"Paano mo nalaman na may date ako rito?""At bakit-" hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil nahihiya siyang bitawan ang mga kataga."Pati 'yong pag-yo-yow niya, alam mo ha?' napipilitan niyang asik habang nakatingkayad, at nakatingala sa mukha ni Troye.Napatingin ang binata sa labi ng dating sekretarya habang kinokontrol ang galit. Matapos naman ay sinusundan niya ang bawat galaw ng mga nag-aapoy na mata nito.Agad siyang lumayo rito, at tumalikod. Kailangan niyang pigilan ang sarili bago tuluyang pahintuin sa paraan na alam niya ang kaharap."Ano?""Bakit?!'"Wala kang maisagot?!""You are keeping your eyes on me!""Sa lahat ng ginagawa ko!""Ganoon na rin ang mga dates ko!""Bakit?""Remember, hindi na ako nagtatrabaho sa iyo.""Wala kang pakialam sa buhay ko!"Maliksing lumapit si Troye sa kaniya habang nagdidiim ang mukha, at nag-iigtingan ang mga panga.Amang na napaatras si Sylvia dahil kung 'di niya gagawin iyon ay baka magkahalikan sila sa paglapit nito. Sunod-sunod siy
"I've heard na nag-resigned na si Sylvia."Natigilan sa paglabas si Troye nang marinig ang boses na iyon. Seryosong bumaling siya sa sala. At hindi nga siya nagkamali, naroon ang kaniyang nakatatandang kapatid. Nakadekwatro, at kaswal na sumimsim ng kape."Kailan ka pa nakauwi?" walang ganang aniya niya habang nakalahad ang isang palad."Last night. Katutulog mo lang no'n so I don't bother to wake you up."Inirapan lamang ni Troye si Trevor bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Wala pa siya sa mood. Mabigat nga ang katawan niyang pumasok ngayon sa trabaho. Pagkatapos kasi ng mainit nilang pagtatalo ay nagdiretso siya agad sa bar ni Benzon.Para magwalwal, at makalimot!"Seriously?""Ganiyan ka papasok ng trabaho?"Muling napatigil ang mga paa ng binata. Hindi niya binalingan ng tingin si Trevor sa halip ay maingat niyang pinakikinggan ang sasabihin pa nito."Kaya ka naman pala iniwan ng secretary mo."Ang mga salitang iyon ay parang isang talim na tumusok sa kaniya. Nanigas ang kaniyang
Isang hangin ang pinakawalan ni Sylvia bago sumandal, at parang pagod na ibinaba ang hawak na cellphone.Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang naka-matched niya si Dustin. At nang matapos nila ang date ay wala ng iba pang nag-matched sa kaniya sa app.Nawawalan na talaga siya ng pag-asa!Paano kapag lumipas pa ang mga araw, at wala talaga?Ano'ng gagawin niya sa buhay?"Hay," nawawalang pag-asang usal ni Sylvia.Idinako niya ang mga mata sa bintana. Kasalukuyan siyang lulan ng taxi patungo sa hotel. Maaga pa siya ng mga ilang minuto, kaya't puwede pa siyang mag-relax."Sir Troye, hindi po ba kayo pupunta?"Naulinigan niyang tanong ni Gabe nang madaanan niya ang mga empleyado sa labas ng kumpanya, at naghihintay ng sasakyang ipinadala ni Trevor para dalhin ang mga ito sa hotel.Makulimlim ang anyo, at parang wala siyang narinig. Tuloy-tuloy siyang naglakad. Wala sa plano niyang makipag-socialized, at makipag-party.Gusto niyang pumunta ng bar ni Benzon, magpakalunod sa alak para
