"Tumigil na nga kayong dalawa!"Binato ni Sylvia ng anong hawak sina Sol, at Spike na mamatay-matay sa pagtawa. Matapos malaman kung anong nangyari sa date nila."Ate, bakit naman kasi, sa dinami-dami ng makaka-date mo ay 'yong pinaglihi pa sa libro?" natatawa pa rin na tugon ni Spike."Hoy, Spike. Tumigil ka, Proffesor ng history iyang binabastos mo ha?!"Hindi na siya nakatiis, at nilapitan ito. Bago mahinang hinampas ng basahan sa ulo."Kung ako sa iyo, titigilan ko na 'yang app na 'yan. Baka scam lang 'yan," payo ni Sol pero hindi naman seryoso ang himig, at halatang nagpipigil pa rin sa paghalakhak."Ikaw kaya ang tumigil!" matapang na singit ni Jellie sa asawa.Humarap pa ito kay Sol, at pinameywangan.Napangiti naman si Sylvia, alam niyang lagot ang kuya niya sa asawa."Hindi naman magic 'yong app.""Lalong hindi 'yon parang si Kupido na 'pag pumana parehong tatamaan. Para iyong test, 'pag nakapasa kayo sa first question, or nag-matched kayo online. Puwedeng ninyo nang harapin
"Oh, I see. What about her?""Bumalik na siya sa company?""Bumalik na ba siya sa iyo?" sunod-sunod nitong tanong.Naroon pa rin ang ngiti sa labi ni Troye nang umiling. Inilagay ang baso sa mesa bago relax na sumandal sa kinauupuan."E, bakit?""Ano'ng ginawa niya para maging ganiyan ka kasaya?" naguguluhang anyong saad ni Benzon."I ruined her date," mayabang niyang bato."Date?""Date," kumpirma niya sa pag-uulit ng kaibigan na parang hindi makapaniwala sa narinig."Wait, naguguluhan ako!"Sumandal rin ito na para bang napapagod sa pag-intindi sa mga pasabog niya ngayon."May date 'yong dating mong secretary. Now, you're happy kasi sinira mo 'yong date niya?""Exactly! You are brilliant!" muling itinuro ni Troye ang kaibigan na natumbok ang gusto niyang ibalita."Bakit?""Anong bakit?" balik tanong niya sa kaibigang nahimasmasan ang hitsura.Sumeryoso ito habang may kahulugan ang tingin."Why do you have to that?"Doon siya natigilan. Handa na ang bibig niyang sumagot pero hindi n
Sandaling inayos ni Sylvia ang pagkakahati ng buhok. Pagkatapos ay sumisim siya ng tubig. Iginala niya ang mga mata sa loob ng isang restaurant.Tonight, she will meet Dustin Geria. An aspirant artist. Katulad ni Diego, ay naka-matched niya ito. Along the way, nagkaka-message na sila sa isa't-isa. At masasabi niyang may pangarap ito sa buhay.At passionate.Dahilan para makapukaw ang atensyon niya.Dumako ang mga mata niya ng bumukas ang pinto. Isang lalakeng nakasuot ng varsity jacket na kulay blue. Nakasuot ng baseball cap at nakamaluwag na pants.Parang mga Rnb singer sa America.Mabilis niyang kinuha ang cellphone. Tiningnan niya ang profile ng naka-matched.Matigas na naihilig ang kaniyang ulo nang makumpirma na ito nga si Dustin.Dahil nagpalinga-linga ito, at tila hinahanap siya ay napilitan siyang itaas ang kamay para senyasan ang binata.Nahagip naman iyon ni Dustin, at agad na ngumiti. Nagtungo ito sa kaniyang lamesa."Hi, Miss Sylvia?" magalang nitong tanong, at inabot ang
"Paano mo nalaman na may date ako rito?""At bakit-" hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil nahihiya siyang bitawan ang mga kataga."Pati 'yong pag-yo-yow niya, alam mo ha?' napipilitan niyang asik habang nakatingkayad, at nakatingala sa mukha ni Troye.Napatingin ang binata sa labi ng dating sekretarya habang kinokontrol ang galit. Matapos naman ay sinusundan niya ang bawat galaw ng mga nag-aapoy na mata nito.Agad siyang lumayo rito, at tumalikod. Kailangan niyang pigilan ang sarili bago tuluyang pahintuin sa paraan na alam niya ang kaharap."Ano?""Bakit?!'"Wala kang maisagot?!""You are keeping your eyes on me!""Sa lahat ng ginagawa ko!""Ganoon na rin ang mga dates ko!""Bakit?""Remember, hindi na ako nagtatrabaho sa iyo.""Wala kang pakialam sa buhay ko!"Maliksing lumapit si Troye sa kaniya habang nagdidiim ang mukha, at nag-iigtingan ang mga panga.Amang na napaatras si Sylvia dahil kung 'di niya gagawin iyon ay baka magkahalikan sila sa paglapit nito. Sunod-sunod siy
