ay nagmadali na si Sylvia na pumasok sa banyo. Ligon
"Sir," magalang na bati ni Sylvia nang makapasok sa malamig na opisina ng amo."Coffee," seryosong utos nito habang iniikot-ikot ang swivel chair at may hawak na papel na tila binabasa."Iyong Starbucks po ba?"Binato lamang siya nito ng tingin agad naman siyang ngumiti. Alam naman niyang Starbucks ang lagi nitong iniinom. Gusto niya lang umasang magpapatimpla na lang ito sa kaniya, kasi naman napakalayo pa ng bilihan ng sosyal na kapeng paborito nito."Faster," maawtoridad nitong ulit.Napapikit si Sylvia dahil sa inis. Kailan ba ito makakadama ng awa o kahit pakisama man lang sa kaniya?Napatingin si Troye nang ibagsak ng sekretarya niya ang pinto. Dahil nakalabas na ito ay wala siyang nagawa kung 'di kagatin ang ibabang bahagi ng labi."Bwisit talaga," kausap niya sa sarili habang patamad na naglalakad palabas ng office."Kung alam niya lang kung gaano kalayo ang lintek na bilihan ng kape niya na iyon," reklamo niya."Good morning!" bati ni Patrick.Matuling napadako ang mga mata n
Tumango-tango si Troye habang nakataas ang sulok ng labi. Sa sobrang seryoso ng pag-uusap ng mga empleyado niya ay hindi na namalayan ng mga ito ang pagdating niya.At dinig na dinig niya ang mga sinasabi ng kaniyang butihing sekretarya. Naalarmang tumayo si Sylvia, sandaling siniglayan niya ang mga kaibigan. Yukong-yuko ang mga ito at kunyaring atubiling-atubili sa pagkain. Muli niyang binalikan ng tingin ang kaniyang boss."Narinig ninyo po ba ang sinabi ko?" "Yep. Hindi mo naman ako kasing-tanda para mabingi," kaswal na tugon nito.Peke siyang tumawa at hinampas sa balikat ang amo. Nakita niya ang paglipad ng masamang tingin ng binata sa parteng hinamapas niya kaya agad siyang pumormal."Anyway, Sir. Ano po ba'ng ginagawa ninyo rito? Do you need anything?""Maglu-lunch ako sa labas. Don't ever try to call me or bother me, a'ight?""If you need anything or you need to tell me something. Hintayin mo na lang ako sa office. Got it?" pormal nitong bilin at bahagya pang ibinaba ang muk
"I"ll give you five minutes, bye."Mariing napapikit si Sylvia nang busy tone na lang ang narinig sa kabilang linya."Bwisit talaga," nayayamot niyang sambit kasabay nang pagbaba ng cellphone."No, it's on me!" boluntaryong pagbabayad ng ka-date n Troye."Okay lang. Ako na!"Nakangiwing pinagmamasdan ng binata ang paglabas nang pera ng dalaga sa wallet para magbayad. Gusto na lang niyang magpakain ngayon sa lupa dahil sa sobrang hiya.First time niyang babae pa mismo ang nagbayad ng order nila. God, he is a well-known CEO on this generation and yet, he can't pay for simple bills!"It's alright. You can treat me next time," makuhulugang saad ni Chin at hinagod ng makalagkit na tingin ang binata.Halos magkandarapa si Sylvia palapit sa restaurant. Tagaktak din ang pawis sa lahat ng parte ng katawan ng dalaga."Impakto talaga iyang boss ko! Hindi na naawa. Ang init kaya sa Pilipinas, tapos tatawagan niya ako ng ala-una para lang ipadala 'tong letseng wallet niya?" namumula at galit na pa