Walang pagsidlan sa mukha ni Sylvia ang ligaya habang kaharap, at ka-chikahan ang mga kaibigan at dating ka-trabaho.Okupado nila ang isang bilog na lamesa. Sa ibabaw no'n ay iba-ibang klase ng sosyal na pagkain. Ganoon na rin ang pang-mayamang mga alak.Inaalala nila ang mga unang araw, unang pasok nila bilang empleyado ng kumpanya. At nagbibigay 'yon ng kakaibang saya habang nagbalik-tanaw sa karanasan.Sumimsim si Sylvia ng wine, nang mahagip ng mga mata ang binata na nasa kabilang lamesa. Matiim na nakatuon sa kaniya ang atensyon nito.Naitikom niya ang bibig habang malikot ang mga mata. Maingat niyang ibinaba ang hawak na baso. Nang muling balikan ito ng tingin ay sa kaniya pa rin nakatitig.Dinapuan siya ng kaba.Hindi niya alam kung dahil ba sa takot 'yon, para kasing hindi."Syl, huwag kang matatakot ha?" bulong ni Gabe sa kaniya."Ba-bakit?" usal niya."Si Sir Troye, kanina pa nakamasid sa iyo. Ni hindi nga kumukurap ang lolo mo sa pagkatitig sa iyo," Nakadaiting usal nito.A
Tumama ang mga mata ni Sylvia sa pwesto ni Troye may kausap itong mga kagalang-galang na matatandang lalake. Mga kapwa mataas ang posisyon sa kumpanya.Nakikipag-usap ito na para bang isa rin matandang tao. Akala mo'y may edad na kung makipagbarduglan ng kwentuhan sa kapareho mayaman na kaharap.Habang pinagmamasdan ang mukha ng binata ay munti, at malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi, ganoon na rin sa puso.Kahit na mainit ang naging kanilang pagtatalo noong isang gabing nagkita sila. May parte ngayon sa kaniya ang napunan nang masilayan ito ngayon, at habang nakatingin siya rito ngayong gabi.Kung ano 'yon, ay hindi niya rin alam.Siguro ba dahil hindi pa rin siya nakapag-a-adjust bilang secretay nito?Baka nasanay siyang araw-araw, at oras-oras ay mukha nito ang nakikita niya. Hininga nito ang nalalanghap niya, sa mga mata nito siya laging nakatingin kaya't hinahanap-hanap niya.Hindi alam ni Sylvia kung ano'ng dapat isipin sa nararamdaman.At dapat kung dapat ba niya it
Napalinga si Sylvia nang maramdaman na may tao. Napakurap ang kaniyang malulungkot na mga mata nang masilayan si Troye.Matapos makipagtitigan ng binata ay pinutol iyon bago nagpaling ng mukha. Siya naman ay nanatiling pinagmamasdan ang dating boss."Akala mo si Trevor?"Kumunot ang noo niya."I saw you two. Ano'ng ginagawa ninyo rito sa dilim?"Nang muli siya nitong titigan ay naaninag ni Sylvia ang pagdidilim ng mukha nito. Ganoon na rin ang pagbabanggaan ng mga panga. Maikukumpara niya ang anyo nito eksaktong kasing-galit sa tuwing sumusulpot sa date niya."Ano?""Ano'ng ginawa ninyo rito?""E, wala naman dito ang party?"Napilitan siyang tumayo habang naninipis ang labi. Hindi niya gusto ang ipinahihiwatig nito. May paghihinala sa kung ano'ng ginawa nila ng dating boss."Nagkwentuhan lang kami," kinontrol ni Slyvia ang galit, at ginawa pa rin ngumiti sa harap nito.Sarkastikong tumawa si Troye. Nang mapansing lumabas ang dating sekretarya ng hall ay agad din siyang kumilos para su