"I've heard na nag-resigned na si Sylvia."Natigilan sa paglabas si Troye nang marinig ang boses na iyon. Seryosong bumaling siya sa sala. At hindi nga siya nagkamali, naroon ang kaniyang nakatatandang kapatid. Nakadekwatro, at kaswal na sumimsim ng kape."Kailan ka pa nakauwi?" walang ganang aniya niya habang nakalahad ang isang palad."Last night. Katutulog mo lang no'n so I don't bother to wake you up."Inirapan lamang ni Troye si Trevor bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Wala pa siya sa mood. Mabigat nga ang katawan niyang pumasok ngayon sa trabaho. Pagkatapos kasi ng mainit nilang pagtatalo ay nagdiretso siya agad sa bar ni Benzon.Para magwalwal, at makalimot!"Seriously?""Ganiyan ka papasok ng trabaho?"Muling napatigil ang mga paa ng binata. Hindi niya binalingan ng tingin si Trevor sa halip ay maingat niyang pinakikinggan ang sasabihin pa nito."Kaya ka naman pala iniwan ng secretary mo."Ang mga salitang iyon ay parang isang talim na tumusok sa kaniya. Nanigas ang kaniyang
Isang hangin ang pinakawalan ni Sylvia bago sumandal, at parang pagod na ibinaba ang hawak na cellphone.Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang naka-matched niya si Dustin. At nang matapos nila ang date ay wala ng iba pang nag-matched sa kaniya sa app.Nawawalan na talaga siya ng pag-asa!Paano kapag lumipas pa ang mga araw, at wala talaga?Ano'ng gagawin niya sa buhay?"Hay," nawawalang pag-asang usal ni Sylvia.Idinako niya ang mga mata sa bintana. Kasalukuyan siyang lulan ng taxi patungo sa hotel. Maaga pa siya ng mga ilang minuto, kaya't puwede pa siyang mag-relax."Sir Troye, hindi po ba kayo pupunta?"Naulinigan niyang tanong ni Gabe nang madaanan niya ang mga empleyado sa labas ng kumpanya, at naghihintay ng sasakyang ipinadala ni Trevor para dalhin ang mga ito sa hotel.Makulimlim ang anyo, at parang wala siyang narinig. Tuloy-tuloy siyang naglakad. Wala sa plano niyang makipag-socialized, at makipag-party.Gusto niyang pumunta ng bar ni Benzon, magpakalunod sa alak para
Walang pagsidlan sa mukha ni Sylvia ang ligaya habang kaharap, at ka-chikahan ang mga kaibigan at dating ka-trabaho.Okupado nila ang isang bilog na lamesa. Sa ibabaw no'n ay iba-ibang klase ng sosyal na pagkain. Ganoon na rin ang pang-mayamang mga alak.Inaalala nila ang mga unang araw, unang pasok nila bilang empleyado ng kumpanya. At nagbibigay 'yon ng kakaibang saya habang nagbalik-tanaw sa karanasan.Sumimsim si Sylvia ng wine, nang mahagip ng mga mata ang binata na nasa kabilang lamesa. Matiim na nakatuon sa kaniya ang atensyon nito.Naitikom niya ang bibig habang malikot ang mga mata. Maingat niyang ibinaba ang hawak na baso. Nang muling balikan ito ng tingin ay sa kaniya pa rin nakatitig.Dinapuan siya ng kaba.Hindi niya alam kung dahil ba sa takot 'yon, para kasing hindi."Syl, huwag kang matatakot ha?" bulong ni Gabe sa kaniya."Ba-bakit?" usal niya."Si Sir Troye, kanina pa nakamasid sa iyo. Ni hindi nga kumukurap ang lolo mo sa pagkatitig sa iyo," Nakadaiting usal nito.A
