Share

Chapter 7

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-03-22 15:31:41

Pinilit kong ipanatag ang sarili ko matapos ang mapait na tagpo sa harapan ng pamilya ni Lucian. Kahit pa paano, napanindigan niya ako sa harap ng mga magulang niya. Pero alam kong hindi iyon sapat para baguhin ang pagtingin nila sa akin. Ramdam ko pa rin ang malamig na hangin ng panghuhusga sa buong mansyon.

Nang maramdaman kong nangangatal na ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa, dahan-dahan akong tumayo.

“Excuse me,” mahinang sabi ko, pilit na hinuhubog ang isang mahina ngunit maayos na ngiti sa aking labi. “Pupunta lang ako ng restroom.”

Saglit akong nilingon ni Lucian, at kahit wala siyang sinabi, alam kong sinusuri niya kung ayos lang ako. Tumango lang ako sa kanya at agad na umalis.

Mabilis ang paglalakad ko palabas ng dining hall. Kailangan kong huminga. Kailangan kong mag-ayos ng sarili bago pa tuluyang bumigay ang emosyon ko.

Sa isang bahay na kasing laki ng mansyon ng mga Villafuerte, hindi agad ako nakahanap ng restroom. Pero nang makakita ako ng isang kwarto sa dulo ng hallway, agad kong binuksan ang pinto at pumasok.

Nilock ko ang pinto at humarap sa malaking salamin sa loob ng restroom.

Diyos ko.

Halos hindi ko na makilala ang sarili ko.

Namumula ang mga mata ko, at halatang pilit kong pinipigilan ang emosyon na gustong kumawala. Naramdaman ko ang sakit ng pang-iinsulto ni Margarita, ang panunuya ni Dominic, at ang kawalang-kibo ng iba pang bisita sa hapag.

Saan nga ba ako napunta?

Dahan-dahan kong hinilot ang sentido ko, pilit na iniipon ang lakas ko para bumalik sa mesa na tila isang arena ng laban. Hindi ako dapat magpatalo. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na naapektuhan ako.

Kailangan kong lumaban.

Para sa kapatid kong si Adrian, hindi ko kailangang magustuhan ang buhay na ito—ang mahalaga, kayanin ko ito.

Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili ko. Ginamit ko ang kamay ko para punasan ang luha sa gilid ng mata ko, saka bumuntong-hininga bago humakbang palabas.

Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Isang malakas na kamay ang biglang humila sa akin sa isang sulok ng hallway.

“Ack!” Napasinghap ako, gulat sa bilis ng pangyayari.

Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong nakasandal sa isang malamig na pader, mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.

Nang itaas ko ang tingin ko, bumungad sa akin ang isang babae—matangkad, may matapang na ekspresyon, at isang pares ng matatalim na mata na punong-puno ng galit.

Si Lucia Villafuerte.

Ang nag-iisang kapatid na babae ni Lucian.

Nagpumiglas ako, pero mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito, ha?” bulong niya, pero ramdam ko ang diin sa bawat salita.

“A-anong ibig mong sabihin?” nauutal kong sagot, pilit na kumakawala sa hawak niya.

Mas lumapit siya sa akin, ang mukha niya ay bahagyang nakayuko para makuha ang direkta kong tingin.

“Hindi ka nababagay sa pamilya namin.”

Nanigas ang katawan ko sa narinig ko.

“Ano?”

“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.” Malamig ang boses niya, at ramdam ko ang galit na kinikimkim niya sa bawat salita. “Huwag mong isiping ang kasal mo kay Lucian ay sapat na para maging bahagi ka ng pamilya namin. Kahit kailan, hinding-hindi kita ituturing na sister-in-law.”

Ramdam ko ang pamimigat ng dibdib ko, pero pilit kong hindi pinahalata.

“Lucia…” mahina kong sambit, pilit na pinipigilan ang nangingilid kong luha.

“Alam ko kung anong laro ang ginagawa mo,” dugtong niya. “Isang ordinaryong babae na biglang nagpakasal sa isang Villafuerte? Sa tingin mo hindi ko alam na may dahilan kung bakit ka pumayag sa kasunduang ‘yan?”

Napasinghap ako.

“Alam kong pera lang ang habol mo kay Lucian.”

Halos hindi ako makahinga sa bigat ng pananalita niya.

Pinipigilan kong mapahinga nang malalim, pero ramdam kong unti-unting humihigpit ang dibdib ko sa bigat ng sitwasyon.