Bagsak ang mga balikat na umuwi si Sylvia sa bahay. May iilang tao at kumakain at namimili."Ala'y ang aga mo!" bati ni Sol sa kaniya."Nariyan na ba si Sylvia?" narinig niyang tanong ng kaniyang ina mula sa itaas."Ere na inang!" sagot naman ng kaniyang kuya.Matamlay na tinapik ni Sylvia ang balikat ni Sol bago tuluyang umakyat sa hagdan."Bakit ang aga mo?" usisa ng kaniyang inang makasalubong niya sa hagdan."Wala lang po."Nasundan na lang ng tingin ni Sonia ang pangalawang anak. Naabutan ni Sylvia ang hipag sa sala. Karga-karga ang isang taong gulang niyang pamangkin na si Sophia."Ate," bati niya at napangiti nang makita ang magandang mukha ng bata."Himala! Hindi ka yata gabi na umuwi!"Lumapit siya rito at sinilip ang tulog na pamangkin. Bago itinuon ang mga mata sa asawa ng kapatid na si Jellie."Nabwisit ako sa bagito kong boss," kahit gustong sumigaw ni Sylvia ay pinigilan niya baka magising ang pamangkin.Inabot sa kaniya ni Jellie ang bata na agad naman niyang kinarga.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Sylvia habang nakatitig sa kisame. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot. Nang tumunog ang alarm clock ay wala pa rin sa sariling kinapa niya iyon sa side table.Nang mahawakan ay pinagmasdan niya ang bilog na alarm clock, patuloy ito sa pagtunog. Kumilos siya, at inilagay iyon sa ilalim ng unan. Bago muling ipinagpatuloy ang pagtulala sa kisame.Nagdadalawang-isip na siyang pumasok sa trabaho. Lalo na't sa tuwing sumasagi sa isip ang nagpag-usapan nila ng hipag na si Jellie."Ate!" Malakas at may bahid na inis ang boses ni Spike sa pagkatok ng pinto ni Sylvia.Isang masamang tingin ang ipinukol niya roon. Wala sana siyang balak sumagot, napilitan siya nang halos masira ang pinto ng kwarto niya dahil sa lakas ng kalampag doon ng bunsong kapatid."Bakit ba?!" asik niya."Hindi ka raw ba papasok, sabi ni Mama!" balik-sigaw nito.Napairap si Slyvia, at muli na namang nag-isip tungkol sa trabahong naghihintay sa kaniya.Pa
Umuusok ang ilong ni Sylvia dahil sa umaapaw na galit. Mukhang nanadya talaga ang boss niyang iyon. Isang matalim na tingin ang itinitig niya sa lamesa."Lorie, sinong nagdala nito?" seryosong-seryoso niyang aniya nang luminga sa kaibigan na agad nang nakabalik sa sariling lamesa na malapit lang sa kaniya."Ang alam ko, dinala ni Patrick 'yan," patay-malisyang sagot naman ni Lorie habang nagsasalamin, at naglalagay ng lipstick.Nanlilisik na mga mata ang binato ni Sylvia sa nakasaradong opisina ni Troye. Dinadagdagan talaga nito ang bwisit niya sa buhay trabahong mayroon siya.Tanggap naman niya ang maraming trabaho. Pero hindi ganitong, sandamakmak. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang mga folder.Walang ingat niya itong pinagbubuksan isa-isa, at walang ano-anong ibinabato niya ito sa gilid. May pagkakataon pa na napangingiti siya sa inis, lalo na sa tuwing nababasa ang laman ng folder.Dahil kahit hindi na sakop ng kaniyang trabaho ay naroon. Hindi magkamali si Lorie, lahat ng dapa
