Share

Chapter 2

Author: Diena
last update Last Updated: 2024-01-29 12:40:59

Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita.

"Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses.

"Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya.

Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon.

"Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan.

Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo."

"Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier.

"A, opo. Kaunti lang po. "

Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan.

"Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.

"Maduga ka! Ako ang unang naka-isip! " si Javier.

"Pero ako ang unang nag-aya, " kibit-balikat na sagot naman ni Ethan.

"Kahit na! Ako ang kuya. "

"Oh, so ano ngayon? "

"Sa akin siya sasama. "

Pabalik-balik ang tingin ni Nenita sa dalawang lalake na nagtatalo sa kanyang harapan. Hindi niya sukat akalain na magtatalo ang dalawa dahil sa kanya. Hindi rin siya makasagot dahil wala rin siyang mahagilap na sasabihin.

"Paunahan nalang tayo bukas kung sino ang mauna, " paghamon ni Ethan.

"Deal, " buong kompiyansa na sagot no Javier.

Si Don Emmanuel ay tahimik sa isang tabi na nakikinig sa dalawang anak. Natutuwa siya para rito dahil hindi iba ang turing nila kay Nenita kahit pa ngayon lang nila ito nakita at hindi pa lubos na kilala.

Napailing si Don Emmanuel upang iwaksi sa isipan ang namayapang asawa. Kung buhay pa ang kanyang asawa, siguro makipagtalo rin siya sa mga anak sa oras at atensyon sa asawa. Lalo na sa kanilang bunso na si Enrico na buntot ni Debbie. Kung saan ang ina naroon rin ito nakalambitin.

Tumayo si Enrico at hinigit patayo si Nenita sa dinning table na ikinalaki ng mga mata ng dalawa niyang kuya.

"Ihatid kita sa kwarto mo, " aniya sa nakatulala na babae.

Nabaling ang tingin ni Nenita nang may lumagabog. Umawang ang kanyang labi nang makitang nag-uunahan sa pagtayo si Ethan at Javier mula sa pagkasalampak sa sahig. Tatanungin niya sana ito nang hilahin siya muli ni Enrico.

"Isa ka pang maduga! " nagmadali na tumakbo si Javier kung saan nakalapag ang bag ni Nenita at mabilis iyon dinampot.

Dahil walang ibang gamit si Nenita, ang medical kit ang hinablot ni Ethan at nagmadali na sumunod rito.

"Akala niyo kayo lang a! " patakbo na sigaw nito.

Tumayo na rin si Don Emmanuel at sumunod sa mga anak na nagtatalo. Pinagtatalunan ang batang babae na bagong salta sa kanilang bahay.

"Iyong hugasin wag niyong kalimutan, " saad ni Don Emmanuel. "Kundi kayo ang itapon ko palabas. "

Nagtutulakan si Javier at Ethan kung sino ang mauna na pumasok sa maging kwarto ni Nenita at kung sino sa kanilang tatlo ang maghugas ng mga hugasin. Sa huli sabay silang nangudngod sa sahig sa pagtutulakan.

"Ayos lang po kayo? " nanlaki ang mata na tanong ni Nenita sa dalawang lalake na nasa sahig.

Hilaw na tumawa ang dalawa. "Ayos lang kami, " si Javier ang sumagot.

Si Enrico ay tahimik lang na inaayos ang higaan. Malinis naman ang kwarto kaya kaunting pagpag lang ang ginawa niya.

"May sariling cr dito kaya hindi mo na kailangan lumabas, " wika ni Enrico.

"May toiletries rin, " sabat ni Ethan.

Binatukan ni Javier si Ethan. "Bakit ayaw mo magpatalo? Sino ba ang kuya rito, ha? "

Napailing nalang si Enrico. "Iwan ka na namin rito. Magbanlaw ka muna bago mo gamutin ang mga sugat mo. "

"O-opo salamat. "

Kung hindi pa tinulak ni Enrico ang dalawang kuya ay hindi pa ito lalabas sa kwarto ni Nenita. Hanggang sa pagligpit ng pinagkainan at paghugas dito ay nagtatalo silang tatalo bagay na araw-araw na nangyayari sa kanilang buhay.