Pinag-isipan na nila ako ng masama, wala pa man din akong nagagawa.

“Hindi ko niloloko si Lucian,” mahina kong sagot, pilit na binabawi ang lakas ng loob ko.

Tumaas ang isang kilay ni Lucia, at ang ngiting sumilay sa labi niya ay puno ng pangmamaliit.

“Talaga?” Hinawi niya ang buhok niya bago inilapit pa ang mukha niya sa akin. “Kung hindi pera ang habol mo, ano?”

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung paano ipagtanggol ang sarili ko sa isang taong hindi man lang nagbigay sa akin ng pagkakataon na ipakita kung sino talaga ako.

Hindi ko man lang alam kung paano ipaintindi sa kanila na hindi ako dumating sa buhay ni Lucian para manggamit. Pero alam kong kahit anong sabihin ko ngayon, wala itong saysay.

“Hindi mo alam kung anong klaseng pamilya ang pinasok mo, Ysabelle.” Tumuwid ang tindig ni Lucia, ang mga braso niya ay nakatawid sa harapan niya. “Dapat mong malaman na hindi kita kailanman tatanggapin bilang asawa ng kapatid ko.”

Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Sa halip, pinilit kong tumayo nang matuwid at tumingin ng diretso sa kanya. Alam kong wala akong laban sa kanya—sa pamilyang ito. Pero hindi ibig sabihin noon na magpapatalo ako.

Hindi ko alam kung anong nagbigay sa akin ng lakas, pero pilit kong binitawan ang malamig na tinig na lumabas mula sa bibig ko.

“Lucia.” Tinawag ko ang pangalan niya nang may diin.

Nagtaas siya ng kilay, tila nagulat sa pagbabago ng tono ko.

“Hindi ko kailangan ang pagtanggap mo para manatili rito.” Malinaw at walang bahid ng pagdadalawang-isip ang boses ko. “At hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa ‘yo, dahil sa totoo lang, wala akong interest sa yaman ng pamilya ninyo.”

Nanlaki ang mata niya sa sagot ko. Tumigil siya ng ilang segundo, pero makikita sa mga mata niya ang hindi niya pagkatuwa sa sinabi ko. Muli siyang lumapit sa akin, bahagyang bumaba ang kanyang boses.

“Huwag kang magpapakasigurado,” aniya. “Dahil darating ang araw na mapapatunayan kong isa kang oportunista.”

“Kung ganoon…” Bahagyang lumamig ang tinig ko. “Maghintay ka na lang, Lucia. Dahil sigurado akong hindi mo makikita ang gusto mong makita.”

Tinitigan niya ako nang matagal bago tuluyang umalis.

Pagkaalis niya, saka ko lang napagtanto kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na hinihila ang sariling bumalik sa wisyo.

Hindi pa man ako ganap na bahagi ng pamilyang ito, pero pakiramdam ko, isa na akong estrangherong pinagtutulungan sa sarili kong tahanan.

Deigratiamimi

Good afternoon. Huwag kalimutan mag-iwan ng comments at i-rate ang book. Salamuch po 🫶

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 8

    Pagbalik ko sa dining hall, parang may bigat ang bawat hakbang ko. Ramdam ko pa rin ang latay ng mga sinabi ni Lucia, ang matalim niyang titig, ang pangmamaliit na tila tatatak sa alaala ko nang matagal. Pero hindi puwedeng manaig ang takot. Habang papalapit ako sa lamesa, agad akong sinalubong ng malamig na tingin ng mga magulang ni Lucian. Pakiramdam ko, sinisiyasat nila ako, hinuhusgahan kung nararapat ba akong bumalik sa upuang itinakda sa tabi ni Lucian. Huminga ako nang malalim at umupo. Tahimik. Kahit wala silang sinasabi, ramdam ko ang bigat ng atmospera. Bumaling ako kay Lucian, na sa kabila ng tensyon, ay nananatiling kalmado. Parang wala siyang pakialam sa malamig na tinginan ng pamilya niya. "You took too long," mahina niyang sabi, pero may lambing sa tono niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nagawang balewalain ang presensya ng pamilya niya, pero sa simpleng paraan ng pagsasalita niya, tila pinaparamdam niyang nandito siya para sa akin.

