Ysabelle's POV
"Kailangang maoperahan ang iyong kapatid sa lalong madaling panahon," sabi ng doktor nang makapasok ako sa silid ng aking kapatid rito sa ospital. "Ang brain tumor ay delikado kasi nasa tabi lang ng brain cells at kapag lumaki ng tuluyan ay pwedeng ma-disturb ang mga brain cells na ito na pwedeng magresulta sa sakit, dementia o kamatayan." Naramdaman kong parang may isang matalim na kutsilyong dumaan sa puso ko. Nabitawan ko ang bitbit kong bag at napatingin ako kay Mama. Humakbang siya papalapit sa aking kapatid at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng nakababatang kapatid ko, si Adrian, na mahina nang nakahiga sa hospital bed. Ang mukha niya ay maputla, ang katawan niya ay payat na payat na parang kaunting hangin na lang ay madadala na siya palayo sa amin. "Doc… magkano po ang kailangan para sa operasyon?" tanong ko, kahit hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang sagot. Tumingin sa akin ang doktor, may lungkot sa kanyang mga mata. "Aabot ito sa kalahating milyon, depende pa sa mga susunod na gamutan." Parang biglang huminto ang mundo ko. Kalahating milyon? Saan ako kukuha ng ganito kalaking pera? "Anak…" hinawakan ni Mama ang braso ko, nanginginig ang kamay niya. "Saan tayo nakakakuha ng kalahating milyon? Baon na tayo sa utang..." Gusto kong sabihin sa kanya na huwag siyang mag-alala, na may paraan ako, pero paano? Halos kulang pa nga ang sahod ko sa pang-araw-araw naming gastusin. Nang makalabas na ang doktor, agad kong tinawagan ang long-time boyfriend kong si Bryan, ang boyfriend ko ng halos limang taon. Siya na lang ang tanging pag-asa ko. Ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Tinawagan ko ang kaniyang kapatid at nalamang nasa isang mamahaling restaurant si Bryan sa mga oras na ito.. Gabi na nang marating ko ang isang mamahaling restaurant kung saan ko sinundo si Bryan, Nakita ko siya sa isang table sa sulok, pero hindi ako ang unang nakapansin sa kanya kung 'di ang babaeng kaharap niya. Maganda, sexy, mukhang mayaman—at hawak nito ang kamay ni Bryan na may matamis na ngiti. "Bry?" mahina kong tawag, pero sapat na para mapatingin siya sa akin. Agad niyang binitiwan ang kamay ng babae. "Ysabelle?" gulat niyang tanong, pero hindi siya tumayo. Para bang gusto niyang hindi ako makita. Hindi ko na pinansin ang babaeng kasama niya, hindi iyon ang dahilan kaya ako nandito. Lumapit ako at naupo sa bakanteng upuan sa harapan niya. "Kailangan kitang makausap," diretsong sabi ko. Tumingin siya saglit sa babaeng kasama niya bago bumuntong-hininga. "Ano 'yon?" Napalunok ako. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa takot na baka hindi niya ako matulungan. "Kailangan ko ng pera, Bry. Kailangan maoperahan si Adrian sa lalong madaling panahon. Kalahating milyon ang kailangan ko." Bigla siyang natahimik. Hindi siya kumibo. Parang hindi siya makatingin nang diretso sa akin. "Please, Bryan," nagmakaawa ako, ramdam ko ang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko. "Alam kong may pera ka. Kayang-kaya mo akong tulungan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, ikaw na lang ang natitirang pag-asa ko." Dahan-dahan siyang umiling. "Ysabelle… hindi ko magagawa 'yan." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Anong ibig mong sabihin?" "Malaki ang halagang hinihingi mo. Hindi ko basta-basta mailalabas ang ganiyang pera," sagot niya at halatang naiilang. "Pero Bryan, para ito kay Adrian! Para sa kapatid ko! Kung wala tayong gagawin, mawawala siya sa amin!" Napatingin siya sa babaeng kasama niya na halatang naguguluhan sa nangyayari. Bumuntong-hininga si Bryan bago muling humarap sa akin. "Ysabelle… may gusto akong sabihin sa 'yo." Tinitigan ko siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Ayoko na," bulong niya. "Maghiwalay na tayo." Napakunot ang noo ko. "Anong ayaw mo na?" "Pagod na ako sa relasyon natin, Ysabelle. Matagal ko nang gustong makipaghiwalay, pero hindi ko magawa kasi naaawa ako sa iyo. Hindi ko ma-imagine na makasama ka habambuhay. Ngayon, sa tingin ko, ito na ang tamang pagkakataon." Hindi agad nag-sink sa akin ang mga sinabi niya. Parang ilang segundo pa bago ko tuluyang naintindihan ang ibig niyang sabihin. "A-Anong…" Napahawak ako sa mesa, parang biglang nawala ang lahat ng lakas sa katawan ko. "Bakit ngayon? Bakit ngayon mo pa sinasabi ito?!" "Nagbago na ang nararamdaman ko," sagot niya, iwas ang tingin. "At… may iba na akong mahal. Mas mahal ko si Alexa. Mayaman siya. May kaya ang pamilya nila. Eh ikaw? Ano ang ipapakain mo sa pamilya natin kapag ikaw ang nakatuluyan ko?" Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto niyang makipaghiwalay sa akin dahil lang sa mahirap ako. Ipinagpalit niya ako sa babaeng mayaman at may kaya sa buhay. Doon ko lang tuluyang tinignan ang babae sa harapan ko. Tahimik lang siya, pero may kumpiyansang nakaupo na parang alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon. "Bryan, nagmamakaawa ako. Kahit utangin ko sa 'yo, kahit babayaran ko habang-buhay, basta tulungan mo lang ako. Huwag mong gawin 'to, please!" Umiling siya. "Pasensya na, Ysabelle. Pero hindi kita matutulungan. Hindi na kita mahal. Si Alexa na ang mahal ko." Napapikit ako nang maramdamdaman ang pagpatak ng aking mga luha. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong ipagsigawan kung gaano siya kasama. Pero anong silbi? Kahit anong gawin ko, hindi niya ako tutulungan. Iniwan niya ako paara sa ibang babae. "Ano pa ang ginagawa mo sa harapan namin? Umalis ka na, Ysabelle. Hindi ka na mahal ni Bryan," maarteng sabi ni Alexa. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumayo ako, nanginginig ang mga tuhod ko. Biglang naubos lahat ng lakas ko. "Sana hindi mo maranasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon, Bryan. Dahil hindi ko ito ipagdarasal kahit kanino man." Luhaan akong lumabas ng restaurant, iniwang nagkakandadurog ang puso ko. Hindi ko aakalaing magagawa ni Bryan ang bagay na ito sa mismong araw kung kailan nag-aagaw buhay ang kapatid ko sa ospital. Naglakad ako sa madilim na kalsada, hindi alam kung saan pupunta. Ang totoo, wala na akong ibang matatakbuhan. Wala kaming kamag-anak na may ganoong kalaking pera, at wala akong ipon na kahit kalahati ng kailangan para sa operasyon ni Adrian. Napatingin ako sa kalangitan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Basang-basa ako ng ulan habang patuloy akong naglalakad. Ang bigat ng dibdib ko, parang dinurog at tinapakan ng paulit-ulit. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na iniwan ako ni Bryan sa panahong pinakakailangan ko siya. Sa pagmamadali kong makalayo, hindi ko napansin ang paparating na tao. Isang matigas at mainit na katawan ang bumangga sa akin, dahilan para matumba ako sa basang semento. "Shit!" sigaw ng malalim at matigas na tinig ng lalaki. Nag-angat ako ng tingin, nakapikit pa dahil sa sakit ng pagbagsak ko. Naramdaman ko ang malamig na tubig sa ilalim ko, pati na rin ang nanginginig kong mga kamay. "Tumingin ka kung saan ka dumadaan," malamig at may awtoridad ang tinig ng lalaki. Nang tuluyan kong idilat ang mga mata ko, nakita ko ang isang matangkad at makapangyarihang