Marahanh umupo si Nenita sa malambot na kama. Hilam ang mata na sinuyod niya ng tingin ang maging kwarto niya. Ang laki niyon. Parang kasing laki ng bahay nila.

May mesa, may sariling tv, may cabinet at sariling cr pa. Kulay puti ang pader, sa mga sulok nito ay kulay gold na maaliwalas sa mata tingnan. Nang hawiin niya ang mataas na kurtina, namamangha na lumapit siya full length glass wall kung saan makikita ang malapad na lupain na sinasakupan ng buong mansyon.

Kahit madilim na ang liwanag parin sa labas sa dami ng mga ilaw sa paligid. Kung malawak roon sa harapan ng bahay, hindi hamak na mas malawak rito sa kinaroroonan niya.. Hindi niya alam kung nasa likod ng bahay ba ito banda o kung aling parte ito ng mansyon.

Isang katok ang pumukaw sa kanyang pagkatulala sa ganda ng paligid. Kasunod ang boses ni Don Emmanuel. Mabilis niyang tinungo ang pinto at pinagbuksan ang matanda.

May ngiti sa labi na inabot ni Don Emmanuel ang magkapares na tsinelas. "Para hindi lamigin ang paa mo. "

Tinanggap iyon ni Nenita. "Salamat po. "

"Gamutin mo muna ang sarili mo bago matulog. "

"Opo."

"Huwag kang mahiya na magsabi kung may kailangan ka, " ani Don Emmanuel bago umalis.

Nang wala na ang matanda inasikaso ni Nenita ang sarili. Nahihiya siyang mahiga sa kama na marumi ang katawan dahil baka madumihan ang higaan niya.

Masarap sa kanyang pakiramdam nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kama. Sa buong buhay niya ngayon lang niya ito naranasan dahil sa kanila banig ang kanilang gamit na pangsapin sa kawayan na sahig.

Nakaramdam siya ng ginaw kaya binalot niya ng puting kumot ang sarili. Pakiramdam niya nasa alapaap siya sa lambot at bango ng kanyang higaan.

Ilang minuto ang nakalipas ay ginupo siya ng antok dala sa pagod sa pagtakbo niya kanina. Nakakatulong rin ang malamig na paligid at malambot na higaan para siya ay makatulog agad.

Nagising siya sa sunod-sunod na katok. Muntik pa siyang mapasigaw sa takot at kaba nang hindi pamilyar sa kanyang paningin ang silid na pinagmulatan niya. Sa sumunod na katok ay mabilis siyang umalis sa kama at inayos ito bago tinakbo ang pintuan.

"Hi, good morning. "

Pakiramdam niya nanuyo ang kanyang lalamunan nang pagbuksan niya si Enrico. Bagong ligo ito dahil nanuot kaagad sa ilong ni Nenita ang shampoo na ginamit rito. Naka plain black t-shirt at maong pants ito at mukhang may lakad.

"G-good morning po. Sorry, tinanghali ako ng gising, " nahihiya na paumanhin ni Nenita.

"No, it's okay, " nakangiti na saad ni Enrico. "Fixed your self, may pupuntahan tayo, " aniya at siya na ang nagsara ng pinto.

Nang mahimasmasan si Nenita, kaagad itong nanakbo sa banyo at mabilis na naligo.

Wala siyang mapili kung ano ang susuotin na damit dahil puro pambahay at luma na ang mga damit na dala niya.

Nang makarinig ng katok, sweatpants na kupas na ang kulay ang pinili niya at kupas rin na damit.

"Pumili pa ako, kupas naman lahat, " himutok niya at tinungo ang pinto.

"Tara na, " wika ni Enrico nang lumabas siya.