    Last Updated : 2025-03-24
  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 9

    Pagdating namin sa bahay, nanatili akong tahimik habang bumababa sa sasakyan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng gabing iyon—ang mga insultong ibinato sa akin, ang malamig na tingin ng pamilya ni Lucian, at higit sa lahat, ang hindi ko maipaliwanag na lungkot sa mga mata niya. Nang magtama ang tingin namin ni Lucian, saglit siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga bago tumango. "Go get some rest," aniya. Wala akong nagawa kundi tumango rin. Pero kahit pa pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto, hindi pa rin mapakali ang isip ko. Ang katahimikan ng silid ay parang isang malakas na sigaw sa loob ng utak ko. You are not one of us. Where did you even pick up this girl, Lucian? She has no class. Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa tenga ko. Hindi ako madaling matinag sa mga masasakit na salita, pero iba ang pakiramdam kapag harap-harapan kang pinapamukha na hindi ka kabilang sa mundo nila. Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin sa kwarto. Simple lan

    Last Updated : 2025-03-24
  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 10

    "Anak, salamat sa Diyos! Bumuti na ang lagay ni Adrian!" Halos mabitawan ko ang cellphone sa lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit ako, ninanamnam ang bawat salitang sinabi ni Mama. Ilang linggo rin akong nabuhay sa takot—takot na baka hindi umabot sa oras ang perang kailangan para sa operasyon, takot na baka mawalan ako ng kapatid sa murang edad niya. Pero ngayon, sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag. "Salamat, Ma…" mahina kong sagot, nanginginig ang boses. "Salamat sa Diyos…" "Gusto kang makita ni Adrian, anak," sabi niya, ramdam ko ang galak sa kanyang tinig. "Paulit-ulit ka niyang hinahanap. Sinasabi niyang gusto ka niyang makasama kahit sandali lang." Mabilis akong tumango, kahit hindi niya ako nakikita. "Opo, Ma. Pupunta ako. Ngayon din." Agad akong bumangon mula sa kama at kinuha ang bag ko. Pero bago pa ako makalabas ng kwarto, bumungad sa akin si Lucian, nakatayo sa may pintuan, nakakunot ang noo at nakahalukipkip ang braso. "Where do you think you’re going?" m

    Last Updated : 2025-03-25
  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 11

    Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Saglit akong natigilan nang mapansin kong may kakaiba sa paligid ko. Hindi ito ang simpleng kwarto na kinasanayan ko sa bahay namin. Ang matataas na kisame, ang chandelier na bumabalot sa buong silid sa ginintuang liwanag, ang malalambot na unan na parang ulap sa ilalim ng aking ulo—lahat ng ito ay paalala ng bagong mundo na kinasadlakan ko. At sa harapan ko, nakatayo si Lucian Villafuerte, nakapamulsa, nakatingin sa akin na parang isang hukom na naghihintay ng aking sentensiya. "Good. You’re awake," malamig niyang sabi. Sinubukan kong umupo nang maayos, naguguluhan pa rin sa presensya niya sa kwarto ko. "Lucian?" Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya ako sinagot. Sa halip, itinuro niya ang mga mamahaling paper bags at designer boxes na nakasalansan sa gilid ng kwarto ko. "Those are for you," aniya, walang emosyon. "Starting today, you will get rid of

    Last Updated : 2025-03-25
  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 12

    Malayo ang tingin ko habang hawak ng malamig kong mga daliri ang matabang champagne flute na wala pa ring bawas. Sa paligid, puno ng ingay at tawanan ang engrandeng selebrasyon. Ang buong venue ay kumikislap sa ilalim ng malalaking chandelier, at sa bawat sulok ay makikita ang mga taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, pakiramdam ko ay wala akong lugar dito. Si Lucian ay nasa kabilang bahagi ng bulwagan, abala sa pakikipag-usap sa grupo ng mga kilalang negosyante. Sa bawat kilos niya, kita ang awtoridad—ang tikas ng tindig, ang natural na paraan ng pagpapahayag ng opinyon na tila lahat ng nakapaligid sa kanya ay pawang tagapakinig lamang. Napakalamig niya kanina bago kami pumasok sa party. Ngayon naman, parang hindi ako umiiral sa mundo niya. Huminga ako nang malalim. Hindi ko dapat hayaan na maapektuhan ako nito. Pero ang tahimik kong mundo ay biglang gumuho nang marinig ko ang isang boses mula sa likuran ko. "Wow. Hindi ako maka

    Last Updated : 2025-04-03
  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 13