Hindi kumukurap ang mga mata ni Sylvia habang nakadako ang tingin sa wall clock na nakasabit sa isang gilid. Bawat paghinga niya ay katumbas ng pag-ikot ng kamay ng orasan.Hinampas niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa kasabay nang pagtayo nang tumapat ito sa orasan ng kanilang uwian. Parang mga tangang nakatulala sa kaniya ang mga nakapaligid na kasamahan.Buong kumpiyansang bumuga siya ng hangin. Hinawi ang likod patalikod, at lumipad ang matalas na mga mata sa nakasaradong pinto ng amo.Napatingala si Troye nang may kumatok. Katatayo lamang niya habang kinukuha ang cellphone. Oras na ng uwian, at kadalasan ay parang mga batang nagtatakbuhan ang mga empleyado niya para lang maunang makauwi.Kaya't sino kaya ang kumakatok?Nang muling tumunog ang pinto ay sandali niyang sinulyapan ang suot na wrist watch. Naiinis siyang kumamot sa maputing leeg."Come in," bahagyang nilagyan ng pagkairita ang himig.Tumikwas ang isang kilay ng binata nang iluwa ng nagbukas na pinto ay ang sekretary
"Hello?""O, bakit?" asik niyang tugon sa pagtawag ni Gabe sa kaniya."Highblood naman agad 'to," nagtatampong himig ng kaibigan sa kabilang linya."Bakit ka napatawag?""Ala'y kung magmamaganda ka na naman para mag-deliver ako riyan. Hay, naku, ngayon pa lang, sorry na agad!"Patuloy lamang si Sylvia sa paglilinis ng lamesa. Maaga siyang nagising para agad na makatulong sa kanilang business. Sa hapon kasi ay kailangan na niyang magpunta sa date nila ng naka-matched."Ito naman. Napakasungit!""Nag-me-menopouse ka na ba ha?"Malamlam ang mga mata niyang ibinato ang hawak na basahang kasalukuyan niyang ipunupunas sa ibabaw no'n. Tumikwas ang kilay niya habang nakapameywang."Alam mo, ikaw, Gabe!""Lumayo-layo ka sa CEO ng Ledesma Company, kasi namamana mo na 'yong ugali niya," pikon niyang wika."Joke lang!""Bakit ba ang init-init ng ulo mo?!""Minsan na nga lang maglambing sa iyo, na dalhan mo kami rito ng kape, e.""Para naman makita ka namin, miss ko na rin kasi ang chikahan natin
"Ano 'yan, ha?"Awtomatikong ibinaba, at itinago ni Sylvia ang hawak na cellphone. Bago tiningala si Sol na galing sa likuran. Itinago niya ang pagkabigla, at pilit na sumeryoso."Wa-wala," nagkakandautal niyang sagot, at inilagay sa likod ang kamay na may hawak-hawak."Wala raw?" singit ni Spike na nasa harapan nila at nakain."Ilang araw ka ng tutok na tutok diyan sa cellphone mo. Baka kung ano na 'yan, ha?" panimulang pang-aasar ng nakatatandang kapatid."Wa-wala ito, nagbabasa lang ako ng-"Napatili si Sylvia nang basta na lamang may humablot ng cellphone niya mula sa likuran. Nang tingnan niya iyon ay si Spike ang may hawak, at kinukutkut na ito."Ano ka ba?!""Akin na nga 'yan!" agaw niya.Para silang mga batang nagkakasatan sa harap ng kanilang tindahan. Binabawi niya ang gamit pero dahil mas matangkad ang bunsong kapatid ay hindi niya iyon makuha."Spike, akin na 'yan!""Make me yours, and I'll make you mine app!" malakas, at nagsasalpukang mga kilay na pagbabasa nito."Ano?"
