Tahimik, walang kibo si Nenita na nakatanaw sa kabilang table. Simula nang makarating sila hanggang sa malapit ng matapos ang party ay tahimik siya. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha ngunit ang mga mata niya ay kanina pa humahapdi sa pagpigil na huwag umiyak. Ang damdamin niya kanina pa naninikip sa sakit na nadarama.
At nang dahil iyon sa lalaking kanina niya pa tinititigan. Na kahit nakatagilid ang gwapo niya parin tingnan. Ang perpekto ng pagkahulma ng panga niya. Ang matangos niyang ilong. At ang makinis nitong leeg.Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pa simpleng pinunasan ang butil ng luha na hindi na napigilan ang pagpatak. Mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasamahan.Si Nemfa busy sa pagkulikot sa cell phone nito. Si Javier ay ayaw mawalay ang tingin kay Janice. Si Ethan ay nakikipagbangayan sa mga pinsan na pinagdiskitahan ang kambal niya. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay parang linta na nakakapit sa braso ni Nadia.Kanina niya pa gustong umalis kaya lang ay wala siyang maidahilan sa mga ito. Nahihiya rin siya na maunang umuwi dahil lahat ng pamilya ay narito sa bakuran ng mga Montefalco—Christof Montefalco ang pinsan ni Don Emmanuel na kapit-bahay lang rin nila.Nang wala ng bakas ng luha ang mga mata, muli siyang nag angat ng tingin—doon sa lalake na kanina niya pa pinagmamasdan.Hindi niya alam kung alam ba ng binata na nariyan lang siya sa likod nakamasid. Kung alam niya ba na kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kaswal lang ang binata na nakikipag-usap. Wala itong ibang pinagkaabalahan kundi ang sagutin at harapin ang mga kamag-anak na lumalapit sa kanya."Shut up your mouth, Adam. "Gusto na namang maiyak ni Nenita ng marinig ang buo at malalim na boses ng binata. Ang boses na minsan ay musika niya sa pang araw-araw. Ang boses na nagpapakalma sa kanya sa tuwing gusto na niyang bumitaw.Ang boses na namiss niya sa loob ng ilang buwan na hindi ito narinig."I am stating the fact, bro. " Natatawa na sagot sa kanya ni Adam at nakangisi na iniwanan siya.Nabaling ang atensyon ni Nenita ng sikuhin siya ni Enrico. Salubong ang kilay na nilingon niya ito."Ang suplado ng crush mo, " ininguso ni Enrico ang binata sa kanilang harapan. "Ilang taon na ba iyan umaaligid sayo? "Hindi alam ni Nenita kung sino ang tinutukoy ni Enrico. Pero wala naman siyang ibang crush na alam ni Enrico kundi ang pinsan niyang ubod ng suplado."May alam ako na paraan para lalo kayong mapalapit dalawa, " segunda niya ng hindi sumagot si Nenita. "Tutal parehas naman kayong single. Iyon nga lang ay kung crush mo parin siya hanggang ngayon. "Blangko ang mukha na tiningnan muli ni Nenita ang binata. Kasama nito ang pamilya niya. Hindi siya sigurado kung alam ba ni Enrico kung ano ang real score nilang dalawa ng pinsan niya. Marami naman siyang pinsan na single pero itong suplado ang binanggit niya. Sabagay, ito lang naman kase ang alam niya na crush ni Nenita.Ang crush ni Nenita na tinutukoy ni Enrico ay si King Harvin Montefalco. Ang nag-iisang anak ng kanyang Tito Christof. Na lingid sa kaalaman ni Enrico na may malalim pa silang relasyon ni King. Na may mas malalim na samahan bukod sa pagiging aso't pusa na siyang palagi nilang nakikita.Ayaw ng balikan iyon ni Nenita. Dahil matagal ng tapos kung ano man ang mayroon sila dati ni King. Kung maari nga lang ay hindi na sana magtagpo ang landas nilang dalawa.But destiny will always finds a way. Sakto kase ang pagbalik niya sa mansyon ng mga Montefalco ang kaarawan ng nanay ni King. Hindi narin siya nakatanggi