    Tahimik lang akong nakaupo sa plush velvet na couch sa loob ng kwarto, ang mga daliri ko'y naglalaro sa laylayan ng suot kong bathrobe habang ang mga mata ko ay walang direksyong nakatingin sa sahig na gawa sa marmol. Pero kahit gaano ito ka-luxurious, hindi ko maiwasang makaramdam ng paninikip sa dibdib. Parang ako ay nakakulong sa isang golden cage—maganda sa labas, pero malamig at walang kalayaan sa loob. Naghihintay ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Ang sabi ni Lucian, may tauhan daw siyang magdadala ng bagong dress na susuotin ko para sa event. I was supposed to look at the part. To look like someone who belongs. Napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Mula sa liwanag ng hallway ay pumasok si Lucian, suot ang isang itim na three-piece suit na lalong nagpatingkad sa kanyang karismang nakakabighani. Sa likod niya ay ang assistant niyang babae na may dalang paper bag mula sa isang high-end boutique. Hindi ko maiwasang mapatingin sa assistant niya.

    Last Updated : 2025-04-05
  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 14

    Bigla akong kinabahan nang makita ko si Lucian na dahan-dahang naglalakad papalapit sa table kung saan ako nakaupo kasama si Wade. Sa bawat hakbang niya, ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng hangin sa paligid. Para bang may paparating na bagyong hindi mo maiiwasan—hindi mo alam kung masisira ka, o madadala lang ng hangin palayo. Tahimik akong napalunok. I tried to maintain a calm expression, pero hindi ko maitago ang kaba sa bawat pintig ng puso ko. I felt Wade glance at me, probably sensing the sudden tension. Lucian stopped right next to us. His towering presence and commanding aura made everyone around pause—even the air seemed to still. “Pwede ko ba munang hiramin ang asawa ko?” tanong niya, malamig ang boses at hindi man lang inaalis ang matalim niyang titig sa akin. “Sure, Lucian,” sagot ni Wade, may ngiting pilit sa labi, pero may bahid ng pagka-ilang sa tono niya. “It was such a nice meeting, your wife.” Hindi ako nakakibo. Hinawakan ako ni Lucian sa kamay, at dahan-

    Last Updated : 2025-04-06
  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 15

    Madaling araw na nang makauwi kami ni Lucian sa bahay niya—o mas tamang sabihing sa bahay na pansamantala kong tinitirhan bilang kanyang asawa. Hindi na kami nanatili sa bahay ng mga Villafuerte matapos ang engrandeng party. Siguro alam niyang hindi ko kakayanin ang presensya ng pamilya niya lalo na ang mapanirang dila ni Lucia at ang malamig na pagtingin sa akin nina Margarita at Dominic Villafuerte.Pagkapasok sa bahay ay dumiretso na ako sa aking silid. Tahimik ang buong paligid. Tanging yabag ng hakbang ko sa marmol na sahig at mahinang ugong ng air conditioner ang naririnig. Pagpasok ko sa loob, agad kong hinubad ang suot kong mamahaling evening dress—isang brand na ni hindi ko man lang pinangarap suotin dati dahil alam kong hindi ito abot ng kakayahan ko. Isa lang itong paalala ng mundong pilit kong ginagalawan ngayon.Naupo ako sa gilid ng kama, ang mga daliri ko ay mahigpit na nakabalot sa tela ng kumot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda ako—iyon ang sinasabi ng m

    Last Updated : 2025-04-22

Latest chapter

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 16

    Kinabukasan, may kung anong bigat sa dibdib ko ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, sa pagod, o sa nalalabing takot mula sa nangyari kagabi. Hindi ko na maalala kung paano ako nakatulog. Basta ang naaalala ko lang ay ang malamig na boses ni Lucian at ang pangungusap niyang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko—“Name your price.” Napabalikwas ako ng bangon nang may kumatok sa pinto. “Ma’am Ysabelle?” mahinang tawag ng isa sa mga kasambahay. “Pasensiya na po, pero may bisita po si Sir Lucian sa baba… ayaw po naming istorbohin si Sir sa kwarto niya, baka po kayo na lang ang pwedeng bumaba.” Napakunot ang noo ko. “Bisita? Ngayong umaga?” tanong ko habang bumangon at kinapa ang robe sa gilid ng kama. “Opo, Ma’am. Kaibigan daw po ni Sir… si Sir Wade.” Wade. Agad akong kinabahan. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin—naka-oversized T-shirt lang ako at manipis na pajama. Nakalugay pa ang buhok ko, at wala akong kahit anong makeup. Sa ayos kong ‘to, para akong bat

