Wala ang mag-ama kaya walang choice si Nenita kundi asikasuhin ang bisita na feel at home. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang rin ito nakita. Pabagsak na inilapag ni Nenita ang isang petsil na juice sa center table kung saan naka upo doon ang bwesita—este bisita. Ewan ba niya, wala namang ginawa ang lalaki sa kanya pero naiinis siya. Oo, gwapo siya, malakas ang karisma, pero hindi gusto ni Nenita ang facial expression nito na parang galit sa mundo. Ka lalaking tao ang taray ng mukha niya. "Hintayin mo na lang sila. Pauwi na raw—""I know, " pagputol ng lalaki sa pagsalita niya. Nagpupuyos sa inis na tinalikuran niya ang lalaki. Sa kusina siya dumiretso at uminom ng malamig na tubig, pampakalma sa nag iinit niyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakasandal ito sa couch habang naka dikuwatro ang paa. At gumagala ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Sa pagtitig ni Nenita sa mukha ng lalaki, mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong at perpektong hulma ng pan
Natigil sandali ang paghinga ni Nenita sa ginawa ni King. Ang striktong mukha ng lalaki kanina ngayon ay malamlam na habang dinadampi sa pisngi ni Nenita ang hawak na ice bag compress. Kanina niya pa ito napansin ngunit tila wala sa sarili ang babae kaya hindi niya ito sinita sa kanyang napansin. Alam niya kung bakit at ano ang dahilan ngunit hinihintay niyang si Nenita mismo ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit hindi iyon ang kanyang narinig mula sa babae. "Kaya ko ang sarili ko, " maliit ang boses na usal ni Nenita at inilayo ang sarili kay King. She wanted to cry. Ngayon niya lang naranasan na alagaan siya ng isang tao. Although, inaalagaan naman siya ng magkapatid, sadyang iba lang ang nararamdaman niya sa pag alaga ng mga ito kumpara sa ginawa ni King ngayon. Siguro dahil ibang pag alaga ang ginagawa ng magkapatid sa kanya. Unlike kay King, na ang imposibleng makita ng ibang tao ay napansin niya ng walang ka hirap-hirap. Ginamot na walang pag alinlangan. "Kaya mo ang sarili m
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Nenita sa narinig kay King. Naging triple ang lakas nang kabog ng kanyang puso at nakatulala sa mukha ng lalaki. Hindi niya mapigilan na mag assume na siya ang gustong makita ni King dahil sa kanya nakatingin ang lalaki nang sabihin nito ang katagang iyon. Bahagyang tumabingi ang ulo ni King. Ngunit nanatiling payak at kalmado ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Nenita ng matubuan ng hiya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. Ibinaling ni King ang atensyon kay Enrico. "Tungkol doon sa sinabi ni Tito kagabi," aniya. "I see. Tara sa loob, " ani Enrico at umakbay sa pinsan. "Mag agahan muna tayo bago ko ipakita yung blue print sayo. "Napahiya na kinastigo ni Nenita ang sarili. Umiwas ng tingin si Nenita at ibinaling sa sasakyan ang atensyon upang maibsan ang pagkapahiya sa sarili. Nadismaya siya at the same time ay nasaktan dahil ang buong akala niya siya ang gustong makita ni King."Net, tara na sa loob. Mag agahan n
Tatlong araw na ang nakalipas nang mag walk out si King sa kalagitnaan ng pananghalian nila. Tatlong araw na rin itong hindi nakita ni Nenita. Hindi na ito nagpunta pa ulit sa mansyon. Walang pakialam ang mag-ama siguro ay dahil alam nila ang rason kung bakit walang King na nagpakita.Ayos iyon kay Nenita, nang sa ganun ay walang nanggugulo at nag-aasar sa kanya. Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Nenita bago bumangon. Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Ang dahilan, ay dahil bumabagabag sa isipan niya ang reaksyon ni King noong huli niya itong nakita.Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Imbis na bumalik sa kanyang silid, dinala siya ng kanyang mga paa sa likod ng bahay, doon sa harap ng flower garden.May metal table and chairs doon. Nang maka upo kaagad niyang niyakap ang sarili nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Alas-tres na ng madaling araw ngunit maliwang ang paligid nitong garden dahil sa mga