dahil si Don Emmanuel mismo ang nagpasya na sumama siya.Akala niya wala si King kanina kaya kampante siya kahit ang bigat sa damdamin niya ang muling pagpasok sa tahanang ito. Ang tahanan kung saan noon ay payapa siya rito ngunit ngayon iba na ang naramdaman niya. Parang ayaw ng humakbang ng mga paa niya para tumuloy.Sa loob ng anim na buwan na hindi niya nakita ang lalake, galit at sama ng loob ang naramdaman niya rito. Pero nang makita niya ito kanina, gusto niya itong takbuhin at yakapin ng mahigpit. Gusto niya itong lapitan at kamustahin.Nawala iyong galit at sama ng loob na naramdaman niya para rito. Na tinangay iyon lahat ng makita niya si King. Pero lalo lang siyang nasaktan ng hindi man lang napansin ni King ang presensiya niya.Napabuntong-hininga nalang si Nenita sa sinabi ni Enrico at napapatanong sa sarili kung gusto rin bang mapalapit sa kanya si King.Hindi naman kase sila nagtapos sa maganda o maayos na usapan para mapalapit muli sa isa't isa na parang wala lang nangyari sa pagitan nilang dalawa.Mapait siyang napangiti nang sumagi na naman sa kanyang isipan ang pangyayari na iyon. Pangyayari na nagpadurog sa kanya. At kawalan ng tiwala sa lalake.Gusto niya itong sumbatan, murahin, sisihin, itanong ang lahat ng gusto niyang itanong kay King. Pero naisip niya, may dahilan pa ba gayong ang lalake mismo ang may ayaw na kausapin siya?"Tita."Nanlaki ang mata ni Nenita ng kunin ni Enrico ang atensyon ng mama ni King."Diba nabanggit mo dati na kailangan ni King ng personal assistant? "Tumango ang ginang "Yes, why? "Lumapad ang ngiti ni Enrico nang humarap ni King sa kanilang gawi. Kaagad na nagbaba ng tingin si Nenita at nagkunwari na busy sa pagkain na nasa kanyang harapan dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni King."May irekomenda ako. Mapagkatiwalaan, at nasisiguro ko na maalaagan niya si King at magawa ng maayos ang kanyang trabaho."Pailalim na sinamaan ng tingin ni Nenita si Enrico. Hindi alam paano pakalmahin ang dibdib sa lakas ng tibok nito dahil sa kaba. Nasisiguro niya kase na ilalaglag siya ni Enrico."Kilala niyo naman si Nenita," at hindi siya nagkamali. Nanlaki ang mata na tiningala niya ang lalake na malaki ang ngiti. "Siya ang tinutukoy ko. Naka resign na yan sa mansyon kaya lilipat na siya sa inyo. Bukas din ay magsisimula na siya o kahit ngayon na. ""Yes, I know her. Thanks a lot, Enrico. Hindi na kami mahirapan maghanap. By the way, wala ba siyang boyfriend o asawa—""Wala, Tita. Single 'to. Never pa nagkaroon ng boyfriend kaya no worries, " mabilis na sagot ni Enrico.Sa pagkatulala ni Nenita sa gulat hindi na siya nakarason at nakatanggi sa ginang. Tila ba isa siyang produkto na inaangkat ni Enrico dahil magaling ito sa pakipagsundo sa ginang nang sa ganon tanggapin siya kaagad bilang assistant ni King."Wala akong sinabi na ganon! " mariing usal niya kay Enrico ng mahimasmasan. "At wala rin akong natatandaan na aalis na ako ng tuluyan sa mansyon! "Nagkibit-balikat lang si Enrico hindi mapalis ang malaking ngiti sa labi.Walang emosyon na inikot ni King ang kanyang electric wheelchair paharap sa table nila Enrico. Ang kanyang tingin ay nakatuon kay Nenita na ngayon ay naghuhurumintado ang puso hindi malaman ang gagawin. Gusto niyang tadyakan ang paa ni Enrico sa subrang inis nito nang bumulong ito sa kanya. "Relax, si crush lang yan. "Ang pagharap nilang muli ni King ang hindi niya inaasahan. Kampante kase siya na hindi na muling mag cross ang landas nilang dalawa dahil ang balita ni Enrico wala rito sa Pilipinas ang binata.Mariing napalunok si Nenita nang huminto si King sa