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 15

    Madaling araw na nang makauwi kami ni Lucian sa bahay niya—o mas tamang sabihing sa bahay na pansamantala kong tinitirhan bilang kanyang asawa. Hindi na kami nanatili sa bahay ng mga Villafuerte matapos ang engrandeng party. Siguro alam niyang hindi ko kakayanin ang presensya ng pamilya niya lalo na ang mapanirang dila ni Lucia at ang malamig na pagtingin sa akin nina Margarita at Dominic Villafuerte.Pagkapasok sa bahay ay dumiretso na ako sa aking silid. Tahimik ang buong paligid. Tanging yabag ng hakbang ko sa marmol na sahig at mahinang ugong ng air conditioner ang naririnig. Pagpasok ko sa loob, agad kong hinubad ang suot kong mamahaling evening dress—isang brand na ni hindi ko man lang pinangarap suotin dati dahil alam kong hindi ito abot ng kakayahan ko. Isa lang itong paalala ng mundong pilit kong ginagalawan ngayon.Naupo ako sa gilid ng kama, ang mga daliri ko ay mahigpit na nakabalot sa tela ng kumot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda ako—iyon ang sinasabi ng m

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 14

    Bigla akong kinabahan nang makita ko si Lucian na dahan-dahang naglalakad papalapit sa table kung saan ako nakaupo kasama si Wade. Sa bawat hakbang niya, ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng hangin sa paligid. Para bang may paparating na bagyong hindi mo maiiwasan—hindi mo alam kung masisira ka, o madadala lang ng hangin palayo. Tahimik akong napalunok. I tried to maintain a calm expression, pero hindi ko maitago ang kaba sa bawat pintig ng puso ko. I felt Wade glance at me, probably sensing the sudden tension. Lucian stopped right next to us. His towering presence and commanding aura made everyone around pause—even the air seemed to still. “Pwede ko ba munang hiramin ang asawa ko?” tanong niya, malamig ang boses at hindi man lang inaalis ang matalim niyang titig sa akin. “Sure, Lucian,” sagot ni Wade, may ngiting pilit sa labi, pero may bahid ng pagka-ilang sa tono niya. “It was such a nice meeting, your wife.” Hindi ako nakakibo. Hinawakan ako ni Lucian sa kamay, at dahan-

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 13

    Tahimik lang akong nakaupo sa plush velvet na couch sa loob ng kwarto, ang mga daliri ko'y naglalaro sa laylayan ng suot kong bathrobe habang ang mga mata ko ay walang direksyong nakatingin sa sahig na gawa sa marmol. Pero kahit gaano ito ka-luxurious, hindi ko maiwasang makaramdam ng paninikip sa dibdib. Parang ako ay nakakulong sa isang golden cage—maganda sa labas, pero malamig at walang kalayaan sa loob. Naghihintay ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Ang sabi ni Lucian, may tauhan daw siyang magdadala ng bagong dress na susuotin ko para sa event. I was supposed to look at the part. To look like someone who belongs. Napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Mula sa liwanag ng hallway ay pumasok si Lucian, suot ang isang itim na three-piece suit na lalong nagpatingkad sa kanyang karismang nakakabighani. Sa likod niya ay ang assistant niyang babae na may dalang paper bag mula sa isang high-end boutique. Hindi ko maiwasang mapatingin sa assistant niya.

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 12

    Malayo ang tingin ko habang hawak ng malamig kong mga daliri ang matabang champagne flute na wala pa ring bawas. Sa paligid, puno ng ingay at tawanan ang engrandeng selebrasyon. Ang buong venue ay kumikislap sa ilalim ng malalaking chandelier, at sa bawat sulok ay makikita ang mga taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, pakiramdam ko ay wala akong lugar dito. Si Lucian ay nasa kabilang bahagi ng bulwagan, abala sa pakikipag-usap sa grupo ng mga kilalang negosyante. Sa bawat kilos niya, kita ang awtoridad—ang tikas ng tindig, ang natural na paraan ng pagpapahayag ng opinyon na tila lahat ng nakapaligid sa kanya ay pawang tagapakinig lamang. Napakalamig niya kanina bago kami pumasok sa party. Ngayon naman, parang hindi ako umiiral sa mundo niya. Huminga ako nang malalim. Hindi ko dapat hayaan na maapektuhan ako nito. Pero ang tahimik kong mundo ay biglang gumuho nang marinig ko ang isang boses mula sa likuran ko. "Wow. Hindi ako maka