Nagising si King na masakit ang leeg at likod. Nagtataka siya na wala siya sa kanyang silid pagkamulat nito. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang maalala na umuwi pala siya na lasing kagabi. Naparami ang inom nila ni Enrico habang nag-uusap tungkol sa negosyong pinaplano ni King. Dumating rin kasi si Javier kaya napasarap sila sa pag-uusap at humantong sa pagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Inawat siya ng magkapatid na huwag nang umuwi ngunit nagpupumilit siya. Maayos naman siyang nakalabas ng mansyon, kaya lang sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay bigla siyang nahilo at naka ilang beses na natumba nang sinubok niyang maglakad pauwi. Hanggang sa hindi niya napansin na maling daan na pala ang tinatahak niya. Inunat niya ang katawan at pinatunog ang leeg hanggang sa maibsan ang pangangalay niyon. "Walang puso talaga ang babae na'yon. Hindi pa nilubos ang pagtulong, " himutok niya habang sinusuri ang buong paligid nagbabakasali na makita si Nenita. Kahit lasing siya kagabi tan
"Kumain ka na, hari. "Wika ni Nenita nang mailapag ang niluto nitong adobong baboy. Pasado alas-dos na ng hapon kaya gutom na rin siya. Wala ngayon ang mag-ama kaya silang dalawa lang ni King ang magkasalo. Naiilang man pinatili ni Nenita na maging kaswal at tahimik na kumain na parang siya lang mag-isa at walang ibang kasama. Habang si King ay nakiramdam lang. Naghahanap ng tiyempo kung paano kausapin si Nenita. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin na ayaw ni Nenita magsalita. Hindi rin siya bulag para hindi makita na may problema na namang iniisip ang dalaga. "Ano nga pala iyong itatanong mo kanina? " pagbukas ni Nenita ng pag-uusap. Ngunit nanatiling sa plato ang kanyang tingin. King cleared his throat before answering Nenita. "Mm, yeah. Itatanong ko sana kung bakit wala sila tito.""Ah... Hindi ko rin alam, e. Alam kasi nila na umuuwi ako sa amin tuwing katapusan kaya siguro umalis rin sila. ""I see." Katahimikan ulit. Pareho silang dalawa na walang masagap na salita
Hindi mapakali si Nenita habang pabalik-balik sa paglakad paroon-parito. Nag-alala siya na baka ma infection ang sugat ni King. Na baka malalim iyon. May naiwan na bubog. Ma apektuhan ang ulo niya. Baka bigla nalang siya mahilo at mahimatay. Oa man isipin pero puro negatibo ang laman ng isip niya. Natatakot siya na baka hindi lang cold treatment ang matanggap niya kay Enrico kung sakali man na may mangyari kay King dahil sa sugat na natako niya. Baka mas malala pa sa cold treatment at ayaw niyang mangyari iyon. Si Enrico lang ang ka dikit niya sa magkapatid. Kay Enrico lang siya hindi naiilang. Kay Enrico niya lang naipapakita ang tunay niyang saloobin. Kapag may nangyaring masama kay King, baka iyon na ang dahilan para magkaroon sila ng hidwaan dalawa. Natigil siya sa paglakad at nag angat nang mukha ng marinig ang yabag na pababa sa hagdan. It was King. Naka pamulsa itong naglalakad pababa. Kaswal ang mukha ngunit lumalabas ang pagiging strikto at masungit. Kung hindi lang sigur
"What is your plan, Net? " Tanong ni Don Emmanuel habang sila ay magkasalo sa pananghalian. Ngayon lang siya ulit tinanong ni Don Emmanuel tungkol sa bagay na ito. Ngunit ngayon buo na ang kanyang desisyon. Wala ngayon ang magkapatid at silang dalawa lang ng Don ang narito ngunit biglang dumating si King. May dala itong menudo na pinabigay ng kanyang ina. Kaya inaya ito ng Don na dito nalang siya kumain kasabay nila. "Nag aalangan ho ako na mag apply ng trabaho, baka hindi ako matanggap, " sagot ni Nenita. "Wala ka bang tiwala sa sarili mo? " singit na tanong ni King sa kanya. "Hindi naman sa ganun. Hindi pa ako handa at saka inaalala ko yung mga kapatid ko baka mas lalo ko lang sila hindi makita kapag nasa ganoong field na ang trabaho ko. ""Ayos lang iyan, hija. Wag mong i-pressure ang sarili mo, " ani Don Emmanuel. "Mas maganda iyong papasok ka sa isang trabaho na iyon ang nais ng puso at isipan mo. "Sa lahat ng kurso hindi niya alam kung bakit Journalism ang kinuha niya. H
Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin
Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot
“Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H
Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap
“Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang
Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.