kanyang harapan. Ngunit pinatatag niya ang sarili. Pinakita niya rito na wala ng epekto sa kanya ang presensiya ng lalake. Kung walang emosyon na hinarap siya ni King, blangko naman ang kanyang mga mata na sinalubong ito ng tingin.She wanted to asked King what happened to him. Kung bakit ganito na siya ngayon gayong maayos naman ang binata noong huli niya itong nakita.Hinanap niya sa mga mata ni King ang dating pagtingin nito sa kanya noon. Pero kahit kaunting pagkamangha nalang sa kanya ay hindi niya iyon makapa sa mga mata ng binata.Kasing lamig ng yelo ang mga tingin nito. Na para bang may malaki siyang kasalanan na nagawa. Na para bang nakalimutan niyang gandang-ganda siya kay Nenita noon.Masakit man para kay Nenita ang emosyon na pinapakita ni King sa kanya, hindi siya nagpatinag. Masakit man para sa kanya na parang siya pa itong nanakit sa kanilang dalawa, binalewala nalang iyon ni Nenita. Dahil hindi niya naman alam kung ano ang nararamdaman ng binata sa muling paghaharap nilang dalawa."So, you will be my personal maid, now? " nakangisi, malamig na usal ni King at inikot kaagad ang wheelchair patalikod kay Nenita.Napatanga si Nenita sa ginawa ni King. At parang hiniwa ang puso niya sa muling pagtalikod ni King sa kanya. Nanumbalik lahat ng sakit, galit, sama ng loob niya rito. Pero ang huling salita ng lalaki ang tumatak sa isip niya na ipinagtaka niya."Maid? Pero ang sabi kanina assistant? " nagtataka na tanong niya sa sarili.Nang marinig ang pagsipol ni Enrico, nakakamatay na tingin ang ginawad ni Nenita sa kanya at malakas itong pinaghahampas sa braso dahil pinagkaisahan siya nito.Hindi niya alam kung bakit ito ginawa ni Enrico. Kung sinadya ba ito o pinagplanuhan, hindi niya alam. At iyon ang inaalala niya dahil hindi pa talaga siya handa na makasama muli si King at makita ito. Hindi niya alam kung kaya niya bang makaharap ang lalake kahit ilang minuto lang.Mas lalo itong hindi inaasahan ni Nenita. Na hahantong siya sa pagiging personal maid sa taong minsan ay minahal niya.Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at may isang batang babae na habol ang kanyang hininga at paika-ika na tumatakbo sa tahimik na kalsada. Panay ang tingin nito sa kanyang likuran na animo may kinakatakuan roon na nilalang na humahabol sa kanya. Bawat bahay na kanyang mararaan kinakalabog nito ang gate upang makahingi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ni isa roon walang nagbukas ng pinto sa kanya. Napanghinaan na siya ng loob pero hindi parin siya sumuko. Malakas na sunod-sunod na kalabog mula sa bakal na gate ang gumulat sa tatlong magkapatid na lalaki na masayang nagkukwentuhan. Noong una binalewala nila iyon sa pag-aakalang pinagtitripan lang ng mga batang dumaraan ang gate nila. Ngunit nang sumunod na sandali, sa muling paglagabog may tinig ng isang babae na itong kasama at tila ito ay nangangailangan ng tulong. "Tao po!"Nanginginig bakas ng kanyang pag-iyak na sambit ng babae sabay pokpok ulit sa bakal na gate. Nanghihina na siya. Kung tatakbo pa siya at maghaha
Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita. "Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses. "Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya. Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon. "Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan. Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo.""Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier. "A, opo. Kaunti lang po. "Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan. "Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.