Tumama ang mga mata ni Sylvia sa pwesto ni Troye may kausap itong mga kagalang-galang na matatandang lalake. Mga kapwa mataas ang posisyon sa kumpanya.Nakikipag-usap ito na para bang isa rin matandang tao. Akala mo'y may edad na kung makipagbarduglan ng kwentuhan sa kapareho mayaman na kaharap.Habang pinagmamasdan ang mukha ng binata ay munti, at malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi, ganoon na rin sa puso.Kahit na mainit ang naging kanilang pagtatalo noong isang gabing nagkita sila. May parte ngayon sa kaniya ang napunan nang masilayan ito ngayon, at habang nakatingin siya rito ngayong gabi.Kung ano 'yon, ay hindi niya rin alam.Siguro ba dahil hindi pa rin siya nakapag-a-adjust bilang secretay nito?Baka nasanay siyang araw-araw, at oras-oras ay mukha nito ang nakikita niya. Hininga nito ang nalalanghap niya, sa mga mata nito siya laging nakatingin kaya't hinahanap-hanap niya.Hindi alam ni Sylvia kung ano'ng dapat isipin sa nararamdaman.At dapat kung dapat ba niya it
"Sir?" ulit ng boses.Umatras yata ang luha ni Troye nang mas malinaw na marinig ang pamilyar na boses. Marahan siyang nagtaas ng mukha, at kulang na lamang ay mahulog ang puso niya nang makita ang sekretarya."Kape niyo po. May iuutos pa po ba kayo?"Ilang beses niyang kinurap ang mga hindi naniniwalang mga mata. Baka dahil sa pangungulila ay namamalik-mata lamang siya, at nakikita ito ngayon sa kaniyang harapan.Sa loob mismo ng kaniyang opisina!Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sylvia habang may luhang hindi napigilang bumagsak habang nakatitig sa nabiglang si Troye."Mag-pu-push up pa po ba ako?" biro niya habang naiiyak.Nang mapagtanto, at masiguradong nasa harapan nga niya ang sekretarya ay matulin siyang tumayo sa kinauupuan. At nang makalapit sa harapan nito ay nag-usap muna ang kanilang mga mata."Sylvia Dimaculangan, reporting as your Executive secretary. Hindi niyo pa naman po tinatanggap ang resignation letter ko, 'di ba?"Maagap na hinawakan ni Troye ang kanang braso niya, h
"I'm sorry."Nagising si Troye nang mapagtantong nakapikit na dahil sa gulat ang kaharap na sekretarya. Hinawakan niya iyon sa braso habang nahihiya ang hitsura.Marahang binuksna ni Sylvia ang mga mata. Naroon ang binata, at hinahaplos ang kaniyang balat."I'm sorry, hindi ko gustong sigawan ka," kalmado nitong aniya."Wala na akong nararamdaman kay Trevor, maniwala ka."Nag-angat ng tingin si Troye, ngumiti siya rito ng tipid para mapanatag na tungkol sa isyu nito sa kapatid."At huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Magkaiba kayo, at para sa akin, mas espesyal ka.""If you say so, then be with me.""Hindi sapat na dahilan 'yon para makasama ka," naging masakit na naman ang tono ni Sylvia."Tell me, ano ba'ng puwedeng maging sapat na rason para magpakatotoo ka rin, katulad ko," determinadong tanong nito.Umiling si Sylvia, at ibinaba ang mukha.Natatakot siya, iyon ang totoo.Natatakot siya sa puwedeng kahinatnan ng kanilang pagtitinginan. Mapanghusga ang mundo, lalo na ang m