"Benz," patamad na tawag ni Troye sa kaibigan na nakatalikod, at nag-aayos ng mga alak sa counter."Dude, whats good in the hood?" tuwang-tuwang sagot nito nang mapaharap sa kaniya.Dahil magbubukas pa ay walang masyadong customer ang bar ni Benzon. Nanatili pa rin ang blankong ekspresyon nang ihagis niya ang isang folder. Napatingin doon ang kaniyang kaibigan."Ano 'yan?" usisa nito habang may hawak na baso at pinupunasan iyon.Ang isang kamay ni Troye ay nasa loob ng bulsa. Tinatamad pa rin siyang umupo sa isa sa mga stool chair."Bakit ba ganiyan ka makatingin, galit ka ba?" nagtatakang wika ni Benzon."Why did you send that woman?" matabang niyang saad."Are you talking about, Amari?Tumango siya nang bahagya habang hindi pa rin inaalis ang mga matang walang mabasang nararamdaman niya sa loob."Cause you need a secretary, a new assistant."Nagpatuloy na si Benzon sa ginagawa. Habang siya ay nanood lamang dito. Sa maghapon na nagdaan ay pagod na pagod siya. Sa Mansion naman ay wala
Pabagsak na isinarado ni Troye ang pinto ng opisina. Inalis niya rin ang pagkakabutones ng itim na suit bago hinubad. Agad niya iyong ibinato nang ubod ng lakas sa sahig habang hingal na hingal dahil sa galit.Nagtungo siya sa glass wall, umaasang maiibasan ng magandang tanawin ang hindi niya kayang dalhin na emosyon.Bakit wala siyang makitang pagsisisi sa mukha ng dating sekretarya?Kahit konti, o lungkot man lang.Ganoon ba siya kasamang amo para hindi ma-appreciate nito ang samahan nila sa mga nakalipas na taon?"That old maid is unfair," gigil niyang bigkas."Sir!"Lumingon ang binata nang bumukas ang pinto. Pumasok si Amari sa loob habang may dalang folders."Don't you know how to knock on the door?" anas niya habang may patong-patong ang mga linya sa noo."I did, Sir. Before I went inside," kalmado nitong rason."You should wait for my response, if I will you let you in or not," pagtuturo niya rito bago inirapan.Dahil pakiramdam ng binata ay nanghihina siya ay nagtungo ito sa
Naasiwa naman si Sylvia sa pagkatitig ni Troye. Para na siyang ice cream na nalulusaw. Nang mapansin na pinagmamasdan sila nila Gabe habang pangisi-ngisi ay napilitan na siyang basagin ang katahimikan."Hi, Mr. Ledesma," alangang bati niya habang nahihiya pa rin salubungin ang tingin nito."That is inappropriate outfit," weird na sagot nito, at pinasadahan pa siya ng tingin.Na-conscious naman si Sylvia, at inayos ang pagkakatindig. Muli niyang pinagtagpo ang mga mata nila."Siguro naman po, ayos lamang ito. Nag-deliver lang naman ako ng kapeng barako sa mga customer."Tumaas ang sulok ng labi ng binata. Na- disappoint siya sa narinig. Napahiya rin siya sa sarili dahil sa iniisip na bumalik na ito.Kinontrol niya ang sarili nang pumamulsa. Huminga rin siya ng malalim, inalis niya muna rito ang tingin. Binalik niya rin habang walang emosyon ang hitsura."Mauna na po ako," paalam ni Sylvia, at naglakad na."Really, you chose to deliver that coffee rather than to work for me?"Nag-reac
"Inang!" Sinipat ng tingin ni Sylvia si Sonia.May hawak itong planggana ng tubig, at bimpo. Napakunotnoo siya, tinitigan niya ang mga mata ng ina habang nagtatanong ang histura."Para saan 'yan?""Sino'ng maysakit?" sunod-sunod niyang usisa."Si Spike, nilalagnat.""Areng bata!" nababahala niyang bulalas kasabay nang pagbaling ng tingin sa nakasaradong pinto ng bunso."Bumaba ka muna roon, at magtinda. Tulungan mo si Kuya Sol mo sa pagtitinda," utos ng kaniyang ina."Sige po."Nang pumasok na si Sonia ay saglit niyang sinilip si Spike, tulog ito kaya minabuti niya na lamang lumabas. Tumulong sa kapatid at asawa nito."Kuya!""Nasaan si Ate Jellie, atsaka si Sophia?"Nilibot niya ng tingin ang paligid. May mga customer pero wala ang hipag, at pamangkin."Dinala saglit ni Jellie roon sa kaibigan niya. Ninang kasi iyon ni Sophia," paliwanag nito habang busy sa pag-aayos ng tindahan."Eto nga pala!"Napilitan si Sylvia na abutin ang inabot nitong isang plastic na may mga kape. Umangat an