Ang akala niya ay tuturuan siya ng lalaki sa kanyang gawain rito sa bahay, ngunit nagtaka siya nang lumabas sila ng bahay at tinungo ang mga nakaparada na mga sasakyan.

Hindi siya pamilyar sa mga sasakyan ngunit minsan na niya itong nakita sa telebisyon at alam niyang mahal ito.

"Saan po tayo pupunta? " hindi napigilan na tanong ni Nenita nang pagbuksan siya ni Enrico ng pinto ng sasakyan.

"We will buy your needs, " iyon lang ang sagot ni Enrico at inilalayan siyang pumasok sa loobng sasakyan.

Ibig sabihin hindi sila nagbibiro kagabi na bilhan siya ng mga kagamitan. Ngunit bakit sila lang dalawa?

"Nasaan po sila sir... " hindi natuloy ni Nenita ang sasabihin dahil nakalimutan niya ang pangalan ng dalawang magkapatid.

"Tulog pa sina Kuya Javier at Kuya Ethan, " aniya at minaubra ang sasakyan pa alis.

Naalala na ni Nenita, nagpaunahan pala ang mga ito kagabi kung sino ang unang mag aya sa kanya na mag shopping.

Ibinaling ni Nenita ang tingin sa labas nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Ito na ang ikalawang pagkakataon na naramdaman niya ito kay Enrico.

"Kailangan po ba talaga na bibili ako? " tanong ulit ni Nenita ngunit sa labas parin ang tingin.

"Bakit naman hindi? " balik tanong sa kanya ni Enrico.

"Kase po diba? " alanganin na tumingin siya rito.

Pakiramdam ni Nenita nanigas ang kanyang buong katawan nang guluhin ni Enrico ang kanyang buhok.

"Kahit nga siguro suklay wala ka, e. Tingnan mo nga iyang buhok mo ang gulo, " natatawa na wika ni Enrico. Ngunit tawa na hindi nang aasar at nang iinsulto.

Napayuko sa hiya na inayos ni Nenita ang buhok. Totoo na wala siyang suklay na dala. Kahit sipilyo ay wala rin. Mabuti nalang at kompleto ang toiletries doon sa kwarto niya may nagamit siya kanina.

"May blower doon pangtuyo sa buhok. Pag uwi natin mamaya tuturuan kita paano iyon gamitin. "

Nakarating sila sa mall na tahimik si Nenita. Nakasunod lang siya sa likod ni Enrico natatakot na malingat sa binata dahil baka mawala siya. Sa hirap kase ng kanilang buhay ito palang ang unang pagkakaton na nakatungtong si Nenita sa loob ng mall. Ngayon lang rin niya nasilayan ang hitsura ng siyudad.

Napapitlag siya nang umakbay sa kanya si Enrico. Ngunit hindi niya iyon pinahalata at umakto nalang ng normal.

"Mag almusal muna tayo, " saad ni Enrico at dumiretso sa escalator paakyat sa taas.

Napansin ni Enrico na parang wala pang karanasan ni Nenita sa mga bagay-bagay kaya pasimple niya itong inalalayan na humakbang. Muntik pa sana itong matumba kung hindi lang naka akbay si E Enrico sa kanya.

"Sorry, sir, ngayon lang kase ako nakapasok dito at ngayon ko lang ito naranasan, " mangiyak-ngiyak sa hiya na pag amin ni Nenita.

"It's fine. Ngayon naranasan mo na, " aniya sabay ngiti rito.

Hanggang makarating sila sa food court naka akbay parin si Enrico sa kanya. Maaga pa kaya walang masyadong tao. Nahihiya man ay inignora iyon ni Nenita kahit na pinagtitinginan siya ng mga taong narito. Nahihiya na inayos nalang siya ang kanyang buhok.

Si Enrico na ang nag order. Dalawang fried chicken, dalawang chopsoy, at dalawang menudo ang inorder niya. Pagkalapag niya bumalik siya ulit upang kunin ang dessert at water.

"Kain na."