The power of being Montefalco is that they do something you don't expect. The Montefalco’s along with Hernan decision, they agreed to take down the news towards Ashnaie. Siniguro din nila na hindi lalabas sa balita ang pagkitil ni Ashnaie sa sarili. Ginawa nila ito para kay Nenita dahil kalabisan na ito para sa dalaga kung kakalat pa sa balita ang tungkol sa ginawa ng kanyang ina. Hindi man nila nakuha ang makatarungan na hustisyang nararapat sa kanila, gayunpaman sapat na sa kanila na maging tahimik na ang kanilang buhay at nalinawan sa lahat ng mga tanong na kay tagal nalutasan. “Kumusta na siya?” tanong ni Emmanuel kay Hernan nang makarating agad siya sa bahay. Umupo sila sa lantay sa labas ng bahay. “Nagmukmok sa kwarto. Panay parin ang pag iyak,” madamdaming usal ni Hernan. Naka ilang balik na siya sa kwarto ni Nenita upang tingnan ang anak ngunit hindi niya magawang silipin gayong hikbi ni Nenita ang kanyang naririnig sa labas. “Bigyan muna natin siya ng mahabang oras. Hi
KAYA BA NIYA?Habang papunta sila sa pinaglamayan ni Ashnaie unti-unting naninikip ang dibdib ni Nenita. At habang papalapit sila ay para ring hinihiwa ang puso niya ng dahan-dahan. Hindi niya kaya. Napakasakit sa kanya na harapin ang wala ng buhay niyang ina. HIndi niya maipaliwanag ang nararamaman niya basta ang alam niya lang subrang sakit sa dibdib, mabigat, hindi niya kaya. Napa angat siya ng tingin kay King nang hawakan ng lalaki ang kamay niya. She saw a concern, sympathy in King's eye's while looking at her. Si King na hindi siya iniwan. Si King na hindi narindi sa mga iyak niya. Si King na kahit nahihirapan sa kalagayan niya dinamayan parin siya. “H-huwag mo na a-ako ihatid," nahihiya na siya sa abalang ibinigay kay King. “P-pwede ka na umuwi. Mag… magpahinga ka na,”aniya at binawi ang kamay.Mariin siyang napalunok at naiilang na sinalubong ang tingin ni King nang mahigpit na hinawakan ni King ang kamay niya upang hindi niya iyon mabawi. King didn't answer her. “Gusto mo
Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Nenita ang kamatayan ng kanyang ina ang hindi niya makayanang tanggapin, hindi niya magawang intindihin, unawain ang sitwasyon kung bakit ito nagawa ng kanyang ina. Wala man silang pinagsamahan ng kanyang ina ngunit napakahirap sa kanya na gawing madali ang lahat. "After all, nagpakaina ka parin sa akin... I thought you abandoned me. I thought you don't love me but I was wrong. I'm so sorry... I'm sorry wholeheartedly for being to late to realize how important you are to me, " puno ng luha ang mga mata na hinaplos niya ang litrato nilang dalawa ni Ashnaie. "Nagsisisi ako kung bakit ko pinairal ang pagmamatigas na hindi ka kilalanin. Now, that you're gone, paano ako babawi sayo? Ang hirap tanggapin na wala ka na talaga. "Hindi na natiis ni King na lapitan si Nenita. Nais na niyang ilayo si Nenita rito ngunit hindi niya alam paano patahanin ang babae. "Net, kailangan na nating umalis rito. "Piniga ang puso ni King nang makita ang namumugto na mata ni