Ysabelle's POV
Kinagabihan, pagkauwi ko sa bahay namin, parang doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit na nakaupo na ako sa gilid ng kama, hindi pa rin tumitigil ang utak ko sa pag-iisip. Magsisinungaling ba ako ng isang buong taon? Paano kung malaman ni Mama ang totoo? Kakayanin ba niyang matanggap na ipinagbili ko ang sarili ko para lang mailigtas si Adrian? Napaungol ako at tinakpan ang mukha ko ng mga kamay ko. "Isang taon lang..." bulong ko sa sarili ko. "Pagkatapos nito, babalik din ang lahat sa dati." *** Katatapos ko lang hugasan ang mukha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Malakas ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang screen. Lucian Villafuerte Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. "Hello?" mahina kong sabi, para bang nangangamba sa kung ano ang maririnig ko mula sa kabilang linya. "Wala ka nang oras para umatras, Ysabelle," malamig ang tinig ni Lucian. "Susunduin kita sa loob ng tatlumpung minuto. Maghanda ka." Napakagat ako sa labi ko. "Lucian, kailangan ba talagang—" "Ysabelle," putol niya, mas mababa na ang tono ng boses. "Alam mo ang kasunduan natin. Simula ngayong gabi, ikaw na si Mrs. Villafuerte. At ang isang legal na asawa ay hindi nananatili sa dating bahay niya." Napapikit ako nang mariin, pilit nilulunok ang bigat ng reyalidad. "Huwag mo akong paasahin na mababago mo pa ang isip mo," dagdag niya, at bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag. Naiwan akong nakatulala sa cellphone ko, nanginginig ang mga kamay. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa maliit kong aparador at marahang binuksan ang lumang kahoy na pinto nito. Bumungad sa akin ang kakaunting damit na pag-aari ko—mga lumang uniporme sa trabaho, ilang bestidang bihira kong gamitin, at mga simpleng t-shirt na hindi kailanman babagay sa marangyang mundo ni Lucian. Kinuha ko ang lumang maleta sa ilalim ng kama, pinapagpag ang alikabok bago sinimulang ilagay ang ilang piraso ng damit sa loob nito. Isa-isang pumapasok sa isip ko ang mga alaala habang inaayos ko ang mga gamit ko—ang pag-aalaga ko kay Adrian, ang pagsusumikap ko sa trabaho, ang bawat gabing pagod akong umuuwi pero masaya dahil may pamilya akong uuwian. Pero ngayon... iiwan ko ang lahat ng ‘yon. Napayuko ako at mariing pumikit, pilit pinipigilan ang pagluha. Nang ibuka ko ang mga mata ko, napansin kong may isang lumang litrato sa ilalim ng mga damit ko—larawan naming tatlo ni Mama at Adrian noong bata pa siya. Nasa parke kami noon, nakangiti habang kumakain ng ice cream. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Ginagawa ko ‘to para kay Adrian. Para sa pamilya ko. Huminga ako nang malalim, mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko namalayang pumatak. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng maleta. Ilang damit lang ang dinala ko—wala akong balak manatili sa mundo ni Lucian nang mas matagal. Nang matapos ako, isinara ko ang maleta at nilingon ang maliit kong kwarto. Ilang taon ko nang tahanan ang kwartong ito, pero ngayon, pakiramdam ko para akong bisita na aalis at hindi na babalik. Isang malalim na hinga pa bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas.. Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Mama na nakaupo sa lumang sopa. Kararating niya lang galing sa ospital. May hawak siyang rosaryo at nakapikit habang mahigpit itong tinutupi sa kanyang mga palad. Alam kong hindi pa siya tuluyang kumakalma kahit na naibigay ko na ang perang kailangan para kay Adrian. Bago pa ako makapagsalita, dumilat siya at tumingin sa akin. Agad niyang napansin ang maleta kong dala. "Ysabelle... aalis ka?" nagtatakang tanong niya. Napakagat ako sa labi. Hindi ko siya kayang tingnan nang diretso sa mata. "Ma... may inaalok na bagong trabaho sa akin," pagsisinungaling ko. "Kailangan kong lumipat pansamantala." Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Anak... anong klaseng trabaho? Hindi mo man lang nabanggit sa akin ‘to dati. Paano na ang kapatid mo? Hindi ba pwedeng makapaghintay ang trabaho na 'yan? Hindi pa naooperahan ang kapatid mo." Pinilit kong ngumiti, pero pakiramdam ko ay mas halata lang ang bigat sa puso ko. "Biglaan din lang po, Ma. Pero malaking tulong ang sahod para sa gastusin natin kay Adrian." Tinitigan niya ako nang matagal, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. "Hindi mo kailangang gawin ‘to, Ysabelle," mahina niyang sabi at punong-puno ng emosyon ang tinig niya. "Hindi kita pinalaki para magsakripisyo ng ganito para sa amin." Naramdaman ko ang paghina ng tuhod ko. "Ma..." Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Ginagawa ko ‘to dahil mahal ko kayo. Kapag gumaling na si Adrian, babalik din ako." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago niya ako hinaplos sa buhok, para bang hinahaplos ang isang batang nawawala. "Mag-iingat ka, anak," pabulong niyang sabi. "At kahit anong mangyari, tandaan mong may pamilya kang babalikan." Mas lalo akong napaluha sa sinabi niya. Naputol ang sandaling ‘yon nang marinig namin ang tunog ng isang bumubusina sa labas ng bahay. Nagmadali akong pinunasan ang luha ko at dinala ang maleta ko. "Huwag mong kakalimutan ang sinabi ko, Ysabelle," paalala ni Mama bago ako lumabas ng bahay. Tumango ako, pero hindi ko kayang mangako dahil hindi ko na alam kung paano pa babalik ang dating ako matapos ang lahat ng ‘to. Isang itim na luxury car ang nakaparada sa harapan sa labas ng aming bahay, masyadong elegante para sa simpleng neighborhood namin. Dahan-dahan akong lumapit at nakita ko si Lucian na nakasandal sa gilid ng kotse, nakapamulsa habang nakatingin sa akin. Kalmado siya, parang walang nangyari. Pero sa likod ng ekspresyon niyang ‘yon, alam kong alam niya kung anong bigat ang dinadala ko ngayon. "Handa ka na?" tanong niya, walang anumang emosyon. Hindi ako sumagot. Lumapit lang ako at tumayo sa harap niya, hawak ang maleta ko. Ngumisi siya nang bahagya bago lumingon sa driver. "Ilagay mo ‘yan sa likod," utos niya, at agad na kinuha ng driver ang maleta ko. Pagkatapos, binuksan ni Lucian ang pinto ng sasakyan at tumingin sa akin. "Wala nang atrasan, Mrs. Villafuerte." Muli akong napalunok. Nang sumakay ako sa kotse at sumara ang pinto, alam kong iniwan ko na ang lumang mundo ko sa likod, at sa puntong ito, wala na akong ibang magagawa kung 'di tahakin ang daang pinili ko. Tahimik akong nakaupo sa loob ng mamahaling sasakyan ni Lucian habang binabaybay namin ang kalsada patungo sa bahay niya—o mas tamang sabihin, sa magiging "bahay ko" sa loob ng isang taon. Pakiramdam ko ay napakalayo na ng mundong ito sa nakasanayan ko. Mula sa simpleng bahay at masikip na lansangan na madalas kong nilalakad papunta sa trabaho, ngayon ay nasa loob ako ng isang marangyang kotse, patungo sa isang lugar na hindi ko man lang pinangarap. Napatingin ako kay Lucian na nasa tabi ko, walang imik, at nakatutok sa cellphone niya. Walang bahid ng emosyon ang mukha niya, para bang isa lang itong normal na gabi para sa kanya. Samantalang ako? Pakiramdam ko ay para akong itinatapon sa isang reyalidad na hindi ko alam kung paano pakikisamahan. Matapos ang halos kalahating oras, biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Napatingin ako sa labas, at halos lumaki ang mga mata ko nang makita ang napakalawak na gate na unti-unting bumukas. Ang mahabang driveway ay napapalibutan ng maayos na trimmed na mga halaman, may fountain sa gitna, at ang mismong bahay ay tila isang modernong palasyo na gawa sa puting marmol at malalaking glass panels. Napalunok ako. Sa loob ng isang taon, dito ako titira kasama si Lucian Villafuerte bilang temporary wife niya.Ysabelle's POV Pagbukas ng pinto ng kotse, mabilis akong bumaba at tumingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha—ang bawat sulok ng lugar ay mukhang mamahalin, mula sa engrandeng chandelier na bumabati sa pasukan hanggang sa malalawak na marble flooring.Tahimik ang buong bahay, pero hindi ito malamig. Sa halip, may kakaibang presensiya ito—isang uri ng katahimikan na parang nagmumungkahi na hindi ito basta-bastang bahay lang, kundi isang lugar na puno ng kapangyarihan.Nakatayo ako sa tabi ng hagdan nang biglang nagsalita si Lucian."Susunduin kita mamaya. May guest room sa dulo ng hallway sa second floor. Doon ka muna titira," malamig niyang sabi.Napatingin ako sa kanya. "Akala ko mag-asawa tayo?" Hindi ko napigilang itanong.Saglit siyang napangiti—isang uri ng mapanuksong ngiti na hindi ko alam kung dapat bang ikabahala."Huwag kang mag-alala, Ysabelle," aniya, nakapamulsa habang tumitingin sa akin. "Hindi ako interesado sa 'yo sa ganoong paraan. Hindi ikaw ang tipo ng babaen
Ysabelle's POV Tahimik ang biyahe pabalik sa mansyon.Nasa loob kami ng sasakyan ni Lucian, pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Malamig ang ekspresyon niya, nakatutok ang mga mata sa daan habang hinahawakan ng mahigpit ang manibela. Samantalang ako, panay ang lingon sa bintana, pilit na itinatago ang bumabagabag sa isip ko.Alam kong galit siya. Hindi man niya sabihin nang diretso, nararamdaman ko ito sa bigat ng hangin sa pagitan namin. Pero wala akong pagsisisi sa ginawa ko. Hindi ko kayang tiisin na hindi makita si Adrian.Napatingin ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada, pero mahigpit ang pagkaka-clench ng panga niya, para bang may gusto siyang pigilan."Lucian..." mahina kong tawag.Hindi siya sumagot.Napabuntong-hininga ako. "Alam kong galit ka dahil lumabas ako nang hindi nagpapaalam, pero hindi ko gustong itago sa 'yo—"Napahinto ako nang bigla siyang lumingon sa akin, ang mga mata niya malamig at puno ng frustration."Hindi mo gustong itago sa 'kin?"