Nagmistulang tambakan ng basura ang loob ng sasakyan ni Enrico. Lahat ng mga iyon ay mga gamit ni Nenita na pinamili ng tatlong magkapatid sa kanya. Kulang nalang ay dalhin nila ang buong mall sa mansyon dahil ayaw nilang magpa-awat sa pagbili. Walang nagawa si Nenita kundi ang tumunganga habang pinapanood ang mga ito na salitan sa paglapit sa kanya para tingnan kung bagay ba sa kanya ang napili nilang bilhin. Nagmistula siyang manikin na binibihisan ng tatlong tao. Lutang ang isip ni Nenita hanggang sa matapos ang magkapatid sa pamimili. Hindi niya inaasahan na mangyari ito sa buhay niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na matagal na nawala at natagpuan ang totoong pamilya. Ang isa pang ikinalutang ng isip niya iyong malaman na ang pamilyang tinutuluyan niya ngayon ang may-ari nong mall. "Wala ba kayong sasakyan na dala? " naiinis na tanong ni Enrico sa dalawa nitong kuya na nagsiunahan na pumasok sa loob ng kotse niya. "Meron. Pero dito namin gusto sumakay pauwi, " sagot ni
Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong. “Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.“Sa May 26.”“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos a
Kaarawan niya ni Nenita ngayon. Ngunit hindi niya ramdam. Katulad lang ng dati na isang normal na araw lang iyon sa kanya. Nang maihatid siya ni Don Emmanuel kanina ay naging malungkot siya. Hindi kase siya binati ng Don at ng mga anak nito. Umasa kase siya na sa paggising niya kanina ay babatiin siya ng mga ito. "Siguro ay nakalimutan nila. Last month pa namin iyon napag-usapan e," kumbinsi niya sa sarili at nagpatuloy sa paglakad pauwi.“Ate Net!” Gulat na hiyaw ng kanyang bunsong kapatid na si Totoy nang makita siya nito. Binitawan nito ang basang lupa na nilalaro at tumakbo upang salubungin ang ate niya. Ginulo ni Nenita ang buhok ng kapatid nang yakapin siya nito ng mahigpit. Inilapag niya sa lupa ang dalawang plastik bag na pinagsidlan ng pasalubong niya at kinarga ang batang kapatid. Nenita grunt. “Ang bigat mo na. Pero ang asim mo parin,” aniya at sinunghot ang leeg ng kapatid. Humagikhik naman ito dahil nakikiliti sa ginagawa ni Nenita. Lumabas sa kanilang bahay ang dala
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON. Si Nenita ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Akala niya hindi niya kakayanin. Akala niya hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. Ngunit lahat ng hirap sa pag-aaral ay nalagpasan niya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya—ang pamilyang Montefalco. Nagtapos siya na may mataas na marka at naging isang Cum Laude.“Congratulations, baby girl namin!” sinalubong siya ng yakap ni Javier. May dala itong flower bouquet. Nakiyakap rin si Ethan na tuwang-tuwa kay Nenita. Hinanap ng mata niya si Enrico pero wala ang lalaki. Nakaramdam siya ng lungkot pero hindi niya iyon pinahalata. '𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥, ' aniya sa sarili. “We are so proud of you, Net.” Naluluha ang mata sa saya na wika ni Don Emmanuel.“Thank you po. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo, hindi ko ito mararating,” emosyonal niyang sabi. “Utang ko sa inyo ang narating ko ngayon.”Hindi madali para sa kanya ang lahat. Ngunit hindi niya naisip
“Ate, buti umuwi ka!” Mangiyak-ngiyak na usal ng kapatid niyang si Rona nang makita siya nitong paparating.“Bakit, may nangayri ba?” nababahala na tanong dito ni Nenita. Sinuri niya ang katawan ng kapatid kung may galos ba ito o mga pasa sa katawan. Nang makita na wala, nakahinga siya ng maluwang.“Graduation day niya ngayon,” si Ashly ang sumagot. “Kagabi pa iyan umiiyak nag-alala na baka siya lang ang walang kasama na guardian mamaya.”Tumingin sa kanya si Nenita na humihingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko kase alam,” aniya sa kapatid. ”Wag kang mag-alala dahil nandito na ako. Ako ang sasama sayo.”Umaliwalas ang mukha ni Rona sa sinabi ni Nenita. Na guilty naman si Nenita. Paano kung hindi siya umuwi? Paano kung nagkataon na walang lakad ang mag-ama, sino ang sasama sa kapatid niya sa araw ng kanyang graduation?Wala siyang contact sa mga ito dahil wala silang cell phone. Nababahala rin si Nenita na bigyan ang kapatid niya at baka malaman iyon ng kanilang ama. Hindi lang siya ang
Wala ang mag-ama kaya walang choice si Nenita kundi asikasuhin ang bisita na feel at home. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang rin ito nakita. Pabagsak na inilapag ni Nenita ang isang petsil na juice sa center table kung saan naka upo doon ang bwesita—este bisita. Ewan ba niya, wala namang ginawa ang lalaki sa kanya pero naiinis siya. Oo, gwapo siya, malakas ang karisma, pero hindi gusto ni Nenita ang facial expression nito na parang galit sa mundo. Ka lalaking tao ang taray ng mukha niya. "Hintayin mo na lang sila. Pauwi na raw—""I know, " pagputol ng lalaki sa pagsalita niya. Nagpupuyos sa inis na tinalikuran niya ang lalaki. Sa kusina siya dumiretso at uminom ng malamig na tubig, pampakalma sa nag iinit niyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakasandal ito sa couch habang naka dikuwatro ang paa. At gumagala ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Sa pagtitig ni Nenita sa mukha ng lalaki, mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong at perpektong hulma ng pan
Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin
Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot
“Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H
Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap
“Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang
Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.
