Pagbukas ng pinto ng kotse, mabilis akong bumaba at tumingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha—ang bawat sulok ng lugar ay mukhang mamahalin, mula sa engrandeng chandelier na bumabati sa pasukan hanggang sa malalawak na marble flooring.
Tahimik ang buong bahay, pero hindi ito malamig. Sa halip, may kakaibang presensiya ito—isang uri ng katahimikan na parang nagmumungkahi na hindi ito basta-bastang bahay lang, kundi isang lugar na puno ng kapangyarihan. Nakatayo ako sa tabi ng hagdan nang biglang nagsalita si Lucian. "Susunduin kita mamaya. May guest room sa dulo ng hallway sa second floor. Doon ka muna titira," malamig niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. "Akala ko mag-asawa tayo?" Hindi ko napigilang itanong. Saglit siyang napangiti—isang uri ng mapanuksong ngiti na hindi ko alam kung dapat bang ikabahala. "Huwag kang mag-alala, Ysabelle," aniya, nakapamulsa habang tumitingin sa akin. "Hindi ako interesado sa 'yo sa ganoong paraan. Hindi ikaw ang tipo ng babaeng magugustohan ko." Napasapo ako sa noo ko. Oo nga pala, kontrata lang ‘to. Wala akong karapatan na asahan ang kahit ano pa. "Mabuti naman," sagot ko na lang, pilit itinatago ang inis sa tono niya. Lumapit sa amin ang isang matandang babae na halatang isa sa mga kasambahay. Nakasuot siya ng simpleng uniporme at may magaan na ngiti sa mukha. "Sir, handa na po ang kwarto para kay Ma’am Ysabelle," aniya, bago tumingin sa akin. "Ako po si Manang Rosa, isa sa mga kasambahay rito. Kung may kailangan po kayo, huwag kayong mag-atubiling magsabi." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Salamat po, Manang Rosa." "Bukas nang umaga, may dadaluhan tayong event bilang mag-asawa," singit ni Lucian. "Magsisimula na ang pagpapanggap natin." Napalunok ako. "Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng panahon para huminga?" "Wala tayong oras para riyan, Ysabelle," sagot niya, seryoso ang mukha. "Dapat matutunan mo nang mabuhay sa mundo ko." Napabuntong-hininga ako. Wala na akong magagawa. "Fine," sagot ko, bago humakbang papunta sa hagdan. *** Tahimik akong nakatayo sa harap ng full-length mirror sa loob ng silid ko sa mansion ni Lucian. Sa suot kong designer nightgown, pakiramdam ko ay para akong isang estrangherong nakatingin sa isang babaeng hindi ko kilala. Hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ang bagong buhay ko. Tatlong araw na akong naninirahan sa mansyon ni Lucian, ngunit kahit isang beses ay hindi ko pa rin maramdaman na bahagi ako ng lugar na ito. Napabuntong-hininga ako nang maisip ko si Adrian. Kailangan kong makita si Adrian. Hindi ko na matiis ang hindi pagbisita sa kanya. Hindi sapat ang updates na nakukuha ko kay Mama sa tawag at text. Kailangan kong makita siya, hawakan ang kamay niya, at tiyakin sa sarili kong hindi ako huli nang dumating para iligtas siya. Alam kong hindi basta-basta papayag si Lucian na lumabas ako nang walang paalam. Lalo na ngayong nagsimula na ang pagpapanggap namin bilang mag-asawa sa publiko. Kaya wala akong ibang choice kundi gawin ito nang palihim. Mabilis akong nagbihis ng simpleng itim na jeans, plain white t-shirt, at isang lightweight hoodie para hindi agad makilala. Nang makasigurong wala nang kasambahay sa hallway, maingat akong lumabas ng kwarto at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Dahan-dahan akong lumabas sa likod ng mansyon at lumakad palayo sa estate. Tumawag ako ng taxi at agad akong nagtungo sa ospital kung saan naka-confine si Adrian. *** Pagdating ko sa harapan ng hospital building, agad akong bumaba at tiningnan ang paligid. Pamilyar sa akin ang lugar na ito dahil dito ako nagtatrabaho bilang isang janitress, pero ngayon lang ulit ako bumisita matapos ang gabing isinuko ko ang sarili ko sa isang kasunduang hindi ko alam kung paano ko kakayanin. Huminga ako nang malalim at pumasok. Dumiretso ako sa nurse’s station at ngumiti sa staff na naroon. "Si Adrian Cruz? Gusto ko sana siyang dalawin," tanong ko, pilit na pinapanatiling normal ang tono ng boses ko. Ngumiti ang nurse at tumingin sa logbook. "Ah, si Adrian Cruz? Oo, nasa private room na siya sa third floor." Napaangat ang kilay ko. "Private room?" "Yes, Ma’am. Fully covered na ang expenses niya. Mabuti na lang at sobrang bait ng may-ari ng ospital. Siya na mismo ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan ni Adrian." Napatitig ang nurse sa akin. "Pamilyar po kayo. Hindi ba ikaw ang asawa ni Dr. Villafuerte?