Natigil sandali ang paghinga ni Nenita sa ginawa ni King. Ang striktong mukha ng lalaki kanina ngayon ay malamlam na habang dinadampi sa pisngi ni Nenita ang hawak na ice bag compress. Kanina niya pa ito napansin ngunit tila wala sa sarili ang babae kaya hindi niya ito sinita sa kanyang napansin. Alam niya kung bakit at ano ang dahilan ngunit hinihintay niyang si Nenita mismo ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit hindi iyon ang kanyang narinig mula sa babae. "Kaya ko ang sarili ko, " maliit ang boses na usal ni Nenita at inilayo ang sarili kay King. She wanted to cry. Ngayon niya lang naranasan na alagaan siya ng isang tao. Although, inaalagaan naman siya ng magkapatid, sadyang iba lang ang nararamdaman niya sa pag alaga ng mga ito kumpara sa ginawa ni King ngayon. Siguro dahil ibang pag alaga ang ginagawa ng magkapatid sa kanya. Unlike kay King, na ang imposibleng makita ng ibang tao ay napansin niya ng walang ka hirap-hirap. Ginamot na walang pag alinlangan. "Kaya mo ang sarili m
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Nenita sa narinig kay King. Naging triple ang lakas nang kabog ng kanyang puso at nakatulala sa mukha ng lalaki. Hindi niya mapigilan na mag assume na siya ang gustong makita ni King dahil sa kanya nakatingin ang lalaki nang sabihin nito ang katagang iyon. Bahagyang tumabingi ang ulo ni King. Ngunit nanatiling payak at kalmado ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Nenita ng matubuan ng hiya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. Ibinaling ni King ang atensyon kay Enrico. "Tungkol doon sa sinabi ni Tito kagabi," aniya. "I see. Tara sa loob, " ani Enrico at umakbay sa pinsan. "Mag agahan muna tayo bago ko ipakita yung blue print sayo. "Napahiya na kinastigo ni Nenita ang sarili. Umiwas ng tingin si Nenita at ibinaling sa sasakyan ang atensyon upang maibsan ang pagkapahiya sa sarili. Nadismaya siya at the same time ay nasaktan dahil ang buong akala niya siya ang gustong makita ni King."Net, tara na sa loob. Mag agahan n
Tatlong araw na ang nakalipas nang mag walk out si King sa kalagitnaan ng pananghalian nila. Tatlong araw na rin itong hindi nakita ni Nenita. Hindi na ito nagpunta pa ulit sa mansyon. Walang pakialam ang mag-ama siguro ay dahil alam nila ang rason kung bakit walang King na nagpakita.Ayos iyon kay Nenita, nang sa ganun ay walang nanggugulo at nag-aasar sa kanya. Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Nenita bago bumangon. Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Ang dahilan, ay dahil bumabagabag sa isipan niya ang reaksyon ni King noong huli niya itong nakita.Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Imbis na bumalik sa kanyang silid, dinala siya ng kanyang mga paa sa likod ng bahay, doon sa harap ng flower garden.May metal table and chairs doon. Nang maka upo kaagad niyang niyakap ang sarili nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Alas-tres na ng madaling araw ngunit maliwang ang paligid nitong garden dahil sa mga
Nagising si King na masakit ang leeg at likod. Nagtataka siya na wala siya sa kanyang silid pagkamulat nito. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang maalala na umuwi pala siya na lasing kagabi. Naparami ang inom nila ni Enrico habang nag-uusap tungkol sa negosyong pinaplano ni King. Dumating rin kasi si Javier kaya napasarap sila sa pag-uusap at humantong sa pagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Inawat siya ng magkapatid na huwag nang umuwi ngunit nagpupumilit siya. Maayos naman siyang nakalabas ng mansyon, kaya lang sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay bigla siyang nahilo at naka ilang beses na natumba nang sinubok niyang maglakad pauwi. Hanggang sa hindi niya napansin na maling daan na pala ang tinatahak niya. Inunat niya ang katawan at pinatunog ang leeg hanggang sa maibsan ang pangangalay niyon. "Walang puso talaga ang babae na'yon. Hindi pa nilubos ang pagtulong, " himutok niya habang sinusuri ang buong paligid nagbabakasali na makita si Nenita. Kahit lasing siya kagabi tan