The power of being Montefalco is that they do something you don't expect. The Montefalco’s along with Hernan decision, they agreed to take down the news towards Ashnaie. Siniguro din nila na hindi lalabas sa balita ang pagkitil ni Ashnaie sa sarili. Ginawa nila ito para kay Nenita dahil kalabisan na ito para sa dalaga kung kakalat pa sa balita ang tungkol sa ginawa ng kanyang ina. Hindi man nila nakuha ang makatarungan na hustisyang nararapat sa kanila, gayunpaman sapat na sa kanila na maging tahimik na ang kanilang buhay at nalinawan sa lahat ng mga tanong na kay tagal nalutasan. “Kumusta na siya?” tanong ni Emmanuel kay Hernan nang makarating agad siya sa bahay. Umupo sila sa lantay sa labas ng bahay. “Nagmukmok sa kwarto. Panay parin ang pag iyak,” madamdaming usal ni Hernan. Naka ilang balik na siya sa kwarto ni Nenita upang tingnan ang anak ngunit hindi niya magawang silipin gayong hikbi ni Nenita ang kanyang naririnig sa labas. “Bigyan muna natin siya ng mahabang oras. Hi
KAYA BA NIYA?Habang papunta sila sa pinaglamayan ni Ashnaie unti-unting naninikip ang dibdib ni Nenita. At habang papalapit sila ay para ring hinihiwa ang puso niya ng dahan-dahan. Hindi niya kaya. Napakasakit sa kanya na harapin ang wala ng buhay niyang ina. HIndi niya maipaliwanag ang nararamaman niya basta ang alam niya lang subrang sakit sa dibdib, mabigat, hindi niya kaya. Napa angat siya ng tingin kay King nang hawakan ng lalaki ang kamay niya. She saw a concern, sympathy in King's eye's while looking at her. Si King na hindi siya iniwan. Si King na hindi narindi sa mga iyak niya. Si King na kahit nahihirapan sa kalagayan niya dinamayan parin siya. “H-huwag mo na a-ako ihatid," nahihiya na siya sa abalang ibinigay kay King. “P-pwede ka na umuwi. Mag… magpahinga ka na,”aniya at binawi ang kamay.Mariin siyang napalunok at naiilang na sinalubong ang tingin ni King nang mahigpit na hinawakan ni King ang kamay niya upang hindi niya iyon mabawi. King didn't answer her. “Gusto mo
Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Nenita ang kamatayan ng kanyang ina ang hindi niya makayanang tanggapin, hindi niya magawang intindihin, unawain ang sitwasyon kung bakit ito nagawa ng kanyang ina. Wala man silang pinagsamahan ng kanyang ina ngunit napakahirap sa kanya na gawing madali ang lahat. "After all, nagpakaina ka parin sa akin... I thought you abandoned me. I thought you don't love me but I was wrong. I'm so sorry... I'm sorry wholeheartedly for being to late to realize how important you are to me, " puno ng luha ang mga mata na hinaplos niya ang litrato nilang dalawa ni Ashnaie. "Nagsisisi ako kung bakit ko pinairal ang pagmamatigas na hindi ka kilalanin. Now, that you're gone, paano ako babawi sayo? Ang hirap tanggapin na wala ka na talaga. "Hindi na natiis ni King na lapitan si Nenita. Nais na niyang ilayo si Nenita rito ngunit hindi niya alam paano patahanin ang babae. "Net, kailangan na nating umalis rito. "Piniga ang puso ni King nang makita ang namumugto na mata ni