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Napalunok ako at nag-iwas agad ng tingin sa nurse. "Hindi po. Baka kamukha ko lang 'yon," pagsisinungaling ko. Naguguluhan akong nagpasalamat sa nurse at agad na naglakad papunta sa elevator. Pagbukas ng elevator sa third floor, lumakad ako papunta sa kwarto ni Adrian. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad akong bumungad sa nakahigang katawan ng kapatid ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang payapang natutulog. Mabilis akong lumapit at marahang hinawakan ang kamay niya. "Adrian…" mahina kong bulong. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang mahinang paghinga niya. Mukhang mas maayos na ang lagay niya ngayon kumpara noong huling nakita ko siya. Napangiti ako kahit may butil ng luha na nagbabadya sa mga mata ko. "Ang tapang-tapang mo, bunso," mahinang sabi ko. "Gumaling ka na, ha? Kasi… ang hirap-hirap nang wala ka sa bahay." Ilang minuto akong nanatili sa tabi niya, pinagmamasdan ang payapang mukha niya. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Si Lucian. Nakasuot siya ng white coat na may embroidered name na Dr. Lucian Villafuerte—hindi ko kailangang magtanong kung ano ang papel niya sa ospital na ito. Siya ang may-ari ng ospital at hindi ko alam kung matatakot ako o… magpapasalamat. Matalim siyang nakatingin sa akin, ang kanang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng coat niya. Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa kanya. "Lucian…" Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, sinara niya ang pinto sa likuran niya at lumapit sa akin, ang bawat hakbang niya ay naglalabas ng tensyon sa buong kwarto. "Wala kang sinabi na pupunta ka rito," malamig niyang sabi. Huminga ako nang malalim. "Kailangan kong makita si Adrian." Tinitigan niya ako, para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. "Hindi mo ba naisip na delikado para sa 'yo ang lumabas nang walang kasama?" "Lucian, hindi naman ako bata. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko." "Seryoso ka ba, Ysabelle?" Napangisi siya, pero hindi iyon ngiti ng saya—kundi ng inis. "Tumakas ka mula sa mansion ko nang hindi ko alam. Sumakay ka ng taxi mag-isa. At pumunta ka rito, sa isang ospital na pagmamay-ari ko." "Gusto ko lang makita ang kapatid ko, Lucian," mahina kong sabi. Napailing siya at lumapit pa hanggang halos ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. "Tumakas ka, Ysabelle. At hindi ko gusto ang ginagawa mo. Pumirma ka ng kontrata bilang asawa ko. Isa ka ng Villafuerte kaya kailangan mong mag-ingat dahil ipapakilala kita sa mga magulang ko." Nagpanting ang tenga ko. "Lucian—" "Hindi mo na kailangang mag-alala sa pera. Simula nang pumayag ka sa kasunduan natin, ang kalusugan ng kapatid mo ay responsibilidad ko na rin." Nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya. Gusto kong magalit, gusto kong ipilit na hindi ko siya kailangan. Pero alam kong sa puntong ito, utang ko kay Lucian ang buhay ng kapatid ko. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Hindi na mauulit," mahina kong sabi. Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo bago marahang tumango. "Good," sagot niya. "Dahil simula ngayon, gusto kong malaman ang bawat galaw mo, Mrs. Ysabelle Villafuerte."Tahimik ang biyahe pabalik sa mansyon. Nasa loob kami ng sasakyan ni Lucian, pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Malamig ang ekspresyon niya, nakatutok ang mga mata sa daan habang hinahawakan ng mahigpit ang manibela. Samantalang ako, panay ang lingon sa bintana, pilit na itinatago ang bumabagabag sa isip ko. Alam kong galit siya. Hindi man niya sabihin nang diretso, nararamdaman ko ito sa bigat ng hangin sa pagitan namin. Pero wala akong pagsisisi sa ginawa ko. Hindi ko kayang tiisin na hindi makita si Adrian. Napatingin ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada, pero mahigpit ang pagkaka-clench ng panga niya, para bang may gusto siyang pigilan. "Lucian..." mahina kong tawag. Hindi siya sumagot. Napabuntong-hininga ako. "Alam kong galit ka dahil lumabas ako nang hindi nagpapaalam, pero hindi ko gustong itago sa 'yo—" Napahinto ako nang bigla siyang lumingon sa akin, ang mga mata niya malamig at puno ng frustration. "Hindi mo gustong itago sa 'kin?"