"Kumain ka na, hari. "Wika ni Nenita nang mailapag ang niluto nitong adobong baboy. Pasado alas-dos na ng hapon kaya gutom na rin siya. Wala ngayon ang mag-ama kaya silang dalawa lang ni King ang magkasalo. Naiilang man pinatili ni Nenita na maging kaswal at tahimik na kumain na parang siya lang mag-isa at walang ibang kasama. Habang si King ay nakiramdam lang. Naghahanap ng tiyempo kung paano kausapin si Nenita. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin na ayaw ni Nenita magsalita. Hindi rin siya bulag para hindi makita na may problema na namang iniisip ang dalaga. "Ano nga pala iyong itatanong mo kanina? " pagbukas ni Nenita ng pag-uusap. Ngunit nanatiling sa plato ang kanyang tingin. King cleared his throat before answering Nenita. "Mm, yeah. Itatanong ko sana kung bakit wala sila tito.""Ah... Hindi ko rin alam, e. Alam kasi nila na umuuwi ako sa amin tuwing katapusan kaya siguro umalis rin sila. ""I see." Katahimikan ulit. Pareho silang dalawa na walang masagap na salita
Hindi mapakali si Nenita habang pabalik-balik sa paglakad paroon-parito. Nag-alala siya na baka ma infection ang sugat ni King. Na baka malalim iyon. May naiwan na bubog. Ma apektuhan ang ulo niya. Baka bigla nalang siya mahilo at mahimatay. Oa man isipin pero puro negatibo ang laman ng isip niya. Natatakot siya na baka hindi lang cold treatment ang matanggap niya kay Enrico kung sakali man na may mangyari kay King dahil sa sugat na natako niya. Baka mas malala pa sa cold treatment at ayaw niyang mangyari iyon. Si Enrico lang ang ka dikit niya sa magkapatid. Kay Enrico lang siya hindi naiilang. Kay Enrico niya lang naipapakita ang tunay niyang saloobin. Kapag may nangyaring masama kay King, baka iyon na ang dahilan para magkaroon sila ng hidwaan dalawa. Natigil siya sa paglakad at nag angat nang mukha ng marinig ang yabag na pababa sa hagdan. It was King. Naka pamulsa itong naglalakad pababa. Kaswal ang mukha ngunit lumalabas ang pagiging strikto at masungit. Kung hindi lang sigur
"What is your plan, Net? " Tanong ni Don Emmanuel habang sila ay magkasalo sa pananghalian. Ngayon lang siya ulit tinanong ni Don Emmanuel tungkol sa bagay na ito. Ngunit ngayon buo na ang kanyang desisyon. Wala ngayon ang magkapatid at silang dalawa lang ng Don ang narito ngunit biglang dumating si King. May dala itong menudo na pinabigay ng kanyang ina. Kaya inaya ito ng Don na dito nalang siya kumain kasabay nila. "Nag aalangan ho ako na mag apply ng trabaho, baka hindi ako matanggap, " sagot ni Nenita. "Wala ka bang tiwala sa sarili mo? " singit na tanong ni King sa kanya. "Hindi naman sa ganun. Hindi pa ako handa at saka inaalala ko yung mga kapatid ko baka mas lalo ko lang sila hindi makita kapag nasa ganoong field na ang trabaho ko. ""Ayos lang iyan, hija. Wag mong i-pressure ang sarili mo, " ani Don Emmanuel. "Mas maganda iyong papasok ka sa isang trabaho na iyon ang nais ng puso at isipan mo. "Sa lahat ng kurso hindi niya alam kung bakit Journalism ang kinuha niya. H
"Net, ano na?! " Parang aso na naka buntot si King kay Nenita. Simula kaninang umaga hanggang mag gabi ay kinukulit niya ito tungkol sa pakiusap niyang samahan siya ng dalaga sa plano niyang mamasyal sa Sagada. "Isang daan ka na nagtanong at hindi magbabago ang sagot ko, A. YO. KO! " nauubos ang pasensya na sagot niya. Muntik nang masubsob si King sa glass door sa panay pagsunod niya kay Nenita mapapayag lang ito. Isang linggo na niya itong sinusuyo ngunit hindi umuubra kay Nenita ang mga pakiusap niya. Tinulungan niya si Nenita sa pagdala ng mga labahin sa bodega. "Ipagpaalam kita kina tito, " aniya. "Kahit pumayag sila, ayaw ko parin.""I'll pay. Kahit every minute pa. "Malakas na napabuntong hininga si Nenita. Matamlay na tumingin siya kay King na nagsusumamo sa kanya. "Sa iba ka nalang magpasama. Hindi ko rin naman kailangan ng pera, " aniya at tinalikuran ang lalaki. Hindi na nangulit pa si King. Tinatanggap na niyang hindi niya talaga mapapayag si Nenita sa gusto niya. N