Nahihiya man ay kumain nalang rin siya. Tig iisang order sila. Kahit busog na ay pinili parin na ubusin iyon ni Nenita. Sino ba siya para magsayang ng pagkain ngayong isa siya sa maraming tao na kabilang sa isang kahig isang tuka na pamumuhay.

Nang matapos silang kumain dumiretso na sila sa department store. Katulong niya si Enrico sa pagpili ng bibilhin niya dahil kung siya lang, tig isang piraso at mumurahin lang ang pipiliin niya. Wala naman kase siyang pera.

“Sir, tama na po 'to. "

"Kaunti palang yan, pili ka pa. Sandals, shoes, dress, bag—"

"Aanhin ko naman po iyan sa loob ng bahay? "

Nagkibit-balikat lang si Enrico at nagkuha ng mga iyon at pinasukat sa kanya. Lahat ng natipuhan niya kinukuha niya at ipapasukat kay Nenita. Hindi na tuloy alam ni Nenita kung paano itago ang pamumula ng mukha dala sa kilig at nahihiya na naramdaman habang sinusukatan siya ni Enrico ng mga sapin sa paa.

"YOU! "

Nanlaki ang mata at umawang ang labi ni Nenita nang maulinigan ang pamilyar na boses iyon. Paglingon niya, humahangos ang dalawang lalaki at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya. Kahit malamig ang loob ng mall pinagpawisan sila. Napatingin tuloy sa kanila ang ibang mga tao lalo na ang mga sales lady at nagsinghapan nang pagtulungan nilang dalawa si Enrico.

"Hindi ka patas lumaban! " si Javier, nakaipit sa kanyang braso ang leeg ni Enrico habang si Ethan kinakaltukan sa ulo si Enrico.

"Kasalanan ko ba kung ang tagal niyong magising?" nahihirapan na wika ni Enrico.

May nagbubulangan ngunit walang nangahas na umawat. Kahit mga guwardiya ay nakatingin lang ito na parang normal lang na nangyayari rito ang bagay na ito.

Nabahala si Nenita dahil baka makarating ito sa may ari at baka tumawag pa ng pulis dahil nagdudulot sila ng gulo.

Gusto niya itong awatin, patigilin ngunit hindi niya maibuka ang bibig sa labis na pagkagulat sa ginawa ng magkapatid.

"Kuya, awatin niyo kaya sila. " wika ni Nenita sa guwardiya.

Natatakot rin kasi siya na baka makarating ito kay Don Emmanuel. Siya ang mananagot dahil siya ang dahilan bakit nagkaganito sila dito ngayon. Baka mawalan kaagad siya ng trabaho ni hindi pa siya nakapagsimula. Naiiyak na siya sa takot at kaba dahil dumami ang mga taong napahinto upang tingnan sila.

"Anak sila ng may-ari dito, ma'am . At sanay na kami sa kanilang tatlo kapag nagagawi sila rito. Minsan nga mas malala pa ang ginawa nila yan dito. "

Salita na mas hindi inaasahan ni Nenita.

Related chapters

  • His Personal Maid   Chapter 3

    Nagmistulang tambakan ng basura ang loob ng sasakyan ni Enrico. Lahat ng mga iyon ay mga gamit ni Nenita na pinamili ng tatlong magkapatid sa kanya. Kulang nalang ay dalhin nila ang buong mall sa mansyon dahil ayaw nilang magpa-awat sa pagbili. Walang nagawa si Nenita kundi ang tumunganga habang pinapanood ang mga ito na salitan sa paglapit sa kanya para tingnan kung bagay ba sa kanya ang napili nilang bilhin. Nagmistula siyang manikin na binibihisan ng tatlong tao. Lutang ang isip ni Nenita hanggang sa matapos ang magkapatid sa pamimili. Hindi niya inaasahan na mangyari ito sa buhay niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na matagal na nawala at natagpuan ang totoong pamilya. Ang isa pang ikinalutang ng isip niya iyong malaman na ang pamilyang tinutuluyan niya ngayon ang may-ari nong mall. "Wala ba kayong sasakyan na dala? " naiinis na tanong ni Enrico sa dalawa nitong kuya na nagsiunahan na pumasok sa loob ng kotse niya. "Meron. Pero dito namin gusto sumakay pauwi, " sagot ni

