Dianne's POVMABILIS akong tumayo nang makitang lumabas mula sa isang pintuan si Susan. Nakahalukipkip ito at mukhang iritado. Lumapit siya sa akin nang nakaarko ang mga kilay.Bumaba ang paningin ko sa kabuuan niya. Nakasuot siya ng crop top at shorts na sa sobrang ikli, halos kita na ang mga singit niya."Puwede ba kitang makausap?""Nag-uusap na tayo," maldita niyang sagot na ikinainis ko.Huminga ako nang malalim at pilit hindi pinahalata sa kaniya ang inis na nararamdaman ko. I walked closer to her and looked at her with pleading eyes."Layuan mo na ang asawa ko. Nakikiusap ako sa iyo."Tinawanan niya lang ako sa paraang nang-iinsulto. "Huwag ako ang sabihin mo niyan. Si Eros ang hindi maka-get over sa akin.""Huwag mong baliktarin ang sitwasyon!" tatalikuran niya sana ako pero natigilan siya sa sinabi ko. "Kilala ka na ng lahat. You're a gold-digger. A bitch. Kabit ng bayan. Alam kong pera lang ang habol mo sa asawa ko!"Mahigit dalawang oras akong naghintay sa sala ng bahay niy
Dianne's POV "Hindi mo na siguro uulitin ang ginawa mo?"Mula sa egg and bacon, nag-angat ako ng paningin sa seryosong mukha ni Eros. Nagkakape siya habang may nakaipit na sigarilyo sa dalawang daliri."Hindi na," matipid kong tugon.Pinagpatuloy ko ang pagkain habang abalang nakatutok ang mga mata ni Eros sa laptop niya."Sa susunod na pagbubuhatan mo ng kamay si Susan, hindi na ako magiging mabait sa iyo.""Kailan ka ba naging mabait sa akin?"Pareho kaming nag-angat ng mukha at nagkatinginan sa nasabi ko. Hindi ko rin inaasahan na lalabas iyon sa bibig ko."Sumasagot ka?"I swallowed when I felt a lump in my throat. "Bata ba ako para hindi puwedeng sumagot?""Dianne!" Malakas niyang hinampas ang kamay sa ibabaw ng mesa kaya mabilis akong tumingin ulit sa plato ko.Binalot uli kami ng katahimikan pagkatapos no'n. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya pinaglalaruan ko na lang ang pagkain sa plato ko."Mag-sorry ka kay Susan.""What?" Namimilog ang mga matang tumingin ako sa kaniya."
Dianne's POV HINANDA ko na ang sarili ko habang nakaupo sa malaking sofa sa malawak na living area ng bahay namin.I don't care whatever happens to that bitch—o kahit masira pa ang pangalan ko. Basta galit ako at gusto kong gumanti sa babaeng iyon!Mula sa kawalan, bumaba ang paningin ko sa cellphone kong nasa ibabaw ng coffee table. Kanina pa ito ring nang ring. Daddy and his secretary has been calling me nonstop but I'm not picking up and I don't have any plans to answer their calls.Dinampot ko ang wine glass na katabi lang ng cellphone ko at saka inubos ang laman nito. I needed a drink. Sigurado akong malaking gulo na naman ang mangyayari mamaya."Ma'am, nandiyan na si Sir." Puno ng pag-aalala ang buong mukha ni Ate Aba nang makalapit ito sa akin."Doon ka na muna sa kuwarto mo, ate.""Pero ma'am, paano ka?""I'm okay. I'll handle this."Pag-aalala at takot ang makikita sa mukha niya at halatang ayaw niyang sumunod sa akin, pero sa huli, wala siyang nagawa kundi tanguan ako. Ayaw
Dianne's POVNGUMITI ako nang makitang pumasok sa restaurant ang dalawang taong kanina ko pa hinihintay. Lumapit ang mga ito sa table kung nasaan ako at naupo sa tapat ko."Pinili ko ang restaurant na ito dahil kakilala ko ang may-ari. Mabibigyan tayo ng privacy."Ngumisi si Susan bago tinanggal ang malaking shades na suot niya. Halos matakpan na no'n ang buo niyang mukha."Privacy? Para saan? Para may privacy ka oras na lumuhod ka na at nagmakaawa?"Nagkatitigan kaming dalawa. Halata sa mukha niya na galit na galit siya at kulang na lang, sugurin at kalmutin ako sa mukha.Tumikhim ang abogadong kasama niya. Medyo payatin ito, may suot na reading glasses, at sa palagay ko ay nasa early 50s ang edad."Mrs. Lacsamana, gusto ko lang sabihin na ayaw makipag-areglo ng kliyente ko. Kaya lang kami nandito dahil sa pinangako mong paghingi ng tawad.""Paghingi ng tawad?" Ngumiti ako nang nakakaloko. "I didn't say anything about that."Nagkatinginan silang dalawa. Lalong tumaas ang mga kilay ni