presensya sa harapan ko. Isang lalaking bihis na bihis sa mamahaling suit, basa na rin ng ulan. Matangos ang ilong niya, matalim ang tingin, at may aura ng isang taong hindi sanay sa abala. Dahil sa kaba, agad akong tumayo, pero nadulas ako ulit. Napatili ako nang maramdaman ang kamay niyang mahigpit na humawak sa braso ko, hindi ako hinayaang tuluyang bumagsak. "Tsk." Umiling siya bago ako itinayo nang walang kahirap-hirap. Masyado akong hiyang-hiya. Ang isang tulad ko, isang ordinaryong empleyada, nakabangga ng isang tulad niya. "Pasensya na po, Sir..." mahina kong sabi, hindi magawang tingnan siya sa mata. Pero hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko. "Anong problema mo?" diretsong tanong niya. Napatigil ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. "Sa itsura mong 'yan, mukhang may malaking bumagabag sa 'yo." Dumukot siya ng puting panyo mula sa bulsa at iniabot sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko napigilan ang sarili kong humagulgol. Sa harap ng isang estrangherong halos hindi ko kilala—bumigay ako. Napayuko ako, mahigpit na tinakpan ang bibig ko para pigilan ang tunog ng iyak ko. "Ako na ang bahala," sabi niya. "Tutulongan kita kung tutulungan mo rin ako..."Ysabelle's POV Wala akong ideya kung bakit ako sumama. Wala akong ideya kung bakit ako nasa loob ng isang mamahaling sasakyan sa kaniya.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Maya-maya, tumikhim siya. "Ilang milyon ang kailangan mo?"Napakunot ang noo ko. "Ano?""Ilang milyon ang kailangan mo para mailigtas ang kapatid mo?"Napasinghap ako. "P-Paano mo nalaman?" Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko. "Bakit mo ako tinatanong n'yan?" nag-aalangan kong sabi."Bibigyan kita ng pera," sagot niya. Para bang hindi lang iyon isang maliit na halaga para sa kanya.Napakurap ako. "H-Hindi ako namamalimos—""Hindi mo kailangan mamalimos," putol niya. "Pero hindi libre ang pera. May kapalit."Napalunok ako. Alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Niyakap ko ang sarili ko."Kailangan kong magpakasal," diretsong sabi niya.Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?""May panggigipi
Ysabelle's POV Kinagabihan, pagkauwi ko sa bahay namin, parang doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit na nakaupo na ako sa gilid ng kama, hindi pa rin tumitigil ang utak ko sa pag-iisip.Magsisinungaling ba ako ng isang buong taon? Paano kung malaman ni Mama ang totoo? Kakayanin ba niyang matanggap na ipinagbili ko ang sarili ko para lang mailigtas si Adrian?Napaungol ako at tinakpan ang mukha ko ng mga kamay ko."Isang taon lang..." bulong ko sa sarili ko. "Pagkatapos nito, babalik din ang lahat sa dati."***Katatapos ko lang hugasan ang mukha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Malakas ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang screen.Lucian VillafuerteDahan-dahan kong sinagot ang tawag. "Hello?" mahina kong sabi, para bang nangangamba sa kung ano ang maririnig ko mula sa kabilang linya."Wala ka nang oras para umatras, Ysabelle," malamig ang tinig ni Lucian. "Susunduin kita sa loob ng tatlumpung minuto. Maghanda ka."Napakagat ako sa labi ko. "Lucian, kailanga