    Last Updated : 2024-02-04
  • His Personal Maid   Chapter 4

    Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong. “Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.“Sa May 26.”“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos a

    Last Updated : 2024-02-09
  • His Personal Maid   Chapter 5

    Kaarawan niya ni Nenita ngayon. Ngunit hindi niya ramdam. Katulad lang ng dati na isang normal na araw lang iyon sa kanya. Nang maihatid siya ni Don Emmanuel kanina ay naging malungkot siya. Hindi kase siya binati ng Don at ng mga anak nito. Umasa kase siya na sa paggising niya kanina ay babatiin siya ng mga ito. "Siguro ay nakalimutan nila. Last month pa namin iyon napag-usapan e," kumbinsi niya sa sarili at nagpatuloy sa paglakad pauwi.“Ate Net!” Gulat na hiyaw ng kanyang bunsong kapatid na si Totoy nang makita siya nito. Binitawan nito ang basang lupa na nilalaro at tumakbo upang salubungin ang ate niya. Ginulo ni Nenita ang buhok ng kapatid nang yakapin siya nito ng mahigpit. Inilapag niya sa lupa ang dalawang plastik bag na pinagsidlan ng pasalubong niya at kinarga ang batang kapatid. Nenita grunt. “Ang bigat mo na. Pero ang asim mo parin,” aniya at sinunghot ang leeg ng kapatid. Humagikhik naman ito dahil nakikiliti sa ginagawa ni Nenita. Lumabas sa kanilang bahay ang dala

    Last Updated : 2024-02-09
  • His Personal Maid   Chapter 6

    MAKALIPAS ANG APAT NA TAON. Si Nenita ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Akala niya hindi niya kakayanin. Akala niya hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. Ngunit lahat ng hirap sa pag-aaral ay nalagpasan niya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya—ang pamilyang Montefalco. Nagtapos siya na may mataas na marka at naging isang Cum Laude.“Congratulations, baby girl namin!” sinalubong siya ng yakap ni Javier. May dala itong flower bouquet. Nakiyakap rin si Ethan na tuwang-tuwa kay Nenita. Hinanap ng mata niya si Enrico pero wala ang lalaki. Nakaramdam siya ng lungkot pero hindi niya iyon pinahalata. '𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥, ' aniya sa sarili. “We are so proud of you, Net.” Naluluha ang mata sa saya na wika ni Don Emmanuel.“Thank you po. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo, hindi ko ito mararating,” emosyonal niyang sabi. “Utang ko sa inyo ang narating ko ngayon.”Hindi madali para sa kanya ang lahat. Ngunit hindi niya naisip

    Last Updated : 2024-02-14
  • His Personal Maid   Chapter 7

    “Ate, buti umuwi ka!” Mangiyak-ngiyak na usal ng kapatid niyang si Rona nang makita siya nitong paparating.“Bakit, may nangayri ba?” nababahala na tanong dito ni Nenita. Sinuri niya ang katawan ng kapatid kung may galos ba ito o mga pasa sa katawan. Nang makita na wala, nakahinga siya ng maluwang.“Graduation day niya ngayon,” si Ashly ang sumagot. “Kagabi pa iyan umiiyak nag-alala na baka siya lang ang walang kasama na guardian mamaya.”Tumingin sa kanya si Nenita na humihingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko kase alam,” aniya sa kapatid. ”Wag kang mag-alala dahil nandito na ako. Ako ang sasama sayo.”Umaliwalas ang mukha ni Rona sa sinabi ni Nenita. Na guilty naman si Nenita. Paano kung hindi siya umuwi? Paano kung nagkataon na walang lakad ang mag-ama, sino ang sasama sa kapatid niya sa araw ng kanyang graduation?Wala siyang contact sa mga ito dahil wala silang cell phone. Nababahala rin si Nenita na bigyan ang kapatid niya at baka malaman iyon ng kanilang ama. Hindi lang siya ang