Dianne's POVMUGTO na ang mga mata ko sa pag-iyak pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi lang ako parang sinampal sa mga sinabi ni Eros kanina, para din akong sinaksak nang paulit-ulir ng kutsilyo sa puso."Gusto lang naman kitang makasama. Gusto ko lang iparamdam sa iyo ang pagmamahal ko. I'm sorry... kung alam ko lang na ganito ang mangyayari... sana hindi na lang... sana hindi na lang tayo nagkakilala."Nasa guest room ako ngayon na katabi lang ng kuwarto namin. Dito ako madalas magkulong sa tuwing nagkakaroon kami ng malaking pag-aaway ni Eros.Nakaupo ako sa sahig. Ang likod ko ay nakasandal sa pader at yakap ko ang mga tuhod ko."Asawa mo pa rin ako."Napapitlag ako nang makarinig nang malakas na pagsara ng pinto sa kabilang kuwarto. Sandali akong natahimik bago lalong umiyak.Umalis na naman siya. At hindi ko alam kung kailan siya babalik.Mag-iisang linggo na akong nakatulala sa nakabukas na balkonahe ng kuwarto namin. Isang linggo na ring hindi umuu
Dianne's POV"Oh, no."Kagat-labi kong tinitigan ang niluto kong hotdog na nasunog dahil na-busy ako sa pagtitimpla ng coffee.Mabilis akong lumapit sa ref at kumuha ng panibagong hotdog na piprituhin, pero nabigla ako nang marinig ang mga yabag ni Eros pababa ng hagdan.Sumilip ako mula sa pintuan. "E-Eros? Paalis ka na ba? N-niluluto ko pa lang kasi ang—"Nilagpasan niya ako at dumiretso sa pinto ng bahay. Humabol ako sa kaniya pero mabilis siyang lumabas."Ano ba iyan?" Dismayado akong bumalik sa kusina.I woke up early just to prepare everything for him. Handa na ang mga pagkain sa lamesa, iyong letseng hotdog at itlog na lang ang niluluto ko, hindi man lang niya nahintay."Sanay na ako."Sa halip na magmukmok sa kalungkutan, tumayo ako at nagluto ng ulam. Ako ang kumain ng lahat ng hinanda ko pati ang nasunog na hotdog. Ako rin ang uminom ng coffee at juice na pinasarap ko nang tondo ang pagtimpla para sa kaniya.If he can't appreciate my efforts, then I will.Hirap na hirap ako
Dianne's POVNAGISING ako sa loob ng kuwarto na hindi pamilyar sa akin. Nakapaligid ang mga doctor at nurse at may sinasabi silang hindi ko maintindihan. Mahina pa rin ang katawan at paghinga ko kaya kinailangan akong lagyan ng oxygen.Muli akong nawalan ng malay. Sa muli kong paggising, tanging si Eros na lang ang kasama ko sa loob ng kuwarto."Gising ka na?"Ngumiti ako nang hindi abot sa mga mata. "Disappointed ka ba?"Sumama agad ang mukha niya sa sinabi ko. Akala ko, mamamatay na ako. Akala ko nga, mukha ni San Pedro ang bubungad sa akin ngayon. Pero ang guwapong mukha pa rin ng asawa ko ang nakita ko. Masaya na sana... kung hindi ko lang alam na dismayado siya dahil buhay pa rin ako."Buong araw kang walang malay, buong araw rin akong naghintay sa labas. Puwede ka na bang iwan ngayon?""Naghintay ka?" Ngumiti ako. "Nang dahil ba kay daddy? Inutos niya?""Ano pa ba?"Humugot ako ng hangin at pumikit. Of course, hindi naman siya magtatyagang bantayan ako kung hindi inutos ni Daddy
Dianne's POVILANG beses na akong nakatulog at nagising, pero nasa loob pa rin ng kuwarto si Eros. Nakaupo ito sa malaking sofa na nasa tabi ng valcony at natutulog.Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. He's really here. Nakabantay ba talaga siya sa akin? Akala ko kasi, kahit takutin pa siya ni Daddy, aalis pa rin siya for work.Gusto ko sanang tumayo para lapitan siya. Gusto kong maramdaman ang pisngi niya sa palad ko. Sinubukan kong bumangon, pero nanghihina pa rin ang katawan ko. Nagkasya na lang tuloy ako sa pagtitig sa kaniya.Sa pangalawang araw na nagising ako, paulit-ulit na pinagtatapik ni Eros ang pisngi ko. Wala man lang pag-ingat. Pero natuwa ako nang makitang nakahanda na ang tray ng mga pagkain sa harap ko."I-ikaw ba ang nagluto nito?"Nakangiti kong tiningnan isa-isa ang mga niluto niya. Bacon, toast bread with butter, pancakes and blueberries. "Bakit may nakikita ka bang katulong sa pamamahay na ito? Ang hina ng utak."Sumimangot ako sa narinig. Parang