Ysabelle's POV Pagbukas ng pinto ng kotse, mabilis akong bumaba at tumingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha—ang bawat sulok ng lugar ay mukhang mamahalin, mula sa engrandeng chandelier na bumabati sa pasukan hanggang sa malalawak na marble flooring.Tahimik ang buong bahay, pero hindi ito malamig. Sa halip, may kakaibang presensiya ito—isang uri ng katahimikan na parang nagmumungkahi na hindi ito basta-bastang bahay lang, kundi isang lugar na puno ng kapangyarihan.Nakatayo ako sa tabi ng hagdan nang biglang nagsalita si Lucian."Susunduin kita mamaya. May guest room sa dulo ng hallway sa second floor. Doon ka muna titira," malamig niyang sabi.Napatingin ako sa kanya. "Akala ko mag-asawa tayo?" Hindi ko napigilang itanong.Saglit siyang napangiti—isang uri ng mapanuksong ngiti na hindi ko alam kung dapat bang ikabahala."Huwag kang mag-alala, Ysabelle," aniya, nakapamulsa habang tumitingin sa akin. "Hindi ako interesado sa 'yo sa ganoong paraan. Hindi ikaw ang tipo ng babaen
Ysabelle's POV Tahimik ang biyahe pabalik sa mansyon.Nasa loob kami ng sasakyan ni Lucian, pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Malamig ang ekspresyon niya, nakatutok ang mga mata sa daan habang hinahawakan ng mahigpit ang manibela. Samantalang ako, panay ang lingon sa bintana, pilit na itinatago ang bumabagabag sa isip ko.Alam kong galit siya. Hindi man niya sabihin nang diretso, nararamdaman ko ito sa bigat ng hangin sa pagitan namin. Pero wala akong pagsisisi sa ginawa ko. Hindi ko kayang tiisin na hindi makita si Adrian.Napatingin ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada, pero mahigpit ang pagkaka-clench ng panga niya, para bang may gusto siyang pigilan."Lucian..." mahina kong tawag.Hindi siya sumagot.Napabuntong-hininga ako. "Alam kong galit ka dahil lumabas ako nang hindi nagpapaalam, pero hindi ko gustong itago sa 'yo—"Napahinto ako nang bigla siyang lumingon sa akin, ang mga mata niya malamig at puno ng frustration."Hindi mo gustong itago sa 'kin?"

Ysabelle's POV Wala akong ideya kung bakit ako sumama. Wala akong ideya kung bakit ako nasa loob ng isang mamahaling sasakyan sa kaniya.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Maya-maya, tumikhim siya. "Ilang milyon ang kailangan mo?"Napakunot ang noo ko. "Ano?""Ilang milyon ang kailangan mo para mailigtas ang kapatid mo?"Napasinghap ako. "P-Paano mo nalaman?" Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko. "Bakit mo ako tinatanong n'yan?" nag-aalangan kong sabi."Bibigyan kita ng pera," sagot niya. Para bang hindi lang iyon isang maliit na halaga para sa kanya.Napakurap ako. "H-Hindi ako namamalimos—""Hindi mo kailangan mamalimos," putol niya. "Pero hindi libre ang pera. May kapalit."Napalunok ako. Alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Niyakap ko ang sarili ko."Kailangan kong magpakasal," diretsong sabi niya.Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?""May panggigipi
Ysabelle's POV"Kailangang maoperahan ang iyong kapatid sa lalong madaling panahon," sabi ng doktor nang makapasok ako sa silid ng aking kapatid rito sa ospital. "Ang brain tumor ay delikado kasi nasa tabi lang ng brain cells at kapag lumaki ng tuluyan ay pwedeng ma-disturb ang mga brain cells na ito na pwedeng magresulta sa sakit, dementia o kamatayan."Naramdaman kong parang may isang matalim na kutsilyong dumaan sa puso ko. Nabitawan ko ang bitbit kong bag at napatingin ako kay Mama. Humakbang siya papalapit sa aking kapatid at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng nakababatang kapatid ko, si Adrian, na mahina nang nakahiga sa hospital bed. Ang mukha niya ay maputla, ang katawan niya ay payat na payat na parang kaunting hangin na lang ay madadala na siya palayo sa amin."Doc… magkano po ang kailangan para sa operasyon?" tanong ko, kahit hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang sagot.Tumingin sa akin ang doktor, may lungkot sa kanyang mga mata. "Aabot ito sa kalahating milyo