    Last Updated : 2024-02-16
  • His Personal Maid   Chapter 8

    Wala ang mag-ama kaya walang choice si Nenita kundi asikasuhin ang bisita na feel at home. Hindi niya ito kilala at ngayon niya lang rin ito nakita. Pabagsak na inilapag ni Nenita ang isang petsil na juice sa center table kung saan naka upo doon ang bwesita—este bisita. Ewan ba niya, wala namang ginawa ang lalaki sa kanya pero naiinis siya. Oo, gwapo siya, malakas ang karisma, pero hindi gusto ni Nenita ang facial expression nito na parang galit sa mundo. Ka lalaking tao ang taray ng mukha niya. "Hintayin mo na lang sila. Pauwi na raw—""I know, " pagputol ng lalaki sa pagsalita niya. Nagpupuyos sa inis na tinalikuran niya ang lalaki. Sa kusina siya dumiretso at uminom ng malamig na tubig, pampakalma sa nag iinit niyang ulo. Sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakasandal ito sa couch habang naka dikuwatro ang paa. At gumagala ang kanyang tingin sa buong kabahayan. Sa pagtitig ni Nenita sa mukha ng lalaki, mula sa singkit nitong mga mata, matangos na ilong at perpektong hulma ng pan

    Last Updated : 2024-02-23
  • His Personal Maid   Chapter 9

    Natigil sandali ang paghinga ni Nenita sa ginawa ni King. Ang striktong mukha ng lalaki kanina ngayon ay malamlam na habang dinadampi sa pisngi ni Nenita ang hawak na ice bag compress. Kanina niya pa ito napansin ngunit tila wala sa sarili ang babae kaya hindi niya ito sinita sa kanyang napansin. Alam niya kung bakit at ano ang dahilan ngunit hinihintay niyang si Nenita mismo ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit hindi iyon ang kanyang narinig mula sa babae. "Kaya ko ang sarili ko, " maliit ang boses na usal ni Nenita at inilayo ang sarili kay King. She wanted to cry. Ngayon niya lang naranasan na alagaan siya ng isang tao. Although, inaalagaan naman siya ng magkapatid, sadyang iba lang ang nararamdaman niya sa pag alaga ng mga ito kumpara sa ginawa ni King ngayon. Siguro dahil ibang pag alaga ang ginagawa ng magkapatid sa kanya. Unlike kay King, na ang imposibleng makita ng ibang tao ay napansin niya ng walang ka hirap-hirap. Ginamot na walang pag alinlangan. "Kaya mo ang sarili m

    Last Updated : 2024-02-28
  • His Personal Maid   Chapter 10

    Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Nenita sa narinig kay King. Naging triple ang lakas nang kabog ng kanyang puso at nakatulala sa mukha ng lalaki. Hindi niya mapigilan na mag assume na siya ang gustong makita ni King dahil sa kanya nakatingin ang lalaki nang sabihin nito ang katagang iyon. Bahagyang tumabingi ang ulo ni King. Ngunit nanatiling payak at kalmado ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Nenita ng matubuan ng hiya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. Ibinaling ni King ang atensyon kay Enrico. "Tungkol doon sa sinabi ni Tito kagabi," aniya. "I see. Tara sa loob, " ani Enrico at umakbay sa pinsan. "Mag agahan muna tayo bago ko ipakita yung blue print sayo. "Napahiya na kinastigo ni Nenita ang sarili. Umiwas ng tingin si Nenita at ibinaling sa sasakyan ang atensyon upang maibsan ang pagkapahiya sa sarili. Nadismaya siya at the same time ay nasaktan dahil ang buong akala niya siya ang gustong makita ni King."Net, tara na sa loob. Mag agahan n

    Last Updated : 2024-02-29

Latest chapter

  • His Personal Maid   Epilogue

    Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin

  • His Personal Maid   Finale

    Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot

  • His Personal Maid   Chapter 70

    “Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H

  • His Personal Maid   Chapter 69

    Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap

  • His Personal Maid   Chapter 68

    “Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang

  • His Personal Maid   Chapter 67

    Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.