Malamig ang hangin nang bumaba kami mula sa sasakyan ni Lucian. Napakalaki ng ancestral mansion ng pamilya Villafuerte—isang simbolo ng yaman, kapangyarihan, at impluwensiya. Ang malalaking haligi ng bahay, ang mala-palasyong disenyo, at ang napakalawak na hardin ay tila ba sumisigaw ng isang bagay—hindi ako nababagay rito. Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harapan ng pintuang magbubukas sa isang mundo kung saan hindi ako kailanman kabilang. Ramdam ko ang mabigat na tingin ni Lucian sa akin habang inaayos ko ang sarili ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko—hindi niya ito mahigpit na hinigpitan, pero sapat lang upang ipaalam sa akin na hindi ako nag-iisa. “Handa ka na ba?” tanong niya, bahagyang bumaba ang boses. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano. Sa halip, tumango na lang ako at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. Pagkapasok namin sa loob ng mansion, bumungad sa akin ang isang engrandeng sala na parang nasa isang magazine cover. Mamahaling chandeliers,
Pinilit kong ipanatag ang sarili ko matapos ang mapait na tagpo sa harapan ng pamilya ni Lucian. Kahit pa paano, napanindigan niya ako sa harap ng mga magulang niya. Pero alam kong hindi iyon sapat para baguhin ang pagtingin nila sa akin. Ramdam ko pa rin ang malamig na hangin ng panghuhusga sa buong mansyon. Nang maramdaman kong nangangatal na ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa, dahan-dahan akong tumayo. “Excuse me,” mahinang sabi ko, pilit na hinuhubog ang isang mahina ngunit maayos na ngiti sa aking labi. “Pupunta lang ako ng restroom.” Saglit akong nilingon ni Lucian, at kahit wala siyang sinabi, alam kong sinusuri niya kung ayos lang ako. Tumango lang ako sa kanya at agad na umalis. Mabilis ang paglalakad ko palabas ng dining hall. Kailangan kong huminga. Kailangan kong mag-ayos ng sarili bago pa tuluyang bumigay ang emosyon ko. Sa isang bahay na kasing laki ng mansyon ng mga Villafuerte, hindi agad ako nakahanap ng restroom. Pero nang makakita ako ng isang kwarto sa dul
Pagbalik ko sa dining hall, parang may bigat ang bawat hakbang ko. Ramdam ko pa rin ang latay ng mga sinabi ni Lucia, ang matalim niyang titig, ang pangmamaliit na tila tatatak sa alaala ko nang matagal. Pero hindi puwedeng manaig ang takot. Habang papalapit ako sa lamesa, agad akong sinalubong ng malamig na tingin ng mga magulang ni Lucian. Pakiramdam ko, sinisiyasat nila ako, hinuhusgahan kung nararapat ba akong bumalik sa upuang itinakda sa tabi ni Lucian. Huminga ako nang malalim at umupo. Tahimik. Kahit wala silang sinasabi, ramdam ko ang bigat ng atmospera. Bumaling ako kay Lucian, na sa kabila ng tensyon, ay nananatiling kalmado. Parang wala siyang pakialam sa malamig na tinginan ng pamilya niya. "You took too long," mahina niyang sabi, pero may lambing sa tono niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nagawang balewalain ang presensya ng pamilya niya, pero sa simpleng paraan ng pagsasalita niya, tila pinaparamdam niyang nandito siya para sa akin.