"Sylvia!"Matapang ang mukha ni Sylvia nang humarap sa patayong si Jarell. Kung puwede niya lamang ito lapitan at saktan, gagawin na niya.Pero alam niyang magsasayang lamang siya ng oras, at lakas. Wala na rin siyang pinagkaiba kay Jarell.Binalingan niya ang asawa nitong masama pa rin ang tingin sa kaniya."I'm sorry, hindi ko alam na may asawa na siya. Maniwala ka man o hindi, kung alam kung mayroon, hindi ako magkakaroon ng relasyon sa gagong iyan!""Patawarin mo ako. Hindi ko alam," pagpapakumbaba ni Sylvia.Nabanaag naman niya ang pagkalma ng babae, na tingin niya ay na kumbinsi niya dahil sa totoong paliwanag.Itinuon niya ang mga mata kay Jarell."Hindi ako nagpakantanda para lamang paglaruan, at gaguhin mo. Jarrel, mas pipiliin kong mag-isa habang buhay kaysa maging kabit.""Sylvia-""Stop it, Jarell. Hindi na gagana 'yang rason mo. Kung tingin mo, tanga ako na basta na lamang maniniwala sa iyo.""Pwes, mali ka.""Let's go," naramdaman niya ang paghila ni Troye sa kaniyang mg
"Dude?"Nagtungo sa kalayuan si Troye, at saglit na iniwan ang mga kaharap na negosyante."Bakit, Benzon?""Sasabihin ko ng personal sa iyo ang nalaman ko tungkol kay Jarell."Sinakmal agad siya ng kaba. Lumingon siya sa mga kasama bago inisip kung ano'ng dapat unahin."Sorry, late ako."Pinagmasdan ni Sylvia ang pakamot-kamot na si Jarell. Hinihingal ito dahil palagay niya tumakbo ang binata."Kanina ka pa?" tanong nito kasabay nang paghaplos sa kaniyang braso."Hindi naman. Pero, saan ka ba galing?" pasimpleng niyang usisa nang magsimula silang maglakad sa loob ng mall."A, meeting.""Meeting?" Bahagya pa siyang lumingon kay Jarell."Oo.""Akala ko ba sa kaibigan mo?"Pagkakatanda ni Sylvia ay ang paalam ni Jarell sa kaibigan nitong kauuwi lang daw ng bansa. Kaya ano'ng sinasabi nitong galing sa meeting?"Oo, pagkagaling ko sa meeting doon na ako dumiretso," patuloy na palusot ng binata."Talaga?" kailangan niyang sabihin iyon na para bang naniniwala siya kahit hindi.Habang naglala
Narating nila ang labas ng gate. Humarap si Troye sa kaniya habang hawak pa rin ang kaniyang kamay."May problema ba?" usisa ni Sylvia dahil balisa ang binata.Sinalubong nito ang mga mata niya. Matiyaga niyang hinintay ang lalabas sa bibig nito."A-about your date," panimula ng binata."Date? Sino? Si Jarell ba?" nalilito anang niya."Yes, that damn shit!" singhal ni Troye kasabay nang pagbitaw sa kamay niya.Mukhang alam na ni Sylvia kung saan tutungo ang usapang ito. Huminga siya nang malalim."Mr. Ledesma-""No, hear me first, Miss Dimaculangan!"Napaamang siya sa bulyaw nito, at nang lumapit. Hinawakan siya sa magkabilang braso, at tinapatan sa mukha."Makipag-break ka na sa kaniya.""H-ha?" utal niyang bigkas habang kumurap-kurap ang mga mata nilang magkahinang."End your relationship with him, hangga't maaga pa.""Te-teka nga," pwersahang iwanagwag ni Sylvia ang magkabilang braso.Nang magtagumpay ay nagbigay siya ng espasyo sa pagitan nilang dalawa."Ano ba 'yang pinagsasabi m
"Sagutin mo na 'yan, kanina pa natunog ang cellphone mo."Sinilip pa ni Sylvia ang phone ni Jarell pero maagap iyong kinuha nito na nakapagpa-arko ng kaniyang mga kilay."Si, si mama lang 'to. Nangungulit."Napahilig ang mukha niya, habang pinagmamasdan ito na animo'y kinakabahan, at may itinatago.Ilang beses na niyang napapansin ang laging pagtunog ng cellphone ni Jarell sa tuwing magkasama silang dalawa.Kapag naman tinatanong niya kung sino 'yon ay kung sino-sino ang dinadahilan nito.Mama niya, kapatid, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa.May umuusbong na kutob sa kaniya.O mas dapat sabihing isang hinala!"Kumain ka na," untag ni Jarell kay Sylvia."Sige. Nga pala, birthday ni Spike bukas, punta ka?" alok niya para na rin mapakilala niya ito ng pormal sa pamilya."Bukas?" tila nag-isip ito sa gagawin."Oo, bukas. May lakad ka ba?""Sorry, Syl."Hinawakan siya nito sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin siya roon bago sa mukha nitong sumisigaw ng pakiusap."Can't make it."