Napangiti sa inis si Sylvia, at tumikhim pagkatapos. Tumikwas ang kilay niya habang kulang na lamang ay malusaw ang tinititigan niyang dako."Ano?""Hindi ka ba sasagot?!""Excuse me?" yamot niyang saad."What?" palaban pa rin sagot nito sa kabilang linya na lalo niyang ikinapika."Puwede ho ba, huwag ninyo akong ma-what, what diyan."Naging mahigpit ang kapit ni Troye sa cellphone. Kasalukuyang siyang nasa second floor ng bar ng kaibigang si Benzon. Nakaupo siya sa sala nito habang may kaharap na beer."Hey, you-"Hindi na pinatapos ni Sylvia ang gigil na tono ng kaniyang dating boss."Mr. Ledesma, mukhang mali po kayo ng na-dialed na numero," nagtitimpi niyang bigkas."Nah. I didn't."Nagdikit agad ang kilay niya sa isinagot nito. Sinilip pa niya sandali ang screen ng cellphone."You listen, Sylvia Dimaculangan."Tumindig si Troye, hinawi ang suot na suit sa parteng balakang bago pumeywang ang isang kamay. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niyang tawagan ang sekretarya ngay
"Ano na?" mahinang tanong ni Sylvia habang tensyonadong kaharap ang hipag na si Jellie.May pagkakataon na silang mag-usap. Wala ng tao sa paligid, ganoon na rin ang pamilya nila, may kalaliman na kasi ang gabi. Doon lamang sila nakakuha ng oras para masinsinang magplano."Okay, may offer ako sa iyo."Tumango si Sylvia habang nakadukwang sa lamesa. Magkadaupan ang mga palad niyang nasa ibabaw ng mesa. Intense siyang naghihintay sa pahayag ng hipag."Heto," isang sketch book ang inilatag nito sa harapan niya. Curious siyang sumilip doon."Ito ay ang blind dates."Nilagyan ni Jellie ng bilog ang unang salita. Tumango naman siyang bahagya habang nakatitig lamang doon."Puwede kang magpareto sa mga kaibigan mo, o sa amin na puwede mong i-date. Mas exciting kung wala kang idea sa hitsura nila para may thrill ng konti," sabik na agad nitong paliwanag."Next, try mong mag-reach out sa mga dating crush mo-""No way!" angil ni Sylvia, at dumiretso nang pagkakaupo."Relax. Ito naman, i-che-chec
"Next!" sigaw ni Troye."Yes, Sir!" agad na balik-sigaw ni Gabe mula sa labas.Nagkasalubong ang unang aplikante, at ang sumunod na pumasok. Nag-ismiran pa ang mga ito, napailing na lamang ang binata. May konting irita niyang kinuha ang folder na sumunod."Good morning, Mr. Troye Matthew Ledesma."Dahil sa seryosong pagbabasa niya ay hindi siya sumagot sa babae. Binabasa niya nang husto ang nasa resume nito."Do you think this it's a good day, for me and for you, Sir?"Nagtaas sandali ng tingin si Troye dahil sa narinig. Sinipat niya ito ng tingin, maikli lamang ang buhok nito, hindi aabot sa balikat. Simpleng itim lang, may make up naman pero hindi parang a-attend ng night party.Sakto lamang para sa ka-pormalan.Ibinaba ng binata ang mga mata sa suot nito. Kahit papaano ay may nasilayan siyang konting-konting liwanag.Maayos ang suot nitong puting sweater, at slacks na kulay pula. Though, medyo inappropriate ang kulay ng ibaba nitong suot. Ang mahalaga ay wala siyang nakikitang kahi