Ysabelle's POV"Kailangang maoperahan ang iyong kapatid sa lalong madaling panahon," sabi ng doktor nang makapasok ako sa silid ng aking kapatid rito sa ospital. "Ang brain tumor ay delikado kasi nasa tabi lang ng brain cells at kapag lumaki ng tuluyan ay pwedeng ma-disturb ang mga brain cells na ito na pwedeng magresulta sa sakit, dementia o kamatayan."Naramdaman kong parang may isang matalim na kutsilyong dumaan sa puso ko. Nabitawan ko ang bitbit kong bag at napatingin ako kay Mama. Humakbang siya papalapit sa aking kapatid at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng nakababatang kapatid ko, si Adrian, na mahina nang nakahiga sa hospital bed. Ang mukha niya ay maputla, ang katawan niya ay payat na payat na parang kaunting hangin na lang ay madadala na siya palayo sa amin."Doc… magkano po ang kailangan para sa operasyon?" tanong ko, kahit hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang sagot.Tumingin sa akin ang doktor, may lungkot sa kanyang mga mata. "Aabot ito sa kalahating milyo
Ysabelle's POV Wala akong ideya kung bakit ako sumama. Wala akong ideya kung bakit ako nasa loob ng isang mamahaling sasakyan sa kaniya.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Maya-maya, tumikhim siya. "Ilang milyon ang kailangan mo?"Napakunot ang noo ko. "Ano?""Ilang milyon ang kailangan mo para mailigtas ang kapatid mo?"Napasinghap ako. "P-Paano mo nalaman?" Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko. "Bakit mo ako tinatanong n'yan?" nag-aalangan kong sabi."Bibigyan kita ng pera," sagot niya. Para bang hindi lang iyon isang maliit na halaga para sa kanya.Napakurap ako. "H-Hindi ako namamalimos—""Hindi mo kailangan mamalimos," putol niya. "Pero hindi libre ang pera. May kapalit."Napalunok ako. Alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Niyakap ko ang sarili ko."Kailangan kong magpakasal," diretsong sabi niya.Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?""May panggigipi

Ysabelle's POV Pagbukas ng pinto ng kotse, mabilis akong bumaba at tumingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha—ang bawat sulok ng lugar ay mukhang mamahalin, mula sa engrandeng chandelier na bumabati sa pasukan hanggang sa malalawak na marble flooring.Tahimik ang buong bahay, pero hindi ito malamig. Sa halip, may kakaibang presensiya ito—isang uri ng katahimikan na parang nagmumungkahi na hindi ito basta-bastang bahay lang, kundi isang lugar na puno ng kapangyarihan.Nakatayo ako sa tabi ng hagdan nang biglang nagsalita si Lucian."Susunduin kita mamaya. May guest room sa dulo ng hallway sa second floor. Doon ka muna titira," malamig niyang sabi.Napatingin ako sa kanya. "Akala ko mag-asawa tayo?" Hindi ko napigilang itanong.Saglit siyang napangiti—isang uri ng mapanuksong ngiti na hindi ko alam kung dapat bang ikabahala."Huwag kang mag-alala, Ysabelle," aniya, nakapamulsa habang tumitingin sa akin. "Hindi ako interesado sa 'yo sa ganoong paraan. Hindi ikaw ang tipo ng babaen
Ysabelle's POV Kinagabihan, pagkauwi ko sa bahay namin, parang doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit na nakaupo na ako sa gilid ng kama, hindi pa rin tumitigil ang utak ko sa pag-iisip.Magsisinungaling ba ako ng isang buong taon? Paano kung malaman ni Mama ang totoo? Kakayanin ba niyang matanggap na ipinagbili ko ang sarili ko para lang mailigtas si Adrian?Napaungol ako at tinakpan ang mukha ko ng mga kamay ko."Isang taon lang..." bulong ko sa sarili ko. "Pagkatapos nito, babalik din ang lahat sa dati."***Katatapos ko lang hugasan ang mukha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Malakas ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang screen.Lucian VillafuerteDahan-dahan kong sinagot ang tawag. "Hello?" mahina kong sabi, para bang nangangamba sa kung ano ang maririnig ko mula sa kabilang linya."Wala ka nang oras para umatras, Ysabelle," malamig ang tinig ni Lucian. "Susunduin kita sa loob ng tatlumpung minuto. Maghanda ka."Napakagat ako sa labi ko. "Lucian, kailanga