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 11

    Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Saglit akong natigilan nang mapansin kong may kakaiba sa paligid ko. Hindi ito ang simpleng kwarto na kinasanayan ko sa bahay namin. Ang matataas na kisame, ang chandelier na bumabalot sa buong silid sa ginintuang liwanag, ang malalambot na unan na parang ulap sa ilalim ng aking ulo—lahat ng ito ay paalala ng bagong mundo na kinasadlakan ko. At sa harapan ko, nakatayo si Lucian Villafuerte, nakapamulsa, nakatingin sa akin na parang isang hukom na naghihintay ng aking sentensiya. "Good. You’re awake," malamig niyang sabi. Sinubukan kong umupo nang maayos, naguguluhan pa rin sa presensya niya sa kwarto ko. "Lucian?" Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya ako sinagot. Sa halip, itinuro niya ang mga mamahaling paper bags at designer boxes na nakasalansan sa gilid ng kwarto ko. "Those are for you," aniya, walang emosyon. "Starting today, you will get rid of

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 10

    "Anak, salamat sa Diyos! Bumuti na ang lagay ni Adrian!" Halos mabitawan ko ang cellphone sa lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit ako, ninanamnam ang bawat salitang sinabi ni Mama. Ilang linggo rin akong nabuhay sa takot—takot na baka hindi umabot sa oras ang perang kailangan para sa operasyon, takot na baka mawalan ako ng kapatid sa murang edad niya. Pero ngayon, sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag. "Salamat, Ma…" mahina kong sagot, nanginginig ang boses. "Salamat sa Diyos…" "Gusto kang makita ni Adrian, anak," sabi niya, ramdam ko ang galak sa kanyang tinig. "Paulit-ulit ka niyang hinahanap. Sinasabi niyang gusto ka niyang makasama kahit sandali lang." Mabilis akong tumango, kahit hindi niya ako nakikita. "Opo, Ma. Pupunta ako. Ngayon din." Agad akong bumangon mula sa kama at kinuha ang bag ko. Pero bago pa ako makalabas ng kwarto, bumungad sa akin si Lucian, nakatayo sa may pintuan, nakakunot ang noo at nakahalukipkip ang braso. "Where do you think you’re going?" m

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 9

    Pagdating namin sa bahay, nanatili akong tahimik habang bumababa sa sasakyan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng gabing iyon—ang mga insultong ibinato sa akin, ang malamig na tingin ng pamilya ni Lucian, at higit sa lahat, ang hindi ko maipaliwanag na lungkot sa mga mata niya. Nang magtama ang tingin namin ni Lucian, saglit siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga bago tumango. "Go get some rest," aniya. Wala akong nagawa kundi tumango rin. Pero kahit pa pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto, hindi pa rin mapakali ang isip ko. Ang katahimikan ng silid ay parang isang malakas na sigaw sa loob ng utak ko. You are not one of us. Where did you even pick up this girl, Lucian? She has no class. Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa tenga ko. Hindi ako madaling matinag sa mga masasakit na salita, pero iba ang pakiramdam kapag harap-harapan kang pinapamukha na hindi ka kabilang sa mundo nila. Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin sa kwarto. Simple lan

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 8

    Pagbalik ko sa dining hall, parang may bigat ang bawat hakbang ko. Ramdam ko pa rin ang latay ng mga sinabi ni Lucia, ang matalim niyang titig, ang pangmamaliit na tila tatatak sa alaala ko nang matagal. Pero hindi puwedeng manaig ang takot. Habang papalapit ako sa lamesa, agad akong sinalubong ng malamig na tingin ng mga magulang ni Lucian. Pakiramdam ko, sinisiyasat nila ako, hinuhusgahan kung nararapat ba akong bumalik sa upuang itinakda sa tabi ni Lucian. Huminga ako nang malalim at umupo. Tahimik. Kahit wala silang sinasabi, ramdam ko ang bigat ng atmospera. Bumaling ako kay Lucian, na sa kabila ng tensyon, ay nananatiling kalmado. Parang wala siyang pakialam sa malamig na tinginan ng pamilya niya. "You took too long," mahina niyang sabi, pero may lambing sa tono niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nagawang balewalain ang presensya ng pamilya niya, pero sa simpleng paraan ng pagsasalita niya, tila pinaparamdam niyang nandito siya para sa akin.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status