Pagdating namin sa bahay, nanatili akong tahimik habang bumababa sa sasakyan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng gabing iyon—ang mga insultong ibinato sa akin, ang malamig na tingin ng pamilya ni Lucian, at higit sa lahat, ang hindi ko maipaliwanag na lungkot sa mga mata niya. Nang magtama ang tingin namin ni Lucian, saglit siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga bago tumango. "Go get some rest," aniya. Wala akong nagawa kundi tumango rin. Pero kahit pa pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto, hindi pa rin mapakali ang isip ko. Ang katahimikan ng silid ay parang isang malakas na sigaw sa loob ng utak ko. You are not one of us. Where did you even pick up this girl, Lucian? She has no class. Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa tenga ko. Hindi ako madaling matinag sa mga masasakit na salita, pero iba ang pakiramdam kapag harap-harapan kang pinapamukha na hindi ka kabilang sa mundo nila. Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin sa kwarto. Simple lan
"Anak, salamat sa Diyos! Bumuti na ang lagay ni Adrian!" Halos mabitawan ko ang cellphone sa lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit ako, ninanamnam ang bawat salitang sinabi ni Mama. Ilang linggo rin akong nabuhay sa takot—takot na baka hindi umabot sa oras ang perang kailangan para sa operasyon, takot na baka mawalan ako ng kapatid sa murang edad niya. Pero ngayon, sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag. "Salamat, Ma…" mahina kong sagot, nanginginig ang boses. "Salamat sa Diyos…" "Gusto kang makita ni Adrian, anak," sabi niya, ramdam ko ang galak sa kanyang tinig. "Paulit-ulit ka niyang hinahanap. Sinasabi niyang gusto ka niyang makasama kahit sandali lang." Mabilis akong tumango, kahit hindi niya ako nakikita. "Opo, Ma. Pupunta ako. Ngayon din." Agad akong bumangon mula sa kama at kinuha ang bag ko. Pero bago pa ako makalabas ng kwarto, bumungad sa akin si Lucian, nakatayo sa may pintuan, nakakunot ang noo at nakahalukipkip ang braso. "Where do you think you’re going?" m
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Saglit akong natigilan nang mapansin kong may kakaiba sa paligid ko. Hindi ito ang simpleng kwarto na kinasanayan ko sa bahay namin. Ang matataas na kisame, ang chandelier na bumabalot sa buong silid sa ginintuang liwanag, ang malalambot na unan na parang ulap sa ilalim ng aking ulo—lahat ng ito ay paalala ng bagong mundo na kinasadlakan ko. At sa harapan ko, nakatayo si Lucian Villafuerte, nakapamulsa, nakatingin sa akin na parang isang hukom na naghihintay ng aking sentensiya. "Good. You’re awake," malamig niyang sabi. Sinubukan kong umupo nang maayos, naguguluhan pa rin sa presensya niya sa kwarto ko. "Lucian?" Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya ako sinagot. Sa halip, itinuro niya ang mga mamahaling paper bags at designer boxes na nakasalansan sa gilid ng kwarto ko. "Those are for you," aniya, walang emosyon. "Starting today, you will get rid of
Malayo ang tingin ko habang hawak ng malamig kong mga daliri ang matabang champagne flute na wala pa ring bawas. Sa paligid, puno ng ingay at tawanan ang engrandeng selebrasyon. Ang buong venue ay kumikislap sa ilalim ng malalaking chandelier, at sa bawat sulok ay makikita ang mga taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, pakiramdam ko ay wala akong lugar dito. Si Lucian ay nasa kabilang bahagi ng bulwagan, abala sa pakikipag-usap sa grupo ng mga kilalang negosyante. Sa bawat kilos niya, kita ang awtoridad—ang tikas ng tindig, ang natural na paraan ng pagpapahayag ng opinyon na tila lahat ng nakapaligid sa kanya ay pawang tagapakinig lamang. Napakalamig niya kanina bago kami pumasok sa party. Ngayon naman, parang hindi ako umiiral sa mundo niya. Huminga ako nang malalim. Hindi ko dapat hayaan na maapektuhan ako nito. Pero ang tahimik kong mundo ay biglang gumuho nang marinig ko ang isang boses mula sa likuran ko. "Wow. Hindi ako maka