  • His Personal Maid   Chapter 66

    The power of being Montefalco is that they do something you don't expect. The Montefalco’s along with Hernan decision, they agreed to take down the news towards Ashnaie. Siniguro din nila na hindi lalabas sa balita ang pagkitil ni Ashnaie sa sarili. Ginawa nila ito para kay Nenita dahil kalabisan na ito para sa dalaga kung kakalat pa sa balita ang tungkol sa ginawa ng kanyang ina. Hindi man nila nakuha ang makatarungan na hustisyang nararapat sa kanila, gayunpaman sapat na sa kanila na maging tahimik na ang kanilang buhay at nalinawan sa lahat ng mga tanong na kay tagal nalutasan. “Kumusta na siya?” tanong ni Emmanuel kay Hernan nang makarating agad siya sa bahay. Umupo sila sa lantay sa labas ng bahay. “Nagmukmok sa kwarto. Panay parin ang pag iyak,” madamdaming usal ni Hernan. Naka ilang balik na siya sa kwarto ni Nenita upang tingnan ang anak ngunit hindi niya magawang silipin gayong hikbi ni Nenita ang kanyang naririnig sa labas. “Bigyan muna natin siya ng mahabang oras. Hi

  • His Personal Maid   Chapter 65

    KAYA BA NIYA?Habang papunta sila sa pinaglamayan ni Ashnaie unti-unting naninikip ang dibdib ni Nenita. At habang papalapit sila ay para ring hinihiwa ang puso niya ng dahan-dahan. Hindi niya kaya. Napakasakit sa kanya na harapin ang wala ng buhay niyang ina. HIndi niya maipaliwanag ang nararamaman niya basta ang alam niya lang subrang sakit sa dibdib, mabigat, hindi niya kaya. Napa angat siya ng tingin kay King nang hawakan ng lalaki ang kamay niya. She saw a concern, sympathy in King's eye's while looking at her. Si King na hindi siya iniwan. Si King na hindi narindi sa mga iyak niya. Si King na kahit nahihirapan sa kalagayan niya dinamayan parin siya. “H-huwag mo na a-ako ihatid," nahihiya na siya sa abalang ibinigay kay King. “P-pwede ka na umuwi. Mag… magpahinga ka na,”aniya at binawi ang kamay.Mariin siyang napalunok at naiilang na sinalubong ang tingin ni King nang mahigpit na hinawakan ni King ang kamay niya upang hindi niya iyon mabawi. King didn't answer her. “Gusto mo

  • His Personal Maid   Chapter 64

    Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Nenita ang kamatayan ng kanyang ina ang hindi niya makayanang tanggapin, hindi niya magawang intindihin, unawain ang sitwasyon kung bakit ito nagawa ng kanyang ina. Wala man silang pinagsamahan ng kanyang ina ngunit napakahirap sa kanya na gawing madali ang lahat. "After all, nagpakaina ka parin sa akin... I thought you abandoned me. I thought you don't love me but I was wrong. I'm so sorry... I'm sorry wholeheartedly for being to late to realize how important you are to me, " puno ng luha ang mga mata na hinaplos niya ang litrato nilang dalawa ni Ashnaie. "Nagsisisi ako kung bakit ko pinairal ang pagmamatigas na hindi ka kilalanin. Now, that you're gone, paano ako babawi sayo? Ang hirap tanggapin na wala ka na talaga. "Hindi na natiis ni King na lapitan si Nenita. Nais na niyang ilayo si Nenita rito ngunit hindi niya alam paano patahanin ang babae. "Net, kailangan na nating umalis rito. "Piniga ang puso ni King nang makita ang namumugto na mata ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status