"At bakit hindi siya maaakit sa iyo?" balik tanong nito sa kaniya."Kasi ganito lang ako!""At dapat ikaw ang nakaaalam ng bagay na iyon! Hindi ako magugustuhan ng kuya mo dahil hindi niya ako ka-level, hindi ninyo ako ka-level!" katwiran ni Sylvia sa nayayamot na paraan.Huminga nang malalim ang binata. Isinarado niya rin ang mga mata. Kinalma niya ang kaloob-looban. Masyado yata siyang nagpapadala sa bugso ng damdamin."Siguro nga, mukha na akong desperada sa paningin mo. Pero sigurado akong hindi aabot ang pagkadesperada ko sa pagiging makasalanang babae.""Alam ko pa rin ang tama sa mali.""Akala ko kahit sa isang taon nating magkatrabaho ay makikilala mo ako. At alam mo ang kaya kong gawin, at ang hindi."Binuksan ni Troye ang mga mata, at naroon sa harapan niya ang dismayadang si Sylvia. Bagsak ang balikat nito, at iniwanan siya ng isang irap bago umalis."Excuse me guys, Mr. T."Napatingin sa kaniya ang mga kasamahan, at si Trevor na binalikan niya sa lamesa."Mauna na po ako,"
Simangot na simangot ang mukha ni Sylvia nang lingunin ni Troye habang nagmamaneho. Ilang minuto na rin silang lulan ng sasakyan nang walang kibuan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo," utos niya rito habang nakapokus na ang mga mata sa tinatahak na daan."Ganito na talaga 'to," hindi pa rin nababago ang hitsura ng dating sekretarya.Salubong na salubong ang mga kilay habang habang-haba ang nguso. Diretso rin ang tingin nito nang tumugon sa kaniya."Why? Dahil hindi si Mr. T mo ang naghatid sa iyo," nagboses babae pa ang binata nang banggitin ang tawag niya kay Trevor, na para bang ginagaya siya.Naniningkit ang mga matang binalingan iyon ni Sylvia ng tingin. Kahit papaano ay pagkairita na lamang ang nakikita niya sa anyo nito, at hindi na matinding galit."Nanghihinayang ka?""You wished he was here and driving for you?""Is that it?" patuloy na reklamo nito."Sana nga siya na lang ang naghatid sa akin para hindi naman ako nabibingi ngayon," palaban niyang giit.Tumigil yata ang tibok ng
Nakaismid na lumapit si Sylvia sa sala."Is that mine?" tanong ni Troye, at sinipat ng tingin ang dala niyang unan at kumot."Hindi. Doon ka na lang sa kwarto ko."Sinilip nito ang pintong nakapinid, at kung saan siya galing. Bago muling tumingin sa kaniyang mukha."Okay na ako rito sa sala."Patawa ba 'to?CEO, tapos sa sala mamaluktot nang pagtulog?"Sumunod ka," Nakirap niyang saad sa binata, at naunang maglakad papasok ng sariling kwarto.Nagmasid sa kabuuan ng silid si Troye nang makapasok sa loob. Malinis, maaliwalas at ang mga gamit doon ay ilan-ilan lamang."Dito ka na mahiga," Turo ni Sylvia sa kama."How about you?""Sa labas," kaswal niyang tugon."Ako na lang sa labas," boluntaryo nitong aniya."Huwag ka na ngang makulit. Gabi na para makipagtalo ka pa. Dito ka sa kama," naiinis na pahayag niya, at lumakad palabas ng kama."Are you sure?" pahabol ng binata sa nakatalikod na sekretarya."Oo," walang ganang sagot nito."We can share bed, if you want."Dumikit ang mga paa ni
"Harap," Maingat na hinawakan ni Sylvia ang baba ni Troye para paharapin ito.Tumalima naman ang binata. Nagsimula na siyang lagyan ng gamot ang pumutok na labi nito sa parteng sulok."Aray!" malakas nitong reklamo nang hindi niya sinasadyang madiinan ang sugat."Sorry naman! Huwag ka ngang sumigaw! Nagugulat ako!" singhal niya rito bago muling kinuha ang baba ng dating boss nang walang pag-iingat.Sandali niya itong tinitigan sa mga mata. Isang matalim na tingin ang iniwan niya rito bago nagpokus sa pagdampi ng bulak sa labi nito.Seryosong ibinaba ni Troye ang tingin sa sekretarya na kaharap. Sa malapitan pala ay mas maganda ito. Wala sa isip niyang mapangiti dahilan para matigilan si Sylvia, at bahagyang lumayo."Ano'ng nginingiti mo?" tanong nito."H-ha?" patay malisya niyang wika."Ngumiti ka!" paratang ni Sylvia."What? I didn't smile!" kaila niya, at iniwasan ang tingin nito."You did.""I didn't! Gamutin mo na nga lang, ang sakit kaya!" reklamo ng binata.Naawa naman si Sylvia