Kinabukasan, may kung anong bigat sa dibdib ko ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, sa pagod, o sa nalalabing takot mula sa nangyari kagabi. Hindi ko na maalala kung paano ako nakatulog. Basta ang naaalala ko lang ay ang malamig na boses ni Lucian at ang pangungusap niyang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko—“Name your price.” Napabalikwas ako ng bangon nang may kumatok sa pinto. “Ma’am Ysabelle?” mahinang tawag ng isa sa mga kasambahay. “Pasensiya na po, pero may bisita po si Sir Lucian sa baba… ayaw po naming istorbohin si Sir sa kwarto niya, baka po kayo na lang ang pwedeng bumaba.” Napakunot ang noo ko. “Bisita? Ngayong umaga?” tanong ko habang bumangon at kinapa ang robe sa gilid ng kama. “Opo, Ma’am. Kaibigan daw po ni Sir… si Sir Wade.” Wade. Agad akong kinabahan. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin—naka-oversized T-shirt lang ako at manipis na pajama. Nakalugay pa ang buhok ko, at wala akong kahit anong makeup. Sa ayos kong ‘to, para akong bat
Madaling araw na nang makauwi kami ni Lucian sa bahay niya—o mas tamang sabihing sa bahay na pansamantala kong tinitirhan bilang kanyang asawa. Hindi na kami nanatili sa bahay ng mga Villafuerte matapos ang engrandeng party. Siguro alam niyang hindi ko kakayanin ang presensya ng pamilya niya lalo na ang mapanirang dila ni Lucia at ang malamig na pagtingin sa akin nina Margarita at Dominic Villafuerte.Pagkapasok sa bahay ay dumiretso na ako sa aking silid. Tahimik ang buong paligid. Tanging yabag ng hakbang ko sa marmol na sahig at mahinang ugong ng air conditioner ang naririnig. Pagpasok ko sa loob, agad kong hinubad ang suot kong mamahaling evening dress—isang brand na ni hindi ko man lang pinangarap suotin dati dahil alam kong hindi ito abot ng kakayahan ko. Isa lang itong paalala ng mundong pilit kong ginagalawan ngayon.Naupo ako sa gilid ng kama, ang mga daliri ko ay mahigpit na nakabalot sa tela ng kumot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda ako—iyon ang sinasabi ng m
Bigla akong kinabahan nang makita ko si Lucian na dahan-dahang naglalakad papalapit sa table kung saan ako nakaupo kasama si Wade. Sa bawat hakbang niya, ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng hangin sa paligid. Para bang may paparating na bagyong hindi mo maiiwasan—hindi mo alam kung masisira ka, o madadala lang ng hangin palayo. Tahimik akong napalunok. I tried to maintain a calm expression, pero hindi ko maitago ang kaba sa bawat pintig ng puso ko. I felt Wade glance at me, probably sensing the sudden tension. Lucian stopped right next to us. His towering presence and commanding aura made everyone around pause—even the air seemed to still. “Pwede ko ba munang hiramin ang asawa ko?” tanong niya, malamig ang boses at hindi man lang inaalis ang matalim niyang titig sa akin. “Sure, Lucian,” sagot ni Wade, may ngiting pilit sa labi, pero may bahid ng pagka-ilang sa tono niya. “It was such a nice meeting, your wife.” Hindi ako nakakibo. Hinawakan ako ni Lucian sa kamay, at dahan-
Tahimik lang akong nakaupo sa plush velvet na couch sa loob ng kwarto, ang mga daliri ko'y naglalaro sa laylayan ng suot kong bathrobe habang ang mga mata ko ay walang direksyong nakatingin sa sahig na gawa sa marmol. Pero kahit gaano ito ka-luxurious, hindi ko maiwasang makaramdam ng paninikip sa dibdib. Parang ako ay nakakulong sa isang golden cage—maganda sa labas, pero malamig at walang kalayaan sa loob. Naghihintay ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Ang sabi ni Lucian, may tauhan daw siyang magdadala ng bagong dress na susuotin ko para sa event. I was supposed to look at the part. To look like someone who belongs. Napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Mula sa liwanag ng hallway ay pumasok si Lucian, suot ang isang itim na three-piece suit na lalong nagpatingkad sa kanyang karismang nakakabighani. Sa likod niya ay ang assistant niyang babae na may dalang paper bag mula sa isang high-end boutique. Hindi ko maiwasang mapatingin sa assistant niya.