"Saan?""Sa lahat ng aspeto, sa estado sa buhay, sa hitsura at lalo na sa edad," mangiyak-iyak niyang paliwanag."Hindi ganiyang kababaw ang kilala kong Sylvia Dimaculangan. You are better than this, hindi mo ganiyan tingnan kung ano ang pag-ibig," mahabang giit ni Trevor habang kaswal na nakangiti sa kaniya."Isn't it too late?""Why? Dahil may Jarell ka na?"Nag-arko ang mga kilay ni Sylvia nang pagtagpuin ang mga mata nila nito. Hindi niya inaasahang alam ni Trevor ang tungkol sa nangyayari sa lovelife niya."You know in yourself and in your heart who is really in there. Don't let fear and hesitation win over you, and who your heart really wants."Huminto ang mga paa ni Troye mula sa kinatatayuan ay natatanaw niyang nakaupo ang kaniyang kuya, at dating sekretarya.Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. At nang ibaling ang mga mata sa mukha ni Sylvia ay naroon na naman ang kakaiba, at pamilyar niyang pakiramdam ng puso."Troye!"Doon lamang napatingin si Sylvia. Kumibot ang p
"E, paano si Troye?""Ano? Anong paano si Troye?" ulit ni Sylvia sa naguguluhang tinig."Si Troye. Hindi ba iyong bagito naman na iyon ang type mo-""Naku, ate!" awat niya agad dahil pakiramdam niya sa simpleng pangalan lamang ng binata ay nagwawala na ang kaniyang puso."O, bakit?"Nanghahamon na humarap si Jellie sa kaniya. Ipinaling niya agad ang mukha sa kabilang banda."Aminin mo't hindi, apektado ka kay Sir Troye mo.""Noon pa man, lalo na nang mag-resign ka sa kaniya bilang sekretarya. At tingin ko, ganoon din naman siya sa iyo.""Kaya bakit mo sinagot si Jarell?""Ate, bata pa si Troye," pagpapaalala niya sa hipag."So?" pambabalewala naman ni Jellie.Napailing si Sylvia, hamak na malaki ang age gap nilang dalawa. Kaya kung totoo man na type niya ang binata ay hindi niya hahayaan ang sarili na magkaroon ng ugnayan dito."Ten years ang tanda ko sa kaniya. Maalibadbaran ka kaya," sambit niya kasabay nang kunyaring pagpupunas niya sa magkabilang braso."Lumang mindset na 'yan, Sy
Kasasalo pa lamang ng pwetan ni Troye ay agad na niyang tinipa ang numero ni Sylvia.Ang totoo nga niyan ay kanina pa dapat kaso ay naging busy siya sa maghapon. Napapagod siya kaya tinawagan niya ang sekretarya kahit para papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman.Napakunotnoo ang binata nang ilang ring ay pulos busy tone ang kaniyang naririnig. Sandaling ibinaba niya ang cellphone bago muling itinapat sa tainga."Hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Jellie nang mapansin ang walng hintong pagtunog ng cellphone ni Sylvia.Siniglayan niya iyon, at nang mabasa ang numero ng dating boss ay umirap siya bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagkain."Hayaan mo na 'yan.""Magtapat ka nga, ano ba'ng nangyari sa inyo kahapon?" malisyosong usisa ng hipag na para bang may alam sa naganap sa kanilang dalawa.Nasamid siya dahil sa sinabi nito. Agad naman siyang inabutan ni Jellie ng baso habang natawa."Hoy, alam ko na 'yan!'"Kapag ganiyan ang reaksyon mo, talagang may nangyari! ""Ano 'yon ha?""