In surprise, napatingala si Troye sa lalakeng kasama niya nang tumindig din ito. Nang sundan niya ng tingin ay inabangan nitong humarap ang kaniyang sekretarya.Hindi na nagulat si Sylvia nang mabungaran ang nakaiinis na mukha ng lalakeng mukhang sanay na mang-bully."How old are you?""Buti pinapasok ka rito?"Napangiti si Sylvia bago umiwas ng tingin. Hindi siya naasar, natatawa siya sa pinagsasabi nito. Muli niyang binalikan ng tingin ang lalake."Oo nga e. Arcade pala ito kasi may batang isip na katulad mo rito?" kaswal niyang sagot dito habang nakangiti."Yabang mo tanda ha!" napikon nitong sagot, at mas lumapit sa kaniya.Bago pa siya mailayo ni Jarell ay tumumba na ang kaharap na lalake. Gulat siyang napatingin kung saan galing ang suntok na iyon.Tumahip nang mabilis ang dibdib ni Sylvia nang masilayan si Troye. Nakabilog pa rin ang kamao nito habang magkasing-bilis ang pag-alon ng kanilang mga dibdib."Gago ka!"Tumayo nang mabilis ang lalakeng nakabulagta, at sinugod si Troy
"Why are you telling me this, Gabe?" pagtatakang tanong ni Troye sa pagbibigay ng impormasyon nito sa kaniya."Ang sabi po kasi ni Mr. T."Mas lalo lamang siyang natigilan."Sabi ni Mr. T, tulungan daw po namin kayo. Kaya nga po kahit na minumura na ako ni Sylvia dahil sa pagtatanong ko tungkol sa date niya ay kinukulit ko pa rin siya."Ngumiti ng mapait ang binata sa empleyado. Sa kabila ng lagi niyang pagsusungit, at pagpapahirap sa mga ito ay heto at magmamagandang loob pa."You can go," magaan niyang utos dito."Yes, Sir."Isag ngiti ang ibinigay sa kaniya ni Gabe bago tumalikod, at lumabas ng kaniyang opisina. Nang mawala na ito ay sinilip niya ang suot na wrist watch.Kababa pa lamang ni Sylvia ng taxi. Agad niyang inayos ang suot na bestida. May tatlong araw na rin silang nag-uusap ni Jarell.Masasabi niyang nakapagpalagayan na sila ng loob. Siguro dahil kasi nga ay magkakilala na sila nito.Jarren is sweet and straightforward.Walang kiyeme, diretsahan siyang inimbitahan nito
"Patawa ka ba?" Natatawang ulit ni Sylvia."I said, delete this stupid and non-sense app!" siguradong litanya ni Troye.Alam na ng binata na hindi na attracted ang kaniyang sekretarya kay Trevor. Pero may application naman itong kinalolokohan."Ayoko nga!""Ayaw mo?" pagbibigay niya ng huling chance rito."Ayoko!" ulit ni Sylvia.Baliw ba 'to?Bakit ipabubura sa kaniya ang Make me yours, and I'll make you mine app? E, wala pa nga siyang nagiging successful na date."Then, let me do it for you my old maid secretary."Isang ngisi ang nakapagpatili kay Sylvia. Nanlalaki mga mata nang sundan niya ang hintuturo nitong may pinindot sa screen ng kaniyang cellphone."No!" mabilis siyang lumapit dito, at nakipag-agawan."Get off of me, Miss Dimaculangan!""Akin na 'yang, bwisit ka!"Nakakuha siya ng pagkakataon, at agad iyong inagaw kay Troye. Kapwa sila hinihingal nang magsalubong ang mga tingin nila."Are you that so eager?! Talagang makikipagpatayan ka para sa app na iyan?"Buti na lamang,